Kabanata 5

Kabanata 5

Holdaper!

Ganun ang trato ni Hector sa akin buong araw. Walang pasok kaya dinadala ako palagi ni Koko sa barkada niya tuwing nakikitang gumagala kung saan-saan.

Naiirita pa ako dahil panay ang gapang ng kamay niya ngayon sa likod ng monoblock chair na inuupuan ko habang nakikipag biruan siya sa matangkad na intsik na si Oliver. Napatingin ako sa balikat ko habang damang dama ko ang bawat daliri niyang unti-unting dumadapo sa balat ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at nag kunwaring okay lang. Nang bumaling ako pabalik sa mga nag uusap ay agad ko na namang nakikita ang naka ngising si Hector. Kumunot ang noo ko at inirapan na lang siya.

"Hay, naku, uwi na ako." Nakangising sambit ni Hector at agad tumayo.

Nahulog ang kamay ni Koko sa balikat ko dahil naagaw ni Hector ang atensyon ng lahat.

"Ha? Hindi ba maliligo dapat tayo ngayon sa Tinago? Hintayin mo kami?" Utas ni Oliver.

Nakita kong sumimangot ang mga babae. Napailing naman ang lalaki.

Humikab si Hector, "Next time na lang. Uuwi na ako. Inaantok." Aniya. "Ang boring dito." Lumingon lingon siya na para bang naghahanap ng mapaglilibangan.

"Wala ka ng pasok, diba? Buti ka pa, Hector." Ani Kathy na nag pout at hinawakan ang malaking nakahulmang braso ni Hector.

"Ako rin, wala na." Tumawa yung isang chinito na si Mathew. "Sabay na tayo palabas, dude." Utas niya.

Timing at tumunog ang bell, hudyat sa klaseng pang alas tres. Nagsitayuan kami. May isa pa kasi akong klase hanggang alas kwatro. Wala na naman akong kilalang kaklase. Si Koko ay nasa ibang minor subject naman. Nakakainis lang, late enrolee kasi.

"O sige, next time, ah?" Sabi ni Koko kay Hector.

"Hector, hintayin mo naman ako, oh." Sabi ng mapapel na si Kathy.

Yung isang maganda at kulot na babaeng katabi ni Kathy ay napangiwi sa sinabi ng kaibigan. Mukha atang hindi sila magkakasundo pagdating kay Hector.

"Sorry, Kath, next time na lang. Inaantok talaga ako." Ngumisi siya at sumulyap sakin.

Ngumuso ako at naunang umalis ng canteen.

"Teka lang, Chesca!" Agad akong sinundan ni Koko.

Bumaling ako sa kanya at tinitigan ulit ang mukha niya. Ayan na naman... kinikilabutan na naman ako. Tuwing ngumingiti siya sa akin ay parang may parte sa buhay kong namamatay. Ngayon ko lang siya natitigan nang maayos mula ulo hanggang paa. Napagtanto kong kulay dark blue ang t-shirt niyang may medyo nabuburang print sa gitna, faded ang pants niya at ang sapatos ay medyo old-fashioned.

"Ano, Koko?"

"Hindi ba last class mo na ito?" Aniya.

Tumango ako. Anong gusto niyang mangyari?

"Last class ko na rin ito kaya sabay na tayo mamaya? Ihahatid kita sa inyo? Kina Teddy Alde ka lang naman, diba?"

"Hmmmm..." Shit! Ano ba itong napasukan ko?

"Wala ng isip isip pa, talagang magsasabay tayo!" Humalakhak siya at kinawayan ako, "See ya later, alligater."

Nagtindigan na naman ang balahibo ko. Habang tumatagal mas lalo siyang nakakairita at nakakainis. Nung una ay nakakatawa pa, pero ngayon ay medyo na tu-turn off na ako ng sukdulan.

For the land, Chesca. Limang ektaryang lupa ng Alps. Iyon lang. Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita kong tatlong lalaki lang ang nasa loob ng classroom. Nag tinginan sila sa akin at naghahalakhakan. Nang naupo ako ay agad nila akong nilapitan upang magpakilala.

"Chesca Alde? Wow! Hindi ko alam na may pinsang maganda si Teddy!" Utas ng isang lalaking di ko na matandaan ang pangalan.

Ngumisi na lang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.

Nakakailang. Hilaw ang ngisi ko. I don't wanna be rude but I'm not a friendly person. Hindi ko alam kung paano gumaan ang loob ng iba at nakakapagbiro sa bagong kilala nila. Well, maybe Koko is an exception. Makapal kasi ang mukha niya at hindi ko na kailangang mag isip ng topic dahil siya mismo ay maraming tanong.

"Uwi na lang tayo!" Napagkasunduan nila. "Wala atang prof."

Kaya lumabas kami sa classroom pagkatapos ng limang minuto. Hindi ko alam kung saan ang classroom ni Koko at wala din akong numero sa kanya. Kaya nauna na akong umuwi pagkatapos ng labing limang minuto.

Pagkalabas ko ng campus, doon ko narealize kung anong nag aabang sa akin. Sa kabilang banda ay matarik na daan kung saan kitang kita mo ang bulubundukin ng Alegria, at sa kabilang banda naman ay matalahib at kitang kita mo ang umaapaw na tubig ng ilog galing sa Tinago Falls.

May mga tricycle na nakaabang. Pumara ako ng isa pero napangiwi ang driver sa akin dahil mag isa lang daw ako.

"Dapat pag bababa, marami. Mahirap umakyat ulit dito. Malulugi ako." Aniya.

Hindi na ako tinignan pang muli ng driver. Shit lang, ha? Ganun ba dito? Ilang minuto pa akong nanatiling nakatayo sa waiting shed at ni isang sasakyan ay walang dumaan. Nang sa wakas ay may dumaan, nakita kong isang karomata iyon.

"Hay nakooo!" Napapadyak ako.

Sumasakit na ang binti ko sa kakatayo dito.

"Manong!" Wala na akong choice kaya pinara ko na lang.

May lamang mga saging sa likod ng karomata. Pero kaya kong mag tiis at sumakay sa likod basta makababa lang ako. Kahit di na lang ako ihatid sa bahay.

"Manong, pasentro po ba kayo?" Tawag ko.

Nilingon ako ng nag da-drive ng karomata, "Hindi. Pero pababa ako. Sa bunganga lang ng sentro. Sakay ka?"

Wala akong naging choice kundi ang sumakay sa likuran at hayaan ang mga saging na mag mantsa sa damit ko. Hindi ko kabisado ang buong Alegria pero sa oras na mapadpad ako sa sentro, mapapadali siya. Sasabihin mo lang naman sa driver ng tricycle na kina Alde ako pupunta, ihahatid ka rin naman sa bakuran ng mga Alde.

Halos Sampung minuto ang naging byahe. Kung tricycle siguro ay limang minuto lang, pero dahil kalabaw lang ang naglalakad para sa amin, medyo natagalan iyon.

"Salamat po." Sabay tanggal ko ng dumi sa damit ko.

Badtrip.

Binigyan ko siya ng pamasahe pero hindi niya iyon tinanggap. Hindi naman daw ako nakaabala kasi pababa din naman daw siya.

Ngayon ay kaharap ko na ang mga bahay-bahay ng Alegria pero napagtanto kong malayo pa ako sa sentro. Siguro ay mga tatlong minutong lakad pa.

Kinuha ko agad ang cellphone ko para sana tawagan si Teddy o di kaya naman ay si Craig pero nagulat ako nang may tumatawag na sa akin.

"HELLO!" Maligaya kong bati sa boyfriend kong miss na miss ko na.

"Chesca!" Tumikhim si Clark sa kabilang linya.

"I miss you." Utas ko.

"I miss you more. How was your day? Kanina pa kita tinatawagan pero di mo ako sinasagot."

"I'm sorry, hindi ko namalayan."

Nakangisi ako habang naglalakad papuntang sentro. Okay lang kahit nakakabadtrip ang araw na ito, basta ba nandyan si Clark.

"Ikaw? How was your day?"

"Syempre, eto, pumasok na ako kanina. It's weird coz you're not around."

Nag init ang gilid ng mga mata ko sa sinabi ni Clark.

Narinig ko kasi ang pangungulila sa boses niya. Pinipiga ang puso ko at gustong gusto ko na ulit bumalik ng Maynila.

"Hey..." Aniya habang tahimik pa ako sa pag eemote sa kanyang sinabi. "I got to go. May tawag sa isang professional photographer." Narinig ko ang pagmamadali niya. "I'll call you later, okay?"

"Okay..."

"I love you." Aniya.

"I love you, more." Suminghap ako at binaba niya agad ang tawag.

Paano na ba ito? Miss na miss ko na si Clark. At pakiramdam ko kailangan ko ng umuwi sa kanya. Hindi niya deserve ito. Kahit na nagpapanggap lang ako kay Koko ay nagui-guilty parin ako.

Sa gitna ng pag iisip ko ay may biglang humarang saking isang lalaki. Seryoso ang mukha nitong parang hinigupan ni Cell sa Dragon Ball Z. Mukha siyang adik at walang nakain ng ilang linggo. Agad akong napaatras lalo na nang naglahad siya ng maruming kamay.

"Akin na cellphone mo o papatayin kita."

Nangatog ang binti ko at kumalabog ng malakas at mabilis ang puso ko. Pinagpawisan ako ng malalamig dahil alam ko, kita ko sa mga mata niya, na hindi siya nag bibiro.

Umatras ako at nag panic nang bigla siyang nagpakita ng kutsilyo. Nanginig ang kamay ko nang inaabot sa kanya ang cellphone kong isang taon na sa akin. Touch screen iyon at mahigit kumulang dalawampung libong piso nang binili ni daddy para sa akin. Hindi ako makapaniwalang mawawala iyon sa akin ngayong naghihirap pa kami.

Marahas niyang hinablot sa kamay ko. Tatakbo na sana ako nang may biglang humila sa kamay ng lalaking nasa harap ko.

"AHHHH!" Napatili ako sa sobrang kaba lalo na nang nakita kong may dumugo.

Sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako. Ang tanging sigurado ay ang mahabang buntot ng buhok sa likod ng lalaking nakikipaglaban ngayon sa hayop na holdaper!

"Tulong!" Desperada kong sigaw nang nakitang dumudugo ang braso ni Hector dahil nahiwa iyon ng kutsilyo.

Humandusay ang lalaki sa sahig sa pangatlong suntok ni Hector. Sumulyap ang seryoso at nag aalab na mga mata niya sa akin bago yumuko para pulutin ang cellphone ko at ang kutsilyo ng lalaki.

May dumating namang mga concerned citizen na nasa paligid kanina.

"Paki hatid niyan sa sentro. Holdaper." Utas ni Hector.

May mga tumingin sa akin para makiusisa pero silang lahat ay nasa paligid ni Hector at nung lalaking nakahandusay.

"Mukhang dayo, 'to." Sabi nung isang may sumbrero. "Dayo 'to, Hector."

Tumango si Hector.

"Hector, may sugat ka." Sabi ng isang matandang babae na may dalang bilao. "Sa bahay ka na lang muna para gamutin ko yan!"

Ngumiti si Hector at tiningnan ang sugat niya, "Okay lang po manang Ising. Punta na lang muna ako sa ilog. Huhugasan ko lang-"

"Pero, Hector! Mas mabuting sa bahay! Tara na!" Halos hilain siya ng manang habang ang iba ay abala sa pagtatali sa lalaking nakahandusay.

"Hindi na po talaga. Makakaabala lang ako." Ngumisi ulit si Hector at tumingin sakin.

"Naku!" Bigong sinabi ng matanda.

Lumapit si Hector sa akin. Namilog ang mga mata ko kaya napangisi siya. Inabot niya ang cellphone ko.

"Akala ko ba sasabay ka kay Koko? Ba't mag isa?"

Paano niya nalaman iyon? Hindi ko alam. Magsasalita na sana ako pero hindi niya naman ata kailangan ng sagot pagkat umalis na siya at dumiretso sa matalahib na daan sa gilid ng tinatayuan ko.

"Hector!" Tawag ko.

Patalikod lang siyang kumaway. Pulang pula ang kabilang braso niya at umaapaw ang dugo nun. Napalunok ako at napatingin sa cellphone kong walang gasgas.

"Hector!" Tawag ko nang nakita siyang nakalayo na.

Walang pag aatubiling sinundan ko siya patungo sa daang iyon. Tatlong minuto siguro yung lakad at hindi niya parin ako nililingon kahit panay na ang sigaw ko sa pangalan niya. Ang lalaking ito! Nakakairita! Magpapasalamat lang sana ako dahil kahit naging mabaga ang una naming pag uusap, may kabutihan din naman siyang ipinamalas.

Napanganga ako nang unti-unti kong naaninag ang kumikislap na tubig ng ilog. May mga puno sa paligid at may munting board walk patungo sa isang maliit na gazebo na nakatayo sa ilong mismo. Diretso ang lakad niya patungo sa gazebo. Sa pag iingat ko, mas lalong bumagal ang paglalakad ko.

"Hector!" Tawag ko ulit.

Nag echo ang boses ko sa kagubatan. Tumingala ako at halos hindi ko na makita ang langit sa sobrang tayog ng mga punong kahoy.

"Ba't ka sumunod?" Tanong niyang di man lang lumilingon sa akin.

Umupo siya sa gilid ng gazebo. Nakalagay ang sneakers niya sa gilid at hinugasan niya ng tubig ilog ang dumudugo niyang sugat sa braso.

"Para san pa edi mag pasalamat!" Galit kong utas saka nilapag ang bag ko sa tabi ng sapatos niya.

Hinalukay ko ang loob para hanapin ang panyo at alcohol ko.

"Ang harsh mo namang magpasalamat." Tumawa siya at nagpatuloy sa paghuhugas ng kanyang sugat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top