Kabanata 69

Kabanata 69

Maayos

Nang gabing iyon, umuwi kami sa apartment. Walang kibuan dahil sa lahat ng nangyari. Marami akong tanong. Paano siya napunta sa bar? Anong nangyari kay Elena sa kanyang condo? Asan ang tito at tita niya? Kaya lang ay hindi ko magawa dulot ng pagod at pag kakailang.

Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok sa school kahit naka absent na ako sa unang subject. Ganoon din si Hector. Nagmadali kaming dalawa. Wala siyang damit kaya uuwi pa siya sa condo niya samantalang ako ay nakabihis at nakaligo na.

"Ihahatid na kita sa school."

"Wa'g na, Hector." Nag iwas ako ng tingin. "Mas lalo ka lang malilate."

"Ihahatid na kita, Chesca." Pag uulit niya.

"Wa'g na sabi." Medyo naiirita kong sinabi.

Nagkatinginan kaming dalawa sa harap ng hapagkainan. Masama ang tingin ko sa kanya, ganun din siya sa akin.

"Ateng, pahatid ka na." Sabi ni Craig habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok at nilalantakan ang pagkain namin.

Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi sa bar. Actually, ayaw ko ng malaman niya dahil ayaw niya kay Clark noon pa, at paniguradong ipapapatay nito si Clark pag nalaman niyang ganoon ang nangyari. Hindi naman sa pinapanigan ko si Clark o ayos lang sa akin ang ginawa niya. Oo nga't kahit pagkakaibigan ay maaring hindi ko na maibabalik pa sa aming dalawa. Siguro kaswal na batian lang. Hindi ko maipagkakaila na may pinagsamahan kaming dalawa, na may tiwala parin ako na kahit may nangyaring ganoon ay may natitira paring respeto sa kanya para sa akin.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Hector nang nakarating na kami sa school. Lumabas din siya at sinundan ako.

"Kaya ko ng mag isa, okay? Wa'g mo na akong ihatid!" Utas ko at pinandilatan siya.

Umismid siya at bumuntong hininga.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinalikuran ako. Umalis na ako sa pagkakataong iyon at dumiretso sa classroom. PInaulanan agad ako ng mga tanong ng mga kaibigan ko. Syempre, narinig nila iyong nangyari kagabi.

"Nabalian daw ng buto si Clark. Nasa ospital siya." Umiiling na sinabi ni Desiree.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang binanggit. Nabalian siya ng buto? Dahil ba iyon sa mga suntok na ginawa ni Hector? Halos mapatay niya na nga si Clark kung di lang siya pinigilan nina Brandon kaya malamang dahil nga roon.

"Magsasampa ka ba ng kaso?" Tanong agad ni Tara.

Umiling ako.

Kagabi, napag isip isip ko na talagang hindi na. Una sa lahat, ayaw kong palakihin ang isyu na ito. Pangalawa, napuna ko ang pagsisisi sa mukha ni Clark sa mga huling nangyari. Hindi ko alam pero parang ito na iyong naging hudyat para sa aming dalawa na hindi na talagang magiging kami kahit ano pa ang mangyari. He broke my trust, big time. At alam ko rin na alam niya iyon.

"Pero dinig ko kay RJ, galit na galit daw si Hector. Baka daw magsampa iyon ng kaso?"

"Ewan ko. Pero ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng palakihin ang issue."

Iyon lang ang naging laman ng topic sa araw na iyon.

"Bakit ka ba kasi nasa bar na iyon?"

"Asan ba si Hector nun at ba't di kayo magkasama?"

"Dinig ko kay Brandon siya pa raw mismo ang tumawag kay Hector para isumbong ka?"

BRANDON ROCKWELL! Ito pala iyong traydor at anghel na nagsabi kay Hector kung nasaan ako. Umiling na lang ako at nakinig sa mga opinyon nila tungkol sa nangyari. Nang nagtanghalian ay nasa gitna ako ng mga kaibigan ko sa canteen. Iyon parin ang laman ng mga bunganga nila at hindi ko iyon mapigilan.

Sumusubo ako habang talak nang talak si Queenie nang biglang namilog ang kanyang mata sabay tingin sa likod ko. Uminom ako ng tubig at ginapangan na agad ng kaba. Lalong lalo na nung napansin ko na ganoon din ang ekspresyon ni Tara sa likod ko.

"Francesca Alde." Malamig na boses ng matandang babae ang umalingawngaw sa likod ko.

Nilingon ko agad at naaninag ko kung sino iyon! Napatayo ako at mas lalo kong natanaw kung sinu sino ang kasama niya. Nandito si Janine na mukhang hinilamos ang sariling luha, nandito ang isang kapatid ni Clark, at syempre, ang babaeng nasa harap ko, ang mommy niya.

"Po?" Tanong ko.

Galing sa istriktang mukha ay unti-unting naging malumanay at maawain kanyang mukha. Hanggang leeg ang kanyang buhok, may salamin siya ngunit bakas sa mga mata niya ang pamumugto nito. Medyo mataba siya at naka kulay pula at itim na dress, bitbit ang kanyang bag sa kaliwang kamay nang hinaplos niya ang braso ko.

"Patawarin mo sana ang anak ko." Pumiyok ang kanyang boses at lumandas ang luha sa kanyang mga mata.

Napatingin ako sa gulantang kong mga kaibigan.

"Gusto ka niyang makausap." Dagdag niya sabay punas sa kanyang mata.

Nakita kong hinaplos ng kapatid ni Clark ang kanyang ina sa likod. Humikbi din si Janine sa likuran nila.

"Gusto niyang humingi ng tawad sayo. Sa lahat. Please, Chesca?" Halos humagulhol siya sa harap ko.

Kitang kita ko ang mga usiserong estudyante na nakatingin. Yung iba ay walang pakealam. Yung iba ay wala talagang alam.

"Hindi po ako makakapayag doon." Narinig ko ang yapak ni Hector sa gilid ko.

Nilapitan niya ako at hinila niya ako sa likod niya. Agad kong hinawi ang kamay niyang umaangkin sa braso ko.

"Sino ka ba, hijo? Gusto lang makausap ng anak ko si Chesca. I've always liked her for my son." Nabasag ang boses ni tita.

"Lalong hindi ako makakapayag. Ma'am, ako po yung fiancee ni Chesca Alde. Hector Dela Merced." Naglahad pa ng kamay si Hector kahit halatang galit ito.

Dinungaw ng mommy ni Clark ang kanyang kamay bago ito tinanggap at tumingala ulit kay Hector.

"Kung umaasa kayong magkakabalikan ang dalawa, na maayos pa ang relasyon nila, nagkakamali kayo dahil hindi na maayos ulit. Kami ng dalawa at kahit walang nangyaring ganun ay hindi parin siya papayag." Dire diretsong sinabi ni Hector na parang basang basa niya ang aking utak.

Hinawakan ko ang braso niya at hinarap ang mommy ni Clark na ngayon ay gulat na gulat sa sinabi ni Hector.

"Tita." Utas ko. "Sige, po. Papayag ako."

"Chesca? Ano? Anong sabi mo?" Tanong ni Hector.

HIndi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita kay tita. "Pero wa'g po kayong umasa na magkakabalikan kami ni Clark."

Tumango ang mommy ni Clark. "Hindi ako umaasa, hija. Gusto ko lang na makahingi siya ng tawad. Ito lang yung rason kung bakit gusto ko rin kayong magkita. Hindi para kumpunihin ang nasira, kundi para lang mag sorry-"

"Hindi ako tumatanggap ng sorry-" Singit ni Hector kaya agad ko siyang tinulak ng bahagya.

"Sige po."

Ito lang ang naisip ko na paraan para may closure kaming dalawa. Gusto kong linawin sa kanya na kaswal na lang talaga kaming dalawa. Hindi na kami pwedeng maging magkaibigan at higit sa lahat, tanggapin niya na na hindi ko na maibabalik pa ang dating pagtingin.

"Hindi ako makapaniwalang papayag ka, Chesca! Tsss!" Reklamo ni Hector nang papunta kami sa sasakyan niya.

"Just drive, Hector." Utos ko na ikinaiirita niya.

"He raped you! Almost!" Punto niya. "At may gana ka pang magpakita? At makikipag usap ka pa? Paano kung bigla ka niyang sakmalin?"

"WHAT?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano kung pagtangkaan ka niya ulit?"

"For God's sake he's helpless! Nabalian siya ng buto sa braso at sa ribs! Hindi siya makagalaw kaya nasa ospital siya! Pwede ba?"

"No. No. No." Umiiling siya habang hinihila ko ang pintuan ng sasakyan niyang sarado. "This isn't okay with me, Ches. You are not going there."

Bumuga ako ng hininga at inirapan siya.

"Kung ayaw mo, edi aalis ako mag isa! Mag tataxi ako!" Umamba akong aalis pero hinapit niya agad ang baywang ko.

"GOD DAMN IT! Hawak mo ako sa leeg! Shit!" Bulong niya sa kanyang sarili at padabog na pinatunog ang sasakyan.

Muntik na akong ngumisi sa sinabi niya. Nahirapan akong magpakitang galit sa loob ng kanyang sasakyan kaya tumingin na lang ako sa labas.

"Okay fine! Papayag ako na pupunta tayo doon pero sa isang kundisyon!" Aniya.

"Whatever."

"Sa loob ng kwarto, kailangan nandoon ako."

Humugot siya ng malalim na hininga at umiling para kausapin ang kanyang sarili.

"Pero baka mapatay ko yun pag makita ko."

"Ano, Hector?" Tanong ko.

Inirapan niya ako at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Hindi gaanong traffic kaya tingin ko ay mabilis kaming makakarating sa ospital. Nauna na ang mommy ni Clark doon kasama ang kanyang kapatid at si Janine. Sinubukan naman ni Hector na makipag usap sa akin tungkol sa nangyari kagabi ngunit hindi ko siya masagot ng mabuti.

"So... hindi pa tayo nag uusap tungkol sa lahat ng nangyari pero bakit ka nasa isang bar kagabi?" May awtoridad ang tono niya nang tinanong niya ito.

"I'm not in the mood to answer your questions now, Hector." Utas ko.

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.

"Chesa, may karapatan ako sayo kaya sagutin mo ang tanong ko."

"Tsss! Of course pupunta ako doon kasi yung lintek kong boyfriend ay nakikipaglampungan sa ibang babae! I went to your condo para lang makita ka na kasama mo si-"

"Alright! Alam ko na ang parteng iyan pero pag ba nagseselos ka ay maghahanap ka agad ng mapagkakatuwaan, ha?" Medyo galit niyang sinabi.

"Mapagkakatuwaan? Bakit? Natuwa ba ako sa bar na iyon? Tingin mo? Mabigat ang puso ko nun, Hector! Syempre dahil nakita kita sa iba! Paano ako magiging masaya? Tsss."

Ngumuso siya at nanatili ang kanyang mata sa kalsada. "Ang sinabi ni Brandon sa akin ay ilang beses ka rawng ngumisi at tumawa doon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon? Hindi porke't ngumingisi ako ay masaya na ako!"

Kaya nagtalo kami buong byahe papuntang ospital. At nang nakarating kami sa ospital ay hindi ko na makapa kung ano yung dapat kung gawin, dapat sabihin, dahil masyado akong naging preoccupied kay Hector! At ang linsyak ay di parin tumitigil kahit na papalapit na kami sa kwarto. Buti sana kung may katuturan ang pinagtatalunan namin, eh wala.

"Yung kama mo hinahakot na ni Craig ngayon. Siguro papunta na yung kama mo sa bahay niyo-"

"ANO? Bwisit ka!" Sinapak ko na kahit na naka ekis ang kanyang braso para masangga ang sapak ko.

Biglang bumukas ang pintuan njg kwarto at bumungad sa amin ang mommy ni Clark. Natahimik kaming pareho.

"Chesca! Nandito ka na!" Nakangisi ngunit malungkot parin ang kanyang mga mata.

Nilingon niya si Hector bago kami pinapasok. Pagkapasok ay kita ko agad ang pag aliwalas sa mukha ni Clark. Habang si Hector naman ay naestatwa sa may pintuan nang nakakuyom ang kamao.

"Maiwan ko na muna kayo." Anang mommy ni Clark.

Tumango ako. Nakita kong nilingon ng mommy ni Clark si Hector ngunit ako na mismo ang nagsalita dahil nag alab na ang galit sa mata ni Hector. "Ayos lang po siya. Dito lang po siya." Sabi ko.

Tumango ang mommy ni Clark at sinarado ang pinto.

Bumaling ako kay Hector na ngayon ay halatang nag pipigil ng emosyon. "Chill o papalabasin kita."

Napatingin siya sa akin at umismid. Ngumuso ako at lumayo sa kanya para lapitan si Clark.

"Clark." Utas ko.

Napansin ko ang may band aid niyang pisngi, naka semento niyang kanang braso at naka bandage na dibdib kahit na may nipis siyang puting t-shirt. Halata ang pamumugto ng kanyang mga mata at pamumungay ng mga ito habang tinitingnan ako.

"I'm sorry." Nabasag ang boses ni Clark.

Tumango ako at napalunok.

"Sorry sa ginawa ko, Ches. Sorry." Ulit niya.

"Alam ko. HIndi ko lang alam kung mapapatawad ba kita ng mabilis o ano, Clark. Pero tanggap ko ang sorry mo."

Binalot kami ng katahimikan. Tanging narinig ko lang ay marahang paghikbi niya. Pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siya at naririnig ang kanyang mga hikbi. Dinungaw niya ang kanyang kamay na nanginginig.

"Hindi ko alam na kaya ko yung gawin, Ches. It's just that... I was too drunk and too desperate for you!"

Dinig ko ang maingay na tikhim ni Hector sa likod. Medyo nababalisa na siya dahil dinig ko rin ang kanyang paa na pa apak apak sa sahig.

"Clark, wa'g ka ng mag explain. It's all futile. I came here para may closure tayong dalawa. Para klaro." Sabi ko kahit na nahahabag na ako sa pagpikit niya at sa pag buhos ng kanyang luha.

Hinayaan ko muna siyang umiyak. Habang tinitingnan ko siya ay naiiyak din ako. Dahil naaalala ko ang lahat. Dahil alam kong kung walang pagkakamaling mga desisyon ay hindi kami magkakaganito. Hindi nga ba? Mali. Dahil kung hindi nagkamali si Clark at Janine noon, maaring ako naman ang magkamali dahil kay Hector. Na nakatadhana na na mabuwag kaming dalawa. May mga tao lang talagang dadaan sa buhay mo para turuan ka ng leksyon, turuan kang mag mahal, pero hindi ibig sabihin nun na mananatili na siya sa buhay mo. Dadaan lang sila para sa dahilan na iyon at hanggang doon lang iyon.

Tumango si Clark at suminghap. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tumango tango ulit.

"I don't think we can be friends again." Sabi ko.

Tumango ulit si Clark kaya nagpatuloy ako.

"At tanggapin mo sana na hindi na talaga pwede. May ibang buhay na ako ngayon. Gusto ko magkalinawan tayo. Let's all move on, Clark."

"Okay, Ches. Pangako. Di na ako manggugulo ulit." Sabi niya. "I'm sorry."

Para akong nabunutan ng tinik sa pag uusap naming dalawa. Kahit na mas matagal ang oras ng katahimikan kesa sa doon sa nagsasalita kami ay naging mainam din iyon para mabawasan ang tensyon.

"Sorry din, Hector, pare." Nagulat ako nang sinabi iyon ni Clark.

HIndi nagsalita si Hector. Nilingon ko siya at bakas parin ang galit sa kanya. Alam ko. Hindi niya matatanggap ito. Kahit anong mangyari, di ito matatanggap ni Hector. Kahit ilang milyong beses pang mag sorry si Clark.

"And I understand if you won't ever forgive me."

Natahimik kami nang biglang bumukas ang pintuan. Hilaw na ngumisi ang mukhang aksidenteng nakapasok niyang kapatid. Nag peace sign siya ngunit di siya umalis dahil may mga kasama siya. Nagulat ako nang nakita ko ang iilang kasamahan ko sa modeling industry. Naroon din si Janine, Billy, at JV. Maingay sila at may dalang prutas at kung anu ano pa.

Hindi ko mawari kung ano itong binibigay nilang ekspresyon. May halong saya at tabang. Tabang dahil alam nila kung anong nangyari ngunit di nila mabitiwan si Clark dahil kaibigan nila ito at mabait itong tao.

Hinapit ni Hector ang baywang ko kaya agad namang nawala ng parang bula ang mga iniisip ko tungkol sa lahat ng pumasok.

"Be out in three minutes. Sa labas ako maghihintay." Aniya at binitiwan din ako bago umalis.

Ngumuso ako at naisip na sana sumabay na lang ako sa kanya. Ngunit ang presensya ko dito kasama si Clark at ang mga kaibigan namin ay siyang naging dahilan kung bakit medyo naging maayos ang lahat. Hindi nila alam ang buong istorya dahil ayaw ko rin namang ikwento ang lahat, ang importante ay nakita nilang maayos kaming dalawa. Na kahit hindi na namin maibabalik kung ano ang nawala, ay hindi rin namin kinaligtaan kung anong naging meron noon.

Nginitian ko silang lahat bago ko pinihit ang pintuan at lumabas sa ospital. Nakangisi na ako pagkalabas ko nang nakita ko na naman si Elena, kausap si Hector.

"Oh my God!" Napairap ako at umiling na lang.

"Che-Chesca!" Sigaw agad ni Hector nang paalis na ako para iwan siya.

Eto na naman. Tangina. Wala na bang katapusan? Alam kong wala naman silang ginagawang masama pero... please... give me a damn break!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top