Kabanata 6

Kabanata 6

Kiliti

"Ang harsh mo namang magpasalamat." Tumawa siya at nagpatuloy sa paghuhugas ng kanyang sugat.

Matalim ko siyang tiningnan kahit hindi niya naman iyon nakikita.

Lumapit ako sa kanya at tumabi upang makita ng malapitan ang sugat. Napatingin siya sa akin. Ngumisi siya at mas lalo akong sumimangot.

"Akin na nga yan!" Galit kong utas at hinawakan ng marahas ang braso niyang nagdurugo parin.

"Ow!" Reklamo niya.

Pumikit siya sa sakit pero ngumisi din. Kainis, huh! Pasikat ang isang ito. Pacute pa.

"Sorry." Malamig kong sinabi at tiningnang mabuti ang kanyang sugat.

Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon pero di ko magawang iangat ang paningin ko para makita siya. Nanatili akong nakatitig sa sugat niya. Mukha namang hindi gaanong malalim iyon pero di pa humuhupa ang pag dugo nito.

"Gagamutin ko na." Sabi ko at bumaling sa kanya.

Nakaangat ang kanyang labi at matama akong tinitingnan. Kung makatingin siya sa akin ay para bang may nakakatawa.

"Dahan-dahan, ah? Hindi naman kaya tuluyan mo ako?" Humalakhak siya.

Inirapan ko siya, "Anong akala mo sakin? Tsss."

Nilagyan ko ng alcohol ang panyo. Habang ginagawa ko iyon ay nakita kong naghubad siya ng t-shirt. Nag igting ang bagang ko at iniwasan ko ang pagtitig sa katawan niya. Pero kahit panay ang iwas ko, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang nakabalandra niyang biceps. Mabuti na lang at nakatagilid siya kaya hindi ko makita nang lubusan ang buong katawan niya.

Hindi ko naiwasan ang pagtingin sa kanyang braso dahil iyon ang gagamutin ko.

"Ba't ka pa naghubad?" Sabay ismid ko nang nilalagyan ko na ng alcohol ang sugat niya.

"Para mas madaling magamot."

Hindi ako tumitingin sa mukha niya pero alam ko na namang nakangisi siya. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba o ano. Habang tumatagal ay mas lalong tumitigas at na define ang muscles niya sa braso sa paningin ko. God, he is hot. Braso niya pa lang ang nakikita ko pero alam ko... Siguro ay hinubog itong katawan niya dito sa bukid. Masyado siyang na expose sa mga gawaing pambukid kaya ganito na lang ang katawan niya kahit kaedad pa lang kami.

Don't get me wrong. Maganda din naman ang katawan ni Clark. Medyo mas payat siya kay Hector ng kaonti. Kontin abs at muscles na nakuha niya sa pag g-gym. Nasa 5'6 ang height ko, kaya hula ko nasa 5'7 o 5'8 si Clark dahil hindi naman kalayuan yung tangkad naming dalawa. Pero itong si Hector, halatang 6 footer. Bakit ko nga ba kinukumpara? Pinilig ko ang ulo ko at nag concentrate sa pag lalagay ng alcohol sa kanyang sugat.

"Ba't ka galit?" Tanong niya.

"Hindi ako galit." Malamig kong sinabi.

"Galit ka, e." Makulit niyang sinabi.

"Hindi nga sabi ako galit!" Medyo iritado kong sinabi habang nilalagyan ulit ng alcohol ang panyo.

"Galit ka..." Matama niyang sinabi nang natatawa.

"HINDI SABI!" Sabay diin ko sa sugat niya.

"ARAY!" Napaatras siya sa ginawa ko.

"Ang kulit mo!"

Tumawa siya, "Totoo namang galit ka..." Tumawa ulit siya.

Inirapan ko na. Ang nonsense ng pinag aawayan naming dalawa pero nakakairita lang kasi. 

Hindi na ako nagsalita. Ayoko na. Bahala siya kung anong isipin niya. Ang panghuli kong ginawa sa sugat niya ay ang pagpulupot ko ng panyo sa braso niya.

"Sa susunod kasi wa'g mo ng gamitin yung cellphone mo lalo na pag mag isa ka sa daanan." Pangaral niya sakin.

Niligpit ko yung alcohol ko. Siya naman ay sunusoot ang t-shirt niya habang tumatayo.

"Hindi ko naman alam na hanggang dito may holdaper! Sa Manila lang ang alam ko." Nilagay ko sa balikat ang bag ko at tinalikuran si Hector.

"Meron din naman dito. Anong akala mo sa Alegria, langit?" Nanunuya niyang sinabi.

Nilingon ko siya, "Pwede ba? Hindi ako tanga pero di ko naman ineexpect na magkakaganun." Inirapan ko siya at nagsimulang umalis.

"Oh, san ka pupunta? Uuwi?"

"Oo. Obviously."

"Samahan na kita. Mamaya sa unahan mahohold up ka uli." Tumawa na naman siya.

Nakakunot noo na ako nang nilingon ko siya, "Tigilan mo nga ako. Hindi nakakatuwang ma hold up! It's not funny, Hector."

Tumaas ang kanyang kilay at natigilan siya sa sinabi ko.

"Sorry." Aniya ilang sandaling paglalakad ang nakalipas.

Mabilis akong nagmartsa paalis doon sa paraisong iyon. Sayang, paraiso nga pero may kasama naman akong bruto. Panay naman ang sunod niya sakin nang di nagsasalita. Okay lang. Mabuti na rin yung nakatikom ang bibig niya. Puro pang iinis lang kasi sakin ang lumalabas doon.

Nang nakarating na kami sa sentro ay panay na ang lingon-lingon ko para makapaghanap ng tricycle. Nakatingin siya sakin habang lumilingon-lingon ko kaya nakakaasiwa.

"Para!" Aniya sa isang malayong tricycle.

Hindi ako makapaniwalang agad lumapit yung tricycle.

"Pahatid po, manong, kina Alde." Utas niya sabay ngisi sa akin.

Nakakunot ang noo ko nang tiningnan ko siya. Hindi ko alam pero hindi ata natatanggal ang kunot ng noo ko at hindi rin natatanggal ang ngisi niya.

"Sige na, Chesca, pasok ka na." Sabay lahad sa loob ng tricycle.

"Kina Alde? Ito ba yung pinsan ni Teddy, Hector?" Tanong ng driver.

"Opo, manong." Sigurado namang sagot ni Hector.

Aba't kilala ako? BInalewala ko na lang lahat. Syempre, maliit lang ang Alegria kaya malamang ay magkakilala ang mga tao dito. Pumasok ako sa loob at nagulat ako nang sumakay din siya.

"Saan ka naman, Hector? Kina Alde din?" Tanong ng driver habang nag dadrive na papunta samin.

"Hindi po, sa rancho na lang ako." Aniya.

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya at kinindatan ako.

ADIK!

"Sa rancho ng mga Dela Merced?" Tanong ko.

Sinagot iyon ng driver, "Walang ibang may rancho dito kundi ang mga Dela Merced. Madalas pagsasaka yung negosyo ng iba."

"Anong gagawin mo sa rancho, Hector? Magpapastol ng kambing?" Tumawa ako.

Ngayon, ako naman ang tatawa. Hindi pwedeng palagi na lang akong naiinis sa kanya.

Nanliit ang mata ni Hector, "Oo. Anong problema mo dun?"

"Mehehehe. Mehehe." Tumawa ulit ako nang pakambing, panunuya ko sa kanya. "Trabaho mo ba ang pagpapastol?"

Umangat ang labi niya, "Oo, bakit? Anong problema mo?"

"Wala lang." Tumawa ako.

Trabahador pala si Hector sa rancho nina Koko. Kaya pala malaki ang katawan niya. Pero ang nakapagtataka ay mas makinis parin siya kumpara kay Koko. Siguro ay nasa lahi iyon. Siguro ay hindi ganun ka kinis ang mga Dela Merced. Iyon ang akala ko.

Tumatawa pa ako nang tumigil sa harapan ng bahay ang tricycle.

"Salamat po." Patawa kong sinasabi.

Naiimagine ko kasing panay ang hila ni Hector sa pisi ng mga nag aalburutong kambing. Siguro ay nahihirapan siya sa trabaho. Kahit pala ngisi at nang iinis siya sakin, siguro pagdating sa trabaho ay siya naman ang naiirita.

"Ba't ka tumatawa?" Tumatawang tanong ni Hector sa akin.

Umiling ako habang natatawa parin.

Bigla niya akong kiniliti habang nakakagat siya sa labi.

"Tinutukso mo ba ako?" Sabay kiliti sakin.

Panay ang tulak ko sa mga kamay niya at umalingawngaw na ang tawa ko dahil sa pangigiliti niya.

"Pati ba kabayo ay inaalagaan mo sa rancho?"

Nanliit ang mga mata niya pero bakas parin ang ngisi sa labi niya, "Oo. Bakit?"

"Kaya pala pang kabayo ang hairstyle mo!" Humagalpak ulit ako sa tawa.

Nakakagat labi ulit niya akong kinikiliti.

"Shit!" Mura ko at mabilis na lumabas sa tricycle. "Yan ang bagay sayo! Akala mo ikaw lang marunong mang inis, ha! Nye!" Umisli ang aking dila para inisin pa siya lalo.

Tumawa siya at lumabas sa tricycle. Mabilis din akong tumakbo papasok sa gate ng bakuran namin. Nakita kong nandoon si Teddy, nakatambay sa duyan sa ilalim ng puno ng Durian. Pinagmasdan niya ako habang tinitingnan si Hector sa gilid ng tricycle.

"Nye!" Tumawa ako.

"Patay ka sakin, Chesca! Humanda ka bukas!" Banta niya habang umiiling at sumasakay pabalik sa tricycle.

Tumawa na lang ako at patuloy ko siyang pinapakitaan ng dila hanggang sa nawala na ang tricycle. Hiningal ako sa ginawang pagtawa. Papasok na sana ako sa bahay nang narinig ko ang palakpak ni Teddy. Naroon na rin si Craig na ngayon ay naka jersey at nakanguso.

"Very good, Chesca!" Ani Teddy.

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Close na close na pala kayo ng tagapagmana ng mga Montenegro at Dela Merced."

Napangiwi ako. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Teddy.

"Sinong Montenegro? At ha? Paano niyo nasabi?"

"Si Hector yun, diba? Yung kasama mo?"

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Napaawang ang bibig ko. Ano ngayon kung si Hector iyon? Bakit? Anong problema kay Hector?

"Hector Immanuel Montenegro Dela Merced." Kumpletong sinabi ni Craig at humalukipkip.

WHAT? SI HECTOR ANG DELA MERCED? HINDI SI KOKO? Nalaglag ang panga ko sa kanilang sinabi.

"S-Si Hector ang Dela Merced? Hector Dela Merced?"

Tumango silang dalawa, "Bakit? Sino ba yung iniisip mo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top