Kabanata 38
Warning: Medyo SPG
-------------------------
Kabanata 38
Guess What
Tinupad nga ni Hector ang plano niya. Pagkatapos ng final exams namin ay wala na kaming ibang ginawa kundi ang mamasyal sa buong Alegria.
"Hector, outing tayo! Sa Alps o di kaya sa Kampo Juan." Anyaya ni Kathy sa last day namin.
Umiling si Hector. "Kayo na magplano. May gagawin kasi kami ni Chesca." Sabay akbay sakin.
Simula nung naging kami ay sa akin na umikot ang buhay niya. Para bang walang araw na hindi kami magkasama. Iyon ang gusto niya. Yun din naman ang gusto ko kaya lang nag aalala ako dahil sa mga nagtatampo niyang mga kaibigan.
"Hector, sumama ka na lang muna kina Kathy. Okay lang naman."
Umiling siya at tumingin sakin habang inaayos ang buhok.
"Tsss." Umiling na lang din ako.
Simula nang dumating ako sa buhay niya, lahat ata ng gusto ko ay ginawa niya. Ngayong kami na, buong oras niya ginugugol niya sa akin. Ayan tuloy at parang di kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinusundo. Hindi kumpleto pag walang text niya. Hindi kumpleto pag hindi ko nakikita ang gwapo niyang mukha.
Tumatawa ako nang tinitingnan ko ang puting kabayong si Abbadon.
"Ibang kabayo na kasi! Gusto ko yang sayo! Yang itim!" Sabi ko sabay turo sa isa pang kabayong dala niya.
"Hindi nga pwede. Hindi pa masyadong tamed si Gabrielle. Ako ang sasakay sa kanya. Si Abbadon ang sakyan mo."
Sumimangot ako at padarag na sumakay kay Abbadon.
Hirap ako sa pagbabalanse. Masyadong mataas si Abaddon at nakakaduwag isiping pwede kang mahulog sa kanya anytime. Mas naduduwag ako pag naglalakad siya. Kahit na hawak hawak ni Hector ang lubid ay pakiramdam ko mahuhulog parin ako pag bigla siyang tatakbo.
Ilang araw ang nakalipas ay nagawa niya nang bitiwan ang lubid habang nakasakay ako. Madaling matutunan ang pagbabalanse. Lalo na pag desidido ka sa pag aaral ng pangangabayo.
Nakita kong parang lawing nakaabang si Hector sa paninitig sakin habang pinapaikot ikot ko si Abbadon.
"Wa'g kang malikot. Baka mahulog ka." Galit niyang sinabi habang patuya kong pinapaliko liko ang kabayo.
"Mukhang okay na, Hector. Napatakbo ko siya kahapon nang di ako nahuhulog." Kinindatan ko siya.
Isang linggo naman kasi kaming buong araw na nangangabayo syempre, sinong di matututo niyan? Hinawakan ko ng mahigpit ang lubid. Tumigil si Abbadon sa tabi ni Gabrielle kung saan nakasakay si Hector. Naka t-shirt siya at shorts habang seryoso parin akong pinagmamasan.
"Let's race!" Anyaya ko.
Umiling siya, "Tinuruan kitang sumakay. Hindi para makipag race, Chesca."
"Ang OA mo ha! Eh sumakay, mangabayo, at patakbuhin ang kabayo, pareho lang yun! Subukan mo! Sige na!"
"Ayoko. Baka anong mangyari sayo!"
Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinatakbo ko ang kabayo. Hindi ko siya nilingon kahit na panay ang tawag niya sakin.
"CHESCA! BUMALIK KA DITO!"
Narinig ko ang yapak ng kabayo niya. Ayan na at sinusundan niya na ako! Tumatawa ako habang tumitingala sa langit na medyo makulimlim. Ang saya ng ganito! I wanna live here! Dito sa Alegria, kasama si Hector! Masaya damhin ang hangin sa balat mo sa bawat pag kabig ng kabayo. Masaya ang feeling. Parang kaya mong gawin ang lahat. You own the world. Hindi ko masisisi kung bakit haring hari umasta si Hector.
Pinagtitinginan kami ng bawat rancherong nadadaanan namin. Narinig ko ang kabig ng kabayo ni Hector, malapit na malapit na sa akin. Shit! Una akong umalis pero naabutan niya parin ako.
Ginalaw ko ang lubid para mas bumilis ang takbo ni Abbadon.
"Chesca!" Sigaw niya.
Yumuko ako para sabayan si Abbadon. "Habulin mo ako!"
Naaninag ko ang isang maliit na burol. Balak kong paakyatin si Abbadon doon at umupo sa kaming dalawa sa isang malaking puno sa tuktok.
"You are freaking me out, Chesca! Don't go too fast!" Sigaw niyang galit.
Tumawa lang ako at mas lalong binilisan ang takbo ni Abbadon.
Control freak. Paano kung gusto kong lumipad, pipigilan mo ako kasi natatakot ka? Hari ka nga pero hindi lahat ng tao ay mapapasunod mo!
Pinaakyat ko si Abbadon sa burol. Dinig na dinig ko ang bawat kabig ng kabayo ni Hector. Malapit na malapit na siya sakin.
"Chesca!" Sigaw niya.
Syempre, alam niya kung paano umakyat sa burol. Ako, ito ang unang pagkakataon na gagamit ako nitong kabayo kaya medyo humina ang takbo namin. Napagtanto kong kumulog at nagsimulang umambon.
"Shit! Wrong timing! Gusto kong humiga sa ilalim ng punong yun!"
Nang nakarating ay agad akong bumaba kay Abbadon. Hinihingal pa ako at pawis na pawis dahil sa ginawa. Mabilis ang pintig ng puso ko at agad akong humiga sa ilalim ng puno. Nakangisi pa ako at inaabot ko sa mga kamay ko ang makulimlim na langit.
Narinig ko ang pagbaba ni Hector sa kabayo. Tiningnan ko siya at nakita kong medyo galit parin siya. Pawis na pawis din siya habang tinatanggal ang kanyang t-shirt. Napalunok ako nang bumalandra ang katawan niya. Parang may kung ano sa tiyan kong di ko maintindihan. Siguro ay naalog itong tiyan ko sa pagpapatakbo ng kabayo.
"Don't you dare pull that... fucking... stunt again!" Aniya sabay upo sa damuhan at kulong sa akin sa kanyang mga bisig.
"Okay naman ah? Wala namang nangyaring masama!" Tumatawa kong sinabi.
Umaangat baba ang dibdib ko habang nilalapit niya ng paunti unti ang mukha niya sa akin.
"Lagi kang galit. Wala namang masama sa ginawa ko." Umirap ako pero naghuhuramentado na.
"Hmmm. Talagang walang masama sa di pagsunod sakin?" Bulong niya.
"Wala naman talaga. You need to set me free sometimes kahit na masyado kang protective." Inirapan ko siya.
"Hmm. Sige, irapan mo pa ako." Mas malambing niyang sinabi.
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko pababa sa hips ko at pabalik ulit. Nag tindigan ang balahibo ko.
"Mag taray ka pa, Chesca..." Bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siyang nakatitig sakin.
"Hmm... Bakit ba gusto mo akong nagtataray?"
"Ewan ko." Nagkibit balikat siya.
Hinaplos niya ang tiyan ko at binahagi niya ang mga binti ko at pumagitna ang tuhod niya. Ngumuso ako at napapikit. Humalakhak siya.
"Naaalala mo ba ang gabing yun?"
Sumibol ang init sa dibdib ko sa sinabi niya. Para akong nilalagnat sa pag iinit na naramdaman ko kaya bahagya akong umiwas sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Hinapit niya ang beywang ko at inilapit pa lalo sa kanya. Nag iwas ako ng tingin.
"Hmmm. Ba't ka nahihiya?" Ngumisi siya.
Uminit pa lalo ang pisngi ko. "Hector, stop it." Bulong ko.
"Titigil sana ako pero ang lakas ng pag ayaw mo, Chesca. Ano? Nagustuhan mo ba?"
Napapikit ako. SHIIIT! "Pwede ba!" Umirap ako.
Humalakhak siya. "Nag iinit ako tuwing nagtataray ka."
SHIT! Tinulak ko siya palayo at bumangon na ako.
Tumatawa siya habang pinagmamasdan ako tumayo at naglakad palayo sa kanya.
"Baliw!" Nag aapoy ang pisngi ko sa init. Kainis ka! Hector!
Humagalpak na lang siya sa tawa habang nakaupo parin sa damuhan.
Unti unti nang lumalakas ang ulan kaya dumiretso na ako sa kabayo.
"Balik na tayo!" Sigaw ko. "Giginawin na ako sa ihip ng hangin dito sa burol at sa ulan!"
Tumayo siya pero tumatawa parin. "Kayang kaya kitang painitin. Yan ay kung hindi ka pa nag iinit ngayon."
"TSEH! Tumigil ka nga!" Iniwan ko na siya doon habang tumatawa parin siya.
Kainis! Buong pagsakay ko sa kabayo ay nakakagat labi ako. Lintek na Hector Dela Merced! Sana di ka na lang na devirginize nang sa ganun ay hindi ka ganito ka green. Well, green na siya noon pa. Boys will be boys kaya nga may nakita akong mga magazines na ganoon sa bahay nila. Hindi siya santo. Umiling ako at narinig ko na naman ang kabig ng kabayo niya sa gilid ko.
"Kina Aling Nena muna tayo sumilong." Natatawa niyang sinabi nang datnan niya akong nakakunot ang noo at nakakagat labi.
"Whatever!" Iniwan ko siya pero nasa likod parin siya at tumatawa na parang kinikiliti nino.
Aling Nena? Galit yun sa akin. Pero wala naman sigurong magagawa ang matanda sa oras na makatungtong ako sa pamamahay niya at nandyan si Hector. Agad kong tinali ang lubid ni Abbadon sa kawayang bakod ng bahay ni Aling Nena.
Basang basa na ako sa lumalakas na ulan kaya agad akong pumasok sa bahay ni Aling Nena. Naabutan ko siyang nagkakape sa loob.
"Magandang hapon po." Bati ko.
Napangiwi siya sa ayos ko. Syempre, naka maiksing shorts ako at t-shirt na basang basa sa ulan.
Tumatawa at tumatalon talon si Hector nang dumating sa bahay ni Aling Nena dahil basang basa din siya sa malakas na ulan.
Nang tumungtong siya sa rug na tinutungtungan ko ay bigla niya akong siniil ng mainit na halik.
"Ang lamig." Bulong niya. "Kailangan ko ng init mo."
"Oh my-" Hindi niya ako pinatapos dahil sabik at gutom na halik na ang ipinalit niya sa mararahang halik na iyon.
Pinahilig niya ako sa pintuan habang hinahalikan sa leeg. Kinagat ko ang labi ko habang pinipikit ang mga mata. Inangat niya rin ang magkabilang binti ko at pinaramdam niya sa magkabilang hita ko ang na tuturn on na kanya.
"SHIT!" Sigaw ko.
Humalakhak siya sa tainga ko.
"Kung gusto niyong mag painit, may kape diyan." Sabi ng matandang si Aling Nena sabay nguya ng pandesal.
Napatingin kaming dalawa ni Hector sa kanya. Nakalimutan kong nandito pala siya! At si Hector ay hindi man lang natinag o nabigla sa presensya ng matanda.
"Magpapalit lang po kami kasi pareho kaming basang basa." Ngumisi si Hector kay Aling Nena.
Tumaas ang kilay ni Aling Nena pero tumango na lang sa sinabi ni Hector.
"Ano, Chesca? Ako ang mauunang maligo o sabay tayo?" Tumatawang sinabi ni Hector.
Napatingin ako sa naka ismid na si Aling Nena. "Baliw! Ikaw na lang muna!" Sabi ko.
Tumawa siya at siniil pa ako ng isa pang halik.
"Kumuha muna tayo ng damit sa taas." Aniya at nag evil smile.
Hindi pa ako nakasagot ay hinigit niya na ako patungo sa taas ng bahay ni Aling Nena. Nag aalinlangan pa akong sumama pero dahil masyadong mapilit si Hector ay nagpatianod na lang ako.
Nang nakarating kami sa kwarto ay agad niyang sinarado ang pinto.
"Hector! Hindi pwede dito!" Saway ko.
Umiling siya. "Bahay ko rin ito."
"Huh?"
Ngumisi siya at pinaulanan ako ng nanunuyang mga halik sa gilid ng labi, sa ilalim ng tainga, sa leeg... pababa.
Bawat paghinga niya na dumadapo sa balat ko ay para akong kinukuryente. Di ko magawang hagilapin ang mga salita para mapatigil siya dahil masyado akong lasing sa bawat dampi ng kamay at labi niya.
"You are mine." Aniya. "Gustuhin ko mang magpigil pero ang hirap pag ganitong nagtataray ka at sinusuway ako."
Kinagat ko ang labi ko lalo na nang hinawi niya lang ang bra ko at hinawakan agad ang dibdib ko. Napahawak ako sa buhok niya. Hinalikan niya ang dibdib ko at sa bawat paghalik niya ay napapaliyad ako sa klase klaseng sensasyon na naramdaman ko.
"Hector... Oh... my..."
"Shhh... Wa'g kang maingay. Ayokong bilisan. Pag nag iingay ka bibilisan ko talaga 'to."
May kung anong init na gumuhit sa katawan ko habang ang isang kamay niya ay bumaba sa gitna ng hita ko. Nakatayo ako ngayon pero nawawalan ako ng lakas para mapanatili ang balanse ko. Nakayuko naman siya sa dibdib ko habang inaabot ang gitna ng hita ko. Hinawi niya lang ang shorts ko at naramdaman ko agad ang bawat haplos niya dito.
Pinaglapit ko ang binti ko para mapigilan ko ang malikot niyang kamay.
"Hmmm. Nag rerebelde ka na naman." Bulong niya nang ibalik niya ang bibig niya sa tainga ko.
"Eh... Hector..." Para akong nabaliw nang narinig ko ang lambing ng boses ko. Shit! Hindi naman ako ganito ka lambing pero bakit umaalin ang bawat bigkas ko ng salita?
Ngumisi siya at kinagat ang kanyang labi.
"Sumuko ka na, Chesca. Ako ang hari dito. At pag aari kita simula nang minahal mo ako." Nilapit niya ang bibig niya sa akin at inihiga niya ako sa malaking carpet ng kwarto. "Sumuko ka na sakin."
Marahan ko siyang tinulak. Binaba niya ang shorts ko at tuluyang hinubad.
"Basang basa na yung shorts mo. Kailangan ng palitan." Humalakhak siya.
"Manyakis ka talaga!" Sabi ko bago niya ako siniil ng halik at pinasok yung kanya.
Damn! Bakit ang dali dali lang pag si Hector? Bakit parang ang dali daling sumuko pag siya? Siguro nga ay pag aari niya ang buong pagkatao ko. Siguro nga ay kanyang kanya na ako.
Binalot ko ang sarili ko sa kumot pagkatapos ng nangyari. Nakapag bihis na ako at si Hector na lang ang hinihintay ko habang naliligo siya. Awkward ang katahimikan sa gitna naming dalawa ni Aling Nena. Hindi siya nagsasalita. Ni hindi niya ako tinitingnan.
Bigla kong narinig ang maingay na ringtone ng cellphone ko. Dinala kasi ni Hector dito kanina ang mga gamit namin bago kami nangabayo.
"Sagutin mo yan, naiingayan ako." Wika ni Aling Nena.
Sumulyap ako sa kanya bago ko dinampot ang cellphone kong may tawag galing kay Craig.
"Hello?" Tumayo ako at lumayo doon sa hapag.
"Ateng, guess what? Clark's here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top