Kabanata 40

Kabanata 40

Gone

Umiyak ako nang umiyak habang nakikita siyang papalayo sa akin. Galit ako sa mga sinabi niya pero nanghihina ako dahil mahal ko parin siya.

"Hector, please..." Humaulhol ako at umupo na sa damuhan.

Dinaluhan ako ni Clark. Lumuhod siya at hinawakan niya ang braso ko habang umiiyak ako. Hinahawi ko ang mga iniaalay niyang kamay.

Nakita kong humina ang paglalakad ni Hector at unti-unti niya akong nilingon. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinulak si Clark palayo. Ngunit nagbalik ang minsang nawalang malamig na tingin ni Hector sakin nang nadatnan niya kaming ganun.

"Tsss." Nagpatuloy siya sa paglakad at hindi na siya ulit lumingon pa.

"Chesca!" Tawag ni Clark sakin.

Unti unti akong bumangon. Lagi kong hinahawi ang nakalahad niyang kamay. Hinarap ko siya. Wala akong kayang ipakita sa kanya kundi ang galit at poot dahil sa ginawa niya.

"Umalis ka na dito, Clark!"

"Ch-Chesca... Wala na si Hector-"

Hindi ko na napigilan ang sampal ko. "UMALIS KA NA DITO! BUMALIK KA NA NG MAYNILA!"

"P-Pero!" Bumawi siya at tiningnan ulit ako nang taong minsan kong minahal.

"Clark... Si Hector na ang mahal ko. Siya lang. At sinira mo kaming dalawa! Hinding hindi kita mapapatawad!" Sabi ko at agad siyang tinalikuran.

"Chesca! Ang sabi ng tiya mo-"

"WALANG ALAM SI TIYA! LUPA LANG NAMIN ANG INAALALA NIYA!" Napapaos kong sigaw at tumakbo na palayo kay Clark.

Sumiklab ang galit sa aking kalamnan habang umaalis ako doon sa gazebo. Nanginginig ang mga daliri ko sa sobrang galit!

"Chesca! Kung mahal ka nung Hector, hindi ka niya pagsasalitaan ng ganyan! Chesca! Bumalik ka dito..."

Mabilis ang takbo ko. Bumagsak din ang ulan. Kahit na malamig ang bawat patak nito ay hindi ako nakaramdam ng kahit ano. Siguro ay dahil manhid na ang buong katawan ko. Dumating na sa punto na dahil sa sobrang sakit ay wala na akong maramdaman. Alam niyo yun? Yung sa sobrang sakit ay napagod na ang puso mong makiramdam. Napagod na ang buong sistema mong i-acknowledge na masakit dahil punong puno ka na...

Halos masira ang gate namin nang dumating ako. Agad napatalon si Craig sa pagdating ko. Nakaupo lang siya sa sofa at sinundan niya ako ng tingin habang kinakalat ang tubig galing sa katawan sa loob ng bahay namin.

"TIYA! MAMA!" Sigaw ko habang hinahanap ko sila.

"Oh, bakit, Chesca?" Narinig kong sambit ni mama nang lumabas sila galing sa kusina.

Pareho silang gulat na gulat sa itsura kong warak na warak. Pareho ko rin silang tinuro.

"Mga..." Kinagat ko ang labi ko. "AH!" Humagulhol ako.

"Anong nangyari?" Malambing na tanong ni mama.

"Anong sinabi niyo kay Clark? HA? Anong sinabi niyo-"

Nagkatinginan silang dalawa. Nakita kong namutla si Tiya.

"Na ginagamit ko lang si Hector? Na mahal ko parin siya?"

"Goodness, hija! Hindi ko sinabing mahal mo pa siya." Utas ni Tiya na agad kong binanatan.

"ALAM NIYO BANG NAGKASIRAAN KAMING DALAWA NI HECTOR DAHIL SA KANYA? Dahil sa inyo? Dahil sa inyong lahat!" Sigaw ko.

Narinig ko ang mga yapak nina papa at tiyo papuntang sala.

"Anong nangyayari dito?"

Hindi ko na maitsura ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang basang basa kong pisngi habang hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Tinuro ko ulit si Tiya.

"Chesca!" Saway ni papa.

"Nag kasiraan kami ni Hector! Walangya mahal ko yun!" Sabi ko sabay harap kay papa. "Pa! Mahal na mahal ki si Hector! Pero umalis siya dahil akala niyang mahal ko pa si Clark! Pa! Akala niya ginagamit ko lang siya!" Nilingon ko si Tiya na ngayon ay humihikbi na.

"I'm sorry, Chesca... Indifferent ka kasi akala ko hindi mo mahal si-"

"HINDI KO SINASABI SA INYO DAHIL ALAM KONG GAGAMITIN NIYO SIYA!" Sigaw ko.

"Pero kailangan natin ang lupa-"

"Tiya Lucy!" Sigaw ko.

Hinawakan na ako ni papa sa braso dahil umaamba na akong susugurin ko si tiya. Humagulhol na rin si mama.

"Simula ngayon... pumili kayong lahat! AKO O YUNG LUPA NINYO! Sa oras na may marinig pa ako tungkol sa lupa natin, lalayas ako dito!"

"Chesca!" Sabi ni mama. "Wa'g kang magsalita ng ganyan-"

"Oh? Bakit? Ha, ma?"

"Pamilya mo kami!" Giit ni Tiya.

"Oo! Nirerespeto ko yun! Pero kahit kailan hindi niyo ako narinig na nagreklamo sa mga ginagawa ninyo o naninira man lang sa inyo! Kahit kailan! Tapos ngayon, kayo pa mismo ang maglalaglag sakin? Mama!" Nilingon ko si mama. "Mama, ang sakit sakit. Wala ka dun nang tinaboy ako ni Hector! Wala ka dun nang pareho kaming nabigo!"

"Tinaboy ka niya, edi wa'g mong balikan-" Singit ni Teddy.

"Tumahimik ka, Ted! Wala kang pakealam dito!"

"Tsss."

"Hija, phase lang yan sa buhay." Utas ni mama.

Bumuhos ang luha ko. Nanginginig ang buong sistema ko sa galit. Wala na akong lakas para sumbatan silang lahat at ipaglaban ang sarili ko. Iniwan na ako ni Hector. Sinaktan niya ako dahil lang sa mga sinabi ng mga ito!

"Teenager ka. Dadaan ka sa ganyan. Masyadong extreme ang emotions mo dahil teenager ka. Pahupain mo muna yan-" Sabi ni mama.

"Ma, di niyo naiintindihan eh. Di niyo ako naiintindihan!"

Tinalikuran ko silang lahat. Nag kulong ako sa kwarto buong magdamag. Buong linggo. Namumugto ang mga mata ko buong linggo. At titig na titig ako sa cellphone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang mensahe ang naipadala ko kay Hector.

Ako:

Hector, mag usap naman tayo o.

Ako:

Hector, malapit na ang pasukan.

Ako:

Hector, miss na miss na kita.

Sa huling pagkakataon ko siyang nitext ay nihagis ko ang cellphone ko at ibinaon ko ang mukha ko sa unan at humagulhol na lang. Bawat salita sa text ko nalulusaw ang puso ko. Lintik! Awang awa ako sa sarili ko. Halos lumuhod ako kay Hector! Halos magmakaawa ako makinig lang siya!

Hindi ba siya naman yung nagsabing dapat makinig kaming dalawa sa isa't-isa? Dapat wa'g kaming magpadalos dalos? Hindi ba ito ang rason kung bakit ayaw ko pa siyang sagutin noon? Dahil gusto kong makasiguro! Dahil ayaw kong magpadalos dalos pero bakit ngayon siya mismo ang bumitiw? Bakit ngayon siya mismo ang ayaw makinig? Bakit siya mismo ang umaayaw at umaalis?

Halos di ako makahinga sa pag iyak ko. Pabalik balik ang paghikbi ko. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang hikbi ko.

Baka naman experience niya lang talaga ako? Baka naman hanggang doon na lang? Baka naman hindi naman talaga ganun ka lalim ang pagmamahal niya sa akin tulad ng inaakala ko? Baka puppy love lang? Infatuation lang? Ginawa niya ba akong pampalipas oras? Ginawa niya ba akong pampalabas lang ng init sa katawan? First time lang? Experience?

Humagulhol ulit ako habang iniisip lahat ng mga nangyari. Yung mainit na gabi sa ilalim ng full moon. Strange. Sa gazebo iyon nangyari, at sa gazebo niya rin ako iniwan.

O baka naman minahal niya talaga ako. Mahal niya ako. Kaso... madaling nawala. Mabilis siyang nainlove sakin at mabilis lang ding nawala ang pag ibig niya. Ganun. Isang pagkakamali ko lang, umayaw na agad siya. Baka naman ganun?

Hindi ko alam. Nababaliw na ako. Miss na miss ko na ang init ng bisig niya. Miss na miss ko na ang ngisi niya. Miss na miss ko na ang bawat linya ng kanyang mukha tuwing nakatingin siya sa malayo at tinitingnan niya ako.

"Ate, kain ka muna. Mag iisang linggo ka ng di lumalabas." Biglang pumasok sa nakasarado kong pinto si Craig at dinalhan niya ako ng pagkain.

Tuwing kumakain ako sa loob ng linggong ito ay wala akong ginawa kundi umiyak. Nababaliw na nga talaga yata ako. Umiiyak ako habang kumakain. Ang resulta ay hindi ako nakakakain ng maayos.

"E-Enrolment na bukas para sa second sem. Ikaw ba ang mag eenrol o si mama na lang?"

Inangat ko ang paningin ko kay Craig. Sa unang pagkakataon, sasagot ako sa tanong niya.

"Ako na."

Iniwan ako ni Craig nang may bahid paring pag aalala sa mukha. Natulog na lang ako ng buong araw. Wala akong ibang maisip kundi si Hector. Kaya naman kinabukasan ay madaling araw pa lang ay gising na ako. Maaga ako sa school mamaya para mag enrol.

Ginapangan agad ako ng kaba... Shit! Magkikita kami ni Hector. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba na nadama. Parang aalis na yung puso ko at lilipad kung saan.

"Ch-Chesca..." Nanginig ang boses ni Tiya nang datnan akong umiinom ng tubig.

HIndi ko siya tiningnan man lang. Pinagpatuloy ko ang pag inom ko ng tubig at nagkunwaring walang narinig.

"I'm sorry." Narinig ko ang pagkabasag ng kanyang boses.

Hinawakan niya ang braso ko. Nalusaw ang puso ko. Kahit paano ay tiyahin ko parin siya. Kaya lang ay sobra at nag uumapaw ang galit ko. Hanggang ngayon.

Niyakap niya ako. Hindi man lang ako natinag. Hindi ako gumalaw sa pagkakayakap niya.

"A-Anong magagawa ko para magkabalikan kayo n-ni Hector? Papuntahin mo siya dito! I-Ipapaliwanag ko sa kanya!" Aniya.

Nadatnan kami ni mama na ganun ang ayos kaya sumali si mama sa yakapan.

Masyado na akong napuno sa mga luha. Isang linggo akong umiyak at hindi ko na kayang lumuha pa. Siguro ay naubos na ang luha ko sa kakaiyak. Hinawi ko na lang ang mga kamay nila. kahit anong gawin ko, pamilya ko parin sila. Kahit na ganito ang nangyari, nandyan parin sila. Pero hindi parin namamatay ang baga ng galit ko.

"Chescaa..." Wika ni mama nang talikuran ko sila para magbihis na sa kwarto.

"Eto na y-yung... pang enrol mo." Sinundan ako ni mama sa kwarto at ipinakita ang sobrang pera. Siguro ay para pampalubag ng loob ko.

Kinuha ko sa harap niya ang eksaktong pera na pang enrol pero hindi ko kinuha ang sobra. Hindi nabibili ang loob ko, mama. Huhupa din ito. Pero sa ngayon, hayaan niyo muna ako. Labis akong nasaktan sa nangyari samin ni Hector. This isn't just love... I know... This is probably my biggest heartache! Kahit na hindi naman nakahanap ng iba si Hector tulad ni Clark, mas umalingawngaw sa sistema ko ang sakit nito.

Pumasok ako sa school nang may nakitang mga babaeng umiiyak. Pagtapak ko pa lang sa damo ng ACC ay kitang kita ko na ang nanlilisik na mga mata ng ibang babae. Alam ko na... Nalaman na nilang lahat. Alam na ng lahat na wala na kami ni Hector! Na sinaktan ko siya!

"Chesca!" Nakita kong bumungad sina Jobel, Sarah, at Marie sa harapan ko.

Pare-pareho ang ekspresyon nilang naaawa at nakikisimpatya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Sarah.

Umiling ako. "Nandito yung ex ko. Nagkamali si Hector." Simple kong sinabi.

HIndi ko maipagpatuloy dahil unti unti na namang nag init ang likod ng mga mata ko.

Hinaplos ni Sarah ang likod ko.

"May ex ka?" Namilog ang mga mata ni Jobel.

Tumango ako sa kanya.

"Tapos?" Hindi ko pa nasasagot si Sarah ay may biglang kumalmot na sa braso ko.

Nakita ko ang nagngingitngit sa galit na si Kathy! Kahit na pinapaligiran na siya ng mga umaawat sa kanya ay nagawa niya paring kalmutin ako. Agad pumagitna sina Jobel, Sarah, at Marie.

"TUMABI KAYO! WALANGYANG LINTIK KA, CHESCA ALDE! TUSO KA!" Sigaw ni Kathy. "SLUT!"

Bumuhos ang luha ko. Hindi ko siya masumbatan. Hindi ko siya mabanatan. Hindi ko siya mabara dahil masyado akong nanghina.

"Kathy!" Sigaw ng mga kaibigan ni Kathy.

May nakita akong mga umiiyak sa likod niya at parehong galit ang pinapakita sa mga mata nila.

Tinuro-turo ako ng umiiyak na si Reese habang ang iba ay inaawat ang sisigaw sigaw na si Kathy.

"Wa'g niyo akong pigilan! Makikita ng Alde na yan!" Sigaw niya.

"Chesca! Napakakapal ng mukha mo! Hindi ka ba nahabag? Ha? Hindi ka ba nakonsensya man lang? Ginamit mo si Hector para sa kakarampot niyong lupa! Kung ako ang nasa katayuan mo?  Hindi bale na lang na mamatay kami sa hirap! Hinding hindi ko magagawa kay Hector iyon!"

Humapdi ang braso ko. Kitang kita ko ang tatlong namamagang straight na sugat galing sa kuko ni Kathy. Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi magagawa ni Chesca yun!" Giit ni Sarah.

Tinulak ni Reese si Sarah. At ilang sandali lang ang nakalipas ay nagkagulo na! Sinampal ni Jobel si Abby at hinila naman ni Reese ang buhok ni Sarah.

"AHH!" Nagsigawan na ang mga taong nasa paligid!

May mga pumigil. May mga lalaking umawat sa magkabilang sides. Pero bayolente parin si Kathy habang umiiyak at tinitingnan ako.

"ILANG TAO BA ANG IDADAMAY MO DITO, CHESCA? ILANG TAO!? WALA KA BANG PUSO? WALA KA BANG KALULUWA? PERA LANG BA ANG IMPORTANTE!?"

Humikbi na lang ako. Gusto kong magsalita. Pero sa bawat pag awang ng bibig ko ay agad ko na lang iyong tinitikom. Coz I know that their minds are clouded by hatred... that any reason from me isn't enough. Ang gusto na lang nilang mangyari ay ang mawala ako ngayon. Mawala ng parang bula.

Hector... Sana magpakita ka dito at pigilan sila. Nakita kong tumulo ang dugo galing sa braso ko. Sobrang hapdi.

"Kulang pa yan, Alde!" Nag igting ang bagang ni Kathy. "Sana ikaw na lang ang umalis. Sana ikaw ang nawala. Bakit si Hector pa? Sa kanya itong Alegria pero ikaw ang pinagbigyan niya? Your life here is going to be hell, Chesca. Tandaan mo yan."

Nalaglag ang panga ko sa banta ni Kathy. Hector... is gone?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top