Kabanata 43

Kabanata 43

Kuryente

When I miss him, I just close my eyes and remember how much he's hurt me... then I'm fine alone.

Madalas akong natitigilan sa gitna ng pag aayos sa apartment dahil sa kakaisip dun. Kontrolin ang puso dahil nasa baba iyon ng utak. Nasa baba iyon dahil ang utak ang mang aalipin dito, hindi pwedeng ang puso ang masunod. Tama si mama. Sana noon, ginamit ko na lang talaga si Hector. Kung alam ko lang na ganito ka sahol ang pag uugali niya ay talagang ginamit ko na lang sana siya.

Padarag kong binitiwan ang mga damit ko at ginulo ko ang buhok ko. Tuwing naiisip ko ang lahat ng katangahan ko ay bumibilis ang pintig ng puso ko sa galit at inis. Nag ngingitngit ako sa sobrang galit na nararamdaman.

Humanda ka, Hector.

Kalaunan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa mga corridors ng school na papasukan ko na dapat bago ako pumunta ng Alegria. Naka maiksing shorts lang ako at simpleng t-shirt. Natapos na iyong exams ko at positibo ang paningin ko doon. Next week pa ang pasukan at konting estudyante lang ang meron dito.

"Hello, Kira." Malamig kong sambit sa kausap ko sa cellphone.

Humalukipkip ako at hinarap ang soccerfield mula sa corridor ng building.

"Who's this?" Boses ng bading na kaibigan ko.

"Francesca 'to. This is my new number-"

"OH MY GOD, FRANCESCA!" Tumili tili siya sa cellphone. "WHERE HAVE YOU BEEN? WALANG MAY ALAM! ANG ALAM KO LANG AY NAG BREAK KAYO NI CLARK JOSON A YEAR AGO?"

Ngumisi ako.

Nakakatawa dahil ang tagal na nun pakinggan para sakin. Dahil sa loob ng isang taon, ang daming nangyari. Sa loob ng isang taon, ang daming nagbago.

"Oo. Umuwi lang ako sa probinsya." Sagot ko.

"Ano ba yan? Yun lang ang sasabihin mo? My god, Chesca! Miss na miss na kita! Ang sabi ni Tara di mo daw sila kino contact?"

Kinagat ko ang labi ko. Paano ko sila iko-contact kung ayaw kong makipag usap sa kanila? They were my friends, alright. Pero isa sa kanila ang nagtraydor! Talagang walang dapat pagkatiwalaan sa panahon ngayon.

"Ah! Wala kasing signal sa probinsya." Paliwanag ko.

"Pero-"

"Kira," Putol ko sa kanya. "May slot pa ba sa agency ninyo? Gusto kong bumalik sa pagmomodelo."

Narinig ko ang singhap niya bago siya nagtitili.

Narinig ko pang kumalabog ang cellphone niya at napamura siya.

"Shit! Nahulog ang phone ko." Aniya. "OO! OO! DAMN! OO!" Sigaw niya. "Sabi ko naman sayo noon na kailangan mo ng Agency, diba? Eh ayaw mo kasi independent ka kasama si Clark. Well, may mabuting dinudulot din pala ang pag bibreak niyo. Ngayon, ako na ang hahandle sayo!" Tumawa siya.

Ngumisi ako. "Talaga? Pasingit kung meron, ah?"

"Of course! May gig yata right after next week. Ililista kita! Finally! You are so back!" Tumitili niyang sinabi. "Tinawagan mo na ba sina Janine?"

"Uh. Hindi pa. Uhmm..."

"You want this to be a surprise, Ches! O sige! Ikaw ang bahala!"

"Oh. Thank you, Kira. Itext mo lang ako pag may gig."

Agad kong pinutol ang linya. Hindi ko alam kung may balak ba akong kontakin ang mga dati kong kaibigan. Maghihintay na lang ba ako? Maghihintay na malaman nilang nagbalik na ako? Malalaman at malalaman din nila iyon dahil nasa iisang school lang kami.

"Thank you." Sabi ko pagkatapos kong matanggap ang isang form na nagpapatunay na enrolled na ako sa school na ito.

"See you sa pasukan!" Nakangiting bati ng registrar assisstant sa akin.

Tumango ako at tumalikod na para maglakad palabas ng school.

Mainit ang panahon ngayon. Inuuhaw tuloy ako. Pupunta na sana ako sa canteen ng school para bumili ng maiinom nang may biglang nakakilala sa akin.

"Chesca Alde?" Tanong ng isang kaklase ko nung high school.

Bahagya akong napaatras dahil nilapitan niya ako at tinitigan from head to foot.

"Nanganak ka na?" Tanong niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Tumitig pa siya sa tiyan ko.

"Parang walang nangyari ah? Ang payat mo parin!" Ngumisi siya.

Umiling ako. "Hindi ako nanganak, Lyn. At mas lalong hindi ako nabuntis." Kumunot ang noo ko. "Sinong nagsabing nabuntis ako?"

Namilog ang mga mata niya. "T-Talaga? Pero yun ang usap usapan the whole year! Na nabuntis ka ni Clark kaya ka lumayo."

"WHAT?"

"Oo!"

"Sinong nagpakalat?"

Nagkibit balikat siya. "Sa daming nag iisip na ganun ang nangyari, hindi ko na alam kung sino ang nagpakalat. P-Pero totoong di ka nabuntis!?"

I could not believe it! Wala ba ni isa sa kanilang nagtangkang mag tanong kay Clark tungkol sa tsismis na iyan? Or worst... hindi siya nag kukumento kung may nagtatanong!?

Nagmartsa ako palabas ng school ng mabilis. Hindi ako makapaniwala na iyon ang naging usap-usapan dito sa kanila! Ni isa ba sa apat kong close friends ay walang nakapagsabi na hindi ako buntis? Tara? Desiree? Janine? Janine! Bwisit na Janine!

Wala sa sarili kong binuksan ang pintuan ng isang fast food. Na high blood yata ako sa nalaman kong iyon! Na high blood ako sa kakaisip na iyon ang naging tingin nila sa pagkawala ko. Ni hindi ko namalayan na ang fast food na pinasukan ko ay punong puno ng estudyante sa university na iyon.

Dumiretso lang ako sa counter upang makapag order ng coke float nang sa ganun ay malamigan ako. Nang lumingon ako sa mga bakanteng upuan ay doon ko lang napagtanto kung bakit medyo naging tahimik ang loob ng fast food.

"Ch-Chesca..." Tawag ni Desiree sa akin.

Kitang kita ko na mangiyak ngiyak siya habang nag aalinlangang tumakbo sa akin. Kinagat ko ang labi ko at sinuyod ang buong lugar.

Nakita ko na laglag ang panga ni Clark sa kabilang table habang nakatayo siya. Hindi siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nakita kong yumuko si Janine sa table nina Desiree. Laglag din ang panga ni Tara nang nakita ako. Buong mga kaklase ko at mga kakilala ko ay nandoon lahat. What a lucky day, isn't it?

Hindi ko napagplanuhan kung ano ang gagawin ko pag nakita ko sila. Hindi ko alam kung magpapakaplastic ba ako o mag wo-walk out dito. Hindi ko alam. Dahil ang tanging plano ko ay ang magpaka plastic kay Hector... Act like I don't really care until I can fool myself. And mind you, that's just the step one. Like I said, I'm going to win this war... Sa kahit anong paraan ay gagawin ko iyon. Kahit na mandaya ako, gagawin ko, manalo lang dito.

"Chesca!!!" Sumigaw si Desiree at tumakbo na papunta sakin.

Halos matapon ang coke float na inorder ko dahil sa higpit ng pagkakayakap niya.

"I missed you! I missed you so much!" Sigaw niya. "Walangya ka! Bakit bigla ka na lang nawawala?" Pinunasan niya ang luha niya.

Blanko parin ang ekspresyon ko.

"Huy!" Nilapitan na rin ako ni Tara at niyakap. "Oh my gosh! Bigla ka na lang di nagparamdam! Bakit di ka na bumalik galing Alegria? Ha?"

Nag iyakan silang dalawa.

"Ba't ako babalik dito?" Matabang kong tanong lalo na nang nakita ko si Janine sa likod nila.

"Wa'g ka ngang magsalita ng ganyan!" Sinapak ako ni Desiree at ngumiti siya. "Finally! You are back! Partyyy! Anong ginawa mo sa bukid niyo? Nagpakain ng mga kambing?

Tumawa silang dalawa at hindi ako makapaniwala nang nakita kong may bakas ding tawa sa labi ni Janine!

Ilang sandali lang ay pinaligiran na agad ako ng mga tao.

"Dinig namin buntis ka pero di kami naniwala! I mean... naghiwalay kayo ni Clark dahil sa LDR diba?" Tanong nung isa kong kaklase.

Nakita kong tulala si Clark sa kanyang table kasama ang iilang kaibigang photographers din.

WALANG NI ISANG NAKAKAALAM KUNG BAKIT AKO UMALIS NG MAYNILA! Kahit isa! Hindi sinabi ni Clark! Hindi sinabi ni Janine! At ang kapal din naman ng mukha ni Janine na magpakita at tumawa kasama nina Desiree gayung sobrang traydor niya sakin?

"Ah!" Tinaas ko ang kilay ko at ngumisi.

Everyone in this world is just so stupid. Wala talaga akong kakampi.

Noong una akala ko walang nakakaintindi sa akin kundi ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko invincible kami pag nagsasama. Pakiramdam ko walang makakasakit sakin kasi nandyan sila. Kahit na rebelde ako sa pamilya ko at lagi akong napapagalitan nina mama at papa noon, ayos lang. Depressing na mapagalitan ka lagi ng parents mo dahil lang sa paglabas mo... You're just having fun, bakit ayaw nila ng ganun? Bakit ayaw nilang masaya ka? Ganun ang mentality ko. Pero ngayon? Damn! Yung pamilya ko lang yata ang tinatawag kong mapagkakatiwalaan. Kahit na marami ng nangyari sa amin ay nakita ko paring nagpakatotoo sila sakin. Hindi nila nilagyan ng sugar coat ang bawat salita nila. Hindi nila ako pinaniwala sa mga bagay na hindi naman totoo. In this world, you can only trust your family. Di bale na kung pagalitan ka nila, at least they were true.

"Umalis ako kasi kailangan ako ng pamilya ko." Ngumisi ako at pinagmasdan ang pag iwas ng tingin ni Janine sa akin. "Kayo? Kamusta kayo? Tara? Desiree?" Tumikhim ako at mas lalong nilakihan ang ngisi. "Janine?"

"We're okay." Excited na sambit ni Tara.

Tumango ako.

Hinigit nila ako papunta doon sa table. Halos ilagay na rin ng ibang kakilala ko ang mga silya nila sa table ko dahil gusto nilang makiusyuso.

"Sobrang gumanda ka! Nakakaganda ba ang Alegria?" Tumatawang sambit ni Desiree.

Nakataas parin ang kilay ko habang iniinom ang coke float.

"Alegria? Saan ko nga ba narinig yun?" Tanong nung kakilala ko.

"So hindi ka nabuntis?" Tanong naman nung isa.

Umiling ako. "Hindi." Halos matawa pa.

"So? Talaga palang naghiwalay lang kayo ni Clark dahil sa Long Distance Relationship?" Tanong ni Tara sakin.

Nilingon ko si Janine na ngayon ay nakayuko na naman at namumutla sa isang tabi. Inirapan ko siya at bumaling kay Tara. Hindi ako sumagot. Ngumisi lang ako. Ayokong magsinungaling pero ayaw ko na munang aminin.

Siniko ako ni Tara at bumulong siya sakin. "Makipagbalikan ka na. Are you staying here for good?"

Humagalpak ako sa sinabi niya. Dahil doon ay kumunot ang kanilang mga noo. "Oo." Natatawa parin. "For good. Probably."

"Ganda mo na talaga." Sabi ng nakatitig na si Desiree sakin.

Umismid ako at tumayo.

KItang kita ko ang mga ulong sabay sabay na nagtinginan sa banda ko.

"Mag C-CR lang ako." Sabi ko.

I need to breathe. I need to think about my moves. Hindi pwedeng magpadalos dalos dito. I didn't see this one coming. Si Hector ang sadya ko dito, hindi sila. Kaya ngayong na ambush nila ako ay hindi ko na alam kung paano mag rereact.

"Sandali lang-"

Hindi ko na sila nilingon dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dahil sa bilis ng lakad ko ay nadaganan ako ng waiter nung fastfood.

"Sorry ma'am. Sorry ma'am!" Aniya sabay pulot sa mga fries at mga burger na nahulog galing sa tray na bitbit.

Nadapa ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabunggo niya sakin.

"Chesca!" Sigaw nina Desiree.

Nagsitayuan sila para tulungan ako pero bago pa sila makalapit ay may naglahad na agad ng kamay sa akin. Salamat naman. Tinanggap ko iyon ng walang pag aalinlangan.

Nang tinungtong ko ang sarili kong palad sa kanya at tinulungan ko ang sarili kong makatayo, agad ako nakaramdam ng short circuit sa sistema ko. Para bang nag ground ang kuryente at sa isang bagsakan ay sumabog at nasira iyon. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang seryosong mukha ng kalaban.

I can't believe it. Kinagat ko ang labi ko at agad binawi ang kamay ko galing sa kamay niyang nakalahad parin kahit wala na doon ang kamay ko. Para akong napaso sa kanya.

THINK, CHESCA! THINK! Don't panic!

Nag igting ang bagang niya at dahan dahang binaba ang kanyang palad. Nilagay niya iyon sa bulsa at tumayo siya ng maayos.

Still so cocky, Dela Merced. Now... You don't own this place, control freak. Hindi ka hari dito. Itatak mo yan sa kokote mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top