END

Salamat sa pagbabasa!
_______________________

Wakas







Kale Pov

From Manila to Boracay, and then to Palawan. Akala ko pa naman ay aalis kami ni Kuya Iñigo ng bansa. Akala ko noong sinabi niya na aalis kami ay sa US nila ako dadalhin since may bahay kami doon at pati na rin sa Rome pero nagkamali ako. Dito lang pala ako sa Pilipinas i-t-tour ni Kuya. Mama can't come with us kasi siya muna ang mamahala sa mga businesses na iniwan ni Kuya.

I didn't enjoy the places we've been to with Kuya. I don't have the right mind to adore and enjoy the place. I'm still in mourning, to be honest. I'm still hurt. My heart is still bleeding. My mind is still going haywire. My apathy hindered me from enjoying the beautiful places and scenery around na pinuntahan namin ni Kuya.

I know Kuya was just trying his utmost best to not scold me for my actions and behaviors. I know na iniintindi lang din niya ako kasi alam niya ang pinagdadaanan ko. Nasaktan na rin si Kuya Iñigo kagaya ko pero sa ibang paraan kami nasaktan. Nga lang pareho kami na nasaktan dahil sa taong mahal na mahal namin. Noon di ko pa siya masyadong naiintindihan at sinasamahan ko lang si Kuya. I can only lend Kuya my listening ears. I couldn't comfort him enough before. 



Ewan ko kung sinumpa ba talaga kami o ano pero magkakapareho kami, e. Si Mama iniwan ni Papa para sa ibang babae. Iniwan niya ang pamilya para sa ibang pamilya. Si Kuya naman may fiance na rin siya. Matagal na silang in a relationship at akala ko rin noon sila na talaga ni Kuya. Nakikita ko rin kasi sila na ang sweet sa isa't isa. Kagaya lang namin. Alagang-alaga nila ang isa't isa kaso sa araw mismo ng kasal nila di sumipot ang fiance ni Kuya. Ilang oras naghintay ang mga tao sa simbahan at aligaga ang lahat dahil wala pa rin ang bride at nagagalit na ang pare pero imbes na ang fiance ang dumating sa simbahan sa araw ng kasal ni Kuya isang liham ang dumating. It was a letter from Kuya's fiance na hindi niya kayang magpakasal kay kuya. Laman ng sulat na di niya kayang pakasalan ang kuya ko dahil nabuntis siya sa ibang lalaki.

Kuya Iñigo was very devastated. At first, hindi nga siya naniniwala doon. Nagsialisan na ang mga tao sa simbahan pero si Kuya nanatili lang sa simbahan at nagbabakasakali na dumating ang fiance niya kaso gumabi na lang at walang sumipot ni anino ng fiance ni kuya. That time pati ang sakit na naramdaman ni Kuya ay parang isang epidemniya. Pati ako ay nahawaan sa sakit na naramdaman ni Kuya. I was there when he was at his lowest and darkest days of my Kuya's life. He mourns. I mourn for him, too. 



"Kale get inside. It's already dark!" Napalingon ako sa boses ni Kuya na tumawag sa akin mula sa bahay namin. Nakadungaw siya doon sa bintana.

"Oo Kuya saglit lang!" sagot ko naman.

"Faster!" aniya.

Binalik ko ang mata ko sa araw na papalubog na at naghahalo na ang kulay kahel at itim na ulap sa langit at unti-unti na ding natatabunan nito ang araw. Nasa isang private island kami dito sa Palawan. Sobrang tahimik ng lugar at may diatansya ang nga kubo dito. Tapos sa malayong bahagi ng island ay may hotel. Di na kami nagcheck in ni Kuya doon since may maliit kaming rest house dito.



Umahon ako mula sa pagkakahilig ko doon sa puno ng niyog. Tumayo ako at pinagpag ang shorts ko. Ganito ako dito araw-araw. Natutulog ng maaga at nagigising ng tanghaling tapat. At lumalabas ng bahay namin kapag malapit ng lumubog ang araw. I'm very glad that I was able to live until now. I'm very glad that until now I'm still sane. I lived here without my phone, tablet, or any gadgets. Nanood kami ng television ni Kuya pero mga hollywood movies iyon. Hindi nga kami nanood ng national TV ni Kuya. And I know why kahit na di niya sabihin sa akin kung bakit.

I watched as the sun settled at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. I saw Kuya Iñigo preparing the table and the food he cooked for our dinner. I don't know how I will handle all of my hardships moving forward without Kuya. For the past few months, no a year, he's been with me with no complaints. He didn't leave me. And I'm glad I have a brother like him. A brother who loves me dearly and unconditionally. 

"Come Kale, let's eat and I have something to tell you." ani Kuya at hinubad ang suot niyang apron at nilagay doon sa island couter na nasa likuran niya.

Lumapit siya sa dinning table namin na 4-sitter. Lumapit din ako doon at umupo. Kumuha ako ng kanin at ulam at ganoon din ang ginawa ni Kuya.

"Kale, I have to go back to Manila tomorrow." panimula ni Kuya habang sumusubo.

Tumigil ako sa pagsubo ko at ngumuya. Nilamon ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita, "Hmm. Okay, Kuya. I can handle myself naman." saad ko.

Though it was the first time na iiwan ako ni Kuya Iñigo na mag-isa dito sa Island. Inaasahan ko na rin naman iyon kasi sobrang tagal na rin na di siya umuuwi doon at di naman mahahawakan ni Mama lahat ng negosyo kung magtatagal pa dito si Kuya.

Saka kuya can leave know na hindi nag-aalala sa akin kasi maayos na naman ako. I'm fine. I'm trying to be fine each and every day that passes. However, I haven't fully moved on from what happened in my relationship with Grey. At least I took a baby step every day towards this feeling. I can't hide the scars it left on me.It was a scar that could not be mended or covered by time, but I know I will learn to accept and embrace these scars without looking back at how I got them and who did it to me. 


"Take care, okay? I will leave my phone with you so that you can call me anytime." wika ni Kuya.

Binaba ko ang kobyertos ko saka nagsalin ako ng tubig at uminom. Pagkatapos kong uminom ay nilapag ko ang basa sa gilid ng plato ko at nagsalita. "Okay Kuya at mag-iingat ka sa byahe."

Nilapag ni Kuya ang kanyang kobyertos saka hinawakan ang kamay ko na nakahawak doon sa babasaging baso. Pinisil niya iyon at mahigpit na hinawakan.

"If you're fine, you can always go back to Manila Kale. We will not jail you on this island. Mama and I are just waiting for you to heal from what happened."

Ngumiti ako kay Kuya at tumango. "I know, Kuya. I know." But I am not able to go back there at the moment. 



Early, the next day may isang bangka na dumating na siyang magdadala kay Kuya sa sentro ng daungan kung saan naroroon ang yatch namin na maghahatid sa kanya sa syudad at doon ay sasakay na siya sa private plane rin namin.

Paalala nang paalala sa akin si Kuya tungkol sa pagkain ko sa tamang oras at ang pag-aalalaga ko daw sa sarili ko. Halos gusto na niya iyong ilista lahat ng paalala niya at ipaakil sa bahay para huwag ko raw makalimutan.

"You take good care of yourself, okay? Wala ako dito at mag-isa kang matutulog don't turn the light off para di ka matakot." Si kiya na para bang bata ako kung pagsabihan niya.

"Alam ko kuya kaya umalis kana naiinip na ang bangkero sa iyo." pagbibiro ko at sumulyap sa bangkero na nagtatagpo ang kilay. Hindi ko alam kung sa galit iyon o sa init ng araw.



"So? I paid them." pagrarason naman ni Kuya.

Isang yakap at halik sa ulo ko ang binigay ni Kuya bago siya sumakay doon sa bangka. Habang tinutulak ng bangkero ang bangka ay panay naman ang wasiwas ko sa kamay ko sa ere. Napailing na lang si Kuya sa ginagawa ko.

Sa pag-alis ni Kuya doon ako nakaramdam ng sobrang pag-iisa. Iyong ako lang sa bahay. Wala akong kasabay kumain. Wala akong katabi matulog. Walang nagluluto ng breakfast, lunch, at dinner. Sa pag-alis ni Kuya Iñigo doon ko napagtanto na niloloko ko lang pala ang sarili ko na ayos na ako. Na okay ako. Pinapaniwala ko lang ang sarili ko na ayos ako pero ang totoo naman hindi talaga. Gusto ko lang pala na ipakita kay Kuya na ayos ako para di sila mag-alala ni Mama.

Isang taon na ang lumipas at isang taon ko na ring niloloko ang sarili ko. Isang taon ko na ring binubulag ang sarili ko na ayos na ako. Pero ang totoo hindi pa talaga ako okay. Masakit pa rin. Nandito pa rin. Nandito pa rin ang pagmamahal ko para kay Grey. Nandito pa rin. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana... kami pa. Na sana kami na lang ulit. Na sana pinaglaban ko pa siya. Na sana pumayag ako sa gusto niya.

Letting go of someone I love the most is the most painful and breaking moment that ever happened to me. Letting go of Grey is the most painful thing I've ever done. I wish I could go back to him.



Kagaya ng ginagawa ko sa mga araw na wala si Kuya Iñigo nandidito na naman ako sa harap ng dagat. Nilalanghap ang maalat na simoy ng hangin na galing sa dagat. Nakikinig sa mga hampas ng alon sa dalamapasigan. Kasabay ng pag-awit ng ibon sa himpapawid at ang paunti-unting pagkawala ng araw.

I hugged my knees and buried my face there. Pinapakiramdaman ko ang lamig ng hangin na parang niyayakap ang mainit kong temperatura.

"K-Kale?" Nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko ay napaangat ako sa ulo ko at tumingin sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses.

"Finally, I found you." saad niya at huminga ng malalim saka lumakad patungo sa akin. Tumingin ako sa paa niya na lumulubog sa bungin sa bawat hakbang niya patungo sa akin.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang suot kong damit saka tumayo at pinagpag ang short ko.

"Amanda? I-ikaw 'yong..."

"Lori's friend." Pagtatapos niya sa kataga ko at ngumiti sa akin. Pero iyong ngiti na hindi abot sa kanyang mata. Napatingin siya sa dagat na may maliliit na alon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Sinapo niya ang kanyang buhok na hinihipan ng hangin. Naka maong shorts siya tapos naka-bra at pinatungan ng isang manipis na kardigan. Tinali niya ang kanyang buhok at tumingin sa akin.

"The sun is sitting. Can we go to your place?" aniya at tumingin saglit sa bahay namin at binalik niya ulit sa akin ang mata niya.



Tahimik akong tumango sa kanya.



Pinatuloy ko si Amanda sa bahay at nang maupo siya sa sala ay tumungo ako sa kitchen upang gawan siya nang maiinom at makakain. Habang ginawa ko ang sandwich ay napasulyap ako kay Amanda na nakatingin sa photo album na nasa center table doon sa sala.

"Sorry, ito lang ang nagawa ko. Di ko kasi alam na may bisitang darating." saad ko nang mailapag ko ang tray sa center table.

Amanda smiled and closed the photo album. Nilagay niya iyon sa tabi.

She waved her hand dismissively.

"It's fine. I should be the one saying sorry for coming here unannounced."

Umupo ako sa silya na nasa harap din niya.

"Ano pala ang sadya mo dito? Kung di mo masasamain ang tanong ko."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at pinagsiklop ang kanyang kamay.

"I don't know where to start, Kale." wika niya at para bang naguguluhan din siya kung ano ba talaga ang sasabibin niya. "Ina-approach lang kita nang makita kita. I was just too happy na nakita kita after months of finding you."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit mo ako... hinahanap?"

"I want to apologize to you, Kale. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko gabi-gabi kaya hinanap kita. But I've never known that your family... your mother, your brother, were just too powerful to hide you within the country. I tried to find you outside the country, yet you are just here in Palawan. If hindi ako nagbakasyon hindi siguro kita mahahanap." Nanginginig ang labi niyang saad.

"W-Wala ka namang kasalanan sa akin, Amanda. Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad..."

"No..." pagputol niya sa akin. Bumuntonghininga siya. "May kasalanan din ako sayo Kale. May kaya sana akong pigilan si Lori sa mga gusto niya, sa kabaliwan niya ngunit di ko ginawa. At hindi ko rin naman alam na aabot ang lahat sa ganito. Hindi ko alam na ang kabaliwan ni Lori kay Grey ay aabot sa ganito."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Bigla ay may kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko. Biglang humataw ang puso ko. Ako ang kinakabahan sa mga susunod na sasabihin ni Amanda.

"Kale, hindi totoo na nabuntis ni Grey si Lori."

Walang anu-ano'y tumulo ang luha ko sa sinabi ni Amanda. Napakapit ako sa kinauupuan ko dahil sa nangutog ang binti ko. Naginig ang kamay ko dahil sa sinabi ni Amanda.



"It was a lie that Lori was pregnant with Grey's child..."

"P-Pero... nabuntis siya Amanda..."



"Hindi kay Grey 'yon Kale. Kay Engineer Alidun ang pinagbubuntis ni Lori."

"Di... hindi kita naiintindihan Amanda." umiiyak na saad ko kay Amanda.



"Remember the time na pumunta si Grey sa pinapa-renovate na bahay ni Lori? Everything was a plan Kale. Everything started there. Plano lahat iyon ni Lori from the very beginning. That night sinadyang nilasing ni Lori si Grey para may mangyari sa kanila. Pero wala... walang nangyari Kale. A man cannot be hard when he is unconscious and drunk at the same time.That is why Lori decided to have sex with Engineer Alidun instead. He paid Alidun for it. And when she learned that she is pregnant pinaako niya iyon kay Grey. Ang sinabi niya kay Chairman Robrison na ama ng pinagbubuntis niya ay Grey. I'm... I I am so sorry, Kale. I know it was too late and everything you had with Grey was already shattered, but please forgive me for keeping my mouth shut all this time. Pero huli na rin kasi ng malaman ko. Ang alam ko lang ay obsessed na obsessed na si Lori kay Grey. At nalaman ko lang ang lahat ng ito sa bago lumipad si Lori sa Italy."

"B-Bakit pumunta siya ng Italy? Para takasan niya ang lahat ng ito?"

Umiling si Lori sa akin saka pinalis ang luha niya. "No, she flew to get medicated."

"Ang bata niya?"

"Ang bata ay nakay Engineer Alidun since anak niya iyon. Pumayag naman si Chairman habang nagpapagaling sa Italy si Lori."

Kinuyom ko ang kamao ko at nagtanong, "Pero kasal pa rin si Grey at Lori, diba Amanda?"

"No. Ang pinirmahan nilang marrige contract ay piki. Ako ang nag-asikaso sa lahat ng tungkol sa kasal ni Lori at piki ko lahat ng dokumento. Alam kong huli na itong lahat ng sinabi ko sayo Kale. Ayos lang na hindi mo ako matawad at si Lori. Pero sana kahit si Grey lang... biktima lang kayong dalawa sa kabaliwan ni Lori. Sana magkaayos kayo. Walang kasalanan si Grey, Kale."

Kinagabihan. Di ako makatulog sa kahit na anong gawin ko pang pikit sa mata ko. Laging pumapasok sa isip ko ang pinagtapat sa akin ni Amanda. Naniniwala ako kay Amanda at sabi nga niya buwan niya rin akong hinanap para lang masabi lahat ng iyon. Gusto siyang sigawan kanina pero di ko magawa dahil parang may nakabara sa lalamunan. At ang utak ko ay punong-punong.

Napakasakit isipin na biktima ako ni Lori—kami ni Grey. Ang relasyon namin ni Grey ay nasira at nawatak dahil kay Lori. Hindi talaga nakaakabuti ang magpabaliw sa isang tao. Masama talaga kapag lumabis na. Masakit na naghiwalay pala kami ni Grey sa ganoong kadahilanan. Natulak ko tuloy siya.

Naiiyak ako dahil parang nasayang ang taon na pagmamahalan namin ni Grey dahil sa kanya. Akala ko talaga niloko ako ni Grey. Akala ko talaga nagloko siya. Akala ko talaga kaya niya iyong gawin sa akin. Kaya natulak ko tuloy siya. Natulak ko tuloy siyang gawin ang bagay na ayaw niya at ayaw ko rin. Pero huli na ang lahat. Heto na kami. Taon na ang lumipas.

Sabi ni Amanda tumutulong din daw si Grey sa kanya sa paghahanap kung saan ako. Pero dahil kay Mama at Kuya di nila ako nahanap.

"Grey is so desperate to find you, Kale. Hindi ko makakalimutan na wala siyang pahinga kakahanap sayo at sinabi ko na magpahinga siya. Kaso sinabi niya lang na ikaw ang pahinga niya."

Tumihaya ako at tumitig sa ceiling ng kwarto ko nang may biglang katok akong narinig mula sa labas. Ang tatlong katok sa pintuan ay nasundan pa ng ilang katok kaya napaahon na ako mula sa pagkakahiga. Sinuot ko ang tsinelas ko na pambahay at lumabas sa silid ko.

Napatitig ako sa main door dahil may katok na naman doon. Kuyom ang kamao ko naglakad ako patungo doon. Hawak ko na ang busol ng pintuan at nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Kaso may kumatok na naman doon.

Lumunok ako at saka pinihit ang busol saka ko nikuwagan ang pintuan.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang taong laman ng puso't isip ko nitong mga nakaraang araw. Mahaba na ang buhok niya na umaabot na sa balikat niya. At tumubo na ang balbas niya. Parang ang puso ko na tumigil sa pagtibok ay muling tumibok. Iyong tibok ng puso na parang naririnig ko na sa mismong tainga ko. Agad na bumuhos ang luha ko at napahagulgol ako.



"Babe." usal ni Grey at parang tubig sa talon ang luha ko na nag-uunahan sa pag-agos.

Bigla hinila ni Grey ang isang braso ko at kinabig ako sa kanya at saka ako niyakap. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at binaon ang ulo ko sa kanyang dibdib.



"I miss you, babe. I miss you so much, babe. Please, push me away. Please, babe."

Naiyakap ko kay Grey ang kamay ko at humagulhol ulit sa kanyang dibdib. Wala akong pakialam kung mabasa man ang damit niya sa luha ko. Basta binuhos ko lang ang luha habang yakap-yakap siya. Habang nagyayakapan kami ay may binubulong siya sa akin.



"Hindi na. H-Hindi na kita itutulak G-grey. Hindi ko kaya ang wala ka Grey. A-Ang hirap kapag w-wala ka. Ang h-hirap." hagulhol ko.

"I'm sorry babe. I'm so sorry."

Napailing ako habang nakabaon pa rin ang ulo ko sa kanyang dibdib. Inangat ko ang ulo ko sa kanya at pupunasan ko na sana ang luha nang maunahan ako ng kamay niya.



"Huwag kang magsorry Grey. Alam ko na ang totoo... ang lahat. At sorry. Sana noon nilaban kita at nagpakatatag ako. Sana di ako natakot at sinamahan kita. Edi sana-"

Naputol ako ng paulanan ni Grey ng halik ang bibig ko.

"Shhshh. Don't say that, babe. It's all in the past now. Let's forget the past, babe, and live for today. Let's get back together, babe."

Tumango ako sa kanya. "Yes, Grey. Let's be together again."


"Mahal na mahal kita Kale. Mahal na mahal kita at sa kabila ng lahat na nangyari. Ikaw pa rin. Gaya nga ng sabi ko sayo noon. My love for you is endless. At sayo lang ako sigurado, Kale." aniya hinalikan ang labi ko bago ang noo ko at kinabig niya akong muli para yakapin.







___
Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top