Kabanata 4

Kabanata 4

Nakakainis

Tumupad si Koko sa usapan. Nandoon na agad siya sa gate nang dumating ako sa unang araw ng eskwela. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Napapangiwi sila sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Sino yan? Bago?" May narinig pa akong nagsasalita sa likod ko.

Nilingon ko at sinimangutan pero hindi sila natinag. Tinakpan lang nila yung bibig nila at nakatingin parin sa akin habang nag uusap. Oo! Sige! Alam kong hindi niyo na ako pinag uusapan kasi nakatakip na kayo ng bibig. Shit lang, I'm not dumb!

Let's face it, Chesca. Ganun talaga ang mga tao. Pag may bagong mukha, iyon ang laman ng usap-usapan. Lalo na't galing sila sa iisang high school noong highschool, mas close na sila sa isa't-isa. At ako? Wala akong kilala bukod kay Koko na ngayon ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ang sched naming dalawa.

"Alde daw." May narinig akong bumulong.

Wow! Ang bilis ng balita! May pakpak!

"Mukhang kaklase ata tayo dito." Sabay turo niya sa isang klaseng bukas pa. "Pero wala pa masyadong pasok ngayon kasi unang araw pa lang naman. Yun ang alam ko." Kumindat siya sakin.

Tumango naman ako at inayos ang buhok.

Napatingin siya sa buhok ko. Kinilabutan naman ako sa malagkit niyang titig kaya...

"Koko, pupunta na ako sa first class ko." Utas ko.

"Ha? Pero wala pang prof dun ngayon." Aniya.

Pero naglakad parin ako palayo sa kanya.

"Uy, Chesca! wait for me!" Aniya at hinabol ako sa paglalakad ko.

"Koko, mamaya na lang tayo magkita." Sabi ko nang di siya tinitingnan.

"Eh nililigawan kita, gusto ko lagi tayong nagkikita."

"Mamaya na, Koko."

Nakukuha na naming dalawa ang halos buong atensyon ng mga nasa campus. Paano ba naman kasi, panay ang habol niya sakin kahit na nag ha-halfrun na ako sa corridor.

“Koko, tama na nga yan. Ayaw daw niya.” Humalakhak ang isang nakakakilabot na boses sa classroom na papasukan ko na sana.

“Hector...” Seryosong utas ni Koko. “Pero akala ko...”

Nilingon ko agad si Koko at nginitian ko, “Ayokong magloko ka sa school. Siguro mas maganda kung pumasok ka sa klase mo at papasok din ako sakin.”

Umaliwalas ang kanyang mukha sa sinabi ko. “Tama!”

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

“Thanks, see ya later, alligater!” Aniya at umalis din.

Lintek. Ayoko na talaga. Masyado na akong kinikilabutan kay Koko. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong nakataas ang kilay niya sa akin.

“Bakit mo gusto si Koby?” Tanong niyang bigla sa akin.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Gwapo pero pakialamero.

“Ba’t ka nakekealam?” Sabi ko at nilagpasan siya para umupo sa loob ng classroom.

Nagulat ako nang nakitang tatlong estudyante lang ang naroon. Tama nga si Koko. Hindi pa siguro mag ka-klase ngayon dahil unang araw pa lang. Napatingin ang dalawang lalaki sa gilid sa akin. May sumipol na isa.

“Ganda!” Utas nila.

Umupo ako at umirap sa kawalan. Kainis ha? Lahat ba dito mala-Koko?

Bumaling ako sa lalaking nasa gilid ko naman at tinitingnan yung sumisipol kanina. Nakita kong nag igting ang kanyang bagang. Nalaglag ang panga ko... Hindi ko talaga mahugot ang mga tamang salita para mabigyan ng hustisya ang kagwapuhan niya. Kitang kita ko ngayon ang buhok niya sa likod. Mahaba iyon. Iyon lang siguro ang naging ayaw ko sa ayos niya, pero overall wala na akong masabi.

Napatalon ako nang bigla niyang ibinaling sa akin ang titig niya. Nag iwas agad ako ng tingin.

“Hindi mo naman talaga siya gusto.” Matama niyang sinabi na nakapagpabalik agad sa tingin ko sa kanya.

“Ano?”

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mukhang mabubuking niya na ako o dahil yung gwapo niyang mukha naman ang naka HD sa paningin ko.

“Kita ko sa mga mata mo. Hindi mo siya gusto.” Ngumisi siya.

I clenched my jaw. Yes, totoo. Pero paano niya nalaman yun? Anong ibig niyang sabihin na kita niya sa mga mata ko? Gwapo pero panira ang isang ito!

“Look, mister... Hindi ko alam kung anong nakikita mo sa mga mata ko pero wala ka naman sigurong pakealam sa akin.” Umirap ako. “Kung sasabihin kong gusto ko siya, edi gusto ko siya.”

Humalukipkip ako at iniwasan siya ng tingin. Tumindig ang balahibo ko nang tumabi siya sa akin at humilig pang talaga. Naamoy ko agad ang bango niya. Hindi ko alam kung anong gamit niyang perfume pero effortless ang bango niya. Hindi masakit sa ilong. Lalaking lalaki. Bahagya akong umiwas. Ni hindi na ako makatingin sa kanya sa sobrang kaba ko.

What is happening to me?

“Ang taray mo. Bago ka pa nga lang dito.”

Napalunok ako at napatingin sa sobrang lapit na mukha niya.

“Paanong di ako magtataray sayo? Nangengealam ka!” Galit kong sabi. “Ano ngayon kung gusto ko yung tao. Bakit? May problema ka ba dun at sino ka ba para makealam?”

Umangat ang labi niya.

Napalunok ulit ako. God, why is he so beautiful? Tumayo siya sa kinauupuan niya. May parte saking nagdiriwang, may parte saking na disappoint.

“Kasi di ko maintindihan kung bakit sinasabi mong gusto mo siya kahit na kitang kita kong hindi naman.”

“Pakealamero.” Utas ko nang humakbang siya palayo.

Nilingon niya ako. Tumaas ang kanyang kilay kaya inirapan ko na lang.

"Anong sabi mo?" Utas niya nang nakakunot ang noo.

"So what if I like him? Mabait naman si Koko. Okay siya para sakin." Tinaas ko ang isang kilay ko.

Nagtaas din siya ng kilay, "Tsss." inirapan niya ako.

Aba't ang arte ng lalaking ito, huh? Gwapo pero suplado at sobrang arte. At anong meron sa buhok niyang may iilang hibla na mahaba sa likod? Bago niya ako tinalikuran ulit ay may umistorbo sa titigan naming dalawa.

“Hector?” Tawag nung matangkad at mapapel na babae sa labas. “Nandito ka kahit alam mong walang pasok?”

Bahagya akong tiningnan nung babae pero bumaling din agad siya kay Hector.

"Wala, tiningnan ko lang kung nandito ba yung prof." Nagkibit balikat siya.

Napangiwi ako. Okay, umalis na kayo. Chupi! Wa'g na kayong magtagal, please. Wala naman akong mapuntahan kaya dito lang ako. Pinaglaruan ko ang ballpen ko habang pumapangalumbaba sa upuan ko.

"Talaga? Diba alam mo namang di siya darating?"

Tumaas muli ang kilay ko.

Nagkibit balikat si Hector, "Tiningnan ko lang kung anong meron dito. Yun naman pala, walang kwenta." Malamig niyang utas.

Kinagat ko ang labi ko. Parang nagpaparinig ang isang ito sa akin, ah? 

"Suplado!" Bulong ko sa sarili ko na narinig nilang dalawa.

"Anong sabi mo?" Sigaw ng mapapel na babae sa akin.

Umirap ako. Nakakainis lang. Sino ba itong si Hector at kung makapagsalita siya ay parang diyos? At bakit may tagapagtanggol agad siyang alipores? Isumbong ko kayo kay Koko, eh.

"Wala!" Umirap ako at tumayo para umalis na lang.

"Teka nga..." Sinugod ako ng galit na matangkad na babae.

Nakita kong nag igting ang muscles sa braso ni Hector nang hinawakan niya ang braso ng babae. Nakakunot ang noo kong pinapanood ang dalawa na malapit sa isa't-isa. Pumula ng parang kamatis ang kanyang pisngi.

"Hayaan mo na siya, Kathy."

Nanlaki ang mga mata nung babae at mas lalong pumula ang pisngi pero si Hector ay titig na titig at parang wala lang sa kanya ang pangyayari.

Hindi niya ba nakikita ang epekto niya sa ibang tao? Look at that girl, Hector! Para siyang nag hang dahil sa ginagawa mo. Umiling na lang ako at kinuha ang bag.

"H-Hindi, e-eh." Nauutal na utas ng babae.

"Nauutal pa." Bulong ko sa sarili ko.

"A-Anong sabi m-mo?" Nilingon ako nung babae pero tinalikuran ko na silang dalawa.

"Kung makapag moment, sa harap ko pa. Yes, yes, naiinis ako. Wala yung boyfriend ko dito at miss na miss ko na siya. Oh shit!" Malutong kong mura nang nakita kong napatalon si Koko sa malayo dahil nakikita niya akong mabilis na naglalakad sa corridor.

Iiwasan ko na sana siya pero hindi ko na nagawa kasi tumakbo siya palapit sa akin.

"Sabi sayo, e, walang prof diba?" Ngumisi siya.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Lika! Sama ka sakin!" Mas lalong lumaki ang ngisi niya dahil ngayon ay nakahawak na siya sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay kong mahigpit niyang hinahawakan.

"K-Koko, hindi mo pa pwedeng hawakan ang kamay ko... K-Kasi naman, ano, hindi pa tayo-"

"Patungo din naman tayo diyan, Chesca. Gusto mo ako, gusto din naman kita. Sagot mo na lang ang hinihintay ko."

SERIOUSLY? Umabot kami ng ilang taong magkakilala ni Clark bago siya nanligaw! At itong si Koko ay hindi pa nga nag iisang linggo kung makapagsalita ay parang kanya na ako, ah? Nakakainis. Halos mag palpitate ang kilay ko sa sobrang inis.

Breathe in, breathe out, Ches. This is just a game. Pagkatapos nito, uuwi ka na ng Manila at hindi na ulit babalik dito para makalimutan na ang lahat.

"Puntahan natin ang mga kaibigan ko!"

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya. Dumaan kami sa pathway ng mga matatayod na mahogany bago nag canteen. Excited na excited siya na para bang nanalo siya sa lotto dahil dala niya ako ngayon.

Pinilig ko ang ulo ko nang una kong natingnan ang mga mata ni Hector na nakatitig sa akin pa akyat pa lang doon. Umiling siya at nag igting ang bagang nang nakita ako.

Galit? E, siya naman ang unang nang inis. Dapat nga ako ang magalit diba. Humalukipkip yung matangkad na babaeng si Kathy sa gilid niya. Nagtatawanan naman ang ibang kaibigan ni Koko.

"Kamusta, guys!" Bati ni Koko gamit ang nakakapunit-labing ngiti. "Pwede ba kaming tumabi ni Chesca dito?"

"Oo naman, Koko. Walang problema." Sabay halakhak ng isang babae.

Nakakahiya. Pero okay lang siguro, nandyan naman si Koko. Hindi niya naman siguro ako hahayaan.

"Nakakainis talaga..." Sabi nung isang babae na nagsasalita kanina pa.

Umupo ako sa tabi ni Koko at panay ang titig at ngiti niya sakin. Diretso naman ang tingin ko sa kawalan. Niliko ko talaga ang vision ko para lang hindi matitigan si Hector sa harap ko.

"Hayaan mo na yun. Ganun talaga yung babaeng yun. Akala niya maganda siya!" Tumawa yung isang babae.

"Insecure."

"Huy, huy, kayo talaga! Sinong pinag uusapan ninyo? Tumigil nga kayo. Sa tono niyo ngayon parang kayo pa ang insecure." Utas ng isang lalaking chinito sa mga babaeng napangiwi ngayon.

"Totoo namang nakakainis, eh. Akala niya naman crush siya ni Hector." Nilingon nung babae si Hector.

"Mas nakakainis kaya yung nakipagpustahan samin nung isang araw sa basketball!" Utas naman ng isa pang lalaking chinito at medyo matangkad.

"Oo nga. Panalo na tayo nun." Sabi ng isa.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko. Nakisali na kasi si Koko sa mga usapan nilang nakakainis. At nang sa wakas ay napatingin na ako sa lalaking nasa harap ko ay agad kumalabog ang puso ko. Malalim ang titig niya sa mga mata ko. Oo, naramdaman ko na kaninang tinititigan niya ako, pero ngayon ay na kumpirma ko na dahil hindi maalis ang tingin niya sa akin kahit nakatitig na rin ako sa kanya.

What are you doing, Hector?

Tumagilid ang ulo niya at kinagat ang labi bago nag iwas ng tingin sakin.

"Mas nakakainis yung mga taong nagpapanggap na gusto nila ang isang tao." Untag niyang nakaagaw ng atensyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top