Chapter 12


Chapter 12

Franki

"Mang Wealand!" Tawag ko sa kanya. Matagal na naming katiwala si Mang Wealand simula pa noong bata pa ako nagtatrabaho na ang kanyang mga magula sa lolo ko. Kaya naman maasahan talaga ito at ang buong pamilya niya.

"Ma'am Franki, ano hong sadya ninyo?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Pwede n'yo po ba akong samahang pumuntang San Isidro?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ho, Ma'am! Sandali po at aayosin ko laang yung gamit ko at yung sasakyan ho natin." Paalam niya sakin.

Gusto niyang pumunta ng San Isidro para malaman ang tunay na nangyari sa paghahanap nila kay Argel! Impossibleng hindi ito nakita ng mga tao roon. Paano nangyari iyon? Impossible talaga dahil nakita niya ito nasa harapan niya ito mismo ng araw na yon. Kaya naman hindi siya titigil na hanapin ito.

Hindi siya titigil sa paghahanap rito lalopa't nakita niya ito mismo at alam niyang buhay ito. Hahanapin niya ito kahit saan mang sulok ng lugar ng San Isidro o kahit pa sa buong pilipinas mismo.

"Ma'am meron ho pala kayong bisita si Sir Gino ho!" Sambit ni Mang Wealand ng makalapit ito sa kanya.

Humarap naman ako kay Mang Wealand at kasama niya nga si Gino. Ngumiti naman ako rito. "Mauna na ho kayo sa sasakyan Mang Wealand susunod nalang ho ako."

"Gino, nabisita ka?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang sanang bisitahin si Diana." Naka ngiting sambit nito.

"Talaga?" Kinikilig na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Nandyan ba siya?" Tanong niya sakin. "Yeah! Nasa loob siya pero aalis yata sila ni sky mamaya uuwi sila sa San Andres." Sambit ko.

"Ganon ba." Sambit niya. "Pwede ko ba siyang kausapin?" Tanong niya sakin.

"Oo naman. Kung gusto niya rin." Natatawang sambit ko. Napakamot naman ng batok niya si Gino. Sige na puntahan mona siya don." Sambit ko.

"Thank you." Nakangiting sambit niya.

"Oh! Ayan na pala siya e. Dali kausapin muna." Aya ko sa kanya. Palapit kay Diana. Habang papalapit naman kami rito nakita ko namang subrang kunot ang noo nito kay Gino. Siguradong magsusungit na naman ito kay Gino.

Hanggang kilan kaya nito titiisin si Gino. Kitang-kita namang mahal siya nito at mahal rin nito si Diana pero hanggang ngayob hindi parin kayang magpatawad ni Diana. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat sa kanilang dalawa. Sana sa huli sila parin ang magkatuluyan.

Diana

"Gino!" Sambit ko ng makita ko siyang kausap si Kiki. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking to rito.

"Sweetheart!" Nakangiti nitong bungad nito ng makalapit sila sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kung tanobg sa kanya. "Sabi niya bibisitahin ka raw niya dahil meron siyang sasabihing importante sayo." Magiliw na sabat naman ni Kiki.

"Ano naman yon!?" Taas kilay kung tanong kay Gino.

"Pwede bang sa loob ko nalang sabihin sayo?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako. "Bakit pa sa loob kung pwede naman rito sa labas magkaharap naman na tayong dalawa."

"Importante kasi tong sasabihin ko sayo." Giit pa ni Gino. Alanganin naman akong tumingin sa kanya.

"Importate naman pala kaya sige na kausapin mona siya." Singit naman ni Kiki. "Sige na Gino mag-usap na kayong dalawa don sa may garden." Nakangiting sambit pa niya samin.

Tiningnan ko naman siya ng masama. Pero parang wala lang siyang paki bigla naman siyang umalis sa harap namin.

"Kiki, saan ka pupunta?" Awat ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin. "Mamamasyal lang." Nakangiting sagot niya.

Saan kaya ang punta ng babaeng yon? Baka mamaya makita na naman niya si Argel. Oras na magkita silang dalawa malaking problema na naman yon! Pero siguro naman tatalian na ni Kiara yung lalaking yon para di na gumala ulit. Hindi pwedeng magkita sila ni Argel! Ayokong masayang ang lahat ng laway ko ng nakipag-usap ako sa baliw na Kiarang yon!

"Hey!"

Pukaw sakin ni Gino. "Ano naman yung kailangan mo?" Singhal ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng batok niya. "Oh, ano na! Sagot!" Sabit ko. "Bahala ka nga dyan sa buhay mo." Inis kong sambit sabay walkout.

"Oy! Wait lang." Habol naman niya sakin.

__

Franki

"Mang Wealand, tara na po." Naka ngiti kong sambit kay Mang Wealand. Kailangang mas maaga kaming makarating don para naman hindi kami gabihin mamaya sa pag-uwi. Gusto ko talagang malaman ang totoong nangyari sa investigation ng mga police dahil hindi talaga ako naniniwalang walang nakakita sa kanya. Impossible yon dahil nakita ko mismo siya at nasa harapan ko pa kaya naman napaka imposible talaga ng sinasabi nilang lahat.

Ayoko maniwala sa kanilang lahat kaya naman ako nalang ang gagawa ng paraan para mahanap ko siya. Hindi ako susuko, hindi ko siya susukuan. Naniniwala akong nandito lang sya sa paligid ko. Pero hindi ko alam kung bakit ba ayaw niyang magpakita sakin? Bakit parang hindi niya ako nakikilala? "Ano bang nangyari sayo, Argel? Bakit parang hindi moko nakikilala?"  Bulong ko nalang sa hangin.

"Ma'am Franki, Oky lang po kayo?" Biglang tanong sakin ni Mang Wealand.

Tumango naman ako sa kanya. "Oky lang ako Mang Wealand, bat nyo po na tanong?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Umiiyak po kasi kayo Ma'am!" Sagot naman niya sakin.

Bigla ko namang hinawakan ang pisngi ko. Tama nga siya umiiyak nga ako. Mapait naman akong napangiti. Hanggang ngayon ganon parin yung epekto sakin ni Argel. Parati parin niya akong pinapaiyak ng hindi niya nalalaman.

"Oky lang po ako Mang Wealand pagod lang siguro ako." Sambit ko sabay punas saking pisngi na basang-basa ng aking mga hilam na luha.

Nag-aalalang tumango naman ito sakin. "Oky po Ma'am, malapit na po tayo." Sagot nito sakin.

Sana talaga mahanap kona si Argel para masagot na rin niya ang lahat ng katanungan ko sa kanya. Sa subrang rami ng mga tanong ko hindi ko alam kung anong mauuna kong itanong sa kanya oras na magkita ulit kaming dalawa. Gusto kong itanong kung "Kung oky lang ba siya?" , "Kung bakit bigla nalang siyang nawala ng walang paalam?" Gusto kong itanong sa kanya "Kung bakit niya nagawa sakin yon? Bakit niya ako pina asa saka niya ako iniwang nalang bigla!? Bakit niya nagawa yon sakin!?  Sa subrang dami ng tanong ko hindi ko alam kung makakapagsalita pa ba ako kung sakaling mahanap at makita ko nga siya.

___

Next ...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top