Chapter 1

Chapter 1

Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng kanilang bahay ngunit tinatamad paring bumangon si Fanki. Nakahiga lang siya sa kanya higaan habang tinititigan ang mga litrato nilang dalawa ni Argel naka lagay sa gilid ng kanyang kama.

"Kilan kaba babalik?" Tanong niya sa hangin. Hanggang ngayon naghihintay parin siya sa pagbabalik ni Argel at umaasang tutuparin nito sa kanya ang huling salitang binitawan at ipinangako nito sa kanya.

Umaasa siyang babalik parin ito kahit halos limang taon na ang nakaraan simula nong huli niya itong nakita at nakasama. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung bakit bigla nalang itong hindi nagpapakita sa kanya. Lahat ng tawag at text niya rito ay wala s'yang sagot na nakukuha. Lahat ginawa na niya para makita at mahanap ito pero wala. Wala siyang na pala kahit mga pulis walang lead sa paghahanap rito. Hindi na n'ya alam ang kanyang gagawin. Kung saan pa ba niya ito dapat hanapin.

Pero kahit pa nakakapagod maghintay. Hihintayin parin niya ito. Kahit pa mga pang habang buhay siyang maghintay rito. Ganon niya ito kamahal.

"Franki..."

"Hoy!" Sigaw ni Diana sakin. "Ano na lutang na naman tayo?" Inis na sambit nito.

"Sorry." Sambit ko.

"Ano kaba naman Girl! Hanggang kilan ka naman magiging ganyan ha?" Litanya niya. "Anong petsa na? Hanggang ngayon maghihintay ka parin at umaasang babalik pa yung lalaking yon?" Turan niya sakin.

"Babalik s'ya." Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Talaga lang ha! Eh, limang taon na. Nasan na siya kung babalik ba talaga siya dapat noon pa. Pero girl ang tagal-tagal n'yang hindi nagpapakita s'yo. Siguro naman pwede kanang magmove-on diba?" Inis na singhal niya sakin. Umiling naman ako. "Hindi! Hindi pwede at ayoko! Nangako s'ya at pang hahawakan ko yon." Sambit ko saka lumabas ng kwarto.

Hindi ko pwedeng kakimutan si Argel. Mahal na mahal ko s'ya at naniniwala akong mahal rin niya ako. Panghahawakan ko ng lahat ng pwede kong panghawakan na babalik pa siya at tutuparin pa n'ya yung lahat ng pinangako niya sakin.

__

Next


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top