Kabanata 42

Kabanata 42

Act of War

Natapos ang second sem ng puno ng paghihirap. Kahit na nag birthday ako ay hindi ako pagkatapos agad ng pasukan ay hindi ko iyon madama.

Bumalik na sa dati ang tratuhan ko sa pamilya ko. Kahit na may kaunting gap na. Kahit paano ay medyo bumuti din ang pag iisip nina mama at tiya. Hindi na rin nila ako pinaparinggan sa mga problema sa bahay. Mukhang alam nilang hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang sakit na nadama last year.

Nakaupo ako sa duyan habang umiihip ang hangin isang umaga ng summer. Nagbabasa ako nitong isang lumang tagalog na pocketbook galing sa bookshelves ni tiya. Puno iyon ng alikabok kanina pero inayos ko para lang may mapaglibangan. Tungkol iyon sa isang lalaking may gusto sa isang babaeng taga Maynila. May hacienda ang lalaki at tinatawag siyang Agila dahil mala Agila ang kanyang mga mata.

Tuwing nababanggit ang rancho, mga kabayo, kambing, bukid at kung anu-ano pa ay wala akong maisip kundi si Hector. Sabi nila, face your fears... Kung gusto kong mag move on, kailangan masanay akong naiisip si Hector. Masanay akong naiisip siya at dapat kalaunan ay wala na akong maramdaman. Kailangan akong lubos na masaktan nang sa ganun ay maging manhid na ang puso ko.

Tumunog ang upuan sa bakuran namin. Napalingon ako sa umupo roon. Nakita ko si lola sa upuan. Nakangisi siyang nakatingin sakin. It's almost creepy. Pinagkibit balikat ko siya at nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Sigurado ka bang mahal ka niya?"

Nilingon ko ulit ang nagsasalitang si lola.

"Po?"

"Yung matipunong lalaki, sigurado ka bang mahal ka niya?"

Ginapangan ako ng kaba. Kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni lola Siling ay pakiramdam ko si Hector na agad.

"Yung bumisita dito nung nakaraang araw? Nung naligo kayo sa Alps?" Ngumisi ulit si Lola at kitang kita ko ang gilagid niyang walang ngipin.

"PO? Sinong bumisita dito?"

Humagikhik si lola saka tinitigan ako sa mga mata. "Yung lalaking makisig nga at matipuno..."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Pero kasi... binanggit niya ang araw ng kaarawan ko! Naligo kami sa Alps last week! Kahit na ginamit niya ang katagang 'nung isang araw' ay naniniwala akong may laman ang sinasabi niya!

"Anong ginagawa niya po dito?" Tanong ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Imbes ay tinanong niya ulit ako. "Sigurado ka bang mahal ka niya?"

Wala sa isip kong sinabi na, "Oo!"

Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Alam ko... kung sino mang bumisita dito ay si Hector na iyon! Summer at walang pasok sa Maynila! Ang alam ko kasi ay nasa Maynila daw siya at doon na nag aral!

"Kung ganun ba't ka niya iniwan?" Nag iwas ng tingin si lola Siling sa akin.

Mas dumoble ang kabang naramdaman ko. Ngayon, siguradong sigurado ako na si Hector ang tinutukoy niya.

"Ba't ka niya pinagsalitaan ng masama?"

Napalunok ako. "Nagalit po siya."

Hindi nagsalita si Lola. Nakatingin parin siya sa kawalan na para bang dinadama niya ang hangin sa paligid. Naaning na yata ako dito! Nahahawa na yata ako kay lola!

"Posible bang dalawa ang maramdaman mo sa isang tao?" Tumawa siya na parang nababaliw na.

Kinunot ko ang noo ko at nagpatuloy siya.

"Dalawa. Galit at pagmamahal. Posible ba yun? Naramdaman mo na yun?" Nilingon niya ako nang nakangisi.

Hindi ako makasagot. Nanuyo ang lalamunan ko sa mga sinabi niya.

"Kasi yun daw ang nararamdaman niya."

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko galing kay lola. Agad namuo ang traydor kong luha. Hindi... No... It's been 6 god damned months, Chesca! Forget him!

Napatalon na lang ako at agad napapunas ng luha nang may biglang padabog na nagbukas ng gate.

"SHIT!" Sigaw ni Teddy.

Pulang pula ang kanyang mukha. Sinundan siya ni tiyo at ni papa na parehong mukhang galit at nawawalan ng pag asa. Sumunod na dumating ay si tiya na umiiyak at humagulhol.

"Ano p-pong nangyari?" Agad ko silang sinalubong.

Ayaw nilang magsalita. Walang imikan hanggang sa pumasok na sila sa loob.

"Anong nangyari?" Tanong ni Craig nang lumabas si Teddy sa manukan sa likod.

Narinig kong sinagot ni Teddy si Craig pero hindi ko na klaro ang lahat kaya bumaling ako kay tiya.

"Bakit po?"

Umiling siya at tinalikuran ako. Bumaling naman ako kay papa at tiyo na parehong mukhang bigong bigo.

Hinila ni papa si mama. Si Tiyo na lang ang natira sa sala kaya siya ang kinausap ko.

"Tiyo, bakit?"

Tiningnan niya pa akong mabuti. Kitang kita ko ang luhang kumikislap sa gilid ng kanyang mga mata. This is serious!

"Kukunin na ng mga Dela Merced ang Alps."

Napaatras ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat.

"H-Ha?"

Tumango si tiyo.

"Inilipat na daw ang buong lupain sa pangalan ni Hector. At anila'y bibilhin niya yun..."

"Magkano?"

"500 thousand."

"HINDI PWEDE, tiyo!" Lubos ang pag aalab ng galit sa sistema ko.

Naramdaman ko ang paunti-unting pag init ng pisngi ko sa galit. Parang gusto kong manuntok!

"Ang liit na halaga!" Sigaw ko.

"Chesca, halos higit dalawampung taon na prenda yung lupa. 500 thousand pero may interes yun ayon sa pinagkasunduan. Kaya lumaki ang interes. Ngayon, mabibili niya yun sa halagang iyon lang."

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig ko. Luminga na ako sa pamilya kong wala sa paligid. Mababaliw na yata ako sa sobrang galit!

Napakawalang hiya mo, Hector Dela Merced! Sobrang walang hiya! Iyan ba ang gagawin mo? Pagkatapos kitang mahalin? Pagkatapos ko ibigay sayo ang lahat lahat? Siguro ay nakahanap na siya ng iba sa Maynila! Siguro ay may girlfriend na siyang mapagkakatuwaan niya, ano? Kaya wala ng halaga sa kanya ang lupa namin! Kaya kayang kaya niya na kaming apakan kasi wala na talaga siyang pakealam!

Nung una akala ko galit lang siya, eh. Kaya niya yun nasabi kasi galit siya. Pero ngayon? Damn! Hindi! Hindi niya ako minahal! Wala siyang pagmamahal na naramdaman sa akin! Puro langlibog yung naramdaman niya!

Bumuhos ang luha ko sa mga mata. Nanginginig ang labi ko. Gusto ko iyong buksan at magsisigaw sa galit! Nilingon ko si lola! Nakakabadtrip! Nakakabadtrip si lola Siling! Kung anu-ano pang ginagatong sa akin tapos ngayon ito pala ang mangyayari?

"MAMA!" Sigaw ko sabay tungo sa kwarto nina mama at papa.

Naabutan kong palihim at marahang umiiyak si papa. Habang si mama ay hinahaplos ang kanyang likod. Pinunasan ni papa ang kanyang luha sa likod ng kanyang salamin.

"MA!" Matapang kong tawag.

"Ches-"

"Ma, ibenta po natin ang bahay sa Maynila!"

Natigilan si mama sa sinabi ko.

"Limang milyon, diba? Limang milyon ang halaga nun? Mabibenta natin yun. Maayos ang bahay. Intricate designs at nasa magandang village! Ibebenta natin yun at babayaran natin ang utang natin sa mga Dela Merced!"

"Pero Chesca, magandang puhunan ang lupa. Lalo na at nasa Maynila. Baka di na tayo magkabahay pa ulit doon-"

"Ma! Please! Ibenta niyo. Bayaran natin ang utang sa mga Dela Merced. Magkano? 1 million? 1.5? Bayaran natin gamit ang pera. At ang matitira dun, ipadevelop natin ng maayos ang Alps! Bigyan natin ng puhunan ang poultry! Mag aaral akong mabuti... Ibalik niyo rin sa Maynila si Teddy, kahit na mag apartment siya dun o ano! Basta! Ma, don't give up Alps!"

Suminghap si mama at papa. Dahan dahang tumango si papa sa sinabi ko. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagsang ayon niya sa aking sinabi. Dinampot ko ang jacket ko sa ibabaw ng lamesa sa kusina at agad umalis ng bahay.

DAMN DELA MERCEDS! Alam kong mabuti ang tita, tito, at lola ni Hector. Kaya nga nung nasa kanila pa ang Rancho ay di nila ginalaw ang Alps! Pero ngayong nakay Hector na... nagkanda leche leche na!

Narinig kong simusipol si lola sa kinauupuan niya habang mabilis ang lakad ko patungong gate.

"Naisahan ka." Tumatawa siya.

Nilingon ko siya at nagkasalubong ang kilay ko nang nakitang nakangisi siya at inuulit iyon na parang chant. "Naisahan ka. Naisahan ka. Naisahan ka."

Pumikit ako at tumakbo na palayo sa bahay. Pumara agad ako ng tricycle kahit nakaka LSS ang ngising walang ngipin at ang paulit ulit na sinabi ni lola Siling.

"Manong, sa mansyon po ng mga Dela Merced."

Tumungo na ako sa mansyon. Kitang kita ko ang malaking gate na may crest ng DELA MERCED.

"TAO PO!" Sigaw ko.

Agad akong dinungaw ng guard nila.

Kahit kailan, noon, hindi ako kumakatok dito. Lagi akong malayang nakakapasok. Pero ngayon?

"Gusto ko pong kausapin si Tita Lina." Sabi ko.

Napalunok ako doon at agad naghuramentado ang puso. Hindi ko pa nakakausap ang tita ni Hector simula nang nangyari. At lalong lalo na ang lola niya! Ano kaya ang reaksyon nila? Galit ba sila sakin? Pwes, kung galit sila... haharapin ko parin!

"Chesca Alde?" Tanong ng guard.

Tumango ako.

"Saglit lang."

May kung sino siyang tinawagan sa telepono. Tumunganga pa ako ng ilang sandali bago niya binaba ang telepono at binuksan ang gate.

"Nasa sala si Ma'am Lina. Diretso ka lang."

Tumango ako at halos tumakbo papasok ng bahay nila.

Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang nakaparking sa labas na Jeep Commander. Sa lahat ng sasakyan ay iyon lang ang nasa labas. Kinakain na naman ako ng sariling paghuhuramentado. Hindi ko na mawari kung naiihi ako o nabubuwisit!

HECTOR IS PROBABLY HERE!

Lumunok ako bago pumasok sa engrande nilang bahay. Nakita kong umiinom ng tsaa si tita Lina sa sala. Tumayo siya at ngumiti nang nakita ako.

"Chesca, long time no see!" Bungad niyang ikinagulat ko.

Buong akala ko ay sasalubungin niya ako ng sampal dahil sa ginawa ko kay Hector anim na buwan na ang nakalipas. Nibeso niya ako. Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Pumayat ka ata." Sumimangot si tita Lina. "I mean... not that you're not skinny before... Pero para kang... nagkasakit."

Ngumuso ako. "Sa sobrang stress po siguro."

"Tsk. Tsk." Umiling iling si Tita Lina at umupo ulit sa sofa. "Umupo ka muna dito. Anong gusto mong meryenda? Manang!?"

"Ah! Wa'g na po. Saglit lang ako. Hindi na po ako m-magpapaliguy-ligoy."

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at sinuguradong walang Hector na nagkukunwaring muwebles sa tabi tabi. Nang nakumpirma kong wala ay binalingan ko ulit si tita Lina.

"Hmmm. Hindi po namin ipagbibili ang Alps. Bigyan niyo po kami ng palugit. Say... 3 weeks. Babayaran po namin yung utang."

Tumango si Tita at nakita kong nalungkot ang kanyang mga mata. "I'm sorry about that. Si Hector kasi... m-mapilit." Kinagat niya ang kanyang labi at uminom na lang ng tsaa.

"Alam ko po ang mga kasalanan ko, kasalanan ng pamilya ko, lahat ng atraso namin... Hindi po ako bulag doon. Sorry po. Alam ko po ring magkalaban talaga ang turingan ng dalawang pamilya. Ang gusto ko lang ay mawala ang ugnayang ito... Gusto ko pong matapos na ang laban. Para ma settle na ang lahat, bibilhin na po namin pabalik ang Alps. Pasensya na at natagalan. Wala pa talaga kami pong pera kaya..."

"Chesca..." Tumikhim si Tita Lina. "Hindi naman sa ganun." Umiling siya. "If only I can convince Hector. Kahit na si mama ay kinukumbinsi siyang wa'g ganun. Pero... he's been..." Kinagat niya ulit ang labi niya.

"Hurt." Dugtong ko. "I know..."

Umawang ang bibig ko. Tumaas ang kilay ni tita na para bang naghihintay siya ng sasabihin ko. Pero imbes na dugtungan ko iyon ng eksplenasyon tungkol sa totoong nangyari noon ay hindi ko na lang ginawa. Sa halip ay tinikom ko na lang ulit ag bibig ko.

"And you've been hurt too, Chesca. You see... Hector is a tactless brat. He's spoiled dahil kay mama at sa mga pagkukulang namin. Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi niya noon... Pero-"

"May kasalanan din naman ako kaya siguro tama lang yun." Sabi ko nang nanginginig ang boses ko. 

And I regret that everything is tainted now. Na kahit anong gawin ko ay may sugat na, may peklat na at hinding hindi na iyon mabubura. Kahit anong mangyari. Lalo na ngayong si Hector ang naunang tumira ng pasabog. This is clearly an act of war... Ang pagbili ng Alps ay isang senyales na kalaban niya na kami... kalaban niya na ako.

Yes, I want to end the war...

Ngumisi ako.

"I have to go, po. Thank you." Tinalikuran ko ang tita Lina.

"Chesca, mag meryenda-"

"Sorry po, thank you, pero hinihintay na ako ng pamilya ko." Sabi ko at tuluyan nang umalis.

Yes, alright, I want to end this war. But I'm not going to lose here... Hindi pwedeng matapos ito na sumusuko kami o natatalo kami. I'm an Alde... At kahit malaking tao ang mga Dela Merced, I still believe that we can win this.

"Mama..." Tawag ko kay mama pagkatapos niyang sinuyod ang buong bahay namin sa Maynila.

This is our last glance of it. Ang makinis na pagkaka finish ng sementong dingding. Ang magandang disenyo ng ceiling namin. Ang mamahaling tiles at ang mala hotel na CR. Ang limang kwarto at isang maid's quarter. Ang veranda na paborito kong parte. We are going to lose this house. My home... Alegria is my home now. But I'm willing to give it up just to win this war.

"Pwede po ba akong bumalik sa pag aaral dito sa Maynila? Kung gusto ni Craig, kaming dalawa na lang po. Mag aapply ako ng scholarship sa university at mag aapartment kami ni Craig. Magpapart time din po ako para may pang gastos."

Umiling si mama. Akala ko ay tumututol siya. "Ako na ang bahala sa gastos, Chesca. Oo, babalik kayo dito. Kayong tatlo ni Teddy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top