Kabanata 54

Kabanata 54

Farm ni Chesca

Mabilis akong bumalik sa shore. Nasa mababaw na parte ako nang nakita kong hayop tumitig si Hector sa katawan ko. Kinikilabutan tuloy ako. Parang bang anytime ay sasabog siya sa galit dahil sa soot ko. Nang nakaahon ako ay agad agad kong pinulot ang damit ko. Kahit basa pa ako ay sinoot ko agad ito.

Lumapit siya sakin at bigla niyang hinapit ang baywang ko. Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong umapila pero mabilis ang kalabog ng puso ko at halos di ako makahinga.

"Tayo na." Malamig niyang sinabi.

"Uh, m-mababasa ka sakin." Sabi ko.

"Pake ko?" At mas lalo pa niya akong hinila palapit sa kanya.

Nilingon ko ang iilang mga kasamahan kong nasa shore at nag su sunbathing. Halos silang lahat ay nakatingin samin at tahimik. Kita ko rin si Kira na nakaawang ang bibig habang nasa labi na ang potato chips na hindi niya mapasok pasok sa bibig.

"Kira, baka uwi na kami."

"Sige sige!" Tumango si Kira saka kinain yung kanina pang potato chip sa labi.

Nang naglakad kami palayo at bahagya ko silang nilingon ay kitang kita ko ang mabilis na talakan nila. Sinulyapan pa kami ni Amy at mukhang kaming dalawa yata talaga ang pinag uusapan.

Nang tumingin naman ako sa dinadaan namin ay bawat mata ng mga guests sa resort ay lumalagpas sakin at dumediretso kay Hector. Para bang hindi nila ako nakikita dahil sa katabi ko. Yung tipong hindi man lang nila ako napansin kahit nakatingin ako sa kanila dahil nakatoon ang buong atensyon nila kay Hector.

Natigil lang ako sa kakausisa sa mga nakatingin nang mas mariin niyang hinapit ang baywang ko.

"Anong sinabi ni Clark sayo?" Tanong niya.

"W-Wala." Sagot ko.

"Mukhang may seryoso kayong pinag usapan, a?"

"Wala..."

Nilingon niya ako at bumuntong hininga siya. "Ayaw kong maglihim ka sakin. Pero wala akong karapatan..."

Kinagat ko ang labi ko. "Wala naman kasi, Hector." Paliwanag ko.

Tumango siya pero alam kong di siya naniniwala. "Okay... Sige... Sabi niya makikipagbalikan siya sakin."

Nilingon niya ako.

Nasa tapat na kami ng suite nung hinarap niya ako ng seryoso. Kinagat ko ang labi ko habang tinitignan ang walang kupas na ka gwapuhan niya. Siya yung gwapong hindi nakakasawang tignan. Sa kahit anong anggulo ay gwapo at bago. Kahit anong isoot, hairstyle, o gawin ay gwapo parin. Kahit na pagpawisan, mahirapan, o magalit ay sobrang gwapo parin. Is that even possible? Bakit ang isang diyos na ganito ay nasa harap ko at nakikisama sa isang tulad kong normal na tao lang?

"At anong sinabi mo?"

"Hmmm. Na hindi pwede."

"Bakit di pwede?" Tumaas ang kilay niya.

"K-Kasi... Kasi ayaw ko." Sabi ko.

"Kailan mo magugustuhan ulit?"

Tinaas ko ang kilay ko. "Hindi ko na magugustuhan ulit. Hindi na mauulit."

"Bakit?"

Ngumuso ako. "Kasi hindi ko na siya mahal."

"Bakit? Sino na ang mahal mo? At kelan ka tumigil sa pagmamahal sa kanya?"

Halos mag nosebleed ako sa sandamakmak na tanong ni Hector. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pagsagot. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng suite.

"Hector, yun na yun. Hindi ko na mahal si Clark. Wala na akong pakealam, alright? Wa'g ka ng matanong." Sabi ko at iniligpit ang gamit.

Nang nilingon ko siya ay nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Nag iwas din siya ng tingin nang nakita ko iyong paninitig niya. Bumuga siya ng hininga at patalikod pang nag mura.

"Magbihis ka na!"

Ngumisi ako sa nakita kong reaksyon galing sa kanya. Alam kong nagpipigil siya. Kagabi pa lang, halatang halata na. Nagpipigil siya hanggang sa sagutin ko na ulit. Ewan ko pero para akong excited at nababaliw tuwing iniisip kong sasagutin ko na siya. It's still too early, though. Kailangan pa namin ng oras. Hindi pwedeng sa loob lang ng isang linggo ay sasabak na naman kami sa isang relasyon. Kailangan naming matutong dalawa.

Nagbihis ako sa banyo. Pagkalabas ko ay kita kong nakabihis na rin siya at na organisa na ang mga dala namin.

"Uwi na tayo." Aniya.

Tumango ako.

Lumabas na kami ng kwarto. Habang nag chicheck out siya at nilalandi nung receptionist ay bigla naman akong kinalabit ni Kira.

"Girl!" Aniya sabay hila sakin sa mga sofa ng reception.

"Oh, kira?"

May dala siyang mga papeles at isang sign pen.

"Naalala mo yung sabi ko sayong offer? pirmahan mo na ito o, dali!" Aniya.

Tiningnan kong mabuti iyong papeles. Kitang kita ang header sa taas na isang sikat iyong clothing line.

"Sinong kasama ko dito?" Tanong ko.

"Sa ramp at sa shoot ata, marami kayo, e. Pero sa billboard, hindi pa ako sigurado kung ilan kayo. Ni offeran ko si Brandon!" Nanlaki ang mata niya at halos pumutok ang mga ugat. "Aba't ang walang hiya ay tinanggihan ako!"

"Bakit?"

"May gagawin daw sa Tagaytay! Anong meron sa Tagaytay?"

"Ewan ko. Yun din ang tanong ko, e. Baka may sakit ang mommy niya?"

"Anong may sakit? Wala! Nakausap ko yung mommy niya nung isang araw! Nasalubong ko sa Solaire! Nagkacasino. Anong may sakit dun? At nasa Maynila ang mommy niya, wala sa Tagaytay!"

Nanliit ang mga mata ko. "Okay. Hmmm."

Ang adik na Brandon na yun. Siguro ay may binabalikbalikan siya sa Tagaytay, ano? Ano yan? Can't live if living is without you? Umiling ako at mabilis na pinirmahan ang limang kopya ng kontrata.

"Tayo na, Chesca." Ani Hector.

Binigay ko ang mga papeles kay Kira at tumayo na para makaalis na kami ni Hector.

"Uwi na kayo?" Lumambing bigla ang boses ni Kira nang kinausap si Hector.

"Oo." Malamig na sinabi ng supladong Hector.

"Bakit? Swimming muna tayo." Pinasadahan ni Kira ng tingin si Hector sa katawan.

"Ayaw kong mag swimming sa maraming tao. Gusto ko kami lang ni Chesca."

Parehong nalaglag ang panga namin ni Kira.

"Oh? Ohhhh! So? Okay... Sige..."

"Ano, Hector? Bili tayo ng resort? Yung tayo lang mag si-swimming?" Tumawa ako sa sariling biro.

Nilingon niya ako gamit ang seryoso niyang mata. "Saan? Kelan tayo bibili?"

SHIT!

Kumunot ang noo ko at hinila na lang siya palayo sa na estatwang si Kira. Alam kong nagulat siya sa sinabi ni Hector. Oo na, kasi mayaman siya! Grrr.

"Mauna na kami, Kira! Bye!" Sabi ko sabay kaladkad palayo kay Hector doon.

"May binibenta bang resort?" Tanong niya sakin nang pinatunog ang kotse.

Pumasok ako sa loob at sinimangutan siya.

"Wa'g kang bumili ng dead investment. Kung ayaw mo rin namang may pumuntang ibang tao sa resort, hindi ito kikita, wa'g ka na lang bumili. May dam ka na naman. Sa inyo pa ang Tinago. Ano pang gusto mo?"

Ngumuso siya at pinaandar ang sasakyan niya. "Yung nasosolo kitang naliligo."

Gusto kong magmura ng malutong. Sinasadya niya ba ito? Wala bang preno o filter ang bibig niya at parang natural lang na lumalabas sa bibig niya iyon. Napansin niya ang katahimikan ko kaya sumulyap siya sakin.

"I mean, pag tayo na ulit. Ayaw kong may makakita sayong iba na ganun ang soot. Naiirita ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na manghagis ng bagay sa inis. Kaya wa'g mong isipin na ayos lang yun sakin."

Shit? Pwedeng bumigay na sa kanya? Hindi ko alam kung paano ko nagagawang kaligtaan siya sa mga sumunod na araw sa school. Hindi kasi alam nina Desiree, Tara, at Janine na may something sa amin ni Hector. Syempre, ang mga models lang ang may alam nun at hindi naman bungangero sina RJ. At mas lalong di nagkakalat ng istorya si Clark.

Naging busy kami sa school. Lumalapit na kasi ang midterms. Panay ang aral namin sa lahat ng subjects. Lagi pang nagyayaya si Desiree ng group study at lagi ko rin itong tinatanggihan dahil lang sa 'group' study na ginagawa naman namin ni Hector sa bahay.

Nanliit ang mga mata ni Desiree nang tinanggihan ko ulit siya.

"Anong meron?" Tanong niya.

Lumaki ang ngiti ni Janine nang narinig na di ako sasama.

"Excited na ako! Tara na!" Sabi ni Janine.

Binalewala ko siya at bumaling sa nagtatanong na si Desiree.

"Busy ako, e." Sabi ko.

Mas lalong nanliit ang mga mata niya. "Noong high school, laging ikaw ang nagyayaya. Lagi pa tayo sa bahay niyo? Laging ikaw ang excited. Ngayon? Ang laki ng pinagbago mo."

"Des, alam mo namang binenta na ang bahay namin. Nasa apartment lang kami nakatira at maliit yun kaya nahihiya akong magyaya. Isa pa, talagang marami akong gagawin. Siguro mamayang gabi na ako mag aaral. Baka nga mag puyat pa ako." Sabi ko.

Humalukipkip siya at tumango. "Okay fine! Next time, wa'g ka ng tumanggi!" Aniya.

Tumango na lang ako nang makuntento siya. Kaya naman ay nang isang araw ay may sinabing announcement ang professor namin sa isang major na subject ay hindi na ako nakatanggi.

"Pagkatapos ng midterms..." Sabi ng professor naming matanda na ngunit nagsosoot parin ng sumbrerong pang cowboy.

Mukha siyang pulitikong nangungurakot sa kaban ng bayan. Kulang na lang ay tabako at mapagkakamalan ko na siyang haciendero. Ayun  sa usap-usapan ay haciendero nga si Professor Vasquez. Kaya hindi na kabigla bigla ang binigay niya sa aming proyekto.

"Wala na kayong exam pa! Ha-ha!"

Tahimik kami habang siya ay maingay na idineklara iyon.

"Sa isang kundisyon!" Aniya.

"Ano po yun, sir?"

"Magandang tanong, hijo."

Napangiwi ako nang tinuro niya si Billy kahit na si JV naman yung nagtanong. At hindi naman maganda yung tanong, ah?

"Gagawa kayo ng isang term paper. Gusto ko ay bumisita kayo sa isang farm!"

Naging maingay ang mga kaklase ko dahil sa bulong bulungan. Nakita kong agad dumapo ang tingin ni Desiree sa akin.

"I will divide you into four groups. Each group will have 10 members each." Ani Prof Vasquez.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Istorbo. Palihim ko iyong tiningnan at nakita ko ang mensahe ni Kira.

Kira:

Saturday yung shoot. See ya sa studio. Photographers will include, Omar, Clark, Dustin, Bon, at marami pa. Be there.

Oh great! Mag aaral ako mamayang gabi para bukas, pwede na akong umalis at makipag shoot kay Kira.

Nagulat ako nang nakita ko na sa one fourth sheet of paper ang mga pangalang kagrupo ko: Chesca, Janine, Desiree, Tara, Clark, JV, RJ, Billy, Hector, at Oliver.

"Ano 'to?"

Talagang kasama si Clark? At shit? Si Hector?

"Yan na!" Sabi ni Desiree.

"Hala! Ayoko!" Sabi ko.

"Sige na, Chesca! Pumayag naman sila! Sige na para puro gwapo yung kasama natin!" Tumatawang sambit ni Tara.

Napa facepalm ako at nakitang nipasa na ni Desiree ang papel. Pumalakpak pa siya at parang kinikilig pagbalik sa upuan.

"I have here guide questions. Sasagutin niyo ito sa pag punta niya sa farm. Alam kong karamihan sa inyo dito ay may farm. At kung wala man sila sa grupo niyo, kailangan niyong i interview ang humahawak sa farm o kahit anong pambukid na negosyo. Isusulat ko ngayon sa white board ang guide questions, ang format ng term paper, format ng documentation, format ng individual assessment at portfolio at syempre reflection paper."

WOW HA? Ang dami! Mas lalo akong nagreklamo nang nakita ko na ang dami ng gusto niyang ipasa namin. Sobrang gulo ng mga format at mahirap ang mga hinihingi niya.

"Pagkatapos ng midterms, di na kayo rereport sa klase ko. I'll just wait for your outputs hanggang finals."

"YEHEYYY!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Syempre, nakakaingganyo iyon. Kaya lang kung ganyan ba naman ka dami ay mas gugustuhin kong uminit ang pwet ko sa upuang ito at makinig sa nakakaantok niyang sinasabi araw-araw.

"So? May groups na kayo. You decide kung kaninong probinsya o farm kayo pupunta. You have four days, diba? After midterms, Sabado, Linggo, at ang Lunes at Martes ay parehong walang pasok. Kaya I expect you do your assignment in those days."

OH Great! Grabe! Great goat!

Sinulyapan ko si Hector nang umalis siya para sa susunod na klase. Tumango siya at dumungaw sa cellphone niya. Ilang sandali ay naka receive ako ng message galing sa kanya.

Hector:

Kunin kita mamaya pagkatapos ng klase mo. Pag nauna ka, may susi ka naman sa sasakyan ko.

Ngumuso ako. Madalas siya sa bahay namin pero hindi pa ako nakakapunta sa kanila. Gusto ko nga sanang pumunta ngayon, kaya lang ay kailangan sa bahay na lang muna sa ngayon dahil mag re ready pa ako bukas.

Ako:

Ok.

Kinagat ko ang labi ko at narealize na kanina pa talak nang talak sa harap ko si Tara at Desiree.

"Sa inyo tayo kasi may probinsya kayo. Dinig ko taga roon pa si Wade Rivas kaya talagang doon tayo patungo next week." Parang torotot ang bunganga ni Desiree sa bilis niyang magsalita.

"Des, wala kaming farm." Paliwanag ko.

May itinuro si Tara. Agad kong namukhaan ang kapatid ko kahit nakatalikod lang siya. Pinapaligiran siya ng makakating babae na halos itapon ang sarili nila sa kanya. Tumatawa na parang walang awa si Craig at mukha siyang manhid sa paglalandi ng mga babaeng kasama niya.

"Craig!" Malambing na sambit ni Desiree sa kapatid ko.

Nilingon kami ni Craig. Nakangisi siya at pinandilatan kaming lahat, pati ako, ng mga babaeng nakaaligid sa kanya. "May farm ba kayo?"

Tumikhim ako at umiling.

Tumaas ang kilay ni Craig at nilingon ako. Nakakapanindig balahibo ang kanyang ngisi nang sinabi niyang, "Oo may farm sa Rancho si Chesca. Sobrang lawak. Sobrang ganda." Kumindat siya sakin.

Magaling, Craig. Susupalpalin kita mamaya pag uwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top