Kabanata 47
Kabanata 47
Malunggay
Lumabas ako sa fitting room at naabutan si Hector na nakasandal sa counter at ganun parin ka badtrip ang mukha.
Nilingon ko agad si RJ na tumatawa pa habang pinapanood ang mga modelo na nag re rehearse pa.
"RJ!" Sigaw ko nang naramdaman ang paghakbang ni Hector papunta sakin.
Nagtungo ako sa kinauupuan ni RJ. Hindi ko na alam kung sinundan ba ako ni Hector o ano...
"RJ." Tumingala si RJ sakin.
"Nasan si Brandon?" Tanong ko. "Papahatid sana ako."
"Ha? Umuwi na. Nagmamadali yun kanina. Pupunta dawng Tagaytay."
"What?" Ngumiwi ako. "Anong meron sa Tagaytay?"
Nagkibit balikat siya at tumayo. "Ako na maghahatid sayo." Ani RJ.
"Hindi na. Ako na." Narinig ko ang malamig na boses ni Hector sa likod.
Nilingon ko siya at nginiwian.
"Tayo na, Chesca." Malamig niyang ulit.
Nang nilingon ko si RJ ay nagkibit balikat na lang siya. "Alright. Di na ako makikipagtalo. Mamaya hahandusay ako sa sahig."
"Tsss!" Umirap ako at dumiretso sa labas ng nakahalukipkip.
Hindi pa natatanggal ang make up ko at badtrip na naman ako kasi ayan na naman si Hector. Ang sarap niya talagang bigwasan. Kahit kailan panira. Iritado ako sa kanya lalo na pag naaalala ko lahat noon. Ganitong ganito kasi talaga siya. Masugid kung mag habol pero konting pagkakamali ko lang, makakatanggap ulit ako ng maanghang na salita galing sa kanya! Ang gusto lang ata nito ay ang paghahabol, eh. Ano kaya kung subukan kong lumandi sa iba? Subukan kong magkamali? Tingnan natin kung pagsasabihan niya ulit ako ng masama.
"Bilisan mo, ah? Ginugutom ako." Maarte kong sinabi habang naghihintay na mabuksan ang sasakyan niya.
Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinintay niya pa akong makapasok bago isara iyon. Pwes, gagamitin kita. Iyon naman ang tingin mo sakin diba?
Nakabusangot parin ang mukha niya habang inaayos ang seatbelt.
"Ano? Bakit galit ka parin? Naiinis ka ba kasi nag pahatid ako sayo? Pwede naman akong mag taxi." Sabi ko.
Binalingan niya ako.
"O galit ka kasi nagtataray ako? Pwede naman akong umalis nang matahimik ka. Hindi naman kita inuutusan na ihatid mo ako, ah?"
"Hindi mo ba ako kilala, Chesca? Ba't ako magagalit sayo dahil nagtataray ka, e, yun nga dahilan kung bakit ako nagkakandarapa sayo, diba?"
Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.
SHIT! Tama na, please. Hindi ko kayang marinig ang mga ganyan.
"O edi, go! Ihatid mo na ako kung wala kang problema!" Umirap ako sa kawalan.
"May problema ako." Aniya.
"ANO?" Nilingon ko na naman siya.
"Ayaw kong may basta-bastang nakakahawak sayo. Ayaw kong naiipapakita ang balat mo sa mga tao-"
Tumaas ang altapresyon ko sa narinig ko sa kanya. "Bakit, Hector? Noon pa man, yun na ang gawain ko. Bago ka pa nandito, yun na ang ginagawa ko-"
"Ngayong nandito na ako, hindi na pwede yun sakin. Ayokong mabastos ka."
"Ha! Anong karapatan mong ungas ka na sabihin yan sakin? Napaka control freak mo! Tsaka... teka nga..." Humalukipkip ako. "Tingin mo ba walang nangyaring pagkakabastos sakin nung wala ka sa Alegria? Ha? Alam mong mainit ang dugo ng mga tao sakin doon dahil sayo. Lalo lang uminit yung dugo nila sakin nang umalis ka dahil sa paghihiwalay nating dalawa!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Anong ginawa nila sayo?"
Mas lalo lang tumaas ang blood pressure ko.
Hibang na lang ang hindi yun marerealize hanggang ngayon.
"I almost got raped by a bunch of seniors! Ni hindi ako nirerespeto ng mga kabatch natin! Lagi akong laman ng usap usapan! Lagi akong baon sa ilalim ng lupa sa pambubully! Kahit sina Jobel, damay pa! All because you hate me so much! They hate me because you hate me!"
"Hindi ko sinabing naghiwalay tayo!" Namutla siya. "Pinrotektahan kita!"
"Bullshit na protekta yan! Pano nalaman nina Kathy na naghiwalay tayo? At isa pa... Bakit ngayon mo lang ako binalikan after 6 months? Ha?"
Mabilis ang hininga ko dahil sa paninigaw kay Hector.
"Binalikan kita pero alam kong galit ka sakin! Pinahupa ko muna ang galit mo sakin. Hanggang sa naisipan kong bilhin na lang yung lupa mo bilang peace offering nang nagbakasyon ako sa Alegria. Pero sumulong ka sa bahay diba? At galit na galit ka parin. Akala mo ba sobrang tapang ko, Chesca?" Matama niya akong tinitigan. "Nanginginig din ako sa takot! Takot ako sayo! Takot ako na bigla mong isumbat sakin lahat ng sinabi ko sayo noon. Pero alam kong dadating din ang panahon na yun. Kaya nung narinig kong papa Maynila ka-"
"HA? Kanino mo narinig na papa Maynila ako?" Naiirita kong tanong.
"Kay Teddy!" Diretso niyang sagot.
"HA?"
Hinilamos ko ang palad ko at iniisip ko ang ngiting ngiting pagmumukha ni Teddy. Para siyang tinutubuan ng pakpak ng anghel habang lumilipad lipad sa mga ulap sa utak ko. TANGINA MO, THEODORE! Mukhang siya yata yung leakage dito!
"Oo!"
Pumikit ako at umiling. "WHAT-EVER! Bilisan mo na nga lang at nagugutom ako!" Sigaw ko sabay hilig sa pintuan ng sasakyan niya.
"W-Wala ka bang..." Ilang sandali ay pinaandar niya ang sasakyan niya at huminahon siya sa pagsasalia. "Wala ka bang magagawa diyan sa pag momodel mo? Baka pwedeng tigilan mo na para di na ako magselos."
"HA!" Halos matawa ako. "Hibang ka ba? Ano ka siniswerte? Wala akong pakealam kung mamatay ka sa selos diyan. Kung ayaw mo, wa'g kang manood sa mga shoot. Sino ba kasing nag utos sayo na pumunta ka dun?"
"Manonood ako. Babantayan kita-"
"Baliw ka pala, eh. Bahala ka sa buhay mo."
Natahimik siya. Hinayaan ko ang pananahimik niya. Medyo ginapangan ako ng awa sa sobrang harsh ko sa kanya. Kaya lagi kong nirereplay sa utak ko yung mga nangyari noon. Sa Gazebo...
"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.
Gusto ko sanang kumain sa bahay kaya lang naisipan kong mag inarte. Bahala ka, Hector. Feel my wrath.
"Gusto ko ng Pizza sa Yellow Cab." Sabi ko.
Nilingon niya ako. "Yung pinaka malaki ba? Anong flavor?"
"Kahit ano basta pizza sa Yellow Cab." Sabi ko ulit.
"O sige. Punta tayo sa pinaka malapit. Bibilhan kita." Nilingon niya pa ako para tingnan kung ano ang magiging reaksyon ko.
Wala akong pinakitang saya o reaksyon man lang. Patay ka sakin mamaya pagkabili mo nun.
Nipark niya ang sasakyan sa labas ng isang arcade kung saan nandoon ang Yellow Cab.
"Tara!" Anyaya niya habang inaalis ang seatbelt.
"Ikaw na pumunta. Dito lang ako."
Sumimangot siya pero pumayag din.
Tumunog ang sasakyan niya at umikot siya para magtungo sa Yellow Cab. Saya naman nito! Nauutusan ko ang isang Dela Merced! Pinagmasdan ko siya at kitang kita ko ag excited na mga mata ng mga babaeng kumakain doon. Kahit kailan, hindi ko talaga maiwasang bantayan ang lahat ng nagkakandarapa sa kanya.
Sa sobrang dami at sobrang bold kasi ng moves nila, hindi mo magawang balewalain. Tulad ngayon, pinagtitinginan siya sa loob. Umiling na lang ako. Kahit sa Maynila ay kumikinang parin ang kakisigan niya. Wait till you see him ripping his shirt. Kinagat ko ang labi ko at pinilig ang ulot. Kalaban siya, Chesca. You don't love your enemies. You don't praise them!
Ilang sandali ang nakalipas ay papalabas na siya sa Yellow Cab. Maaliwalas na ang mukha niya at mukhang sumisipol sipol pa habang binibitbit ang pizza.
"Here's your order." Ngumisi siya at nilahad yung pizza sakin nang pumasok na sa sasakyan.
Umismid ako. "Ayoko pala ng pizza."
"Ha?"
"Ayoko. Nakakataba pala yun tapos may ramp pa akong gagawin ngayong Sabado. Ayoko."
Ngumuso siya.
"Ipapakain ko na lang 'to kina Craig." Sabi ko sabay lagay sa box sa upuan sa likuran.
"Okay." Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. "Sabi ng tigilan ang pagmomodelo." Bumulong bulong siya.
"Ansabi mo?" Umirap ako. Nagtanong kahit na narinig naman talaga.
"Wala." Aniya.
"Ginugutom parin ako." Sabay hawak sa tiyan ko. "Gusto kong kumain ng sinabawang gulay... malunggay..."
Nilingon niya ako.
"Kaso di ako marunong mag luto."
At dahil doon, dumating kami agad sa apartment. As expected, nag offer na naman siyang mag luto. Alas singko na at siguro ay nandyan na si Craig. Pag nakita nun na kasama ko si Hector ay tiyak na mawiwindang ang katawang lupa nun.
"Wa'g kang dumadalaw dalaw dito, Hector, ah? Papatayin kita pag dadalaw ka dito ng walang permiso." Sabi ko.
"Ito naman. Ang harsh mo." Aniya sabay hubad sa t-shirt niya.
Oh damn it! Hindi ba siya nagkaroon ng break sa pag lalako sa rancho nitong nakaraang anim na buwan? Bakit ganyan parin ang katawan niya? Bakit biyak na biyak parin ang muscles niya at bakit tight parin ang burning abs niya? Iyon ang hindi ko alam. Agad akong nag iwas ng tingin nang ngumisi siya at kinagat ang labi.
"Wala pa pala si Craig." Sabi ko habang nilalapag ang gamit sa isang mesa.
Tahimik lang siya. Nang nilingon ko ulit ay nakatayo siya sa harapan ko at sobrang lapit na ng katawan niya sakin.
Ngumisi siya ng nakakagat labi.
"Kukuha ako ng malunggay sa labas." Aniya.
Tumango ako at uminit ang pisngi.
Lumabas siya agad para walang kahirap hirap na abutin ang malunggay sa bakuran ng apartment na tinitirhan ko.
"Susmaryusep." Nakita kong nangangatog pa si Aling Bebang na kapitbahay naming bungal habang sinisilip si Hector sa kanilang bintana.
"Ang adik kasi nakahubad pa. Nakakaooffend yan. Public disturbance."
Agad siyang bumalik sakin at winagayway ang malunggay.
"Magluluto na ako." Aniya ng nakangisi.
Kinunot ko ang noo ko. "Sige! Magluto ka na dun at wa'g mo akong pakitaan ng ngisi mo."
"Oh, bakit?" Sumimangot siya.
"Ewan ko, basta! Naiirita ako, eh. Nababanas ako." Nagkibit balikat ako at tinalikuran siya.
Hindi pa nagsegundo sa pagtalikod ko ay agad na nakita ko ang malunggay na hinahawakan niya sa harap ko. Iyon pala, sinalok niya ang baywang ko galing sa likuran at idiniin niya ako sa katawan niya.
Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. Kinilabutan ako. May tumakbong kuryente galing sa likod ko patungong batok.
"Don't you miss me, Chesca? Kasi ako? Sobrang miss na miss kita. Bawat araw na wala ka, hanggang imagine na lang ako. Sising sisi ako." Pabulong niyang sinabi. "Sising sisi."
Kinagat ko ang labi ko. No fucking word will be enough for me. Iyon ang iniisip ko. Pero siguro kung mahal mo yung tao, kahit alam mong nagpaka jerk siya, at natatakot kang gagawin parin niya ulit yun sayo, okay lang... na di bale na... na susugal ka parin... na iyon parin ang ending... na ititigil mo parin ang gyerang ito para lang pagbigyan ang kapritso niya dahil alam mong iyon din naman ang ikasasaya mo.
"Sa sobrang pagsisisi ko, kayang kaya kong gawin kahit ano para sayo ngayon. Wa'g lang ang layuan ka ulit."
"GOOD EVENINGGGG! I'M HOME!" Biglaang sinabi ng lintek kong kapatid na ngingisi ngisi papasok ng bahay.
Pinilit kong kumawala sa pagkakahapit ni Hector sa baywang ko pero hindi niya ako binibitiwan.
Nalaglag ang panga ni Craig sa nakita. Bumaba pa ang titig niya sa mga bisig ni Hector na nasa baywang ko.
"Oh!? About time..." Humalakhak siya at sinarado ang pinto. "Sige... teng, Hector." Tumango siya at dumiretso sa kanyang kwarto.
Saka pa ako binitiwan ni Hector nang wala na si Craig.
"Bilis na! Magluto ka na diyan!"
Shit! Muntikan na yun, ah? NO... Frigging... Way...
Padabog kong sinarado ang pinto sa kwarto at hinayaan ko siyang magluto sa kusina, mag isa. Kumatok lang siya nang natapos na. Doon ko lang din narealize na hindi siya mag isa, kasi si Craig at si Teddy ay parehong kumakain ng Yellow Cab Pizza sa kusina pagkatapos niyang magluto.
"Kumain na tayo." Ani Hector.
"Oo nga!" Sabi ni Teddy.
"Kain na ateng. Nangangayayat ka na. Wala kasing bitamina Hector nitong mga nakaraang buwan." Humalakhak si Craig.
I swear, gusto kong umpugin ang ulo ni Craig habang kinakagat ang crust ng pizza.
Tumawa rin ang walang karapatang si Hector.
"Oo nga. Di ko na alagaan. Kaya nga papatabain ko ngayong nagkabalikan na kami."
ABA'T NAKAKA OFFEND TALAGA! Nilingon ko si Hector at nag death stare ako sa kanya. Sumimangot siya at tinama ang sinabi.
"Ah! I mean, ngayong nagkita ulit kami."
Nagtawanan silang tatlo.
Argh! Boys... I don't understand these creatures.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top