ENDLESS 6
Ika-anim na Kabanata
Kale Pov
Tulala ako habang naghihintay kung ano ang susunod na gagawin. Ang utak ko ay nandun pa rin sa long sleeve ni Grey. Nagta-trabaho si Grey. Isa siyang architect at alam ko na hindi talaga maiiwasan na marumihan ang suot niya. Pwede siyang matapunan ng nga kung ano-anong dumi. Katulad lang nang pintura. At iyong nakita ko sa long sleeve niya noong nakaraang araw ay... pwedeng pintura pero kung maniniwala akong pintura iyon. Niloloko ko lang din ang sarili ko.
Alam ko hindi iyon pintura. Lipstick iyon. Red lipstick! Alam ko naman na di magagawang lokohin ako ni Grey. Iyon ang huling gagawin niya sa akin sa mundong ito alam ko. Sigurado ako. Pero dahil sa nakita kong iyon. Lagi na ang natutulala at laging wala sa sarili. Pumapasok kasi iyon sa utak ko. Hindi ko naman matanong si Grey tungkol doon. Saka nasabi na niya sa akin na noong gabing iyon ay nadala lang siya kay Rico at inimbita daw sila ng director nila.
Kung may nagawa rin si Grey nang gabing iyon malabong hindi iyon sabihin sa akin ni Rico at ni Jacob. Kaya alam ko... sana... sana inosente si Grey.
Ayaw kong iniisipan ko siya nang masama. Nang ganito. I feel complacent because of Grey's afflection... but what if...
I shook my head in disagreeing with my own thoughts. I rake my hands on my hair. Napu-frustrate na ako sa kakaisip nito. I don't want to think about it ngunit kusa itong pumapasok.
"Alam niyo ba si Marvy nahuli ni Janica na may kalumpungang iba."
Ang utak ko ay nabaling sa mga kasamahan kong nag-uusap sa isang tabi. Napatingin ako sa relo ko dahil nakakapag-usap na sila nang malaya. Baka kasi makita sila nang manager at mapagalitan. Damay-damay pa naman ang lahat.
"Hala talaga?" Anang naman ng isa mga kasamahan namin dito.
Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila. Nakikinig lang ako. Well, medyo may kalakasan ang boses nila kaya hindi naman siguro ito consider na eavesdropping hindi ba? Sumulyap ako sa kanina na seryosong nag-chi-chismis sa kung sinong anak ni Eva at Adan.
"Oo, kasi si Marvy daw sabi ni Janica lagi na daw'ng gabi na kung umuwi at kapag sa umaga naman lagi nang maagang umaalis at sinasabing gagabihin dahil sa trabaho. Tapos alam niyo naman si Janica may pagka-paranoid iyon sa boyfriend niya kasi gwapo at habulin. At alam naman natin iyon na habulin talaga si Marvy hindi ba?" Tumango ang mga babaeng kasama niya bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Alam niyo ba kung ano ang ginawa ni Janica dahil sa pagiging paranoid niya?" Tanong niya.
"Ano? Wag ka ngang pa-supense masyado Brie." Reklamo nang isang nakikinig kay Brie. Si Brie iyong nagkukuwento sa kanila tungkol kay Marvy at Janica na di ko kilala. Siguro kaibigan nila iyon.
Hindi ko alam kung bakit ako nanatili dito sa pwesto ko at patuloy na nakikinig sa kanila kahit na wala naman akong kilala sa pinag-uusapan nila.
"Hmmp! Si Janica ini-s-stalk na niya ang sarili niyang boyfriend pero iyong pagiging paranoid ni Janica nagbunga naman kasi nahuli niya ang boyfriend niyang may kalumpungang iba sa isang restaurant." Ani ni Brie.
Natahimik silang lahat. "Tapos ano ang ginawa ni Janica?" Tanong ng isa sa mga kasama ni Brie.
Bumuntong hininga si Brie.
"Ayon sinugod niya. At alam mo ba si Marvy pa talaga ang may ganang sabihin kay Janica na maghiwalay na sila. Siya pa nga itong nagloko tapos siya pa ang may ganang makipag-break ang kapal din ng mukha." Galit niyang sagot. "Biruin niyo anim na taon ang relasyon nila pero ngayon pa talaga nagawang magloko ng isa sa kanila. Hindi talaga natin mambabase ang tibay ng isang relasyon dahil lang sa matagal na silang magkasama." Dagdag niya pa.
Sa di ko malaman na kadahilanan ay kumabog ang puso ko doon sa sinabi ni Brie. Iniwas ko ang mata ko sa kanila at umalis na lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero dinala ako nang mga paa ko sa rooftop. Mag-gagabi na. Papalubog na iyong araw. At nagsimula nang maging malamig ang simoy ng hangin.
I look at the towers near the hotel where I'm standing right now. It seems na sobrang tahimik doon ang mga sasakyan, bahay at kung ano-ano pang mga establishments na nakatayo sa ibaba ay parang ang tahimik. Ang tahimik tingnan no'n galing dito sa itaas.
"Hah!" Bumuga ako nang isang malalim na hininga.
Umupo ako sa semento at tumingin doon sa papalubog na araw. Pumasok sa isip ko iyong narinig ko kanina sa mga kasamahan ko. Iyong pinag-uusapan nilang Janica at Marvy ay anim na taon ang relasyon pero nagawa pang magloko nang isa. Tapos babae at lalaki pa sila.
Yumuko ako. Ano na lang kung kami ni Grey? What if dumating ang araw na... lokohin din ako ni Grey. Paano kung darating ang araw na isa sa amin ni Grey mapagod na. Paano kung darating ang isang araw kailangan nang bumitiw nang isa sa amin.
Galit kong ginulo ang buhok ko dahil sa naiisip ko. Itong utak ko ay nag-iisip na nang ganito dahil lang talaga sa lipstick stain na iyon. Puta kasi! Bakit nasa collar iyon? Kung magbi-beso sa pisngi naman iyon diba? Bakit nasa collar iyon! Halatang sa leeg at babae talaga ang may gawa no'n.
"Hoy! Kale!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Julie na hinihingal malapit sa pintuan.
"Julie."ani ko.
"Gaga ka! Alam mo bang halos nilibot ko na ang buong hotel." Sigaw niya sa akin at lumapit sa pwesto ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Aniya nang makalapit siya. Nakatayo siya sa tabi ko habang nakatingin sa papalubog na na araw.
"Hmm, uuwi na rin." sagot ko sa kanya at nakatingin rin sa araw.
"May problema ka ba Kale?" Tanong niya sa akin mayamaya. Napatingala ako sa kanya.
Seryoso ang mukha niyang nakatingin lang sa harapan namin. Binaling ko ang mata ko sa mga gusali sa harapan namin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Julie o hindi. Talagang sinasarili ko lang kasi itong kaisipan kung ito.
"Alam mo Kale. Napapansin ko ang pagiging wala mo sa sarili nitong mga nakaraang araw. Kaya gusto kung malaman kung may bumabagabag ba sayo. Concern lang ako sa kaibigan ko." Wika niya.
"Julie... ano kasi. May nakita akong lipstick stain sa collar ng long sleeve ni Grey." Mahina kong saad.
"Ano? Lipstick? Paano nagkaroon ng lipstick doon? Hindi na naman nagl-lipstick, 'no?"
"Tssk! Oo naman hindi. Kaya nga iniisip ko kung saan galing iyon."
Sandaling natahimik si Julie.
"Kompruntahin mo kaya si Grey, Kale. Tanungin mo kung saan galing iyon."
"Ayaw ko. Natatakot ako Julie."
"Sige alam ko na ang gagawin natin akong bahala." Nakangiting saad ni Julie pero kinunutan ko lang siya sa noo ko.
Grey Pov
Days passed and I'm already at the edge of asking Kale, what the hell is going on. I asked him, he answers me. I talked to him, he responded but I knew. I knew too well that there's something going on.
I try to cuddle him when we are at home pero nagdadahilan siya. I want to kiss him but he evaded my attemps. And when we are sleeping he turn his back on me which is not the usual.
"I'm tired, Grey." This is what he always say when I try to cuddle him.
"It's too hot, Grey." This is what he say when I try to hug him
"I'm not feeling well. I feel like not doing it, Grey." That's what's he says when I try to kiss him.
It irritates the hell out of me. This is not the usual Kale. This is not my babe. Kale loves cuddling, he loves when I showered him kisses, he loves sleeping on my arms. But now hindi na niya lahat gusto iyon.
"Kale." I called him.
I'm following him in going to our room right now. Kakatapos lang namin na kumain at ngayon matutulog na kaagad siya. Normally, kapag tapos na kaming kumain nagkukumustahan kami kung ano-ano ang nangyayari sa trabaho namin. While I'm giving him a leg massage.
"Oh," maikling sagot niya sa akin saka dumiretso sa bathroom. Sinundan ko pa rin siya. Kumuha siya ng toothbrush at toothpaste and I did it too.
Hanggang sa nandidito na kami sa kama ay hindi... wala na kaming imikan. Nag-c-cellphone siya at ako naman at tinataponan siya ng tingin. Nakahilig siya sa headboard at di man lang ako tinitingnan.
Umupo ako sa binti niya at doon lang siya napatingin sa akin. "I love you, babe." I said.
"I love you, too." Saad niya at binalik ang mata sa cellphone niya.
Hindi na ako nakatiis at kinuha ko ang cellphone sa kamay niya at itinabi ko iyon.
"Grey!" Ani niya.
"Bakit ka ganito? Bakit ang lamig nang pakikitungo mo sa akin Kale? Hindi ko alam kung ano ang problema. Akala ko ba kung may problema tayo sa isa't isa ay sasabihin natin sa isa't isa kung ano iyon. Hindi iyong ganito tayo Kale." Wika ko.
Kinagat niya ang labi niya at umiwas ng tingin. Mas lumapit ako sa kanya.
"Sabihin mo Kale para hindi ako mabaliw sa kakaisip kung ano ang problema." Dagdag ko.
"W-wala namang problema." Mahina niyang saad na kina-ungol ko. Nagsisinungaling siya.
"You're lying Kale Gozon."
"H-hindi ko kasi alam. Hindi ko alam..." iling-iling na saad niya. "Hindi kasi ako pinapatahimik dahil sa... dahil sa nakita ko..." usal niya. I cupped his face. His eyes are turning red. He is about to burst. "Iyong... iyong nag-bar ka. Iyong matagal kang umuwi... kinabukasan n'on habang naglalaba ako. Nakita ko ang long sleeve mo na may lipstick stain."
"L-lipstick?" Tanong ko at pinakawalan ko ang mukha niya.
Saan? Saan ko naman galing ang lipstick na iyon? Fvck this.
"Oo, may pulang lipstick doon sa collar ng long sleeve mo."
"Baka naman pintura lang iyon, Kale." Puna ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. "Hindi. Lipstick nga. Lipstick."
"Fvck it. Di ko alam Kale. Hindi ko alam kung saan iyon galing. Kaya ba ganito ang pakikitungo mo sa akin dahil doon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, iniisip ko baka..." tumulo ang luha niya. Pero mabilis niya iyon pinunasan gamit ang kamay niya. "Baka may... may babae ka."
"Shît. That's not gonna happen Kale. Hindi ako mang-babae. I will never do that unless it's you."
Sinuntok niya ang dibdib ko. "Baliw."
"Pero maniwala ka Kale. Hindi ko talaga alam kung saan galing ang lipstick na iyon. Don't worry tatanungin ko si Rico. I'm tipsy that night."
"Talaga bang hindi mo alam baka niloloko mo ako, Grey Singh. Puputulin ko talaga ang alaga mo."
Napahawak ako doon. Lumunok ako. "Dâmn. I promise you Kale. Hindi ko talaga alam. Ikaw lang ang pwedeng humalik sa akin. Ikaw lang ang pwedeng humalik sa leeg ko."
"Pero saan naman iyon galing?" Muling tanong niya.
"Tatanungin ko si Rico baka pinagtripan ako n'on." Sabi ko sa kanya at niyakap siya. "Ayos na ba tayo? Hindi ko kaya na walang cuddle, halik at hindi ko rin kaya na tinatalikuran mo na ako Kale."
"Ako din naman di ko rin kaya."
Kale Pov
"Tama ba itong ginagawa natin, Julie? Tanong ko kay Julie habang nagtatago kami sa isang malaking halaman. Para kaming baliw dito na nagtatago. Iyong mga tao ay pinagtitinginan kaming dalawa. Nawiwirduhan sa ginagawa namin.
Kanina ay tumawag ako kay Grey kung nasaan siya at sabi niya may ay nasa isang coffee shop daw siya. Dahil may i-m-meet siya. Kaya ngayon ay nandidito kami sa kabila nang coffee shop at tinatanaw si Grey na mag-isa pa.
"Ano ka ba Kale walang mali basta para sa relasyon ninyo!" Parang detective na saad ni Julie. Naka-shades kaming dalawa at naka-hooded jacket kahit na sa taas ng araw. Pinagpapawisan na nga ako nang husto.
Pumasok kami sa isang tea shop na nasa gilid lang namin. Mula sa tea shop tanaw na tanaw namin di Grey mula sa kinauupuan namin. Umorder na rin kami ng tea nang wala sa oras. Gusto ko nang itigil itong ginagawa namin ni Julie. Hindi naman nagsinungaling sa akin si Grey na nasa isang coffee shop siya. Itong ginagawa ko ngayon ay parang wala na akong tiwala sa partner ko.
Saka sa limang taon na relasyon namin ngayon pa ba ako mawawalan ng tiwala sa kanya. Ngayon na ba ako mapa-paranoid. Dahil lang sa lipstick stain na iyon. Ang liit lang n'on. Ito pa ba ang ikakasira namin?
Bumuntong hininga ako at napagdesisyonang aalis na lang pero nang tatayo na sana ako ay humawak sa kamay ko si Julie at nginuso ang kinaroroonan ni Grey. Napatingin ako doon. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung sino ang dumating sa table ni Grey. Si Lori Lee Robrinson. Of course kilala ko si Lori. Siya ang anak ng chairman at siya ang director nila ni Grey.
Kumuyom ang kamao ko. Bakit sila magm-meet sa isang coffee shop? Di ba sila makakapag-meeting doon sa office nila? Saka meron namang restaurant at coffee shop, sa ilalim ng kompanya nila bakit dito pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top