Kabanata 9
WARNING: SPG: Lengwahe.
-----------------------
Kabanata 9
Ang Pinakamamahal Ko
"Chesca, ano na namang gagawin mo sa Maynila?" Sinusundan ako ni mama habang nilalagay lahat ng gamit ko sa pack bag ni Craig.
Hindi ko makuha iyong luggage na dinala ko dahil nasa kwarto nina mama at hindi niya ako pinapayagang lumuwas.
"Ma, ayoko dito. Ayoko!"
"Ha? Akala ko ba maayos ang naging takbo ng linggo mo?"
Pinapanood nila ako ngayong naghahalungkay ng gamit ko sa bag.
"Ano ba, Chesca!" Sigaw ni mama at hinarap ako sa kanya.
Mabilis ang paghinga ko nang hinarap ko siya.
"Doon na ako titira!" Galit kong utas.
"Ikawng bata ka, gaano ba kahirap isaksak sa kokote mo na naghihirap na tayo dito! Wala na tayong magagawa kundi manatili sa bukid! Pinaputol ko na ang kuryente at tubig sa bahay natin sa Manila! At ilang buwan na lang, ibebenta na namn iyon para mabayaran ang Alps!"
Umiling ako, kahit anong sabihin ni mama ay hindi na mapipigilan ang pag alis ko.
"Chesca!"
"Chesca, makinig ka sa mama mo." Mahinahong sabi ni tiya. "Kung sanay makakapagtrabaho ka doon ng maayos, yung may malaking sweldo, wala kaming problema!"
Matalim kong tinitigan si tiya.
"Iyon lang ba ang iniisip ninyo? What about my feelings? Paano yung... yung pakiramdam ko dito sa buong bukid na ito!"
Natahimik sila.
"Anong feelings ang sinasabi mo diyan!" Tumawa si mama na para bang nahihibang na siya sa pinagsasabi ko. "Francis! Pagsabihan mo nga yang rebelde mong anak!"
Sinarado ko ang zipper ng bag ko at bumaling kina mama at papa.
"Wa'g na wa'g kang umasa sa pera namin para sa pamasahe mo!" Galit na sigaw ni mama habang si papa naman ay panay ang buntong hininga sa gilid.
Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Nilagpasan ko siya. Sinubukan niyang hablutin ang braso ko pero nagmatigas ako at kumawala.
"CHESCA!" Sigaw niya. "May lalaki ka ba sa Maynila! Magtatanan na ba kayo!?"
Natigilan ako sa sigaw niya. Noong highschool pa ako, lagi niyang pinaparinig sa akin na bawal na muna akong magka boyfriend. Nagsisisi daw siyang hindi siya nagtapos ng highschool dahil maaga siyang nabuntis sakin. Ayaw daw niyang matulad ako sa kanya. Kaya kahit pagbisita ng isang lalaki sa bahay ay ipinagbabawal niya.
Ito ang unang pagkakataon na tinanong niya ako tungkol sa lalaki.
"Ano ngayon kung meron?" Galit kong tanong sa kanya.
Nalaglag ang panga niya, maging si papa ay nagulat sa sinabi ko. Pumalakpak si Tiya Lucy at tumawa.
"Mayaman ba, Chesca? Baka sakaling pwedeng makautang kapalit ng pagpapakasal ninyo?"
WHAT?
"Lucy!" Sigaw ni mama kay Tiya.
Umiling ako at tinalikuran silang lahat. I can't believe it. Naiintindihan ko na desperada na ang buong pamilya ko. Kahit si Teddy at Craig ay desperado na sa pagsalba ng Alps. Si mama at papa, kahit di nagpapakita ng pagkaka depressed nila, ramdam ko iyon. Si Tiya at Tiyo ang halatang mas desperada. Patunay nito ang sinabi ni Tiya, at ang malimit na pagsusugal ni Tiyo.
"Ayokong maligo! Ayokong maligo!" Dinig kong paulit ulit na sinasabi ni lola Siling sa duyan nang nilagpasan ko siya.
"ARGGHHHH!" Tumakbo na ako kaya nag takbuhan din ang mga manok na palakadlakad at patuka tuka sa bakuran namin.
Mabilis akong nakarating sa terminal ng bus. Siyam na oras pa ang hihintayin ko bago makabalik ng Maynila. Alas sais pa ng umaga at nakapwesto na ako sa tabi ng bintana. Sa wakas, wala na ako dun! Wala na ako sa impyernong iyon! Alam kong pamilya ko sila at dapat hindi ko ginawa ang pag alis, pero sa ngayon, ang tanging makakapagpalubag loob sa akin ay ang pakikipag usap kay Clark.
Hula ko, mga nasa alas tres o alas kuwatro ng hapon ako makakarating ng Maynila. Kinuha ko ang cellphone ko para ipaalam kay Clark na uuwi akong Maynila. Kung hindi ako pwede sa bahay, pwes, pupunta ako sa kanyang apartment.
"Battery Empty. Langya." Sabi ko sabay tago sa sarili kong cellphone.
Oo nga pala! Dahil sa pag iyak ko kagabi ay hindi ko na iyon na charge. Ni hindi ko namalayang hindi kami nakapag usap ni Clark. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
Naging matagal ang byahe. Nahirapan ako kasi ito ang unang pagkakataon na babyahe akong mag isa.
Nawala ang bigat ng dibdib ko nang sa wakas ay naaninag ko ang bukana ng Maynila. Hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko ka miss ang lugar na ito.
Uminit ang mga luhang nagbabadyang lumandas sa gilid ng aking mga mata. Nangatog ang binti ko. Hindi na ako makapaghintay na pumunta kay Clark. Miss na miss ko na ang mga yakap niyang maiinit at nakakapagpa secure sa akin.
Nagkakilala kami ni Clark nung highschool. Mahilig na talaga siyasa photography noon pa man. Hindi kami magkaklase pero isang araw hinarangan niya ako sa school at pinakitaan ng tatlong candid shots ko.
"You're pretty. I want you to be my model."
Presko ang pagkakasabi niya nun. At ayaw na ayaw ko sa mga presko kaya tinanggihan ko siya. Pero akalain niyo? Imbes na tigilan niya ako dahil sa pagtataray ko ay nagpatuloy siya sa pagkuha ng mga candid pictures ko. Dinikit niya iyon sa mga bulletin board ng school, sa CR, sa corridor at kung saan saan pa.
Apat kaming magkakaibigang babae, si Janine, Tara, Desiree at ako. Nakilala ko sila nung nag highschool ako. Maswerte ako kasi medyo may pagka FC si Janine. Lagi niya akong kinakausap at laging niyayaya kahit madalas akong tumatanggi kasi awkward. Pero kalaunan ay gumaan din ang loob ko sa kanila. At nang nalaman nila ang pinaggagawa ni Clark sa akin, nagpasya silang ireto kaming dalawa.
Suminghap ako nang maalala ko ang mga araw na iyon. Wala akong inaalala kundi ang mga mangyayari kinabukasan sa school, mga school reports, mga tampuhan sa kaibigan ko, at kung anu-ano pa. Madalas na magkatampuhan kasi sina Desiree at Janine dahil sila ang pinaka close. Si Janine kasi, medyo rebelde, at si Desiree naman ay naturingang control freak at may pagka nerdy kaya madalas silang di nagkakasundo kahit magbestfriends ang dalawa.
Miss na miss ko na rin ang mga babaeng iyon! Gusto ko sana silang makita, kaso low bat ako at di ko alam kung saan sila tumatambay ngayong nasa isang unibersidad na sila para mag aral.
Kumain muna ako dahil nalipasan na ako ng gutom sa byahe. Narealize ko ring pwede pa akong magbagal dahil mukhang busy si Clark ngayon sa kanyang gig.
Nang gumagabi na, narealize kong pupunta na lang talaga ako sa apartment nina Clark. Hindi bale na kung hindi pa siya nakakauwi o ano, ang importante ay nandun na ako.
Inilatag ko na sa isipan ko ang mga gagawin ko habang nandito ako. Una kong gagawin ay maghanap ng trabaho. Alam kong welcome na welcome ako sa apartment ni Clark. Madalas naman ako doon, noon. Hindi nga lang pwedeng makitira dahil...
"Ayaw ko talaga sa live in live in na yan. Kung gusto niyong magsama, pakasal kayo!" Dinig kong bulalas ni mama sa kay Tiya nang minsang lumuwas sila sa Maynila.
Narinig kasi nilang nag li-live in na daw yung isang kaibigan ni Teddy at yung girlfriend niya. Hindi iyon pwede kay mama. Nagsalita siya! Siya nga itong nabuntis habang nag aaral sa highschool! Oh well, kaya nga hindi ko siya gagayahin, diba? Dahil sa takot kong matulad kay mama, halos tumagal pa ng tatlong buwan bago ako nahalikan ni Clark. At hanggang doon lang kami. May respeto naman siya sa akin kaya hindi niya ako pinipilit. Pero maiintindihan ba iyon ni mama na puro "DELIKADESA, KALINISANG-PURI AT PAGKASOLTERA" ang tanging pangarap para sa akin?
Yes. Pwera lang kay Craig. Aniya'y malayo ang mararating ni Craig. Hindi ko lang alam kung ano ang naging basehan niya doon.
"Ang mga lalaki kasi yung nagdadala ng estado sa buhay. Kung mayaman ang lalaki at pobre ang babae, aangat ang babae kasi pinakasalan niya iyong mayamang lalaki. Samantalang, babae ang pabigat." Sabay tingin ni mama sa akin.
Alam kong sumasang ayon si Tiya dito sahil tumatango siya. Ngunit nang nakita niyang nakatingin siya sa akin ay umiiling siya na parang disappointed. Hindi ko alam kung anong meron.
"Pabigat kasi pag isang mayamang babae ang makakapangasawa ng pobreng lalaki, hindi aangat ang lalaki, mananatili siyang pobre, at hahatakin niya pabagsak ang babaeng napangasawa. In short, silang dalawa na ngayon ang mahirap."
Hindi ko alam kung ilang beses niya na iyong nasabi. Ang alam ko lang ay hindi iyon ang huling beses. Pabalik balik niya iyong sasabihin, lalo na pag nasa paligid ako.
Or probably that was before... Yung mga panahong walang kaagaw sa Alps. Yung panahong considered pa kami bilang mayaman.
Kumatok ako sa pintuan ng apartment ni Craig. Walang sumagot.
"Walang tao. Dito na lang ako." Niyakap ko ang sarili ko.
Lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas. Lumalalim na rin kasi ang gabi. Nilingon ko ulit ang pintuan niya at nagbakasakaling bukas. Pinihit ko ang doorknob at nagulat ako nang bukas nga ito.
"Lucky!" Tawa ko.
Nakita ko agad ang sapatos ni Clark na nakalagay sa rug. Parang nagmamadali sa pag iwan ng sapatos si Clark ah. Siguro sumakit ang tiyan?
Tumawa ako nang maalala ang isang araw na nagka LBM kaming pareho. Umiling ako at inayos ang sapatos niya.
Isosorpresa ko siya! Siguro nasa loob siya ng kwarto o di kaya sa banyo. Ngumisi ulit ako at nilapag ang pack bag ko sa sofa. Kumunot ang noo ko nang may nakitang pink na scarf sa sofa. Ipinagkibit balikat ko iyon.
Anong gagawin ko para kay Clark? Ipagluluto? Wala akong alam na lutuin. Ganun din siya. Kaya naman panay ang aral ko. Pag pi-prito pa lang ang alam ko. Kaya iyon siguro ang gagawin ko. Nag stretch muna ako bago tumungo sa kusina.
Pero bago ako nakarating doon ay dumaan muna ako sa kwarto niya. Hindi ko naman sana iyon bubuksan, kaya lang...
"Ahh... Ahh..." Dinig kong boses ng isang babae.
Unti unti kong naramdaman ang pamimigat ng dibdib ko. Mas mabigat pa sa naramdaman ko nang umalis ako sa Alegria. Siguro ay dahil alam kong, kahit anong mangyari, kaya kong bumalik sa pamilya ko... Pero ito? Hindi ko na ito babalikan kung tama ang hinala ko.
Natigilan ako. Nagbara agad ang lalamunan ko nang narinig ko ulit ang ungol ng isang babae.
"AHH! Clark! Ahhh! Sige-Ahh!"
SHIT! FUCK!? Lumipad ang kamay ko sa bibig ko at namuo ang luha sa mga mata ko.
"Ahh! Clark! Ang sarap!"
Mabilis kong pinihit ang doorknob at padabog kong tinulak ang pintuan para maabutan lang si Clark, nakapatong kay Janine at pareho silang hubo't-hubad.
Umiling ako.
"FUCK YOU!" Halos mapaos ako sa sigaw ko.
Namutla si Clark. Si Janine ay napatihaya at napakagat labi.
"FUCK!"
Tiningnan ko ulit si Clark na ngayon ay nagmamadaling isoot ang kanyang boxers. Ang inuwian ko! Ang pinakamamahal ko! SHIT LANG! SHIT NA SHIT!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top