PROLOGUE

Prologo

He cares for me, I do care for him too. He cherished me, I do, as well.

He promised to love me til death will do us apart, I promised him that, too.

He lay his life on me and so do I.

He promised me a marry.

I'm his life and he was my life... until one mistake that scattered all his promised and my promised. A mistake that cannot be undone.

Him and me is like a color black and white, paper and pencil tow different things, but we compliment each other; we do suit to each other. We are like the yin and yang. He is poor, I am rich. And this is our love story.

***

I'm delighted to open the door because I have something for Grey. I finally got us a ticket for Paris, France, our dream destination. Matagal ko itong pinag-ipunan at pinaghandaan. Finally, ngayon ay matutupad na iyon at sa mismong birthday ko pa talaga.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto naming dalawa at natagpuan ko si Grey na nakaupo sa gilid ng kama at nakahawak sa ulo niya ang dalawang kamay niya.

Tinago ko sa likuran ko ang ticket na nabili ko with the help of our dear friend Julie and Josh, ang suportadong-suportado naming kaibigan. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nag-iwan ako ng distansya sa aming dalawa at pumwesto ako sa harapan niya na nasa tamang layo din. Pero parang hindi niya man lang ako namalayang nakapasok sa kwarto at ngayon ay nasa harapan na niya ako.

I burst a one blow before opening my mouth and speak. "Babe," ako.

I was taken aback when he look up and saw his bloodshot eyes. He look like he's been crying before I enter the room. There was a long paused before I can even open my mouth again.

"W-what happened to you Grey?"

Kumurap-kurap siya na parang ngayon lang siya nagising sa tanong ko. Parang gulat siyang nakita niya ako sa harapan niya. Parang ngayon niya lang napagtanto na nasa harapan niya ako.

Pinahid niya ang mga luha sa mukha at humihingos siya. Hindi ako makalapit sa kanya dahil di ko alam kung bakit siya umiiyak at may dala pa naman akong sorpresa sa kanya.

"B-babe kanina ka pa ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya habang nasa likuran ko pa rin ang kamay ko at hawak-hawak ang tickets.

"Babe bakit ka umiiyak? May nangyari ba? May problema ka ba sa trabaho? Sa mga ka-trabaho mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Gusto ko na tuloy umupo sa tabi niya.

Lumunok siya at inihilamos niya ang dalawang kamay niya sa mukha niya. Frustrate na frustrate siya. Yumuko siya.

"Can you sit here, Kale?" Ani at tinapik ang tabi niya.

"A-ano dito lang ako, Grey."

"Okay," tumango siya at tumingin sa akin.

"May sasabihin ka ba, Grey? May sasabihin din kasi ako." Ani ko sa kanya at pinasigla ko ang boses. Nakikita ko kasi sa mata niya na may gusto siyang sabihin sa akin.

Tumango na naman siya. "May sasabihin ako pero ikaw na ang mauna."

Umiling ako at muling nabuhayan ang loob ko. Medyo sumigla na rin kasi ang boses niya.

"Hindi ikaw na." Ngumiti ako sa kanya.

"You know that I don't like keeping a secret to you naman, diba, babe? And we promised to each na kahit na anong mangyari hindi tayo magsisekreto sa isa't isa."

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Grey. Why is he talking about our promises here. My heart started to pound.

Niyuko na niya naman ang ulo niya. "Babe, I'm sorry. I'm sorry I made a mistake." Aniya at tumaas-baba na naman ang balikat niya. Umiiyak siya. Gusto ko siyang lapitan pero di ko magawa. Gusto ko siyang aluin pero parang pinako na ang paa ko sa sahig.

"Grey." Usal ko.

"I'm so sorry, Kale. Nakabuntis ako. Nabuntis ko si Lori."

Nangatog ang mga binti ko at kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Para akong nabulunan sa narinig ko at di ako makapagsalita. Para ang sinuntok sa dibdib dahil sa sakit ng puso ko. At para akong sinakal sa leeg dahil nahihirapan akong huminga dahil sa balita sa akin ni Grey. Nakulot ang ticket sa kamay ko. Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko.

How? How did it happened? We've been living in one house for 5 years. Saan ako nagkulang sa relasyon namin? Hindi ba talaga ako naging sapat? Talagang naghanap ba siya nang babae dahil di ko siya kayang bigyan ng anak. I'm not barren yet I'm not capable of baring a child because I'm a man.

"K-kulang ba ako... kulang ba ako G-grey. Nagkulang ba ako G-grey. Alam mo na ang kalulangan ko. Alam mo na pero bakit..." lumunok ako dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. "Bakit mo ito sa akin Grey? Bakit?"

Hindi ko na magawang sumigaw dahil parang napapaos ako. Parang nauubos na ang luha ko. Ang sakit. Ang sakit. Bakit ganito? Five years. Five years of being in a relationship and even planning on getting married. Humagulhol ako sa iyak.

"B-babe..." tumayo siya at inabot ang balikat ko. Iniwas ko ang balikat ko sa kanya. Ayaw kong hawakan niya ako dahil hinang-hina na ako konting kalabit lang at sasalampak na ako sa paanan niya.

"Hindi mo ba naiwasan ang tentasyon?"

"I'm sorry."

Mas bumuhos ang luha ko sa sagot niya.

"Mali iyong tanong ko." ako at tumingin siya sa akin. "Sinubukan mo bang iwasan o nagpadala ka rin lang sa tukso?"

"Babe."

"Sagot." i demanded.

"I... I don't know, Kale. I don't know." Sagot niya sa akin saka yumuko ulit. Guilt'ing-guilty siya. Holyshit! Ang sakit na!

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ko na naman.

"Kailangan kong panagutan ang bata."

Mapait akong ngumiti at tumulo ang luha ko. Napapikit ako at tuluyan ko nang nagusot ang ticket sa kamay ko. Tinapon ko iyon sa sahig.

"So you'll marry her?"

"I don't want to... but I need to."

"So this is a goodbye? Do i need to speak the eulogy for my heart."

"I'm so sorry, Kale."

Pinalis ko ang luha ko. "May tanong ako." Saad ko at nagtagpo ang mata namin. "Mahal mo ba ako?"

"There's no need to ask that ques-"

"I need to! I need to dahil sa nagagawa mo! Nakwestyon ko ang pagmamahal mo sa akin dahil sa nagawa mo!" I pointed his chest, my voice is raising now.

"I love you. I love you, Kale... but I'm sorry."

_____
Thank you for reading.
Vote, comment and share this story to your friends. LABYO😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top