Chapter 11

Chapter 11

Gino

Nag-aalala naman akong lumabas ng kwarto para hanapin siya ng maka salubong ko si Manang Mae. "Manang Mae, nakita n'yo po ba yung babaeng kasama ko kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, Sir!" Sagot niya sakin. "Hinahanap niya po si Ma'am Kiara po. Kaya hinatid ko siya sa opisina ni Ma'am." Sambit nito.

"What!" Gulat kung sambit. Nag-aalala naman akong pumunta agad sa opisina ni Kiara ng maka salubong ko siya.

"Kia." Gulat kung sambit. Paanong nagising na agad siya? Sa lakas ng dosage ng gamot niya impossible namagigising siya agad.

"What!" Seryosong tanong niya sakin.

"Bakit gising ka?" Tanong ko sa kanya.

Tumatawa naman siyang tumingin sakin. "Tingin mo talaga iinumin ko yun!" Taas kilay na sambit niya.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Hindi mo ininum yun?" Gulat kong tanong.

"Hindi!" Sagot niya sakin. "Bakit ko naman iinumin yun kung alam kung meron kang pinapasok sa bahay ko ng hindi naman invited!" Galit nitong sambit.

"Alam mo, Gino hindi ako tanga! Saka lahat ng tao rito loyal sakin. Takot lang nilang mamatay." Natatawang sambit niya. "Ikaw lang naman ang hindi loyal sakin." Sumbat niya.

"Wag mong gagalawin si Diana, Kiara! Dahil ayokong kalimutang matalik kitang kaibigan." Sambit ko.

"Takot ka talagang mawala sayo ang babaeng yun no!" Naiiling sambit niya. "Hindi ko siya gagalawin kung wala siyang gagawin. Saka naisip ko rin yung sinabi mo kanina. Gusto kung subukan yang babae mo!" Seryoso niyang sambit.

"Tingnan natin kung totoo nga yung sinabi mo sakin. Sana totoo dahil kung hindi magkalimutan na tayong dalawa dahil papatayin ko sa harap mo mismo yang babae mo!" Banta niya sakin saka pumasok sa loob ng opisina niya.

"Sir Gino, sabi po pala ni Ma'am na sa guest room n'yo nalang daw po hintayin yung bisitang kasama n'yo." Nakayukong sambit sakin ng isang katulong ni Kiara.

Parang ayoko namang umalis sa labas ng opisina nito. Baka anong gawin niya kay Diana. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon.

___

Diana

Mayaman nga talaga yung asawa ni Argel. Ang talino talaga ng hayop na yon. Nang makita siya ng mas mayaman pa kay Franki bigla nalang niya itong iniwan at pinagpalit para lang sa pera. Ang galing n'ya ring pumili ng babae. Mukhang pera talaga!

"Sino ka at bakit gusto mo akong makausap?" Seryosong tanong niya sakin?

"I'm Diana Del Monte at your service." Naka ngiting pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Ano naman kailangan ng isang Del Monte sa kagaya ko?" Taas kilay na tanong naman nito sakin.

"Sa pagkakaalam ko mas may kailangan ka sakin kesa ako sa sayo." Sambit ko naman sa kanya.

Tiningnan naman niya ako ng masama saka tumawa ng malakas. "Ako? May kailangan sayo? Baka nakakalimutan mong nasaan na ang lahat ng wala sayo." Tuya naman niya sakin.

Ang taas rin ng tiwala ng babaeng to sa sarili niya. Ang kapal rin ng mukha ang sarap sampalin.

"Alam ko naman yon! Alam kong nasayo na nga ang lahat pero alam mo bang pwede kong kunin ang ng yan sayo sa isang iglap." Naka ngisi ko ring sagot sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sakin. Nasa tiritiryo kita pwede kitang ipapatay ng walang nakaka alam!" Galit na banta nito sakin.

Nginitian ko naman siya. "Chill! Actually hindi talaga ikaw yung pinunta ko dito! Yung asawa mo.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko sa kanya. "Anong kailangan mo sa asaw ko?" Alanganing tanong niya sakin.

"Wala naman pero meron akong suggestion sayo kung gusto mo talagang tumagal sayo yung asawa mo." Mongkahi ko sa kanya.

"Hindi ko kailangan yung suggestion mo! Mas mabuti pang umalis ka nalang sa pamamahay ko." Walang emosyong sambit nito.

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo naririnig ang sasabihin ko." Giit ko sa kanya.

"Anong sasabihin mo!" Galit na tanong niya sakin.

"Yung asawa mo kung ayaw mong mawala sayo itali mo sa katawan. Dahil baka paggising mo wala na siya sa tabi mo. May kilala pa naman akong taong kahit pa lumipas na ang halos limang taon patuloy parin niyang hinahanap yang asawa mo!

"Sino s'ya?" Tanong niya sakin.

"Bestfriend ko na pinakamamahal ng asawa mo!" Sagot ko naman sa kanya.

"Mahal! Gaano ka naman ka siguradong mas mahal siya ng asawa ko kesa sakin aber?" Taas kilay na tanong nito sakin.

"Ikaw? Gaano ka kasiguradong mahal ka nga ng asawa mo?" Balik na tanong ko sa kanya. Ngumisi naman ako ng hindi siya makasagot sa tanong ko.

"Alam mo hindi naman kita pipilitin kong ayaw mo at kung confident ka ngang mahal ka ng asawa mo. Edi sige wag mo siyang bantayan pero sana handa ka sa pwedeng mangyari pag nagkataon." Payo ko sa kanya. "Tandaan mo pinulot mo lang yung asawa mo ng maaksidente siya pero hindi mo siya tunay na pag-aari." Dagdag ko pa.

"Bakit mo to ginagawa kong kaibigan mo nga yung naghahanap sa asawa ko?" Biglang tanong niya sakin.

"Simple lang ayoko sa asawa mo para sa kaibigan ko. Sinaktan niya lang anhmg kaibigan ko at hindi ko hahayaang saktan niya muli ito." May diing sagot ko sa kanya.

"Kung ganon makakaalis kana, baka dumating na ying asawa ko. Ayokong magkita pa kauong dalawa." Pagpapaalis naman niya sakin.

"Parehas lang naman tayo ng gusto kaya sana econsider mo yung payo ko. Saka wag ang mag-alala aalis na naman talaga dahil wala rin akong balak na nakita pa siyang muli. Adios amega." Paalam ko naman sa kanya saka lumabas na ng opisina niya.

___

Franki

"Saan ka ng galing?" Tanong ko kay Diana kanina ko pa kasi siya hinahanap at tinatawag pero hindi siya sumasagot sa tawag ko.

"Dyan lang naman. Bakit may kailangan ka ba?" Tanong niya sakin.

"Wala naman pero gusto kitang ayaing kumain sa labas." Aya ko sa kanya.

"Aba kung libre ba naman bakit hindi diba." Nakangiting biro niya sakin.

"Oo naman." Naka ngiti ring sagot ko sa kanya. "So tara na?" Hila ko naman sa kanya palabas ng bahay.

"Wait saan mo naman balak kumain tayo?" Pigil niya sakin..

"Umm.. sa San Isedro sana." Sagot ko naman sa kanya.

"Ha? Bakit don sa iba nalang." Suhesyon naman niya.

"Pero don ko gusto eh." Giit ko pa.

"Wag na may alam akong lugar na merong mas masarap na pagkain." Sabi pa niya saka ako hinila. "Saka tawagan natin si Sky na sumunod siya satin doon." Sabi pa niya. Kaya wala na akong nagawa pumayag nalang rin ako na doon kami kumain sa lugar na gusto niyang kainan dahil para kasing tong bata si Diana mapilit talaga kaya naman pinagbigyan ko nalang.

___

Next

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top