Kabanata 64

Kabanata 64

Stay

Masaya kaming bumalik sa Maynila. Hindi ko nga lang alam kung kasama ba si Clark at Janine sa mga masasaya. Pareho kasi silang mukhang pagod nang umalis kami. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari dahil nagkahiwalay din kaming lahat. Sila ay kay Clark sumakay. Samantalang sumabay naman ako syempre sa boyfriend kong si Hector.

Masaklap kasi na spoil na naman ang kanyang pagiging sira ulo sa sasakyan dahil hindi sumama si Oliver pag balik. Aniya'y miss niya na daw ang pamilya niya kaya doon muna siya hanggang sa magresume ang classes ngayong Wednesday.

"Chesca, lumipat na kayo sa bahay."

Umiiling na ako sa offer ni Hector.

Kanina niya pa ito ipinagpipilitan kaya lang hindi ako pumapayag dahil nakakahiya naman sa kanila na doon na ulit kami sa bahay namin dahil ipinangalan iyon ni Hector sa akin.

Naabutan namin si Craig na umiinom ng malamig na tubig sa ref at topless na tinitigan kaming dalawa.

Tumaas ang kilay niya. Oo nga pala... Hindi niya alam na nagkabalikan kami kahit na mukha namang nag aala Madame Auring na sila ni Teddy noon sa panghuhula na magkakabalikan nga kami.

"Nagkabalikan na kami." Balita ni Hector kay Craig.

Tumango si Craig at nilagok ang tubig.

"Where's the sofa?" Napatanong ako nang uupo sana ako sa sofa namin ngunit wala doon.

"Dinala ni Teddy." Ani Craig.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa... Sa bahay! Aha! Alam niyang nagkabalikan kayo kaya ba ayun na siya at dinala na halos lahat ng gamit niya sa bahay!? Akala ko talaga nagbibiro siya at lumalayas, e!" Tumawa si Craig.

"WHAT?"

Nilingon ko si Hector at nag iwas siya ng tingin sa akin. Oh great! Hindi na kailangan ang opinyon ko dito. At dahil manggagamit ang pamilya ko ay lagi nilang nimamaximize ang resources.

"Sayang naman ateng kung di natin titirhan ang bahay. Sino titira doon? Mga multo? Hindi mo ba namimiss ang terrace nating overlooking ang skyscrapers ng QC?"

Pinandilatan ko ang natatawang si Craig.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at sumunod din si Hector.

"Hector! Sa labas ka lang!" Sigaw ko sa kanya.

"O? Bakit? Tayo na naman, ah?"

"Kaya nga mas lalong sa labas ka lang!"

Baka mamaya ay may mangyari pa saming dalawa kung isasama ko siya dito sa loob. Ngunit hindi mapigilan ang mokong. Humalukipkip siya at umupo sa kama ko.

"You undress yourself, Chesca."

Nalaglag ang panga ko.

"Sige na. Magbihis ka na." Utos niya at pinanood ako.

"Tumigil ka! Adik!" Sabi ko.

"I'm waiting. Come on."

"Ayoko nga!" Inirapan ko siya at naisipang ang isang bagay. Umupo ako sa tabi niya. "Teka nga, saan ba ang bahay niyo?" Tanong ko.

"Wala kaming bahay dito, Chesca."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sa condo ako nakatira."

"Whoa? Talaga? Paanong ang isang Dela Merced ay walang bahay sa Maynila?"

"Magkakaroon pa lang. May binili akog bahay sa kabilang subdivision. Kino construct pa lang." Aniya.

"Bakit wala kayong bahay dito?"

"Ayaw ni lola dito sa Maynila kaya yung mga bahay ng parents ko ay pinagbili niya. Ayaw din naman ng parents ko dito kaya pumayag din sila."

"Paano kung pupunta ang tito mo dito sa Manila? Si Tita Carolina? Lola?"

"Yung condo ay kay lola pero hindi niya naman dinadalaw kaya doon ako tumutuloy. Si tito naman ay may bahay dito sa kabilang subdivision. Kaya lang ay may nakatira doong mga kamag anak niya."

Tumango ako. "Ikaw lang ba mag isa sa condo."

"Oo." Ni head to foot niya akong bigla.

"Sinong nag lilinis? Sinong nagluluto?"

"May option naman na housekeeping. Tsaka minsan ako lang din. Unless gusto mong lumipat at ipagluto ako?" Ngumisi siya at inakbayan ako.

"Ano ka? Wala akong alam sa gawaing bahay kaya wa'g ka ng mag expect."

Tumawa siya. "Oh edi pag tayong dalawa na sa kama ka na lang lagi."

"Tumigil ka nga!" Ngumisi ako at kinurot siya.

"So? Ikaw lang talaga sa condo? Mag isa? Buong anim na buwan na wala ako?" Tanong ko.

"Oo. Pero madalas si Oliver doon tsaka si Leo."

"Leo?" Napatanong ako.

"Yung kuya ni Harvey." Nanliit ang mga mata niya.

Ngumuso ako.

"Anong meron kay Harvey at bakit parang kumikislap iyang mga mata mo pag nandyan siya o nababanggit man lang?"

"Ano? Anong kumikislap? Ang OA mo!"

"Hindi, e. Meron talaga." Tinitigan niya ako.

Masyadong mabigat ang titig niya at hindi ko magawang tumitig pabalik kaya nag iwas na lang ako ng tingin.

"Ano naman yun?" Uminit ang pisngi ko.

"Basta. Ewan ko. Nagagalit ako." Aniya.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin, ngayon, mas mabigat at mas mainit.

"T-Tumigil ka nga, Hector!" Tinulak ko siya ng bahagya dahil palapit na ang mukha niya sa tainga ko.

"Pag nagagalit ako, gusto kong iparamdam sayo lahat ng karapatan ko." Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Sa bulong niya pa lang ay nalalasing na ako.

"Naiirita ako, e. Sa lahat ng lalaking tinitingnan mo. Baka isang araw ay may bigla na lang akong masuntok kasi tinitingnan mo." Aniya at humalakhak.

Sinapak ko na at agad lumayo sa kanya. Baliw talaga ang isang ito!

Ngumisi siya at agad akong hinila palapit sa kanya.

"Ano ba, Hector! Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sabay bawi sa kamay ko.

Ngunit hindi niya ako binitiwan. Imbes ay hinawakan niya ang magkabilang pulso ko at ibinaon niya iyon sa kama habang kinukulong niya ang mga binti ko sa nakabahagi niyang hita.

"You're trapped." Tumawa siya.

Pumiglas ako at nanlaban ng palaro sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan akong tumatawa.

Hinawakan niya ang dalawang pulso ko sa iisang kamay. Akala ko mas madali akong makakawala ngunit nagkakamali ako, malakas parin talaga siya.

Kiniliti ako ng isang kamay niya kaya nabaliw ako at tumadyak at nangisay sa kama.

"OMG! Please, tama na! Please!" Sigaw ko sabay tama.

"Uh-huh." Bulong niya sa tainga ko sabay halik.

Pati iyon ay nakakakiliti kaya napatili ulit ako.

"Sarap pakinggan ng tili mo." Bulong niya ulit.

Kahit wala siyang kinikiliti ay nakikiliti ako. Ewan ko ba.

Humalakhak siya. "Ayoko na nga. Baka di ako makauwi!" Aniya sabay pakawala sa akin.

Umismid ako ng palihim at kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siya sa ibabaw ko. "Bakit? Busy?" Ngisi ko.

"May meeting ako bukas sa kasosyo ni tito. Yung kapatid niya." Aniya.

Tumango ako.

"Sana ma close ko iyong deal."

Nagulat ako. Marami siyang alam tungkol sa akin. Alam niya halos lahat ng tungkol sa akin pero ako ay walang alam sa negosyo niya. Not that I can help him or something, pero pakiramdam ko ay karapatan kong malaman ang lahat. Wala naman siyang inililihim ngunit pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pagtatanong.

"Anong deal iyon?" Tanong ko.

"Expansion ng rancho. Balak ko kasing bilhin yung katabi ng dulo ng lupain." Aniya.

"Alin? Yung sa mga Buenaventura, ba?"

Umiling siya. "Hindi, yung nasa Camino Real. One fourth ng lupain namin ay nasa Camino Real na. At may 20 Hectares doon na ibinibenta sa tabi."

"Anong gagawin mo sa 20 hectares? Hindi ka pa ba nagsasawa sa ekta ektaryang lupa niyo?"

Umiling siya at ngumisi. "Balak kong makipag sosyo sa Tiyo at Papa mo. Yung organic chicken? Imamarket ko."

"Poultry? Hindi ba may poultry kayo sa rancho? Hindi ba kasya doon?" Napatanong ako.

"Oo pero gusto kong ilagay doon yung organic chicken. Papataniman ko rin ng mais at palay. Tsaka marami pa akong balak."

"Ano yung deal na iko close mo sa ka meeting mo bukas?" Tanong ko.

"May ari kasi sila ng malaking food corp na nag fo focus sa meat. Kaya gusto ko sana yung organic chicken ay ma market nila."

"Hindi ba pwedeng sa dating food corp niyo na lang ilagay?"

Umiling siya. "Mas madaming koneksyon, mas maganda."

Hindi ako makapaniwalang marami na siyang naiisip na ganito. Pakiramdam ko tuloy ay puro love life ang inaatupag ko dahil ang pinakamalayong pag iisip ko ay iyong mga tungkol lang sa aming dalawa. Mas lalo akong humanga sa kanya. Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ba't mo kinakagat yang daliri mo?" Tanong niya.

Tinigilan ko iyon at nginitian siya.

Yumuko siya at ramdam ko ulit ang dibdib niya sa dibdib ko. Ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko. Damn, I'd give the world for him. Lahat. Kahit ano, pwede niyang gawin sa akin. As long as he's mine. Pumikit na lang ako nang naramdaman kong naglapat ang labi namin. Mahina iyon at marahan.

"Holy shit..." Bulong niya. "Ang bilis ng pintig ng puso ko."

Ngumisi ako at pinaulanan niya ako ng maiinit na halik.

Ni hindi ko na nga namamalayan na ganun din ang nararamdaman ko. Parang natural na lang sa akin na ganun ang maramdaman kaya yung puso kong nag aalburoto ay naging isang hobby ko na lang.

"I love you so much, Francesca Dela Merced. One day, hindi lang halik ang itatanim ko sayo." Humalakhak siya sa napapaos na boses.

It was sexy as hell. I cannot.

Tinulak ko siya at tinitigan ko ang natatawa niyang gwapong mukha. Damn it! Kailan ako masasanay sa kagwapuhan niyang mala diyos? Pakiramdam ko ang swerte ko. Pinagpala talaga yata ako dahil sa dami ng kasamaang nagawa ko ay binigyan parin ako ng tulad niya.

"Anong itatanim mo?" Tanong ko.

Pinilit niyang humalik sa akin kahit na tinutulak ko ang dibdib niya. Pahapyaw na halik lang ang nagagawa niya dahil panay ang tulak ko sa kanya.

"Ano, Hector?"

Humalakhak na naman siya sa isang mainit na boses. "Do you really wanna know?"

"Ano sabi?" Tinaas ko ang kilay ko.

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin. Magkadikit na ang dibdib naming dalawa nang inilapit niya ang labi niya sa tainga ko.

"I'll plant a bomb, Chesca. At sasabog yun." Humalakhak siya.

Tinulak ko siya agad. "Gago!" Sigaw ko.

"Sasabog yun... di pa ako tapos-"

Magsasalita sana ako ngunit mariin niya akong siniil ng halik. Isang halik na nakapag paungol sa akin. Hinila ko ang kaluluwa ko pero hindi ko na iyon mahanap. Tuluyan nang nilipad ng halik na iyon.

"After nine months. Are you cool with that?" Humalakhak siya.

Kinurot ko ang baywang niya.

"Aw!" Inda niya ngunit ngumiti parin. "And you won't have a choice but to marry me."

Oh, Hector! Kahit naman hindi tayo magkakababy ay papakasalan parin kita. Wa'g lang muna ngayon.

"Baliw ka ba?"

Ngunit nang nilapat niya ulit ang kanyang labi sa akin, pababa sa leeg ko, sa collarbone, sa dibdib ay nawalan na ako ng boses. Hindi ko na mahagilap ang mga salita.

"Bahala na nga yung meeting." Aniya habang hinahalikan ako. "At oo, Chesca, baliw na yata talaga ako. Sobrang baliw ko sayo. Pakiramdam ko pagkatapos ng mga nangyari sa atin, mababaliw ako pag di tayo nagkatuluyan. So you stay if you don't want me crazy. If you want me yours." Bulong niya habang tinatanggal ng marahan ang bawat piraso ng damit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top