Chapter 13
Chapter 13
Franki
"Magandang hapon po." Bati ko sa lalaking lumapit sakin. Siguro dito ito nagtatrabaho.
"Sino po sila?" Tanong nito sakin.
"Ako nga po pala si Franki, meron lang po sana akong itatanong sa inyo." Naka ngiting Sambit ko naman sa kanya.
"Ano ho yon?" Seryosong tanong naman nito sakin. Grave ang serious naman nitong si Manong.
"Taga rito ho ba kayo?" Tanong ko. Tumango naman ito
"Opo. Bakit po?"
"Nakikita n'yo po ba ang taong ito na rito sa Rancho nyo?" Tanong ko sa kanya saka pinakita ang litrato naming dalawa ni Argel nong nasa bahay kami nina Diana.
Mukhang nagulat naman si Manong ng makita niya ang picture namin ni Argel. "Nakita n'yo na po ba siya rito, Manong?" Tanong ko sa kanya.
"Opp-oo?" Titig na titig namang na patingin siya sakin.
"Kilala n'yo po ba siya?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Yan po? Hi-indi po! Hindi!." Umiiling-iling na sagot niya sakin. Nagtataka naman ako na patitig sa kanya. Bakit parang nagsisinungaling ito sakin.
"Sigurado po kayo?" Tanong ko ulit Kay Manong. Sumunod-sunod naman itong tumango." Hindi ko po talaga siya kilala kaya pwede na po kayong umalis." Sambit naman nito sakin saka nagmamadaling umalis.
"Manong..." Tawag ko sa kanya. Tumigil naman ito pero hindi na ito humarap pa sakin. "Umalis na po kayo. Matagal na po ako ng naka tira at nagtatrabaho po rito at kahit kilan hindi ko pa nakikita ang lalaking iyan na gumawi rito samin. Marami pa po along gagawin kaya makakaalis na po kayo." Sambit niya saka tuloy-tuloy ng umalis. Napatitig nalang ako rito tingin ko talaga meron siyang tinatago. Parang kilala nito so Argel. Parang gulat na gulat siya ng makita ang larawan nito kanina. Siguro may alam ito kong nasaan ba talaga di Argel. Kailangan kong bantayan ang lalaking yon. Baka may alam siya o baka kilala niya si Argel.
Pero kong kilala nga niya ito bakit naman niya sasabihin sakin na hindi pa niya ito nakikita kahit kilan! Naguguluhan ako pero ito na yung hinihintay ko baka sakaling dahil sa kanya naghahanap kona si Argel.
"Ma'am aalis na po ba tayo?" Tanong asking ng trycle driver na kasama ko. Tumango naman ako. "Sige po, Manong."
Pasakay na sana ako ulit ng trycle ng biglang may dumating na sasakyan. Tumigil ito at bumaba ang sakay nito. Isang babaeng maganda at mukhang taga rito ito sa rancho baka ito ang may-ari.
"Anong ginagawa mo rito, Salvador? Madilim na tanong nito sakin.
"You know me?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin. "Of course sino ba naman ang hindi diba?" Sabi nito sakin. "Kilalang-kilala kita diba bestfriend ka ng ex ni Gino?" Taas kilay na sambit niya sakin.
"Ikaw si Kiara?" Gulat na tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. "Nice meeting you." Nakangiti kong abot ng akong Kamau sa kanya. Nakipag kamay naman siya sakin.
"Same." Nakangiting Sambit niya. "Ano nga pa ang sadya mo rito sa territory ko?" Tanong niya sakin.
"Ah, meron kasi akong hinahanap baka nakita muna siya?" Abot ko sa kanya ng picture namin ni Argel.
Tinanggap naman niya ito saka taas kilay na tinitigan ito. "Sino to?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Boyfriend ko." Sagot ko sa kanya.
"Talaga ang pogi naman niya." Manghang sambit nito. "Thank you." Sambit ko.
"Baka naman nakita muna siya dati o baka nakikilala mo siya." Sabi ko sa kanya.
"Hindi e. Parang ngayon ko nga lang siya nakita. Nako kong dati ko pa yan nakita o nakilala baka inagaw kona siya sa iyo." Natatawang nito niya sakin. "Joke!" Sambit pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya. "Joke."
"Pasensya kana sa abala ha. Sige Maina na kami kasi babalik pa ako sa bayan nandon kasi yung driver at sasakyan ko." Paalam ko sa kanya.
"Ano kaba anytime pwede lang lumapit at manghingi ng tulong sakin." Sabi nito. "Bye the way akin na to ha. Ipatatanong ko sa mga tauhan ko rito sa Rancho baka nakikilala o nakita na nila tong boyfriend mo." Sambit pa niya.
"Talaga." Masayang tanong ko sa kanya. "Oo naman para saan pang naging kaibigan ako ni Gino diba. Saka balita ko mabait ka naman daw sa kanya kaya tutulongan nalang kita." Sabi niya.
Masaya ko namang siyang niyakap. "Thank you." Sambit ko. "No problem." Sagot niya.
"Thank you, talaga malaking tulong sakin ang gagawin mo. " Nakangiti kong sambit.
"Masaya akong kong matutulongan kitang mahanap siya. Pero teka bakit mo ba siya hinahanap? Nawala ba siya?" Takang tanong nito sakin.
"Actually hindi ko alam kong nawawala ba talaga siya." Sagot ko sa kanya.
"Paano ng hindi mo alam? Bakit mo pa siya hinahanap kong di ka naman pala siguradong nawawala siya." Patanong na sambit nito sakin.
Bakit nga ba? Kasi mahal ko siya at naniniwala akong hindi niya ako iniwan. Nawawala lang siya pero hindi niya ako iniwan.
"Mabahang kwento basta naniniwala akong nawawala siya." Malungkot kong sagot sa kanya.
"Ganon ba siya next time mo nalang ikwento sakin. Kapag meron na tayong time." Biro niya sakin.
"Thank you!" Sambit ko. "Mauna na ako maraming salamat, ulit." Sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sakin.
"Franki!"
"Yes?" Tanong ko.
Tinitigan muna niya ako saka nagtanong. "Sa mundong punong-puno ng kasinungalingan kanino kaba dapat maniniwala?" Naguluhan naman ako sa tanong niya. Kanino nga ba? Sa family or friends siguro.
"Sa pamilya at kaibigan." Alanganing sagot ko naman sa kanya. Ngunit naman siya sakin. "Thank you!" Sambit niya.
Nginitian ko naman siya saka sumakay sa trycle na inupahan ko kanina.
"Manong balik na po tayo sa bayan." Utos ko naman kay Manong. Sumilip pa ako sa may pinto ng trycle bago ito tuluyang umalis. Kumaway naman sakin si Kiara. "Thank you!" Kumakaway na paalam ko sa kanya.
Mabait naman pala siya ang akala ko kasi masungit siya. Sa pagkakaalam ko kasi ayaw na ayaw nito kay Diana para kay Gino dati. Siguro ganon lang talaga siya kasi hindi naman niya kami nakilala talaga ni Diana dati.
Sana matulongan nga talaga niya akong mahanap na si Argel.
____
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top