Kabanata 31
Kabanata 31
Mabilis, Matulin, at Diretso
"Talaga!?" Nakangangang sinabi ni Jobel.
Kahit na halos sampalin na siya ng mga pera ng mga lalaking pumipila ay nagawa niya paring pagtoonan ng pansin si Hector.
"Hector, tumigil ka nga!" Sabi ko sabay hawi sa braso niyang nakapulupot sakin.
Para siyang na offend sa pagtanggal ko sa braso niya.
"Talaga, Hector? Bilhin mo lahat?" Namutawi sa bibig ni Jobel habang hinahawi ang mga perang halos ipakain na sa kanya ng mga nasa pila.
"Ang unfair naman! Uhaw kami kaya bibili kami!" Parinig nung isang lalaki.
"Uhaw na uhaw din ako kaya nga papakyawin ko yan!" Sigaw ni Hector.
"Isang baso lang naman." Parinig naman ng isa pang senior.
"Tsss. Oo nga!"
"Magsitigil kayo, sold out na!" Sigaw ni Jobel sa mga lalaking nag uunahan.
"Hector, hindi naman yata pwede yun! Kakaset up pa lang namin ng booth tapos ma so-sold out? Paano kung malaman ng prof na ganun ang nangyari! Hindi naman ata makatotohanan yun!" Sabi ko.
"Oo nga!" Sigaw naman ng nasa kabilang booth na nagbibenta ng bananacue. "Hector, palitan na lang ni Jobel si Chesca kung hindi ka comportable. Sila ang malalagot pag nireport nilang na sold out agad ang paninda nila alas diyez pa lang ng umaga!"
Humalukipkip ako at nakita ko ang malungkot at nagtatampong itsura ni Hector.
"Hindi naman kasi pwedeng ako ang pumalit kasi di marunong si Chesca dito!" Sigaw ni Jobel habang binibigyan ng samalamig ang mga bumibili.
"Tsaka, isa pa, Jobel." Dagdag ni Sarah. "Pag ikaw ang nandyan baka di tayo bumenta!"
Tumawa si Sarah pero inirapan lang siya ni Jobel. Habang pinagmamasdan ko ang dalawa ay may nakaabang ng lalaki sa gilid ko. Hawak hawak niya ang samalamig na binili at naghihintay sa yakap ko.
Agad hinablot ni Hector ang dala kong free hugs at hinarap ang lalaki.
"Ako yung makakayakap mo, pare. Ano? Yakap na!" Medyo galit niyang utas kahit na nakangisi.
Halata ding nagalit ang lalaking may hawak ng samalamig sa asta ni Hector. Alam kong maaring buong batch namin at halos lahat ng taga Alegria Community College ay luluhod sa tagapag mana ng Dela Merced, pero hindi natin maipagkakaila na marami din dito ang anak ng mga haciendero, mga may asukarera, malalawak na lupain, at iba pa. Ibig sabihin ay hindi lahat ng estudyante ay mapapayuko niya.
"Bumili ako dito, si Alde pa ang may hawak niyang karatula kaya dapat siya ang yakapin ko diba?" Nakataas ang kilay na sinabi ng lalaki.
"Oh, eh bakit? Ako yung may hawak ngayon kaya wala ka ng magagawa." Mas mataas ang kilay ni Hector nang sinabi niya yun.
Habang sinasabi iyon ni Hector ay agad na akong hinigit ng lalaki palapit sa kanya at matamang niyakap gamit ang isang kamay.
Tinulak ko ang lalaki palayo at agad din naman siyang kumalas at ngumisi sa akin. Nang lumingon ako kay Hector ay pinipigilan na siya ni Oliver at Mathew. Halos umusok na yung mukha niya sa pula at sa galit. Tinuro niya ang lalaki.
"Tangina pare, girlfriend ko yan!" Sigaw niya habang kumakawala sa mga hawak nina Oliver at Mathew.
Agad niyang na kwelyuhan ang lalaki. Hindi nagpatinag ang lalaki. Tumawa lang siya nang kwelyuhan siya ni Hector. Magkasingtangkad sila at halatang may sinasabi din sa buhay ang lalaking ito.
"Hector!" Sigaw ko.
Agad din naman siyang pinigilan nina Mathew. Sumama pa si Koko at sina Gary at Greg sa pagpigil sa kanya.
"Montefalco, tama na yan." May narinig akong boses sa di kalayuan na nagsabi nun.
"Tsss." Tumawa ang lalaki at nilingon niya ako nang kinalas ni Hector ang kamay niya sa kwelyo nito. "Hindi pa naman kayo, eh." Aniya at umalis.
Sumunod ang litanya ng mura ni Hector habang pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya.
Lumapit ako kina Jobel at napainom ng samalamig namin sa intense ng pangyayari.
"In fairness, ha? Di mo sinabing kayo na pala?" Tumatawang wika ni Sarah.
"Di pa kami." Sabi ko. "Sinabi niya lang yun para mabakuran ako."
"Ay grabe! Bakuran? Hindi ka pa ba nakakulong sa lagay na yan, Ches? Hindi naman yata masaya pag nakakulong ka... Pero kung sa mga bisig lang din naman ng isang Hector Dela Merced ay siguro ako na mismo ang bibilanggo sa sarili ko." Tumawa si Jobel sa kanyang naiisip.
"Tsss." Umiling ako at bumaling sa mabilis paring humihinga na si Hector.
Medyo bumalik na ang ibang freshmen sa kani kanilang booth. Humupa na rin ang mga usiserong kanina ay nakapalibot. Nakita kong lumapit si Hector sa booth gamit parin ang matatalim na tingin.
"Jobel, kung ayaw niyong pakyawin ko, ubusin ko na lang ang pandan juice ngayong araw. Kunin ko muna si Chesca. Okay lang?"
"Aba syempre naman, Hector! Iyong iyo na si Chesca!" Tumawa si Jobel at nanliit ang matang tumingin sakin. "Gulo lang din naman ang dala niyan dito." Ngumiwi siya.
"Hindi pwede, Hector." Sabi ko. "Tutulong ako dito!"
Kumunot ang noo ni Hector sa akin.
"Isa pa, wala ka bang itutulong sa ka grupo mo? Kawawa naman sina Kathy!" Sambit ko.
"May atraso pa sila sakin kaya wala silang karapatang manumbat."
"Lagi namang walang karapatang manumbat lahat ng tao sayo dito!" Sabi ko.
"Ano? Tara na! Date na tayo!" Aniya.
"Ha? Eh... Ayoko nga!" Di ako makatingin sa kanya.
"Sus itong si Chesca! Dali na! Sumama ka na!" Sabi ni Sarah.
"Oo nga, Ches. May laro pa kami mamayang alas sais ng gabi. Para maenergize si Hector at manalo ulit kami." Dagdag ni Mathew.
Umikot ako sa booth para malayo kay Hector pero sumunod siya sa pag ikot ko habang parang diyos na humahakbang palapit sa akin.
"Ano ba?" Galit kong utas.
"Tara na." Aniya.
"Saan ba tayo?" Tanong ko.
"Sa school. Pasyal tayo. Kung boring na edi labas tayo."
Napatingin ako kina Jobel at Marie na walang ginawa kundi ang tumango. Umiling ako at pumayag na lang sa gusto ni Hector. Kinuha ko ang bag ko at naghintay na siya sa may gitna sa akin nang nakangisi.
Ni head to foot ko siya at hindi ko talaga mapigilan ang pagpupuri sa kanya. Kahit ano sigurong sootin niya ay babagay sa kanya. Polo shirt ang soot niya at maong na bagay sa hubog ng binti niya. Naka top sider siyang sapatos at halatang mamahalin iyon. Naglahad siya ng kamay pero seryoso ang kanyang mukha sa paghihintay sa akin. Nilagay ko ang sling bag ko sa balikat at pinuntahan siya.
"Paka saya kayo. Kiss naman kayo ha para manalo sila mamaya, Chesca?" Tumatawang sinabi ni Jobel.
Tinapunan ko sila ng naiiritang tingin pero ngumisi lang sila at itinaboy kaming dalawa. Nilagpasan lang din ni Hector ang booth nila. Hindi man lang siya nag paalam sa mga kasama niyang sina Kathy, Koko, Oliver, at Abby.
Napansin ko rin na palabas kami ng school. Hindi kami mamasyal sa loob kasi diretso ang lakad niya palabas.
"Hector, saan tayo?" Tanong ko.
"Magpipicnic tayo ngayon." Aniya sabay kuha sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Sumimangot agad ako, "San?"
Nalaman ko din kung saan nang sumakay na kami sa Jeep Commander. Kung hindi ako nagkakamali ay patungo ito sa lugar kung nasaan ang gazebo. Tama nga ang hinala ko nang itinigil ni Mang Elias ang sasakyan sa daanan patungo doon. Nakita ko ring may kinuhang basket si Hector sa likod ng sasakyan.
"Pinagplanuhan mo ito?" Naningkit ang mga mata ko.
"Syempre, ganun dapat pag nanliligaw, diba?" Aniya.
Umangat ang labi ko sa sinabi ni Hector. Binuksan niya ang pinto at lumabas na agad. "Mang Elias, ititext ko lang kayo kung tapos na date namin, ah?"
Tumango si Mang Elias at tinapunan ako ng tingin. "Sige, mag ingat kayo."
Tumango din ako sa kanya at bumaba na sa sasakyan.
"Tara na!" Wika ni Hector at hinawakan ulit ang kamay ko sa paglalakad.
"Ibang klase ka, ah? Hindi pa nga tayo lakas mo ng maka PDA!" Sabi ko.
"Oh eh bakit? Hindi pa tayo pero akin ka na. Pwede ng gawin lahat. Paano pa kaya kung naging tayo na?" Sumipol siya at ngumisi.
Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya at hinampas ko siya, "Adik 'to! Tumigil ka nga!"
Ilang minutong paglalakad ay nabanaag ko na ang gazebo. May maliit na bangka sa gilid nito. Wala naman ito noon pero feeling ko ay si Hector mismo ang nagpalagay noon dito. Pumasok ako sa gazebo at pinagmasdan ang kumikislap na tubig ng ilong na ito.
Si Hector naman ay naroon sa labas ng gazebo at nilalatag ang banig na dala. Nakita ko ring may mga pagkain siyang dala sa basket na iyon.
“Next date natin, tuturuan kitang mangabayo.” Aniya.
“Talaga lang, ha?” Sabi ko habang pinagmamasdan siyang umuupo sa banig.
“Halika dito, Chesca.” Aniya sabay tapik sa tabi niya.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na namang nagtatatakbo ang puso ko. Isang hakbang ko lang ay naramdaman ko na agad ang panunoot ng lamig at paghuhuramentado sa binti ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Ano ba ‘tong reaksyon ko sa kanya?
Ipinagkibit balikat ko iyon dahil nakita kong nag angat siya ng labi. Mukha atang halata na masyado ng paghuhuramentado ko, ah? Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang kabuuan ng ilog, imbes na ang kanyang mukha.
“Wa’g mo nga akong tinitingnan ng ganyan.” Utas ko sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagngisi niya. “Bakit? Ang sungit talaga nito. Kaya sarap mong bakuran, eh. Lagi kang umaayaw.” Tumawa siya.
Mas lalong nag init ang pisngi ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtingin sa kanya. “Ikaw talaga! Eh kasi, creepy masyado. Para kang baliw. Para kang obsessed sakin!”
“Ano ngayon kung ganun? Anong problema mo dun?”
Suminghap ako at madramang pinikit ang mga mata, “Hindi ko talaga alam, Hector. Hindi ko alam kung bakit para kang patay na patay sakin. I mean...”
Ayaw kong dugtungan iyon. Buti at napigilan ko ang sarili ko sa pagsabing, ‘Hindi naman ikaw ang unang nanligaw at nagkaroon ng ganito ka lalang interes sa akin, pero sayo ako lubos na naweirduhan. Ang bilis kasi.’
Iniba ko ang liko ng sasabihin ko. “I mean... Unang pagkakakilala pa lang natin agad mo na akong pinormahan.”
“Excuse me, di kita pinormahan ah?” Inirapan niya ako.
Napangisi ako sa pag iinarte niya. “Weh? Talaga? Malagkit ka kayang makatitig sakin.”
“Ikaw ang may malagkit na titig. Kaya lumagkit ang titig ko kasi nang aakit ang titig mo!” Umirap ulit siya.
“HA?” Nag alab ulit ang pisngi at leeg ko.
“Nakuha mo lang naman ang atensyon ko kasi nang aakit ka kung tumitig! Kung sana eh di mo ako tinitigan ng ganun ay sana di kita napansin at di ako nahulog. Tsss.” Nag iwas siya ng tingin.
“Hoy! Excuse me-”
“Tumutulo ang laway mo sakin nung mga panahong yun! Kaya nag tataka ako bakit si Koko ang sinasabi mong gusto mo gayung makatingin ka sakin parang hinuhubaran mo ako!”
“Aba’t ang kapal din naman ng mukha mo ah?” Sabi ko. “So ibig mong sabihin kaya mo lang ako pinormahan kasi alam mong may gusto ako sayo base dun sa titig ko? Ha?” Binatukan ko siya.
“Aray!” Sumimangot siya sakin.
“Tsaka isa pa, ibig sabihin pag may babaeng malagkit ang tingin sayo eh lalagkit din yung tingin mo sa babaeng yun? Ibig sabihin madali kang naaakit?” Medyo galit kong utas.
“Kung mabilis akong maakit, Chesca, edi sana noon pa lang ang dami ko ng girlfriend! Sana noon pa lang ay di na ako virgin!”
Nalaglag ang panga ko sa salitang ginamit niya. Halos lumobo ang pisngi ko sa sobrang hiya ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Siguro ay dahil pumupusok ang isapan namin.
Tumawa ako. Tumingin siya sakin nang nakakunot ang noo.
“Bakit, ikaw? Di ka na ba virgin, ha?” Tanong niya.
“Ano sa tingin mo?” Nakangisi ko paring sinabi.
Nakita kong pumula ang pisngi niya. Sa sobrang pula ay aakalain ko ng may kalaban siya. Unti-unti ko ring nakita sa mga mata niya ang pag aalab nito. Para bang may kung sinong uminsulto sa pagkatao niya.
Tumawa ulit ako. Imbes na humagalpak ako ay hinila niya ang pulso ko at inilapit niya ako sa kanya.
“Sagot, Chesca.”
“Ang bossy mo talaga. Paano kung di ko yun sagutin, ha?” Tumawa ulit ako.
“Sagot!” Sigaw niya.
Napangiwi ako, “Oo na! Virgin ako!” Medyo natatawa kong sinabi.
“Wa’g kang magsisinungaling sakin.”
“Hindi naman ako nagsisinungaling!” Sabi ko kahit na may bahid parin ng tawa ang tono ko.
“Ba’t ka tumatawa?”
“Eh kasi nakakatawa ka. Ang weird mo! Bakit ba natin pinag uusapan ito?”
Ang weird. Sorry. Pero aaminin ko... Nang naging kami ni Clark ay mayroon na siyang mga naging ex. Hindi na siya virgin nun. Kaya alam kong naging mahirap sa kanya ang relasyon naming umabot ng isang taon pero hindi pa niya ako naiikama. Malaki din ang respeto niya sa akin kaya umabot kami ng ganun. Pero hindi ko na lama kung meron nga ba talaga siyang respeto gayung may ginawa na silang milagro ng kaibigan ko.
“Kasi sabi mo ako yung may malagkit na tingin sayo.” Aniya.
“Totoo naman! Hindi ko talaga maintindihan. Ang bilis ng pambabakod mo sakin.”
Nag iwas siya ng tingin at sumimangot, “Mabilis din naman kasi kitang nagustuhan.”
Tumango ako at nag taas ng kilay, “Mabilis din yang mawawala.” Sabi ko nang wala sa sarili.
Lumingon siya sakin at sumimangot. Ngumisi ako sa kagwapuhang nakasimangot sa harap ko. Ito ang High Definition na gusto ko. Isang mukhang walang ginawa kundi ang buhayin ang kung ano mang insekto ang nasa tiyan ko. Parang balahibo ng manok na na nanunuyang inilalandas sa bawat sulok ng tiyan ko. Nakakakiliti. Nakakangisi. Nakakapaghuramentado. Nakakakuryente.
“Subukan mo, tingnan natin kung hanggang kailan ang pag ibig ko.” Malamig niyang sinabi.
“Hmm. Ayaw pa kitang sagutin.” Nag iwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga pagkain namin sa tabi.
“Bakit?”
“Baka agad yang mawala kasi mabilis ka ring nagkagusto sakin, diba?”
“Sagutin mo ako, nang masubukan natin, Chesca.”
Matama kaming nag titigang dalawa. Nakatukod ang isang kamay niya sa banig. Ang isa naman ay malayang hinaplos sa pisngi ko. Umihip ang malakas na hangin habang nakita kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
Damn his perfect nose, damn his perfectly angled jawline, damn his perfect skin, damn his perfect warm and deep eyes, and damn the perfect red lips.
Kinagat niya ang kanyang labi at pinikit ang mga mata bago umatras sakin. Nakaawang na ang bibig ko at hinihintay ko na lang ang pag dampi ng labi niya. I’m gonna kiss him like how I want to be kissed. Hahalikan ko siya ng maiinit at mahihinang halik. Iyon ang naging plano ko pero naglaho ang lahat ng ito nang sinabi niyang...
“Kumain muna tayo.” Aniya at tumayo para mag stretch.
“Ha? Hmmm. Okay.” Shit lang!
“Shit.” Narinig kong marahang utas niya habang pinagmamasdan ang ilog.
Ngumisi ako at kumalabog ang puso ko. Tingin ko ay hindi lang akin ang mabilis at malakas na pumipintig ngayon. Pakiramdam koy mas naghuhuramentado pa ang kanyang puso. At dito ko napagtanto na balewala ang lahat... balewala si Clark... balewala ang mga lupang nagpipigil sakin... balewala ang mga taong ayaw saming dalawa, ayaw sakin... balewala. Dahil nahuhulog na ako sa kanya. Mabilis, matulin, at diretsong pagkahulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top