Chapter 10

Chapter 10

Gino

Nakangiti naman akong lumabas sa guest room ng mansyon nina Kiara. Sigurado akong lagot talaga ako sa kanya mamaya pagbalik ko. Alam kung gigil na yon sakin ngayon ng dahil sa ninakawan ko siya ng halik.

Naka handa naman ako sa kanya. Oky lang sakin na bugbugin niya ako mamaya deserved ko naman yun. Hindi lang dahil sa ginawa kung pagnakaw ng halik sa kanya kundi ang pang-iiwan ko sa kanya ng dahil sa pangarap ko. Alam kung napaka laki ng  kasalanan ko sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para lang makuha muli ng loob niya. Para mahalin muli niya ako.

"Gino!" Gulat na sambit ni Kiara. "Anong ginagawa mo rito?" Usisa niya sakin.

Humarap naman ako sa kanya. "Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Nagtatanong naman siyang tumingin sakin. "Why?" Takang tanong niya.

"About, Argel!" Sambit ko.

Kunot noo siyang tumitig sakin. "Anong tungkol sa asawa ko?" Seryosong tanong niya.

"Basta hali kana sa office mo." Aya ko sa kanya sa opisina niya. Sumunod naman siya sakin.

"Anong tungkol sa asawa ko, Gino!?" Walang emosyong tanong nito.

Bumuntong hininga naman ako saka tumingin sa kanya ng diretso. "Alam na ng magpinsang Del Monte ang tunay na nangyari kay, Argel." Sagot ko naman sa kanya.

"How?" Galit na tanong niya sakin.

"Sinabi ko sa kanila." Sagot ko.

"Ano!" Gulat niyang sambit. "How dare you! Bakit mo ginawa yon ha?" Galit na galit niyang sumbat sakin.

Pinagsusuntok pa niya ako sa subrang galit niya. "Akala ko mapagkakatiwalaan kita! Pero hindi wala kang kwentang kaibigan." Nagwawalang sigaw niya sakin.

Pinigilan ko naman siya sa pagwawala niya. "Hey, Kia relax." Pilit kong pagpapakalma sa kanya. Pero parang mas lalo pa yata siyang nagalit sakin.

"Relax! Tingin mo makakapagrelax ako sa ginawa mo ha? You betrayed me!" Gigil niyang hagis sakin ng isang antique nilang vase.

Umiwas naman ako bigla para di ako matamaan ang kaso kinuha na naman niya yung isang vase at pati yung mug niya hinagis rin niya sakin. Doon ako tinamaan sa noo.

"Fuck!" Daing ko ng tamaan ako nito. "That's enough, Kia!" Pigil ko sa kanya. Pero inis parin siyang tumingin sakin.

"Hindi ko inakalang  kaya mong gawin to sakin." Sumbat niya sakin habang pilit na binabaklas ng kamay ko sa braso niya.

Inis ko naman siyang hinila pa upo sa sopa para makapag-usap kami ng maayos ng hindi siya nagwawala. Mas maganda narin nasa sopa siya baka mamaya kung ano naman ang madampot niya kapag nakatayo siya. Ang sakit pa naman ng vase na yon. Parang nahihilo na nga po.

"Look! Kia, i didn't betrayed you. Actually mas makakatulong sila sayo. Dahil tulad mo ayaw rin ni Diana n magkita pang muli sina Argel at Franki." Paliwanag ko sa kanya. Pero pilit parin niya ako sinusuntok. "Kiara, pwede bang kumalma ka muna." Pakiusap ko sa kanya.

"No! Hindi ko kailangan ng tulong nila o kahit na nino!" Sigaw niya sakin.

Umiiling naman akong binitawan siya. "Gaano ka sigurado hindi mo sila kailangan?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil kaya kung itago ang asawa ko ng hindi nanghihingi ng tulong mula sayo! Sa inyong lahat!" Duro n'ya pa sakin.

"Kiara, listen to me. Kailangan mo sila lalo na ngayong nakita ni Franki si Argel nong araw na pumunta si Franki at si Argel sa palengke ng San Isedro." Sambit ko sa kanya. "Sa nakita ni Franki, hindi siya titigil na hanapin si Argel. Hihintayin mo pa bang mahanap siya mismo ni Franki dito."

"Kaya kung patayin ang babaeng yun oras na pumunta siya rito sa lupain ko."  Gigil na sambit niya.

"Hindi mo siya kayang patayin, Kiara."

"At sino namang nagsabi sayong hindi!" Galit niyang tanong sakin.

"Dahil makakalaban mo ang buong angkan ng Del monte at Salvador pag nagkataon at hindi mo sila kakayaning mag isa. Pag nangyari yon baka pati si Argel mawala sayo mismo lalo na ngayong alam ni Diana Del Monte ang totoong nangyari kay Argel!" Banta ko sa kanya.

Masamang tingin naman ang pinukol niya sakin. "Kasalanan mo to! Kasalanan mo! Ikaw, ang nagsabi sa kanila. Wala kang kwentang kaibigan." Galit na galit niyang sigaw bahang sina sabunutan ang kanyang sarili.

"Kiara." Pigil ko sa kanyang ginagawa.

"Ikaw, kasalanan mo!" Duro niya sakin. "Kasalanan mo to..." Umiiyak ng sambit niya.

"Shhh.. I'm so sorry, Kia-kia." Alo ko naman sa kanya. "Sorry."

"Ayokong mawala sakin ang asawa ko." Parang batang sambit nito habang umiiyak. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Relax." Alo ko sa kanya. "Hindi mawawala si Argel, sayo. Gagawa tayo ng paraan." Sambit ko.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Umiiling nitong sambit.

"Hindi mawawala si Argel! Relax, oky." Sambit ko. "Dito kalang ha. Kukunin ko lang yung gamot mo." Bilin ko sa kanya. Agad ko naman kinuha ang gamot na iniinom nito sa drawer.

"Kia-kia, inumin mo to." Utos ko sa kanya. Agad naman niyang inabot at ininum ito. "Humiga kana muna dito at wag kamg lalabas baka mamaya makita ka pa ni Argel pagdumating siya." Sambit ko.

Tumango naman siya habang nakapikit ng ang kanyang mga mata tanda na umiipekto na ang gamot na ininum nito.

"Hay, Salamat!" Naka hinga naman ako nf maluwag ng makita ko siyang mahimbing ng natutulog. "Fuck!" Daing ko ng maramdaman ko ang kirot mg aking noo.

Hindi talaga dapat silang magkita ni Diana baka mamaya kung ano pa ang gawin niya rito. Pero paano ko naman sa sabihin kay Diana na hindi niyang pwedeng harapin si Kiara ng nakkikinig siya sakin. Matigas pa naman ang ulo ng babaeng yun. Hindi rin yon marunong makinig sakin.

Tinitigan ko naman ng mabuti si Kiara, bago lumabas ng opisina niya at saka pumunta ng kusina para kumuha ng gamot para gamutin ang noo kong dumudugo ng dahil narin sa pagbato sakin ng vase ni Kiara kanina.

"Diyos ko po, Sir Gino ang pong nangyari sa noo ninyo?" Gulat na tanong sakin ni Manang Mea.

"Wala po to Manang." Sagot ko sa kanya. "Pwede po bang pakikuha yung medkit n'yo gagamutin ko lang po tong sugat ko. Saka pakilinis narin po ng opisina ng Ma'am Kiara n'yo." Pakiusap ko naman sa kanya.

Agad ko namang ginamot ang sugat ko sa noo. Saka ako nagpunta sa guest roon para icheck si Diana kaso pagdating ko roon wala na siya.

"Diana." Tawag ko sa kanya. Tiningnan ko naman kung nasa cr ba ito pero wala.

__

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top