Kabanata 67
Kabanata 67
Siya Lang
Muntik na akong mawala dahil sa taxing sinakyan ko. Hindi ko pa naman kabisado ang distritong ito. Ngunit nang nakita ko ang matayog at engranding skyscraper kung saan naroon ang condo unit ni Hector ay hindi ko na inalintana ang pagkawala ko.
Mabilis akong pumasok sa condo habang bitbit ang susi na ibinigay sa akin ni Hector. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko ang kanyang unit number para hindi ko makalimutan. Huminga ako ng malalim nang nakitang ako lang mag isa sa elevator. Syempre dahil madaling araw na ay wala na gaanong tao.
Nang tumunog ang elevator bilang hudyat na nakarating na ako ay napatalon na ako sa kaba. Konting kirot at konting saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang naghihingalo ang puso ko kahit na ilang segundo na lang ay makikita ko na si Hector. Parang dejavu sa isang masamang panaginip? Parang alam ko na ang susunod na mangyayari kahit hindi naman talaga.
Sa bawat pag hakbang ko ay mas lalo akong kinabahan. Napalunok ako nang naaninag ko ang pintuan ng kanyang condo unit. Hindi ko na marinig ang mga yapak ko dahil sa mabilis na pintig ng puso ko.
Nang nahawakan ko na ang pinto ay hindi na ako huminga. Nang buksan ko iyon ay namilog ang mga mata ko. Hindi makuha ng buo ng paningin ko ang nakita ko sa unit niya.
Isang malaking chandelier sa ceiling ang tumambad sa akin sa taas. Flatscreen na TV at sofa naman pag tumingin ng diretso. At sa sofa ay nakita ko si Hector na nakatalikod at nakaharap sa TV habang tinitingnan ang isang magazine. May katabi siyang babae, agad kong namukhaan kahit na nakatalikod. Ang damit niya kanina sa party ay ganun parin. Si Elena!
Nahulog ang puso ko sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na silang dalawa lang sa condo unit, disoras ng gabi! Ano ang ibig sabihin nito?
Bumuhos sa akin ang alaala ng pagpunta ko sa apartment ni Clark. Bumilis pa lalo ang pintig ng puso ko, dahilan kung bakit hindi ako makahinga. Nag hyperventilate na ako sa kinatatayuan ko sa galit at poot.
Susugurin ko na sana sila kaso...
"Hector, hindi yan pwede sayo, oh? Ang cheap ng babaeng yan." Ani Elena.
Bumuntong hininga si Hector at sinarado ang magazine na iyon.
Hinilig ni Elena ang kanyang ulo sa balikat ni Hector. Nagdilim ang paningin ko. Pumula, sa totoo lang. Kaso, may mga pagkakataon talagang isusuko mo na lang ang lahat. Kung kay Clark ay nagawa kong sumugod at mangaladkad kay Janine, ngayon, nawalan na ako ng lakas.
Dahil minsan, kung mahal ka ng isang tao, hindi mo na kailangang ipakita na nahuli mo siyang nanloko. Kailangan, hindi siya manloko kahit wala ka. Na hindi mo na siya kailangang mahuli bago siya tumigil. Kaya kahit kating kati ang paa kong sumugod ay mas pinili kong umalis nang di sinasarado ang pinto nang sa ganun ay hindi nila mamalayan na may tao.
Hindi bali na kung bumuhos ang luha ko sa mukha ko. Hindi bale na kung masaktan ako. Sobrang sakit na hindi ko na kayang ilarawan.
Hindi ko na maalala kung paano ako umuwi sa bahay. Nawalan na ako ng lakas. Tulala ako dahil sa nakita ko. Silang dalawa lang. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Naalala ko iyong nangyari kay Clark at Janine. Iyong mga ungol at ang buong posisyon. Humagulhol ako ng iyak sa kama at binaon ko ang mukha ko sa unan. Sana kunin na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ba pwedeng mag mahal na lang at wa'g ng masaktan? Kung di man kayang suklian ni Hector ang loyalty na maibibigay ko, ay hindi ba pwedeng matuto na lang akong maging masaya sa bawat desisyon niya?
Alas dos nang napag desisyonan kong umalis ng bahay para magliwaliw. Dahil alam kong hindi ako makakatulog dahil sa nangyari at hindi ko hahayaan ang sarili kong mag mukmok sa kwarto.
"Francesca Alde!!!" Mapupungay na ang mga mata ni Brandon nang binati niya ako sa loob ng Tribe Lounge.
Noong una ay hindi ko siya nakilala dahil sa buhok niya. Ang shoulder-length hair niya ay pinutulan niya na ngayon. Bakit may naaalala ako sa pagpuputol niya ng kanyang buhok? Naaalala ko ang buhok na pinutol ni Hector para sakin. Napangiwi ako at tinampal ang ulo ni Brandon. Ngumisi lang siya at kumindat.
Kitang kita ko ang forest themed na dekorasyon ng bar na madalas naming pinupuntuhan ng mga kaibigan ko. Mabilis na sumayaw ang mga neon lights at balot na ito sa usok. Kanina pa nagsimula ang party sa club na ito at kararating ko lang.
Pinilit kong ngumisi lalo na nang nakita ko ang mga models na nakilala ko rin noon.
"O? Ba't nandito ka sa Maynila?" Tanong ko kay Brandon habang inaabot niya ang isang shot. "And what happened to you hair?" Nilakasan ko ang boses ko dahil masyado ng maingay.
Kitang kita ko ang mga kaibigan kong medyo mga lasing na, lalo na ang mga models. Sumasayaw na sa dancefloor. Wala sina Tara at Desiree dahil syempre may pasok na bukas kaya di na yun gagala ngayon.
"I belong here." Simpleng sagot ni Brandon.
Umismid ako. "What happened to your hair?" Nilagok ko ang binigay niyang whiskey.
"Obyus bang pinutulan ko?" Tumaas ang kilay niya.
May idadagdag pa sana ako ngunit nakita bigla na akong inakbayan ng ilang kaibigan ko. Nakangisi si RJ at amoy alak na habang nginingitian ako. Si JV naman ang umakbay sa akin, nakaballcap at jacket na itim. Mukhang kanina pa sila dito.
"Uy!" Sabay tanggal ni RJ ng kamay ni JV sa balikat ko. "Baka nandito si Hector sa paligid, mag eeskandalo yun pag nakitang hinahawakan mo si Chesca.
"Hector isn't here." Sabi ko sabay inom pa nung whiskey.
Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Brandon at tiningnan akong mabuti. Nagkibit balikat si RJ at JV sa akin.
"LQ?" Tanong ni Billy.
Hindi ako sumagot.
"Sayaw na lang tayo, Chesca!" Anyaya ni JV.
"No thanks, kayo na lang muna." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Brandon.
May mga katable din kaming girls na model pero hindi ko naman masyadong ka close. Ka close ni Brandon ang mga ito kaya hindi ko na lang pinansin. Ang importante sakin ay hindi ako mag isa, hindi ko masyadong maisip iyong nangyari sa condo ni Hector.
"You okay, Chesca?" Tanong ni Brandon pagkatapos kausapin yung mga babae. "Kanina mo pa nilalaklak ang JD. LQ?"
Umiling ako dahil mas magandang ideny.
Hindi naman talaga kami nag away, e. Ako lang ang may problema. Naalala ko iyong paghilig ng ulo ni Elena sa balikat ni Hector. Pumikit ako at narinig ko ang ungol kung saan sa utak ko. Shit! Bumilis ang pintig ng puso ko sa galit. Naiiyak ako kaya imbes na damhin ito ay ininom ko na lang ang tatlong shots.
Dumami pa ang sumunod nun. Napansin kong imbes na isipin ko ang problema ko ay napapatawa ako kasama nung mga babaeng kausap ni Brandon. May mga boyfriend din sila at dalawa sa mga babae ay expat ang boyfriend kaya masyadong showy, nakakapaghalikan sa mukha ko.
Umiling ako at uminom ulit.
"Tara, Chesca, let's go!" Dinig kong sinabi ni JV... o ni RJ. Hindi ko alam kung sino basta may nagyayayang sumayaw.
Ngumisi si Brandon at tumayo. May nakita akong dalawang babaeng humila sa kanya sa dancefloor. Tumatawa siya at nagpahila sa mga ito. Tumayo rin ako at pumalakpak si Billy at iyong mga kaibigan niyang di ko kilala.
Tumawa na lang ako at sumayaw na rin sa dancefloor, sa ilalim ng nagsasayaw na neon lights at sa gitna ng sumasayaw na mga tao. May tumango sa aking babae na kilala ko noon. Tinanguan ko na lang at pumikit ako dahil hilong hilo na ako.
Tumingala ako habang nakapikit at nakita ko si Hector sa utak ko kasama si Elena. They deserve each other. Pareho silang anak mayaman, diba? At ako? I'm a cheap model like she said.
Sumayaw na lang ako at hinayaan ang sarili kong magpakalunod sa dancefloor. Biglang may naramdaman akong sumasayaw sa gilid ko. Hinayaan ko iyon. Sumayaw na lang ako at binalewala kung sino man iyong sumasayaw sa gilid ko.
Naramdaman ko ang kanyang katawan sa likod ko kaya medyo naasiwa ako.
"Dance with me again, Chesca." Malamig niyang sinabi.
Dumilat ako at medyo umaalon na ang paningin ko. Gusto ko siyang lingunin ngunit natatakot akong baka mabigla ang sistema ko at mag pass out ng tuluyan dahil sa alak.
"I love you so much..." Bulong niya.
Dama ko ang hininga niya sa aking tainga. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na lumingon. Pagkalingon ko ay nahilo ako at bahagyang na out balance.
Hinawakan niya ang aking mga braso. Sa sobrang lapit niya sakin ay dama ko na ang buong katawan niya sa likod ko.
"Let's do it again, Chesca. Please... Let's start over..."
Halos pikit na ang mga mata ko nang pinilit kong idilat iyon para makitang medyo pula na ang mukha ni Clark. Mukhang lasing na rin siya.
"Oh my..." Pinilit kong tumayo nang hindi niya tinutulungan.
Ngunit pinilit niya ring tulungan ako. Hinapit niya ang baywang ko para makatayo ako ng maayos. Tinanggal ko ang nagmamatigas niyang braso sa baywang ko at pinilit na maglakad palayo kahit mahirap dahil sa mga taong sumasayaw.
"Chesca... please!" Tawag niya.
"Go away, Clark." Sabi ko sabay lakad palayo.
Umiekis ekis na ang paa ko. Hindi ko naaalala kung kelan ako naging ganito ka lasing. Iyong tipong nagkakaroon na ako ng black outs. Last kong naalala ay nasa dancefloor pa ako at umaalis, sunod ay namulat akong nasa CR na ako ng bar. Inayos ko ang sarili ko doon.
Naghilamos ako kaya medyo nahimasmasan ako. Lumabas ang isang babae sa cubicle, nag powder at umalis din. Nakatunganga ako sa harap ng salamin nang biglang may pumasok sa loob. Hindi ko na nilingon dahil hindi ko inakala kung sino iyon.
"Come on..." Sabay higit ni Clark sa kamay ko.
Sa sobrang gulat ko ay sinampal ko siya. Mabilis at pakalabog ang pintig ng puso ko. Naestatwa ako at natakot dahil sa biglaan niyang pagsulpot dito sa girl's CR!
"Anong ginagawa mo dito?"
Halos nakapikit na siya sa sobrang kalasingan. Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. Agad kong hinawi ang kamay niya.
"Of course, sinusundan ka."
"Clark! Stop it!" Sigaw ko. "Sabi ko naman sayong wala na tayong pag asa diba?"
Dumilat siya at kitang kita ko ang pula niyang mga mata. Biglang nag iba ang ekspresyon niya. Nag apoy ang galit at poot sa kanyang mga mata. Nakita ko na siyang magalit noon, pero ang galit niyang ito ngayon ay may halong histerya at kahibangan. Hindi ako sigurado kung pinalakas ba ito ng alak o sadyang naipon ang lahat sa kanya.
Naubusan ako ng dugo nang naramdaman kong pinaglandas niya ang kanyang kamay sa hita ko. Kung bakit pa kasi ako nagsoot ng maiksing dress para sa party na dinaluhan namin ni Hector kagabi.
Sinampal ko na agad siya at tinulak. Bahagya siyang napalayo. Nakatagilid ang ulo niya at kitang kita ko ang pamumula ng leeg at mukha niya. Lalagpasan ko na sana ngunit agad niyang nahigit ang kamay ko at itinulak niya ako sa salamin.
"NOT SO FAST, CHESCA!" Galit niyang sigaw at ipinako ako doon gamit ang kanyang mga kamay.
Natuyuan ako ng lalamunan nang nakita ko ang nag aapoy niyang mga mata. Nanginig ang binti ko sa takot. Oh no... Oh no... Don't tell me?
"Ikaw? Nakuha ka lang ni Hector ay hindi ka na tumitingin sa pinanggalingan mo!?" Sigaw niya.
Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya nag iwas ako ng tingin.
"Look at me, Chesca!" Sigaw niya.
Kitang kita ko ang mukha niya sa mga salamin. Ang mukhang minsan kong minahal. Magulo ang kanyang buhok ngunit litaw parin ang mestizo niyang mukha at maamo niyang mga mata. Pero ngayon, ang maamong mga mata ay binalot na lamang ng galit.
"Stop it, Clark!" Sigaw ko ulit. "Pinatawad na kita kaya wa'g mong dagdagan ang kasalanan-"
"Tangina mo! Naghintay ako sayo kahit na sobrang nakakainis na! Naghintay ako, Ches! Naghintay ako!" Dinig ko ang napapaos niyang boses.
Humikbi siya sa akin kahit na di ko siya diretsong tinitingnan.
"Naghintay ako para mangyari tayo! Pero iiwan mo lang ako!? Ano iyon? Scam? Sabi mo maghintay ako tapos ilang buwan lang ng pagkawala ay nakahanap agad ng iba? Di lang yun, ha? Di lang yun, bumigay ka pa!" Sigaw niya.
Tinulak ko siya. "Wala kang pakealam sa mga desisyon ko. This is long overdue, Clark. Were done before I met Hector!"
"SHUT UP! DON'T MENTION HIS NAME!" Sigaw niya sa mukha ko.
Tinulak ko ulit siya ngunit hindi ko na siya magalaw!
"Bitiwan mo nga ako! Bitiwan mo ako, Clark!" Sigaw ko at pumiglas na sa pagkakapako ko.
"Chesca, come on, please." Binalot ng pagkabigo ang boses niya.
Pinilit niya akong halikat kahit panay ang iling ko para di niya mailapat ang labi niya sakin.
"Shit! Clark! Wa'g kang ganito!" Sigaw ko.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kinabahan pa ako lalo. Lalo na nung nahawakan ko ang kamay niyang sobrang tigas at mukhang di ko matitibag.
Nakapako ang dalawang braso ko gamit ang kamay niya. Masyado niya namang dinidiin ang sarili niya sakin kaya di ko siya matadyakan. Itinaas niya ang kamay ko at binaba niya ang mukha ko. Dama ko na ang mga halik niya sa dibdib ko.
"CLARK! DON'T DO THIS!" Sigaw ko sabay piglas.
Shit! Naiiyak ako, nagagalit, nanghihina. Pero kailangan kong makawala. Kailangan kong matigil ang kahibangan ni Clark! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya ito! Hindi ako makapaniwala na kaya niya itong gawin sakin!
"Naghintay ako para sayo! Naghintay ako pero ito ang sukli mo!" Sigaw niya habang pinapaulanan ako ng halik.
Pumiglas ako lalo. Wala akong pakealam kung masaktan ako o magkapasa ako sa pagpiglas ko. Kailangan kong makawala!
"HECTORRRRRRRRRR!" Sigaw kong halos mapaos na.
Dahil kahit galit ako sa kanya, kahit na marami akong issue na naiisip, kahit na isipin kong may ibang mas bagay sa kanya, o kahit na pakiramdam ko may iba siya, siya parin yung gusto ko. Siya parin yung takbuhan ko. Siya lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top