Kabanata 68

Kabanata 68

Stronger

Hindi ko alam kung kaya ba wala pang pumapasok sa CR ay dahil ni lock ni Clark o dahil talagang umaayon lang ang tadhana sa kanya.

Pumiglas ako nang pumiglas lalo na nang naramdaman kong nagiging marahas na siya. Mukha atang pursigido siya at walang salita ang makakapagpatigil sa kanya.

"TAMA NA, CLARK! Please don't do this!" Naiyak na ako sa kaba at sa pagkabigo.

Hindi ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako. Nang naramdaman ko ang pagkapunit ng damit ko sa harapan ay bumuhos na ang luha ko. Paos na ako sa kakasigaw at nawawalan na ako ng pag asa.

"Akala mo di ko nakita yung pose mo sa FHM? Galing mo ring mambitin ano? Galing mong manukso!"

Nang narinig kong sinagad niya pababa yung punit ay napasigaw na ako. Wala na akong pakealam kung paano mababasag ang vocal cords ko dahil sa sigaw kong ito.

"HECTORRRRRRRR!"

Nagulat ako nang natigil si Clark sa kanyang ginagawa. Binitiwan niya ako at lumayo siya sa akin. Mabilis ang hininga niya at nanlalaki ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Parang gulat siya sa sarili niyang kagagawan. Mabilis din ang hininga ko at niyakap ko ang sarili ko.

Napatalon lang kaming dalawa nang biglang kumalabog ng dalawang beses ang pintuan ng CR. Para bang may kanyon na tinututok at pinuputok doon sa sobrang lakas at sobrang ingay!

Sa isang iglap ay halos masira ang pintuan. Nakita kong kakababa lang ni Hector ng kanyang paa! Sinipa niya iyong pintuan! Natagpuan niya agad ang titig ko. Nilingon niya si Clark na tulala sa gilid at agad niya itong sinuntok sa tiyan. Humandusay agad si Clark sa sahig ng CR.

Sumigaw ako sa gulat! May mga taong nakiusyuso na rin. May narinig akong mga sigaw sa labas kahit na umaalingawngaw parin ang ingay sa trance music ng bar.

"You motherfucking-" Diretso ang isa pang suntok ni Hector sa mukha ni Clark.

Dumugo ang mukha niya. May narinig na akong nagchichismisan at sumisigaw sa labas ng CR. Mukhang ngayon lang nila namamalayan!

"Tumawag ng guard! Bouncer!" Sigaw ng mga tao.

"Si Hector Dela Merced, iyan diba?"

Nakita ko na agad pumasok si Brandon at RJ bago pa man suntukin ulit ni Hector si Clark sa mukha. Nalaglag ang panga ni Brandon nang nakita niya ako sa may sink pero imbes na daluhan ako ay inawat niya na lang si Hector. Si Brandon at RJ ang umawat sa kanya. Walang ibang nangahas na pumasok sa CR dahil sa bilis ng pangyayari.

Tinuro ni Hector si Clark. At sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Kitang kita ko ang paninigas ng braso niya sa pagtuturo kay Clark.

"Walang ya ka! Hinayaan kitang umaligid sa kanya dahil pinagkakatiwalaan ka niya kahit paano! Pero, fuck you, ngayong ganito, di kita tatantanan hanggang di ko mabasag yung mukha at katawan mo!"

Hindi gumalaw si Clark. Nakita ko lang na tumulo ang mga luha niya sa mga mata. Kita sa mukha niya ang pagsisisi sa nagawa. Kahit na ganun ay hindi ko parin makuhang maunawaan kung bakit ito nangyari. Kung bakit niya ito nagawa. At siguro ay kahit kailan ay hindi ko iyon mauunawaan!

"Hector!" Sigaw nina RJ at Brandon nang nag amba ulit siya ng suntok.

"Come on, RJ! Tulungan mo si Chesca makalabas dito!" Sigaw ni Brandon habang inaawat niya si Hector.

Itinayo ako ni RJ ng dahan dahan.

"Sorry, Chesca. I'm sorry." Malambing na boses ni Clark.

"I don't need your sorry! Gusto ko na lang patayin ka ngayon!" Sigaw ni Hector at di na napigilan ni Brandon ang paninipa ni Hector kay Clark.

"Oy, oy, oy!" Sigaw ng mga kararating lang na bouncer at guards na umaligid agad sa amin.

Nasa gilid lang ako. Si Hector at Clark ang nasa gitna ng mga bouncer.

"Hulihin niyo yan! Pinagtangkaan niya ang fiancee ko!" Sigaw ni Hector. "Hulihin niyo o makakapatay ako ng tao!" May awtoridad na sigaw ni Hector.

"Ches!" Umiiyak na si Clark habang pinapaligiran ng mga bouncer. "I'm sorry!" Inulit ulit niya ito.

Ngunit ayaw ko na iyong marinig. Hindi ko na kaya. Tama na. Ang dami ng nangyari at ito na yata ang pinaka bangungot sa lahat! Umiyak ako at kinalas ko ang pagkakahawak ni RJ sa akin.

"Ches, san ka?" Tanong niya habang hinuhubad ang jacket niya at sinoot sa akin.

"Thanks... Uuwi na ako." Bulong ko at di ko na inalintana ang paninitig ng ibang taong nakikiusyuso sa nangyari.

"Ihahatid na kita, Ches." Ani RJ.

Umiling ako at tumalikod.

"Chesca!" Sigaw ni Hector nang papalayo na ako.

Hindi ko siya nilingon. Pinagpatuloy ko ang paglabas ko sa bar. Hawak hawak ko ang magkabilang sleeve ng jacket ni RJ. Naramdaman ko ang pagtakbo ni Hector patungo sa akin.

"Francesca!" Sigaw niya ulit ngunit di ko na siya nilingon.

Hinigit niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya. Medyo nagulat siya nang nakita ako. Paano ba naman kasi, panay ang buhos ng luha ko kahit na pinipigilan ko.

"K-K-Kakausapin ka ng mga police tsaka ng guards para ma imbestigahan ang-"

"Ayoko na. Ayokong pag usapan." Mahinahon kong sinabi.

"Chesca... You almost got raped!"

Hindi ako kumibo. Sinubukan kong talikuran siya ngunit hinigit niya ulit ako paharap.

Alam ko ang punto ni Hector. Kaya lang hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin. Ex ko si Clark, minahal ko siya noon, pinagkatiwalaan, at nirespeto. Nawala iyon lahat dahil niloko niya ako ngunit ngayong may ganito nang nangyari ay pakiramdam ko, ibang tao na siya. May konting kirot sa puso ko, dahilan kung bakit ayaw ko na lang siyang makaharap imbes na kasuhan o ismubong siya. Isa pa, pagod na ako. Wala na bang katapusan ang emotional stress na nararamdaman ko? Pagod na akong lumaban. Kung ano yung maaaring mawala sa akin, hahayaan ko na, hindi ko na ipaglalaban. Kasi kung talagang para sakin iyon, hindi ko na kailangang ipilit. Hindi ko na kailangang lumaban kasi agaran na ang panalo ko.

"Ano? Wala bang halaga sayo ang sarili mo? Ano? Kasi kung ako ang batas dito, baka napatay ko na siya!" Galit niyang sinabi sa akin.

"Pwede ba, Hector?" Bumuhos ang luha ko. "Give me a break! Leave me alone!" Sigaw ko.

Pumungay ang kanyang mga mata.

Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko maatim na makita ang mga mata niyang ganoon. Para bang tumatagos iyong titig niya sa puso ko. Hinigit niya ako palapit sa kanya at binalot niya ako sa init ng kanyang yakap. Bahagya ko siyang tinutulak kahit ramdam ko ang pagiging kumportable ko sa bisig niya.

"Ayoko na..." Bulong ko sabay iyak.

"Uwi na tayo." Bulong niya. "Di na kita pipilitin. Basta umuwi na tayo. At gusto ko sa iisang bahay lang tayong dalawa."

Mabilis ko siyang tinulak dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang ginagawa nila ni Elena sa condo unit niya. Nagkahalu halo ang isip ko. Naiisip ko si Clark at Janine sa apartment. Naiisip ko si Elena at Hector sa condo unit. Pakiramdam ko lahat ng lalaki ay gagawa ng kahibangang ganoon sa kanilang buhay.

Umihip ang malakas na hangin sa parking lot ng Tribe Lounge. Umiling ako sa kumikislap na mga mata ni Hector. Niyakap ko ang itim na jacket na bigay sa akin ni RJ at napayuko ako.

"Bumalik ka na lang sa condo mo, kung nasaan si Elena."

Bago ko siya iniwan ay nakita kong namilog ang mga mata niya sa gulat. Naglakad ako ng mabuti kahit na umaalon parin ang paningin ko dahil sa alak at sa luhang nagbabadya sa mga mata ko.

"What the fuck, Chesca?!" Sigaw niya.

Di ako tumigil sa paglayo. Malapit na ako sa mga may taxi. Hindi ko siya lilingunin. Yes, Hector. I saw you two. Kayong dalawa sa condo mo! At ano sa tingin mo ang maiisip kong ginagawa niyo doon?

"Chesca Dela Merced, I am talking to you!" Sigaw niya ulit.

Dela Merced ka riyan! I will be an Alde forever. Baka naman Elena Dela Merced ang ibig mong sabihin?

"Arghhhh!" Sigaw niya na para bang may pinupunit o pinipiga siya sa kinatatayuan niya.

Narinig ko agad ang mabilis niyang yapak. Hindi pa ako nakakahakbang ng isa pa ay kinaladkad niya na ako patungo sa sasakyan niya.

"Hector!" Mahinahon kong sinabi kahit na mabilis ang pintig at hataw ng puso ko.

Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o nasisiyahan sa ginagawa niya sa akin. Come on, Chesca! Bakit ka masisiyahan sa pangangaladkad ng haring iyan? Pakiramdam ba niya kaya niyang iwan ka at pulutin ulit pag gusto niya na? Hindi!

Binawi ko ang kamay niya. Para siyang na offend sa ginawa ko. Ganunpaman ay matalim ko parin siyang tinitigan.

"Elena? Nandun siya dahil nandun yung ama niya! Nandun si Tito at Tita sa condo ko ngayon, alright? Hindi mo nakita pero nandun sila sa kusina!"

"Nakahilig yung ulo niya sa balikat mo, Hector! Sa sofa! Ang close niyong dalawa!" Hindi ko napigilan ang pananabang ng tono ko.

Bahagya siyang tumawa, "Hindi mo nakitang hinawi ko ang ulo niya kasi tangna pinag papantasyahan kita sa nakakairitang FHM magazine na iyon!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at di ako nakapagsalita.

"Ang ingay niya, Chesca! Anong gusto mo? Papalabasin ko siya sa condo ko kasi ayaw mo? Sabihin mo kasi gagawin ko!"

Bahagya akong natawa dahil sa kabaliwang sinabi niya. "Tigilan mo ako. Alam ko kung ano ang nakita-"

"Natrauma ka lang! Yung ex mo iniwan ka para sa iba! Naabutan mong ganun sa apartment niya at ako naman ngayon, ginagaya mo sa kanya. Pwes, Francesca Alde, sasabihin ko sayo, hindi kami pareho. Una sa lahat..." Humakbang siya palapit sa akin.

Napangiwi ako at nag iwas ng tingin.

"Hindi ako papatol sa ibang babae dahil lang gusto ko, you have to be really great to earn my attention. You have to be an Alde to earn my attention... And you have to be a Francesca Alde to earn my love."

Tulala lang ako kahit na dinig ko ang hataw ng lintik kong puso. Humakbang pa siya ng isa. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa jacket.

"Pangalawa... Hindi ako mamimilit sayo. Kung ayaw mo sakin, hahayaan kitang ayawan ako. Pero kung iiwan mo ako, hindi ako makakapayag. Kill the King first before you win this game. Iwan mo ako? Patayin mo na lang ako!" Seryoso niyang sinabi kaya napa angat ang tingin ko sa kanya.

Nagkatitigan kami. Tumigil siya sa paghahakbang dahil sobrang lapit niya na sa akin. Tumitingala na ako sa kanya habang siya naman ay dumudungaw sa akin.

"Pang huli..." Marahan at malamig niyang sinabi.

Napalunok ako at nahirapan sa pananatili ng titig ko sa kanya.

"Sa oras na pormahan kita, hindi ka lilingon sa iba. Sa oras na akin ka na, di na kita bibitawan pa. Sa oras na binigay mo ang karapatan sakin ay sisiguraduhin kong sakop ko lahat kahit hibla ng buhok mo, Chesca. Naintindihan mo? Kaya habang akin ka at sayo ako, tayong dalawa lang. Walang Elena, walang Clark. Silang lahat, napadaan lang sa buhay nating dalawa."

Hinawakan niya ang braso ko at nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Mabilis na mabilis na ang hataw ng puso ko. Hindi na ako makasunod. Kahit na matalim parin ang titig ko at may hamog ng luha parin sa gilid ng mga mata ko ay hindi ko parin maipagkakaila na may init akong naramdaman na bumalot sa puso ko.

This is Hector Dela Merced.

"Get that, Francesca Alde... Dela Merced?"

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Para bang nababaliwan ako masyado sa sarili ko. Dahil kanina lang ay bigung bigo ako ngunit ngayon ay wagas makahuramentado ang puso ko.

"Now, be with me... for always."

Umatras ako sa kinatatayuan naming dalawa. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Kita ko rin ang pag awang ng kanyang bibig. Agad din naman akong naguilty.

"Please, be with me. Sorry sa nakita mo samin ni Elena at sorry din kasi nagkakamali ka, walang namamagitan samin. Wa'g mo akong itulad sa ex mong hayup."

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong unti unti siyang lumuhod gamit ang isang paa sa harap ko. Dinungaw ko siya sa ilalim ng madilim na gabi. Tanging nagpaliwanag lang ay ang mga street lamps ng parking lot sa labas ng Tribe Lounge. May mga tao sa malayo na nag iinuman sa Hibrid. May mga taong papasok at palabas ng Tribe Lounge pero ako lang ang nakakakita ng Hector Dela Merced na nakaluhod ulit, sa pangalawang pagkakataon, sa paanan ko.

"It's still the same, Chesca. Actually, stronger. Mahal na mahal kita at luluhod ako sa paanan mo bigyan mo lang ako ng assurance na tayong dalawa sa huli. Na walang selos na magpapahiwalay satin. Na walang taong makakapaghiwalay sating dalawa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top