Kabanata 37
Kabanata 37
Selfish
Nagtagal ang titig ko kay Hector habang unti-unti kong sinarado ang pintuan sa bahay. Nakangisi siya at nakapamulsa habang pinapanood ang pagsarado ko ng pintuan.
"Bye..."
"Bye. Kita tayo bukas."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala! Nagawa namin iyon! Ni hindi ko nagawa iyon kasama si Clark! Pero kay Hector, parang ang dali lang!
"Your lips is so red, ateng." Masusi akong pinagmasdan ni Craig kinaumagahan sa hapag.
Kumalabog ang puso ko. Napahawak ako sa labi ko habang nanliliit ang mga mata ni Craig sa akin.
"Uh, di ko siguro na erase yung lipstick."
Kahit na buradong burado talaga yung lipstick dahil sa mga halik ni Hector kagabi. Pakiramdam ko naman ay sa sobrang paghalik niya sakin ay pumula masyado ang labi ko.
"Hinatid ka pala ni Hector." Usisa niya habang nginunguya ang pagkain.
"Oo." Umakto akong normal dahil ayaw kong may mapansin siya sa akin.
Baka mamaya mahalata pa na may nangyari kagabi. Am I being paranoid?
"Ayos na ba kayo? Ba't daw siya natagalan?" Tanong naman ni Teddy.
"Ah. Pumunta pa siya kina Kathy. Namatay daw ang lolo niya."
Tumango si papa, "Galing din kami doon kagabi. Ngayon, mukha atang ilalagay na ang rancho nila sa pangalan ni Kathy."
Nilubayan din naman nila ako. Well, siguro nga ay paranoid lang ako dahil sa nangyari sa amin ni Hector.
Nang natapos na ang festival at balik na ulit sa normal days ay palagi na rin kaming magkasama ni Hector. Sinusundo niya ako sa bahay at sabay kaming pumapasok. Binabalewala ko ang mga panunuya nina mama at tiya tungkol sa amin.
"Chesca, ano, may balita ka na ba sa Alps?"
Umiling ako.
"Tanungin mo si Hector sa lalong madaling panahon!"
Hindi ko ginagawa ang mga utos nila. Wala naman akong pakealam at mukhang hindi naman interesado ang tito ni Hector sa Alps. Siguro naman ay okay pa kami.
"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase ko." Utas ni Hector nang nasa pintuan na kami ng classroom.
Tumango ako at ngumisi.
"Wala bang goodbye kiss?" Tanong niya.
Sinapak ko na. "Bawal ang PDA dito, ano!" Luminga ako sa paligid.
Hinawakan niya ang beywang ko at inilapit ang buong katawan ko sa kanya. Wala talaga siyang pakealam kung pag usapan man kami ng buong school. Inilapit niya rin ang mukha niya sakin. Nilagay niya ang labi sa tainga ko para bumulong...
"Walang bawal para satin. Simula nung umamin kang mahal mo ako, binigyan mo ako ng karapatan. Kaya mamarkahan ko ang buong pag aari ko ngayon. Pag aari kita, bawat sulok, mamarkahan kita."
Uminit ang pisngi ko. Bahagya niyang idinampi ang kanyang labi sa tainga ko.
"Hector!" Saway ko.
Ngumisi siya at tumaas ang kilay.
Umiling na lang ako at pumasok sa klase.
Baliw na talaga yata ako. Wala akong ibang iniisip buong klase kundi si Hector. Yung ginawa namin sa gabing iyon. Yung lahat ng nangyari. Ang frustration ko at lahat lahat.
Papasok ako sa susunod kong klase nang nakasalubong ko ang barkadahang Kathy, Abby, at Reese. Halos mapaatras sila nang nakita ako. Tinaas ko ang kilay ko at isa-isa silang nag iwas ng tingin. Pasalamat si Abby at hindi ko nababanggit kay Hector ang panggagatong niya sakin. Well, hindi ko na kailangan iyon. Ang importante ay okay kami ni Hector.
"Chesca..." Tawag ni Koko sakin nang nagkasalubong kami.
"Ano yun, Koko?"
"Balita ko nag kaayos na kayo nI Hector." Hindi siya makatingin sakin.
"Oo." Medyo mataray kong sagot.
Tumango siya at nilagpasan ko na.
Ayoko nang magtiwala kahit kanino dito. Dahil alam kong sa huli, tatraydorin nila ako para lang mailayo ako kay Hector. Maingay nang naabutan ko sina Jobel. Usap usapan pala sa loob ng campus ang eskandalong ginawa ni Hector sa akin kanina sa pintuan ng classroom.
"OMG! Naghalikan na ba kayo? Lips to lips?" Tanong nila.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makasagot. Naku! Kung alam niyo lang!
"Sabi ni Mathew si Chesca daw ang first kiss ni Hector! Ganun ka din daw diba, Chesca?"
Napawi ang ngisi ko sa usap usapan nila. No... Hector isn't my first kiss. But will it matter? Past ko na si Clark at hindi na iyon maibabalik pa. Ipinagkibit balikat ko ang mga usapan nila. Ang importante sa akin ay palaging nakaabang si Hector sa akin.
Ngumunguso siya habang nakahalukipkip at nakasandal sa dingding ng gate isang araw pagkatapos ng review para sa finals exam. Hindi ko alam kung anong problema niya pero nakatingin siya sa damit ko. Tumatawa ako dahil panay ang kwento ni Jobel tungkol sa askal na kumagat sa kanyang pwet nung isang araw. Kinailangan niya dawng maturukan ng ilang anti-rabies para hindi siya mangalkal ng basura.
Siniko ako ni Marie at nginuso niya si Hector na gwapong gwapong nakasandal doon.
"Letse. Kung ganyan ba naman ka gwapo ang body guard mo, eh, noh?" Tumawa sila.
Ngumisi ako at bumaling sa medyo galit paring si Hector.
Lumapit siya sakin at hinigit niya ako palayo kina Jobel. Nakatingin pa ako kina Jobel habang kumakaway sila.
"Oh, anong problema mo at nakabusangot ang mukha?" Tanong ko habang natatawa pa.
"Ang iksi naman ng palda mo." Galit niyang sinabi.
Napatingin ako sa kulay maroon kong pencil skirt na uniporme ng ACC.
"Eh kasi pinaiksian ko. Nahihirapan kasi akong gumalaw noon yung halos hanggang tuhod pa."
Nagkasalubong ang kilay niya. "Hindi ko gusto."
Ngumuso ako upang magpigil ng ngiti. "Ito naman. Wala namang makakasilip dyan!" Tumawa ako.
"Buntisin kita diyan eh... Para lumaki ang tiyan mo at kailangan mo ng mag dress ng matataas-"
"Tse! Tumigil ka nga Hector."
"Eh ayaw ko sa palda mo, Chesca. Do something about that."
"Wala akong magagawa. Dito ako komportable."
Humalukipkip siya at tinalikuran ako. Parang bata. Tumatawa akong sinundan siya.
"Di ako kumportable diyan." Aniya nang pinagbuksan ako ng pinto para maihatid na ako sa bahay.
"Well, kailangan mong maging kumportable."
"Tsss..."
Ayan na naman ang pagiging bossy niya. Alam kong di siya titigil hanggang di ko masusunod ang gusto niya. Pero kailangan niyang matuto. Na kahit mahal na mahal ko siya ay may mga bagay na hindi niya kayang pigilan. Nakatingin siya sa labas habang nakahalukipkip. Ako naman ay dumidikit na sa kanya para mapansin niya.
"Hector, wa'g muna tayong umuwi." Malambing kong sinabi.
"Ayoko. Umuwi ka na at magbihis ng pants."
"Eh... gusto ko munang mamasyal. Mag date muna tayo." Hinaplos ko ang braso niya.
Napatalon siya sa haplos ko at nakita kong pumula ang kanyang pisngi.
"Saan mo gusto, Chesca?" Tanong ni Mang Elias.
"Sa soccerfield na lang po siguro." Sabi ko.
"Ayoko!" Sabi ni Hector.
Sumimangot ako. "Sige na po, Mang Elias."
Hindi ko inakalang ako ang susundin ni Mang Elias. Pinark niya sa gilid ng soccer field ang sasakyan.
"Doon muna ako sa may karenderya. Ginugutom ako. Baka ginugutom din kayo? Sundan niyo lang ako dun." Sabi ni Mang Elias at pumanhik na.
Lumabas ako ng sasakyan habang si Hector ay nasa loob parin at nakahalukipkip. Maraming naglalaro ng soccer. Nag stretch ako habang tinitingnan ang mga naglalaro.
"Bumalik ka dito, Francesca!" Sigaw niya galing sa loob.
"Ba't di ikaw ang lumabas? Ha?" Sigaw ko.
Dahil sa sigaw kong iyon ay napatingin sa akin ang isang batalyong lalaki na nanonood din ng laro. Isa-isa nila akong ni head to foot. Nginitian ko sila. Yung isa sa kanila ay pulang pula ang pisngi habang lumulunok sabay ngisi sa akin.
Agad may humapit sa baywang ko. Naamoy ko agad ang bango ni Hector na bumalot sa akin. Nilagay niya ang labi niya sa tainga ko.
"Fuck, you are not going to do this to me." Bulong niya.
Ngumisi ako. I know he'll get jealous.
"Hector! Pare!" May pumansin sa kanya sa isa sa mga lalaki.
Tumingala ako kay Hector. Tumango siya pero bakas sa mukha niya ang pagseseryoso.
"Girlfriend ko." Madiin niyang sinabi kahit wala namang nagtatanong. "Kunin ko lang. Madalas tumakas pag masyado na kaming mainit, eh."
Nalaglag ang panga ko. Maging ang mga lalaking iyon ay nalaglagan din ng panga sa sinabi ni Hector. Wala nang naging kasing init ng pisngi ko. Hindi na rin ako pumiglas sa ginawa niyag pag hila sakin dahil ako mismo, gusto ko ng umalis doon sa kahihiyan!
"Hector!" Galit kong sinabi nang nasa loob na kami ng sasakyan. "Ang sama sama mo! Nakakahiya ha!"
"Eh kasi ayaw ko nga sabi! Nang aakit ka ng lalaki! Nakakapang akit ang soot mo! I'm not going to share you with anyone, Chesca!"
"Anong iisipin ng mga lalaking iyon? Na may ginagawa tayong milagro?"
"Meron na naman talaga tayong ginawang milagro, ah? At simula sa gabing iyon, narealize kong hindi kita pwedeng ipakita man lang sa iba. Kaya intindihin mo yun! You did this to me!" Umirap siya.
"What? Baliw ka nang talaga, eh, no! You are being ultra mega possessive!"
Liningon niya ako. "So what?"
"Ewan ko sayo! Hindi naman pwedeng ganun. You are being selfish. Tsss."
"Oo. I'm being selfish." Aniya sabay tingin sakin.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
Natahimik kaming dalawa. Tumikhim siya at napamura ng malutong.
"I'm sorry." Ginulo niya ang buhok niya.
Nilingon ko siya at nakita kong tulala siya sa tabi ko.
"Pero, tangina, Chesca, gusto ko talagang maintindihan ng lahat ng tao dito sa Alegria na ikaw ay akin. Gusto kong alam nilang lahat na pag aari kita. Na hindi ka nila aagawin sakin. Na hindi man lang sila magtatangka."
Nakakunot ang noo ko pero hindi ko mapigilan ang pagngisi at pag iling. "Baliw ka talaga! Hindi mo naman pwedeng gawin yun. Pero mabilis kumalat ang balita pag lagi tayong lumalabas."
Parang may umilaw na light bulb sa kanyang ulo. Seriously? Iyon lang ba talaga ang laman ng utak ni Dela Merced? Gusto niya lang ipaalam sa lahat na ako ay kanya? Mukha atang dito umiikot ang bawat pagmumuni-muni niya sa kanyang sarili ah?
"Pagkatapos ng exams, mag didate tayo. Tuturuan kitang mangabayo sa rancho. At ipapasyal kita sa farm ng rancho nang sa ganun ay maraming makakita satin." Nag evil smile siya.
Hindi ko alam kung anong plano niya pero bumilis ang pintig ng puso ko sa mga sinabi niya. "Sige."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top