Chapter 14

Chapter 14

Franki

"Mang Wealand." Tawag pansin ko rito. "Nako ma'am buti naka balik na po kayo. Kanina pa ho, tawag ng tawag si Ma'am Diana hinahanap na po kayo sakin." Aligagang sambit nito sakin.

"Pasensya na po kayo Mang Wealand kung natagalan akong naka balik. Naka salubong at kinausap ko pa kasi ang kaibigan ni Gino. Si Kiara Villa Franko ang may-ari nitong buong San Isedro.

"Kiara Villa Franko po!?" Gulat nitong sambit. Tumango naman ako rito. "Opo." Sagot ko.

"Nako buti at walang nangyaring masama sa inyo Ma'am kundi malalagot talaga ako kay, Ma'am Diana.

Ngumiti naman ako sa kanya napaka bait at napaka maalalahanin talaga nitong si Mang Wealand tulad rin siya ng kanyang pamilya na handa kaming protektahan kahit na anong mangyari. Ang swerte ko dahil hindi siya umalis. Hindi nila ako iniwan simula ng mamaya si mommy.

"Thank you, Mang Wealand sa pagaalala pero oky lang po ako. Wala naman siyang ginawa saking masama.: nakangiti kong sambit sa kanya.

___

Gabi na rin ng makauwi kami ni Mang Wealang sa hacienda. Pagod na pagod ako at sa sobrang pagod ko wala na akong ibang gustong gawin kundi ang mahiga sa kama ko at magpahinga.

"Saan ka ng galing?" Bungad sakin ni Diana. Nandito pa pala siya akala ko uuwi muna siya ng San Andres.

"Hindi ka tumuloy?" Takang tanong ko sa kanya. "Hindi! Ikaw saan ka ng galing at ginabi ka pa yata?" Tanong ulit niya sakin.

"Galing lang ako ng San Isedro." Sagot ko naman sa kanya. "At ano naman ang ginawa mo ron?" Usisa pa niya sakin.

Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya sakin. Alam kong maiinis siya o baka nga magalit pa kapag sinabi ko sa kanya na kaya ako nagpunta ng San Isedro ay para hanapin si Argel. Pero sa kabilang banda naman ayoko ng nagsisinungaling sa kanya kaya naman mas mabuti narin siguro na sabihin ko sa kanya ang totoo.

"Hinanap ko si Argel." Simpleng sagot ko sa tanong niya. "What!" Gulat na sabit nito.

"Look aaminin kona hindi ako naniniwala sa mga sinasabi sakin ng mga pulis. Impossible kasi e. Nakita ko! Nakita ko talaga si Argel kaya ayokong maniwala sa mga sinasabi nila. I'm sorry pero i don't believed them.

"Oky, fine kung ayaw mo talagang maniwala sa kanila. Let me help you, tayong dalawa ang maghahanap kay Argel. Ayoko ng parati nalang akong nag-aalala na baka may mangyari sayong hindi maganda gaya ng nangyari kay Tita Hasna. Ayokong mangyari sayo, ang nangyari sa kanya. Kaya sasama nako sa paghahanap kay Argel." Seryosong sambit ni Diana sakin.

"Diana, wag mong iisipin yon. Hindi mangyayari sakin ang nangyari kay Mommy. Kaya wag kanang mag-alala." Sambit ko sa kanya. Alam ko namang na trauma parin siya sa nangyari dati. Kahit ako naman pero kailangan kong harapin ang mundo ng walang takot para mabuhay ako. Kailangan ko ring maging matatag para sa mga taong umaasa sakin.

"Hindi ganon kadali yon para sakin. Lalo na at nakita ko kung paano namatay ang Tita Hasna. Kaya sasama ako sa ayaw at gusto mo. Hindi pwedeng parati kanalamg umaalis at si Mang Wealand lang ang kasama mo.

"Diana." Saway ko sa kanya. "Hindi Kiki napakarami na ng mga masasamang tao sa panahon ngayon. Kailangan nag-iingat karin. Kaya sasama ako." Giit nito sakin. Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang pamimilit sakin.

Wala rin naman akong magagawa kaya papayag nalang ako total siya naman kasama ko. "Oky, wala rin naman akong pagpipilian kasi pipilitin at pipilitin mo parin naman ako kaya payag nakong sumama ka.

"Good!" Masayang sambit nito. "Tama ka hindi karin naman mananalo sakin." Proud pa niyang sambit. "Pero seryoso talaga ako, ayokong may mangyari sayong masama. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag nawalan ako ng best friend!!" Seryosong sambit ni Diana.

___

Kiara

Paano nangyari to! Paano! Singungaling ka talaga Gino! Kahit kilan talaga singungaling ka! "Ma'am Kiara pasensya na po kayo pinaalis ko naman po agad yung babae kanina pero ayaw po n'yang umalis." Naka yukong sambit ni Mang Banjo.

"Sa susunod kasi Mang Banjo tawagan n'yo ako agad kapag nakita mo ang babaing yon na pakalat-kalat dito sa hacienda." Galit na galit kong bilin rito.

"Oho!" Sagot naman. "Umalis kana at hanapin ang asawa ko pauwiin muna siya kaagad bago pa siya makita ng babaing yon!" Utus ko sa kanya.

Hindi ako papayag na maagaw sakin ng babaeng mukhang berhin na yon ang asawa ko! Akin lang ang asawa ko! Akin lang. Inagaw na nila sakin si Gino hindi ako papayag na pati ang asawa ko maagaw rin nila sakin. Hindi!

Kailangan kong makausap ang si Gino. Ang kapal ng mukha ng babae niya na makipag kasundo sa akin pagkatapos makikita ko rin naman pala ang mukhang berhin niyang kaibigan sa labas pa mismo ng hacienda. Paano nalang kong si Argel ang napadaan don. Hindi pwede!

"Hello? Hello, kiakia?" Sagot ni Gino sa kabilang linya. Agad nang kumulo ang dugo ko ng matinig ko ang busis niya.

"Sinungaling ka talaga Gino! Kayo ng babae mo mga sinungaling kayo hindi kayo marunong tumupad ng pangako at pinagkasunduan!" Sigaw ko sa kanya.

Ayoko talaga sa mga taong mahilig mangako pero hindi naman marunong tumupad ng pangako. Tulad ni Gino nangako siya sakin nong mga bata pa kami pero simula ng dumating yung Diana na yon sa buhay niya parang hangin nalang ang lahat ng pangako niyang binitwan sakin. Singungaling talaga siya. Nagiging ganyan siya ng dahil sa Diana na yon. Ano ba kasi ang meron sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo Kiara?" Nagtatakang tanong niya sakin. Ang galing hindi talaga nila alam ang ginawa ng agala nila ano ba kasi ang ginagawa nila at hindi nila nabantayan ang babaing mukhang berhin!

"Ano ba kasi ang ginagawa o at ng Ex mo at hindi n'yo man lang nabantayan yung alaga n'yo!? FYI Gino nagpunta lang naman dito sa hacienda ang alaga nyo!" Sigaw ko ulit sa kanya sabay baba ng tawag.

Malalagot ka talaga sakin Gino kayo ng Babae mo magbabayad kayo sakin oras na maagaw saking ng mukhang berhin na yon ang asawa ko.

Magbabayad kayo!

___

Next..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top