Chapter 15
Chapter 15
Franki
"Kiki matanong nga kita saan kaba ng galing nong araw na umalis ka?" Usisa sakin ni Diana ng dumating ako sa Mansyon nila. Ang kulit talaga ng babaeng to. Ilang ulit ko bang sasagot yung tanong niya. Na pa buntong hininga nalang talaga ako. Kung ako lang talaga ang masusunod ayokong malaman pa nila kung saan ako ng galing pero ayoko ring magsingungaling sa kanya at Sky kaya wala rin akong pagpipilian.
"Galing ako ng San Isedro." Maikling sagot ko sa tanong niya sakin. Tumango tango naman ito. "Anong ginawa mo don? Don't tell me hanggang ngayon doon mo parin hinahanap si Argel?" Tanong ulit niya.
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "What!?" Gulat niyang bulalas. "Kiki bakit don diba nga wala siya don. Pwede mo naman siyang hanapin sa ibang bayan dito sa batangas wag na don kasi wala kang makukuhang tamang sagot sa mha tao don. Hindi kaba talaga naniniwala sa lahat ng sinabi nami sayo at ng mga pulis?
"Sorry! Pero naniniwala talaga akong nandon siya at nakikilala siya ng mga tao don. Ang hindi ko lang maintindihan bakit parang natatakot lang silang magsalita. Hindi ko alam kung bakit sila ganon pero gagawin ko ang lahat malaman ko lang ang totoong nangyari kay Argel." Determinado kong sambit.
Hindi talaga ako titigil na hanapin siya at alamin ang totoong nangyari sa kanya. Nangako kami dati sa isa't-isa at hindi ko yon bibitawan. Ganon ko siya kamahal at alam kung ganon din siya sa akin.
"Mapapahamak ka sa ginagawa mo Kiki. Kahit kilan talaga mas inuuna mo parati ang ibang tao kesa sa sarili mo!" Inis na sambit ni Diana. "Sana naman minsan isipin mo rin ang sarili mo, wag parating ibang tao yung inuuna mo." Sambit nito.
"Hindi ako mapapahamak diba nga sabi mo sasamahan mo ko. Kaya alam kong hindi ako mapapano." Nakangiti kung sambit sa kanya. Sumimangot naman ito sakin.
Diana is a good friend alam kong hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari. Kaya mahal na mahal ko rin siya kahit na tupakin at masungit siya sometime.
___
Kiara
"Gino." Nakangiti kong bati kay Gino. "Anong sadya mo rito?" Tanong ko agad sa kanya.
Tumingin naman siya sakin ng masama. "Kailangan nating mag-usap Kiara." Seryosong sambit nito. Taas kilay ko naman siyang tinitigan.
"Look, Gino nag-uusap na tayo." Sagot ko sa kanya. "Anong ginawa mo kay Franki?" Sumbat niya sakin. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Maysado naman kayong dinadaga, Gino!" Tawang-tawa k9ng sambit. "Wag kayong mag-alala wala pa naman akong ginagawa sa kaya. Gusto n'yo bang may gawin ako?" Natatawa kong hamon ko sa kanya.
Galit na galit naman niya akong tinitigan. "Stop this nonsense Kiara! Wag na wag mong gagalawin si Franki may usapan kayo ni Diana so tuparin mo yon!!" Sigaw niya sakin.
"Wag na wag mo kung sinisigawan sa sarili kung pamamahay, Gino! Hindi mo pa nararanasan kung paano ako magalit." Galit ko ring banta sa kanya.
"Parehas lang tayo Kiara hindi mo rin alam kung paano ako kung magalit." Maydiing sambit nito sakin.
Ngumiti naman ako sa kanya. Anong akala niya matatakot ako sa kanya. Hindi n'ya alam kung anong kaya kung gawin at kung anong nagawa kona dati pa. Na pwede ko uling gawin ngayon. "Hindi ako natatakot sa kaya mong gawin Gino dahil mas malala pa dyan ang nagawa ko dati pa!" Sagot ko naman sa kanya. Nagawa ko nga ang bagay na yon dati at hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit yon ngayon. Lalona't pag-aari ko ang pinag-uusapan!!
"Kaya kung gawin ulit ang ginawa ko dati Gino at hinding-himdi ako magdadalawang isip na gawin yon ulit ngayon. Lalopa't pag-aari ko ang iniagaw sakin!" Sabi ko sa kanya sabay talikod.
Lahat nalang gustong agawin sakin ng magkaibigan na yon. Sisiguraduhin ko talagang magsisi sila na inagaw nila si Gino sakin. Hindi ko rin sila hahayaang agawin sakin ang asawa ko. Babawiin ko si Gino at hindi ko sila hahayaang makalapit man lang sa asawa ko.
Akin lang si Gino at Asawa ko!!!
"Kiara itigil mo na to. Wala namang ginawa sayong masama sina Diana at Franki kaya pakiusap tama na to." Habol niya sakin. Tumigil naman ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. Sasagot na sana ulit ako ng makita kung papasoknsa mansion ang asawa ko kaya naman iniwan ko na si Gino at sinalubong ko kaagad si Argel.
"Ang aga mo naman yatang umuwi?" Nakangiti kung tanong ko sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa noo saka saka humarap kay Gino. "Ang sabi kasi sakin ni Mang Banjo nandito raw si Gino." Sabi nito.
"Brad." Nakangiting bati rito ni Gino. "Kumusta?" Tanong pa nito.
Ngumiti naman rito ang asawa ko. "Oky lang masaya. Siya nga pala may alam kabang bilihan ng mga pataba?" Tanong rito ni Argel.
"Maiwan kona muna kayo magpapahanda lang akp ng makakain n'yo sa library na kayo mag-usap doon ko dadalhin ang pagkain n'yo." Nakangiti kung paalam sa asawa ko saka humarap kay Gino. "Hoy! Gino wag na wag mong tuturuan ng kalukuhan yang asawa ko!" Nakangiti kong banta sa kanya. Natawa naman ang asawa ko sa sinabi ko. Humalik naman ako sa asawa ko bilang paalam bilang paalam bago ako nagtungo ng kumedor.
"Manang pakihandaan nga po ng makakain sina Gino at Argel." Utos ko naman kay Manang Mae. "Pakibilisan n'yo lang para makakain na agad silang dalawa."
"Opo, Ma'am Kiara." Sagot naman nito saka nito tinawag ang iba pang katulong para tulungan itong maghanda ng makakain. Bahang naghahanda naman sila ng pagkain nina Gino pumunta naman ako sa isa pang kwarto dito sa bahay namin.
Kwarto kung saan naka tago ang isang cctv room. Parang hideout kona rin to lahay ng bahagi ng bahay nakikita ko rito. Ang kwartong ito ay hindi alam nina Gino at Argel. Isa lang ang cctv room na alam nila. Hindi ko sila hinhayaang makapunta rito. Akin lang ang lugar na to. Dito nakikita ako ang lahat ng kinikilos ng mga tao sa loob ng bahay ko. Bukod sa nakikita ko sila naririnig ko rin ang kanilang mga pinag-uusapan kagaya ng pinag-uusapan ngayon nina Gino at ng asawa ko.
"Wag kanang mag-abala pang bayaran ako sa mga patabang ibibigay ko sa inyo. Alam mo namang parang magkaanak narin tayo. Lalo na si Kiara para ko na ring kapatid yon. Kahit napaka ng asawa mo alam kung mahal na mahal ka non at kaya niyang gawin amg lahat para sayo. Nakakatakot na nga ang pagmamahal niya sayo." Natatawang biro ni Gino sa Asawa ko.
Natawa rin naman si Argel sa sinabi nito. "Maraming salamat talaga malaking tulong to sakin at sa mga pananim namin." Masayang pasasalamat ng asawa ko rito.
"Walang ano man para narin naman sa hacienda ang mga patabang ibibigay ko sa iyo. Gusto kong makatulong sayo at ng mga taong nagtatrabaho dito.
Hindi kona hinintay na matapos ang iba pang sasabihin ni Gino dahil nakita ko ng tapos na sina Manang Mae sa pagawa ng makakain nina Gino kaya naman nagmadali akong lumabas sa secret room ko saka sinalubong si Manamg Mae.
"Manang sasamahan kona po kayo sa paghatid ng pagkain nila." Sambit ko rito saka nauna ng naglakad papuntang library. "Manang ipatong n'yo na po ang pagkain dyan saka makakaalis na kayo, salamt." Sambit ko kina Manang Mae tumango naman ito sakin. "Love, nasaan si Gino?" Tanong ko.
"May tumawag lang sa kanya mahalaga siguro yon kaya sinagot niya na muna." Sagot naman nito. Lumapit naman ako sa kanya saka umupo sa tabi nito. "Kumusta naman ang pinag-usapan niyang dalawa?" Usisa ko sa kanya. "Sinabi ba n'ya kung saan siya nakakakuha ng mga pataba?" Tanong ko pa.
"Oo, sa isang kaibigan raw niya. Pero wag kang mag-aalala hindi na nating kailangang bumili ng pataba ngayong taon dahil bibigyan raw tayo ni Gino." Masayang balita nito sakin.
"Talaga mabuti naman kung ganon." Nakangiti ko sambit kung sambit habang hinahalik-halikan ang kanyang mga leeg. "God! I love you so much!" Daing ko habang naghahalikan na kaming dalawa. Wala akong pakialam kung maabutan man kaming dalawa ni Gino sa ganitong tagpo basta ang mahalaga sakin ang asawa ko.
___
Next..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top