ENDLESS 10
Ika-sampung Kabanata
Grey Pov
Nang maluto ang sopas na niluluto ko ay agad akong naghain para kay Kale. Matagal akong nakauwi ngayon dito sa condo namin dahil may pinuntahan kaming site ni Rico at Jacob. Malayo dito sa syudad kaya matagal kaming nakauwing tatlo.
Pagdating ko dito sa condo ay tahimik na dahil malalim na rin naman ang gabi at inaasahan ko nang tulog na ang boyfriend ko— fiance ko. Tama naman ako sa aking hinala ng pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong tulog si Kale at nakatulakbong sa kumot at ulo niya lang ang nakikita.
Naghubad ako ng damit saka pumasok sa cr upang makaligo muna. Nang matapos ko sa pagbibihis ko ay umakyat na ako sa kama— sa pwesto ko. Umusog ako upang yakapin si Kale at pagyakap ko sa kanya ay na nginginig siya at sobrang init ng katawan.
Mapaahon ako at inayos ko ang pagkakahiga ni Kale saka ko sinipat ang noo niya at umaapoy iyon sa init. Sa kabila ng pagod ko at sa kagustuhan kong magpahinga dahil sa mahabang araw ay di ako nakapagpahinga dahil sa init ni Kale. Binalot ko siya ng kumot.
"Babe." gising ko kay Kale na natutulog. Gusto ko siyang gisingin upang malaman ko kung nakainom na ba siya ng gamot o hindi pa.
Nagalit ako dahil di man lang nagtext sa akin na nilalagnat siya. Kung sana ay alam ko baka maaga akong nakauwi. Alam kong umulan kanina pero di ko naman maiisip na magpapaulan si Kale. October na rin kasi kay tag-ulan na talaga.
"Babe..." muling tawag ko kay Kale.
Gumalaw siya at unti-unti niyang binuka ang mata.
"A-ang lamig Grey." ani Kale.
Bumaba ako sa kama saka ko pinatay ang aircon ng kwarto namin. Pumunta ako sa gilid ni Kale.
"Babe nakakinom ka ba ng gamot?"
Nanghihinang umiling si Kale.
"Kumain ka na ba?"
Muli ay umiling si Kale sa akin.
"Magluluto lang ako saglit tapos iinom ka ng gamot, ha." ani ko sa kay Kale. Pumikit siya pero nakita ko ang pagsimangot niya. Napabuntonghininga ako. Mula pa man noon ayaw na talaga ni Kale ng gamot. Hindi rin kasi siya nakakalunok n'on. Di naman siguro sa hindi talaga, sadyang di lang siguro marunong si Kale na lumunok ng gamot. Kumakapit lang kasi ang tablet sa lalamunan niya.
Naalala ko noon ng minsan na rin siyang nagkalagnat ay pinainom ko siya ng gamot kaso dumikit lang ang paracetamol sa lalamunan niya. Ayaw din ni Kale sa mga gamot kasi napapaitan siya doon. Ngayon alam ko na kung paano ko siya papainumin kahit ayaw nito. Dinudurog ko na lang ang gamot saka pinapainum ko sa kanya.
Nilagay ko sa isang tray ay sopas, tubig at gamot na dinurog ko sa kwarto. Nang mailapag ko sa bedside table namin ang tray ay ginising ko si Kale at pipi akong nagpasalamat na agad siyang nagising. Binuhat ko siya at inusog ng konti upang makaupo ako sa tabi niya. Sinandal ko siya sa headboard. Napapapikit na siya sa antok at dahil na rin siguro sa init na nararamdaman niya.
Kinuha ko ang sopas saka ako na ang sumubo sa kanya dahil nanginginig ang kamay niya. Alam ko rin na di niya kayang sumubo ngayon. Ang isang bowl ng sopas na dala ay malapit ng maubos ni Kale.
"Busog na ako." si Kale.
Tumango ako at binaba ko na rin ang kutsara at tinabi ang sopas kinuha ko naman ngayon ang tubig at ang gamot na dinurog ko kanina habang naghihintay maluto ang sopas.
"Grey matulog ka na kaya ko na ang sarili ko." mahinang wika ni Kale.
"Hindi may lagnat ka." anas ko naman habang nilalagay ko ang durog na biogesic sa kutsara.
"M-may trabaho ka pa bukas babe."
"A-absent ako kapag di pa nawawala ang lagnat mo." sabi ko sa kanya. "Ito gamot." ako saka ko nilapit sa bibig niya ang kutsara na may gamot. Piningot niya ang ilong niya saka binuka ang bibig. Kapag naamoy niya kasi iyon ay naduduwal siya. Ako na rin ang nagpainom sa kanya ng tubig.
"Matulog ka na." pilit ni Kale sa akin habang inaayos ko ang kumot sa katawan niya.
"Babantayan kita."
"May pasok ka bukas tapos pupuyat ka pa ngayon." ani Kale sa mahinang boses. Kahit na ang hininga ni Kale at mainit.
Umupo ako sa gilid niya.
"A-absent nga ako kapag di pa baba ang init mo. At baka dalhin na rin kita sa ospital."
Iniling niya ang ulo niya.
"Tatawagan ko na lang si kuya na pumunta dito bukas para makapasok ka." anito.
"May opisinang tinitingnan si Inigo, babe." paalala ko sa kanya.
"Eh, si mama na lang."
"May convention si tita sa Cagayan, babe. Wag mo na ipilit pa. Ako ang mag-aalaga sayo. Matulog ka na."
Kita kong gusto pa niyang magprotesta sa akin kaso pumikit na lang siya. Niligpit ko ang dala ko doon sa kwarto namin saka ko iyon dinala sa kitchen at binasa ng tubig. Bukas ko na lang iyon huhugasan.
Bumalik ako sa kwarto namin at humiga ako sa tabi ni Kale. Kanina ay gusto-gusto ko na talagang matulog kaso lang nawala iyon ng maramdaman ko ang init ni Kale. Hindi ako makakatulog kapag talaga ganito. Kahit na noong college pa kami at nagsasama na kami sa iisang apartment. Kapag nilalagnat si Kale di talaga ako makakatulog. Iba kasi.
Isang beses noong nilagnat din ako ay inilagaan din ako ng husto ng Kale. Kaya ngayon na siya naman ang nilagnat ay aalagaan ko rin siya. Di naman ako madaling nilalagnat siya lang naman. Tsaka lam ko rin naman na iniisip lang niya ang trabaho ko. Kaya ganito siya.
Minu-minuto ko atang sinisipat ang noo ni Kale para malaman kung bumababa ba ang init niya.
Kinabukasan ay medyo bumaba na ang lagnat niya na kinahinga ko nang maluwag. Maaga akong bumaba sa kama upang magluto at ihanda ang mesa. Hindi rin naman ako nakatulog kakabantay kay Kale.
"Babe?" narinig ko ang nanginginig na boses ni Kale.
"Babe, nasa kusina ako!" sagot ko habang naghuhugas ng kamay ko.
Winisik ko ang kamay ko tiningnan kong ano ang kulang sa mesa. Napatango ako nang wala doon ang gamot para sa lagnat ni Kale. Umikot ako sa island counter at kinuha ko ang gamot na kinuha ko kanina sa medicine kit namin. Sinimulan ko na iyong durugin.
"Grey..." naingat ko ang ulo ko. Nakita ko si Kale na kakapasok lang sa kusina namin at nakabalot sa katawan niya ang makapal na kumot namin. Kita ko sa mukha ni Kale ang pagod. Tapos ang tamlay niya rin. Magulo ang buhok niya. "Anong oras na?" tanong niya sa akin.
Binaba ko ang mata ko. "Alas nuebe na."
"Di ka papasok?" nag-aalala niya pang tanong sa akin.
"Kale, aasahan mo bang papasok ako at maiwan ka dito na may lagnat?"
"Wala ka bang importanteng gagawin sa trabaho mo?"
"Tinawagan ko si Rico kanina at sinabi ko na di ako makakapasok. Saka si Julie tinawagan ko rin na di ka makakapasok kasi may lagnat ka."
Pumunta ulit ako sa hapag at ko siya pinaupo dahil nanatili siyang nakatayo sa tabi.
"Susubuan ba kita?" ako sa kanya. Mahina siyang umiling.
Tahimik kaming dalawa na kumakain. Ako ay naubos ko na ang pagkain ko ngunit si Kale ay di pa nangangalahati sa kanya. Ganito si Kale kapag nilalagnat. Ayaw kumain. Noong una pa ay pumunta si tita sa apartment namin dahil sinumbong ko siya nang di siya kumain. Nag-aalala kasi ako sa kanya kasi kailangan niyang uminom ng gamot tapos walang laman ang tiyan niya.
"Akin na ako ang susubo sayo."
Kinuha ko sa kamay niya ang kutsarang gamit niya. Nang dumantay ang kamay ko sa kanya ay ramdam ko ang mainit niyang temperatura.
Di naman siya nagreklamo at hinayaan akong subuan siya. Matagal bago niya naubos ang pagkain niya. Nang matapos ay sinabi ko sa kanya na magpahinga siya sa kwarto pero ayaw niya at gusto niya raw sa sala magpahinga.
Naglinis ako nang buong condo tapos ay naglaba ako sa iilan naming damit. Matapos kong magsumpay ay naligo na rin ako bago lumabas upang pumunta si Kale sa salas. Bukas ang TV at nakahiga siya patagilid sa sofa namin inunan niya ang kanyang braso.
Inangat ko ang braso niya kaya awtomatik siyang napatingin siya sa akin. Umupo ako sa may uluhan niya at pinaunan ko sa kanya ang hita ko. Sinamahan ko siya sa sala.
Mga bandang alas-kuatro na nang hapon nang magring ang phone ko habang nagsasaing ako. Kinuha ko ang phone ko na nasa counter at nakita kong tumatawag si Rico.
"Grey?" -Rico.
Sumandal ako sa island counter.
"Hmm." -ako.
"Bro tumawag sa akin si Ms. Robrison at nanduduon siya sa bahay niya na pina-renovate." kumpisal ni Rico sa akin.
"Tapos?"
"Dude nandidito ako sa Laguna ngayon." Sa Laguna may isang paaralan kasi pinapa-renovate ang library at kami rin ang nakuhang architect doon. "Dude gusto ni Ms. Robrison na tingnan ang bagong design natin para sa interior noong bahay. Kaso di ako makaalis dito. Pwede ba na ikaw na lang ang pumunta doon? Kasama mo naman si Engineer Alidun doon."
"Rico may lagnat si Kale."
Umungot si Rico.
"Si Julie dude pwede mo naman ibilin saglit si Kale sa kanya."
Wala akong magawa at tinapos ko ang pagsasaing saka ko tinawagan si Julie. Nagbihis ako sa kwarto at saka lumabas. Si Kale kasi ay nanatili lang sa sala mula kanina.
Bumuntong hininga ako saka nilapitan siya.
"Babe kailangan kong pumunta sa isang site. Gusto kasing makita ni Ms. Robrison ang bago naming design para sa bahay niya." sabi ko kay Kale.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Sige mag-iingat ka." aniya naman.
"Si Julie papunta na dito para tumingin sayo habang wala ako dito."
Nanlaki ang mata ni Kale.
"Babe, di mo na dapat pa inabala si Julie."
"Di ako makakaalis dito kung walang magtitingin sayo kaya mas mabuti nang nandidito si Julie kasama mo. Para na rin di ka mabagot."
Nang dumating si Julie ay naghanda na ako. Hahalikan ko na sana ang labi ni Kale ng iharang niya ang kamay niya sa bibig ko.
"May lagnat ako babe."
Umingos ako at nakontento na sa paghalik ko sa ulo Kale. Nagpaalam ako kay Julie at sinabi ko sa kanya ang kailangan na gawin.
"Sige na Grey alis na." pagtataboy ni Julie sa akin.
Paglabas ko sa condo ay nakiya ko na makulimlim ang langit. Mukhang uulan.
Una akong pumunta sa opisina upang kunin ang blueprint. Sabi ng isa mga kasamahan ko ay nauna na daw si Engineer Alidun dahil matagal akong dumating. Bumyahe ako nang mag-isa at sa dalawang oras na byahe ay nakarating ako sa bahay ni Ms. Robrison.
Tamang-tama na pagtungtong ko sa bahay ay bumuhos amg napakalakas na ulan.
Napabuntonghininga na lang ako.
"Architect." si Engineer Alidun ang sumalubong sa akin.
"Oh, Engineer pasensya na natagalan ako."
Tumango siya. "Ayos lang Architect magkasunod lang naman tayong dumating."
Ngayon naman ay ako ang napatango sa kanya. Sabay na kaming naglakad sa loob ng bahay. Kailangan kong makausap agad si Ms. Robrison at ipakita sa kanya itong blueprint. Ang lakas pa nang ulan sa labas. Nag-aalala tuloy ako king makakauwi ako ngayon.
Kinapa ko ang bulsa ko kung dala ko ba ang telepono kaso nakalimutan ko ata sa condo. Gusto ko sanang i-text si Julie na baka matagalan ako dahil sa ulan.
"Si Ms. Robrison pala Engineer, nasaan?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Nasa veranda sa ikatlong kwarto sa second floor." sagot niya sa akin. Bumaling siya saglit sa akin. "Mukha ka atang nagmamadali Architect."
"May lagnat kasi ang boyfriend ko Architect." sagot ko kay Engineer Alidun at nagsimula na kaming humakbang sa mahabang hagdanan paitaas.
"M-may boyfriend ka... Architect?"
Sandali ko siyang nilingon. "Oo, Engineer, limang taon na nga kami at engage na." nakangiti kong saad sa kanya na para bang proud ako at ipinagmamalaki ko iyon.
"W-wow! Congrats."
Nang makarating kami sa second floor ay alangan akong pumasok sa kwarto kung naasan ang tinutukoy ni Engineer na kinaroroonan ni Ms. Robrison.
"Hala! Mauna ka na Architect tatawagan ko pa pala ang mama ko na di ako makakauwi." ani Engineer.
Tumango ako sa kanya at nauna nang pumasok. Eksperto akong pumasok at nahanap ang veranda dahil alam ko naman ang pasikot-sikot sa buong bahay dahil isa ako sa Architect dito.
Natagpuan ko si Ms. Robrison sa veranda at nakatalikod siya sa gawi ko. Bukas lang ang sliding window na floor-to-ceiling. Kinatok ko ang table para makuha ko ang atensyon ni Ms. Robrison na nakapukos lang ang mata sa harap niya- sa ulan. Mabuti at napatungan ko ang tshirt ko ng makapal na jacket. Kaya di masyadong malamig.
"Oh! You're here."
"Magandang... gabi po Director."
She waved her hands. "You are too formal Grey. Just call me Lori."
"Pero Director-"
"We're outside the company." pagpuputol niya.
"Kliyente ka naman po namin dito..."
"I'd prefer you calling me by my name. So please do so." aniya at umupo na kami.
Sa table ay may heater tapos may alak din doon pero may tasa naman na may kape na umuusok pa.
"Direc— Lori, dala ko ngayon ang blueprint para makita n'yo po ang-"
Napatigil ako nang tumawa si Ms. Robrison.
"Bakit Lori?"
"Nagmamadali ka ba? Can we just chill for a bit? Look it's raining and we don't when it will stop."
Nilagay ko sa mesa ang blueprint. "Nagmamadali ako Director— Lori kasi may lagnat si Kale." anang ko at tumingin sa walang humay na pagpatak ng ulan.
Sinandal ko ang katawan ko upuan na gawa sa bakal.
"Do you think makakauwi ka rin sa panahon ngayon?"
"Titila rin naman siguro ito." tumingala ako sa madilim na kalangitan. Gabi na.
"You really love that boyfriend of yours, 'no?" binalingan ko siya na sumipsip doon sa wine glass.
"Fiance na Lori." pagtatama ko sa kanya.
Natamimi si Lori kaya binalik ko ang mata ko sa pumapatak na na ulan. Napapalingon din ako dahil masyado na atang natatagalan si Engineer Alidun.
"Lori, pwede ko naman ipakita sayo ang blueprint at kung may ipapa-"
"No, Grey, doon sa may entrance may ipapaiba lang ako doon dahil di ko gusto ang style n'on. But since umuulan di natin magagawa. So, stay still until the rain stop."
Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan siya. "Lori, gabi na. Akala ko ang design namin ang gusto mong makita."
"That too. Don't worry may mga ilaw naman." saad niya. Kinuha niya iyong wine saka nagsalin sa dalawang wine glass na bakante. Tapos dinagdagan din niya iyong sa kanya. "Mamaya na tayo mag-usap tungkol dyan. Let's talk... about your relationship with, Kale?"
Tumango ako nang dalawang beses. "What do you want to know?"
Inabot niya sa akin ang wine at tinanggap ko naman iyon. "Well, how did you start liking him? Or how did he court you? And so on." then she shrugged her shoulders and took a sip on his wine.
Sumipsip din ako sa wine na binigay niya. Kahit na nagtataka ako kung bakit gusto niya iyong malaman at sa kanila ng pagdadalawang isip ko ay napakwento na rin ako sa kanya. Tungkol sa amin ni Kale.
"Y-you fall for him first?"
Ngumiti ako. "Oo, nagdududa nga iyon noong una pero napa-oo ko naman."
"Have you ever like a woman, Grey?" mayamaya ay tanong niya.
Uminom na naman ako sa wine.
"Wala... may Kale na ako, Lori. Kontento na ako sa kanya. Siya lang sapat na."
Tinuka niya iyong buong laman nang wine niya. Kumapara sa ibang wine mukhang matapang pa naman itong iniinom namin.
"But girls can do something that a guy like Kale can't."
Napatitig ako sa wine ko bago inangat ang mukha ko. "Alam ko Lori. Alam na alam ko 'yan-"
"Then-"
"Pero kung di rin lang naman ang fiance ko wala naman akong pakialam dyan. Alam ko na hindi nabubuntis si Kale. Lalaki siya, e. Ngunit di naman iyon naging hadlang upang di ko siya mahalin. Mahal na mahal ko iyon kahit na iyakin iyon at seloso." napapangiti sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kale.
Naputol ang usapan namin ni Lori nang dumating si Engineer Alidun at sumali sa usapan namin. Ilang sandali ay humiram ako ng telepono kay Engineer Alidun upang matawagan ko si Kale na baka matagalan ako. Binigay naman ni Engineer ang telepono niya kaya minabuti kong lumabas ako doon para makapag-usap kami ni Kale.
Ilang minuto rin kaming nag-usap ni Kale bago kami nagpaalam sa isa't isa. At pagbalik ko doon ay medyo lasing na si Lori at namumula na ang mukha. Si Engineer naman ay ganoon din. Mukhang tinamaan na rin sa iniinom. Matapang talaga ang wine na iyon.
"Salamat." ani ko kay Engineer nang ibalik ko sa kanya ang telepono niya.
Tumango siya sa akin at bumalik naman ako aa kinauupuan ko kanina saka uminom sa tira kong wine kanina.
Ilang sandali pa ay nararamdaman ko na na bumibigat ang takip-mata ko. Naitungkod ko ang siko ko sa mesa at napahimas ako sa ulo ko dahil nahihilo ako kasabay ng pagbigat ng mata ko. Nararamdaman ko pa ang pagtapik-tapik ni Engineer sa balikat ko pati na rin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nilalabanan ko ang kaantukan ko pero sa huli ay nasikop pa rin ako nang kadiliman.
Kinabukasan ay nagising ako dahil masakit na sa balat ko ang sinag ng araw. Napatingin ako sa paligid ko at napabalikwas ako ng upo nang makita kong wala ako sa silid namin ni Kale. Napatingin din ako sa sarili ko na... tumambol ang puso ko. Parang nahulog ang puso ko nang wala akong saplot ni isa. May gumalaw sa tabi ko at nakita kong si Ms. Robrison iyon at lantad din ang katawan niyang nakadapa sa kama. Agad akong bumaba at pinulot ang damit ko na nagkalat sa sahig at dali-daling sinuot iyon. Pagkatapos ay umalis ako doon at bumyahe pauwi. Lutang ako. Lutang na lutang ako hindu ko nga alam kung papaano ako nakapasok sa condo namin at sinalubong ako ni Kale na nakapalibut sa katawan niya ang kumot namin na sumasayad sa sahig.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin saka tumakbo at niyakap ako. Napapikit ako nang maramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa bewang ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon na tumulo ang luha ko.
What have I done?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top