Kabanata 49
Kabanata 49
Awtoridad
Umagang umaga, nag prepare na ako para sa fashion show sa isang resort. Ang alam ko magkikita lang kami nina Kira sa harap ng studio, mga alas otso. Abala ako sa pag iimpake. Resort iyon at ang alam ko ay may mga zoo at ilang rides. Siguro kailangan ko ng maraming damit. Gabi ang ramp kaya doon na kami matutulog, courtesy of the resort.
Nakashorts lang ako tsaka kulay grey na racerback. Mas madali kasi itong hubarin once na magsusoot na kami nung gown. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang nakita kong napatalon si Hector sa sofa.
"Tayo na!" Biglaan niyang sinabi.
Nalaglag ang panga ko.
Naka shorts lang siya at naka polo shirt. May wayfarers pa siyang soot at mukha siyang walangyang moviestar na nakaupo lang sa luma naming sofa.
"Ba-Ba't ka nandito?" Tanong ko.
Tumayo siya nang nakapamulsa.
"Sasama ako sa resort." Aniya sa tono na medyo galit kasi hindi ko alam.
"Sinong may sabi na sasama ka?"
Tumikhim siya. "Umalis na yung mga kasama mo. Dumaan ako kanina para sabihing di ka na sasama sa kanila kasi ako na ang maghahatid. Kaya... ayun." Nagkibit balikat siya.
Aba't ang kapal talaga nito, ano? Pinapangunahan ako sa mga lakad ko? Anong karapatan niyang manguna, e, di naman kami!
"Tsss!" Ginulo ko ang buhok ko at narealize na wala na akong magagawa.
Alas otso na at maaring tama si Hector, umalis na sina Kira. Lalo na't di na nila ako kailangang antayin dahil sinabi ni Hector na siya ang maghahatid sakin. Humanda ka at peperwisyuhin talaga kita ngayon, Hector!
"Kung ganun, paki dala 'tong bag ko." Sabay hagis ko sa kanya.
Sinalo niya naman. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Craig at lumabas siya ng humihikab.
"O? San kayo?" Tanong niya.
"Diba sabi ko sayo pupunta ako sa isang resort ngayon, hanggang bukas kasi may gig ako? Nag paalam na ako kay mama kagabi." Sabi ko.
"Di ko alam na kasama si Hector."
Nagkatinginan si Craig at Hector. Ngumisi si Craig habang kinukusot ang mata niyang kakagising lang.
"Honeymoon." Humikab siya at pumuntang kusina.
"Honeymoon ka dyan! Tsss." At dumiretso na ako sa labas.
Sumunod si Hector sa akin at pinindot niya ang alarm ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto. Nilagay niya ang gamit ko sa backseat at laking gulat ko nang nakitang may gamit din siya doon!
"M-May gamit ka?" Tanong ko.
Umikot siya at pumasok sa kotse bago sumagot.
"Oo. Doon ako matutulog." Aniya. "Nag pareserve ako kagabi. Hindi ko alam saan ang room mo kaya sorry baka di tayo katabi-"
Halos matawa ako sa sinabi niya. "Adik ka ba? Wala akong pakealam kung di tayo tabi at ni hindi ko ineexpect na doon ko tumuloy. Ni hindi ko inexpect na kukunin mo ako ngayon." Umirap ako.
"Alam ko." Aniya at pinaandar ang sasakyan.
Ang alam ko, kaya maaga sina Kira ay para sa mga designers at guests na dadating. Ang make up at pag aayos ng stage ay mamayang ala una pa lang. Alas singko kasi yung ramp. At isang oras naman ang byahe papuntang resort kaya marami pa akong time na perwisyuhin si Hector.
"Hector-"
Bago pa ako natapos sa pagsasalita ay may kinuha na siya sa likod habang ang mga mata ay nasa kalsada. Puting roses ang bumungad sakin. Uminit ang pisngi ko at hinablot ko ang bouquet na binigay niya.
"Ano 'to?" Tanong ko.
"Roses." Sagot niya.
"Para saan?"
"Basahin mo." Aniya.
Habang abala siya sa pag di-drive ay kinuha ko yung card at nakita ko ang nakalagay na card.
Binasa ko iyon sa utak ko. "I'm sorry for being a jerk. I love you, still..." Ngumuso ako. "Ito ang pangalawang beses na binigyan kita ng mga bulaklak."
Hinampas ko siya ng mga bulaklak na binigay niya. Ayos na sana, e. Pero dahil sa panghuling pangungusap, tumaas ang high blood ko!
"Anong pangalawang beses?" Sigaw ko habang sinasapak siya nung roses.
Umilag siya at ngumisi.
"Ito kaya ang unang beses na binigyan mo ako! Kahit nung nanliligaw ka pa, wala kang binigay!" Sigaw ko sa inis.
Tumawa na lang siya. Kaya ang sarap nitong saktan dahil jerk na jerk, e.
"Pangalawang beses na yan!" Giit niya.
"Wala akong amnesia, Hector! Kung sino man yung binigyan mo ng bulaklak noon, ay hindi ako yun!"
"Ikaw yun!" Aniya. "Binigay ko kaya sayo ang malawak na lupain ng mga Dela Merced. May plantation kami ng sunflowers, diba? Yun ang unang beses, pero hanggang ngayon di mo parin tinatanggap kasi ayaw mo parin akong pakasalan."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Ngiting ngiti pa siya habang sinusulyapan ang reaksyon ko.
"EWAN KO SAYO!" Binatukan ko na at nilagay ang roses sa likod.
Hindi mapawi pawi ang ngisi niya. Habang ako, nag aapoy sa galit habang nakahalukipkip at nakatitig sa bawat sasakyan na dumadaan.
"Tanginang diskarte mo." Bulong ko.
"O bakit? Kala mo may ibang babae ako, ano? Na may binigyan akong roses? Kita mo mukha mo nung binasa mo yun? Para kang papatay ng tao!" Tumawa siya. Tuwang tuwa.
Nilingon ko siya at gusto kong kurutin hanggang sa dumugo yung pisngi niya.
"Selosa!" Aniya.
"Tse! Wa'g kang feeling diyan!" Umirap ako.
"Ikaw talaga. Kung anu anong pumapasok sa utak mo. Ni wala akong naging babae bago ka, at pagkatapos mo, wala rin. Yung anak na lang sigurong babae natin ang mamahalin ko-"
Pinitik ko yung labi niya.
"Aray!" Kinagat niya iyon.
"Wa'g kang feeling, ha? Anak ka diyan! Ni hindi pa nga kita napapatawad! At tingin ko di kita mapapatawad lalo na pag nagyayabang kang ganito!"
"Ito naman... Nagbibiro lang ako. Syempre, masarap mangarap-"
Binatukan ko ulit. Sumimangot siya.
"Yan ang bagay sayo. Kulit mo." Sabi ko.
"Pasalamat ka walang driver ngayon, nangangati kamay ko. Gusto kitang kilitiin." Ngumisi siya.
Ngumuso ako. Buti na lang talaga! "Tse!" umirap ako. "Hector, gusto ko ng tea."
"Huh? Anong tea?"
Kitang kita ko na papalapit kami sa isang tea shop na may pangalang Serendepi-tea.
"Dun oh!" Sabay turo ko sa shop.
"O sige." Diretsong sabi niya.
Nipark niya agad ang sasakyan sa tapat. Lumingon siya sakin habang tinatanggal ang seat belt.
"Ikaw na bumili. Samahan mo ng cake." Sabi ko.
"O-Okay. Ano bang gusto mo?" Tanong niya.
"Wintermelon."
Diretsong lumabas si Hector sa sasakyan at ilang sandali lang ay bumalik siya kasama ang mga gusto ko. Dumami ang stop over namin. Halos lahat ng maisipan ko ay sinusunod niya. Sa panghuling request ko na manga sa isang puno na nadaanan lang namin papuntang resort siya nahirapan.
Limang minuto siyang kumatok sa gate sa ilalim ng mainit na araw sa bahay na iyon. Binaba ko ang salamin para sana tawagin na siya dahil naaawa na ako ka pagkatok niya at mukhang wala namang tao.
"Tao po?" Aniya.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang matandang lalaki na lumabas.
"Anong sayo, hijo?" Tanong ng matanda.
Tinuro ni Hector ang mangang kanina ko pa tinuturo sa loob ng kotse. "Pwede po manghingi ng manga? O babayaran ko na lang po... Gusto po kasi ng asawa ko yung mangang yun."
ASAWA?
"Oh? Sige, libre na." Sabi ng matanda at pinag buksan si Hector.
"Ako na ho ang susungkit." Aniya nang nakitang kinuha ng matanda yung isang kawakan na may net sa dulo. "Pasensya na po sa abala. Kasi yung asawa ko buntis, e. Alam niyo na."
Aba't! Napatingin ang matanda sa akin habang abala si Hector sa pagsungkit ng manga. Dahil sa kahihiyan ko at unti-unti ko na lang sinarado ang salamin ng sasakyan. Nang bumalik na siya kasama ang manga ay pawis na pawis na siya.
"Huy! Ano yung sinabi mo sa matanda!?"
Ngumisi siya. "Hayaan mo na, hindi naman tayo kilala."
"Sira ulo ka talaga, ano?"
"E, totoo naman. Kung makaasta ka parang buntis. Eh, di pa nga ako nakakaulit sayo, buntis ka kaagad."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagkibit balikat siya at pinaandar na lang diretso ang sasakyan.
Tiningnan ko siyang mabuti habang nahihirapang iliko ang sasakyan patungo sa gate ng resort. Kitang kita ko ang seryoso at medyo malungkot niyang mukha. Kahit gusto ko siyang bigwasan sa kakulitan niya ay hinayaan ko na lang siya sa pantasya niya.
"Dito na yata tayo." Aniya at huminga ng malalim.
Tinanggal ko ang seat belt ko at nagstretch.
"Hindi naman 'to ganun ka layo pero bakit parang ang tagal nating dumating?" Tumaas ang kilay niya at tumingin sakin.
Ngumisi ako. "Syempre, kasalanan ko ba kung marami akong gusto on the way patungo dito."
Lumabas ako ng sasakyan habang ang bitbit ay yung tea lang. Siya yung bumitbit sa bags namin at sa mga pagkaing pinabili ko sa kanya kanina.
"Wa'g mong kalimutan yung manga ha." Sabi ko.
"Yes, po, Mrs. Dela Merced." He chuckled.
Matalim ko siyang tinitigan.
"Oh? Bakit? Sinunod ko naman yung sinabi mo. Ako naman yung pagbigyan mo." Aniya.
Umiling na lang ako sa kabaliwan niya.
Dumiretso kami sa reception. Kitang kita kong nabuhayan ng loob ang receptionist nang nakita si Hector.
"What can I do for you, sir?" Tanong nung receptionist kahit ako ang nasa harap niya.
Tumaas ang kilay ko. "Nasan po ang room dito ng mga models. Ako si Francesca Alde. Pakicheck, miss." Sabi ko.
"Ayy... Okay po, ma'am." Aniya at dumungaw sa screen.
Nilingon ko si Hector na abala sa pagtitig sa isang room na puno ng gym equipments.
"Room, 405 ka, Miss Alde. Si Sir po, anong apelyido?" Tanong ng nakangising receptionist.
HA? ALDE DIN KASI MAG ASAWA KAMI! Grr... Ba't ba naiinis ako?
"Dela Merced." Ako na ang sumagot para kay Hector.
"Dela Merced ho ba, Sir?"
Halos mag palpitate ang kilay ko. "Dela Merced nga!" Ulit ko.
Umismid ang babae sa akin.
"Oo, Dela Merced, Hector." Sabi ni Hector.
Kinagat ko ang labi ko.
"Ay... Naka reserve po siya sa isang presidential suite. Hindi ka po model?"
Umiling si Hector at ngumisi sa babae.
Tumaas ang kilay ko, "Hindi. Sumama lang siya sakin kasi ako yung fiancee niya." Ngumisi ako. "Babantayan niya ako, miss, baka kasi makawala ako. Pwede paki bigay na yung cards kasi nabibigatan na siya sa bagahe."
"Ah! Okay, po, sorry. May mga room boy naman kami. Teka lang, tatawag ako, sorry, medyo busy talaga ngayon-"
"Wa'g na. Gusto ko siya mismo bumuhat sa bagahe namin. Thanks." Sabay kuha ko sa card at hila kay Hector sa elevator.
Pinaypayan ko ang sarili ko sa sobrang inis dun sa babae. Si Hector naman, nangungulit.
"Ansabi mo sa babae? Fiancee kita? Sinasagot mo na ba ako?" Kinakalabit niya ako sa elevator.
"Hindi!" Naiirita kong sinabi.
"Kung ganun, bakit mo yun sinabi?"
"Basta!" Umirap ako.
"O edi, sige... Wala namang kaso sakin kung ipagkalat nating dalawa na ikakasal na tayo, pero ang akin lang naman ay kelan natin totohanin-"
"TSE! Ang feeling mo ang sarap mong sakalin, Hector! Wa'g mo na nga lang isipin yun! Pwede?"
Ting! Tumunog ang elevator bilang hudyat na nakarating na kami sa fourth floor. Bumukas ang pinto at kitang kita ko ang mga mata ni Clark na bumalandra sa akin. He's here? Namilog ang mga mata niya. At naramdaman ko ang kamay ni Hector na gumapang sa baywang ko sabay hapit sakin. Para bang nag dedeklara na kanya ako, at walang karapatan ang kahit sino na tingnan man lang ako.
Tumingala ako sa kanya. Nag igting ang bagang niya nang nakitang tinititigan ako ni Clark.
"Diretso na nga tayo sa suite ko." Malamig at may awtoridad niyang sinabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top