Kabanata 28

Kabanata 28

Patay Kang Chesca Ka

Parang nawawala ang kaluluwa ko sa kinatatayuan ko. Sobrang ingay at halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng emcee. Si Hector ay nakatayo sa gilid ng bleachers. Sumisigaw siya kasama ang mga kaibigang taga basketball team.

"BILISAN MO AT NANG MAKAPAGBIHIS KA NA!" Sigaw niya.

Mas lalo lang nag init ang pisngi ko. Napayuko ako sa damit ko. Oo na, maiksi ito at alam kong hindi niya iyon palalampasin. Siguro ay pinagbigyan niya lang ako ngayon kasi wala siyang magagawa. Pasalamat nga ako at nagawa niya akong pagbigyan dito at hindi niya ginamit ang pagiging bossy niya sa pag pigil ng cheering competition.

Pumwesto ako nang narinig ko ang pagsabog sa mga speakers. Iyon ang hudyat na naka-play na ang gagamitin naming effects o mixtape ng cheering.

Kinilabutan ako nang humiyaw ulit ang mga tao at nagsimula na kaming sumayaw. Gustong gusto ko ang simula namin. Pasabog at snappy ang galaw. Iyon marahil ang dahilan kung bakit naghiyawan ang lahat.

Nang inangat na ang mga unang papasa ere ay napa "Wow" ang mga tao. Ito din ang iniisip ko nung nag present ang mga taga Agri Biz. Buong akala ko may pasabog silang hindi pinakita noong rehearsal. Akala ko may tinatago pa sila. Pero nagkamali ako, wala silang tinago noong rehearsal. Kung ano ang nakita namin noong dress rehearsal ay iyon parin ang ginawa nila sa actual. Habang kami ay napag usapan na naming lahat na may tatlong stunts na hindi ipapakita sa rehearsal. Iyon ang naging lamang namin.

Nagulat ako nang hindi man lang ako nanginig pagka hawak ko ng balikat nina Gary at Greg para iangat ako.

"AYUSIN NIYO YAN! LAGOT KAYO SAKIN PAG NAHULOG YAN!" Sigaw ni Hector na umalingawngaw na naman dahil natahimik na ang audience sa panonood sa amin.

May mga tumawa at may mga hiyaw akong narinig dahil sa sigaw niya.

"Go! Go! Business Ad!" Sigaw ng mga taga Education.

Nagulat din ako nang may dala palang mga plastic bottles ang mga athletes ng Business Ad at sila mismo ay nag chicheer para samin! Tumatawa na lang kami pero hindi namin hinayaan iyon na makasira sa concentration namin.

"GO! GO! Agri Biz! Fight! Fight! Agri Biz! Kill all the Business Ad! LOSERS!" Sigaw ng cheerleaders ng Agri Biz ngunit natabunan din iyon ng mga bote ng taga Business Ad.

Nang ginawa ko ang stunt na itinago namin ay napasigaw ang lahat. Iyon yung stunt na gagawa ng pyramid at ako ang nasa pinaka taas. Bababa ako nang nag fi-flip ng tatlong beses. Narinig ko agad ang palakpakan kahit hindi pa kami tapos.

Ang pangalawang stunt ay ipeperform naman ng ibang flyers. Nasa harap kami habang ginagawa nila yung medyo mahirap na routine sa taas.

Yung pangatlo at panghuli ay halos kami ng lahat ay magiging flyer. Yung kaibahan lang nito ay may mas nasa mas mataas na pyramid. Kitang kita kong tumango sina Sarah (na flyer din) at ang ibang flyer at sabay sabay kaming tumungtong. Nagperform kami ng stag. Ito ang ayaw ko dito sa uniporme namin, eh. Pag peperform kami ng stag ay makikitang buo ang underwear namin. Well, yes, may cycling shorts kami pero nakakailang parin. Iyong cycling pa naman na pinili ng trainor namin ay yung pinakamaiksi na halos panty na lang. Aniya'y maiksi daw ang skirt kaya dapat lang na mas maiksi ang gagamitin.

"BOOOO!" Narinig ko ang sigaw sa audience.

Syempre sina Kathy ang sumisigaw dun! Nakita ko ang mga pompoms nilang nihahagis sa amin. Iyon kasi ang naging finale namin. Sumabog ang confetting inihanda ng trainor at bumaba kaming lahat.

Nagsipag igtad ang mga kasama ko at kung anu anong hinihiyaw nila sa mga nanood. Naging maganda din ang feedback ng manonood. Panay ang hiyaw nila at ni chant pa nila ang aming chant kanina.

"Whoa! That was an amazing performance! Thank you, Business Ad Tigers!"

Hinahabol ko pa ang hininga ko habang nakikipagsiksikan sa mga kasama kong hindi parin natatanggalan ng adrenaline rush.

"OH MY GOD! PANALO TAYO!" Hinuha ni Jobel sabay yakap sa mga kagrupo naming close niya.

Panay ang pahid ko sa noo ko dahil masyado akong pinagpawisan. Hanggang ngayon ay dinig na dinig ko parin ang palo ng puso ko. Halos masakit na ito sa sobrang bilis at sobrang lakas!

"Grabe! Chesca! Ikaw na!" Nag thumbs up sila sa akin sabay yakap.

Tumawa ako sa mga reaksyon nila. Kahit pare pareho kaming pawis at hinahabol parin ang hininga ay masayang masaya parin kami.

Bumalik kami sa pwesto namin sa bleachers. Nakita kong nakahalukipkip si Hector habang natatawang nakikipag usap sa grupo niya. Nang nahagip niya ang tingin ko (kahit nasa kabilang dako siyang bleachers) ay ngumuso siya agad at binaba niya ang tingin niya. Kinunot ko ang noo ko. Nakita ko ang pagseseryoso ng mukha niya bago kinuha ang cellphone at may nitype agad.

Instinct ko na siguro ang nagtrabaho nang kinuha ko rin ang cellphone ko. Hindi ako nagkamali! Mensahe galing sa kanya ang natanggap ko. Sinulyapan ko muna siya bago ko binasa. Nakita kong kinakalabit na siya ng ibang kagrupo niya. Aalis na sila. Syempre, maghahanda na siguro para sa susunod nito. Sila ang first game kaya kinailangan niya nang umalis at makipag usap na sa coach sa labas ng court.

Hector:

Pagkabalik ko, kailangan balot ka na.

Ngumisi ako. Galit? Nagmadali ako sa pagrereply.

Ako:

Manonood ako ng game mo. Don't worry, may dala akong extra t-shirt.

Hector:

Good. Dinalhan kita ng extra kung sakaling wala. Buti naisipan mong magdala?

Umirap ako. Galit si boss!

"Huy!" Sabay tulak sakin ni Marie.

Dumungaw siya sa cellphone ko. Agad ko iyong tinago.

"Ngingiti ngiti ka dyan! Katext mo si Hector no!"

"AYEEE!" Ngayon ay panay na ang tukso nila sa akin.

Hindi ko maiwasang di mapansin yung mga ka grupo kong nagsisinghapan at nagtitikhiman. Kaya ayaw kong magshare sa kanila ay dahil alam kong hindi lahat ng taga Business Ad ang masaya sa ginagawa ni Hector sa akin. Maging ako man ay di rin sasaya kung may ibang babae siyang kahuhumalingan. Oopps... Alright! Whatever!

"Teams, please assemble on the court!" Sigaw ng emcee habang tinatawag isa-isa ang mga squad para sa awarding.

Mabilis ulit kaming tumakbo pababa ng bleachers. Medyo hindi na gaanong matao dahil abala na sa pag piprepare ang mga tao sa games. Iilang soccer players, basketball players at volleyball playes na lang ang nakita namin sa bleachers. Ganunpaman, hindi parin nabawasan ang kaba at excitement ko.

Panay ang tawanan namin nang nasa linya. Yung iba ang seryoso na at nananalangin na sa pagkapanalo namin. Ganun din naman ako pero hindi ko maiwasan pag nagbibiruan yung iba. Nakita kong may dalawang medyo may edad ng lalaking judges ang nakatoon ang pansin sa team namin.

"Si Mayor at si Mr. Singh!" Tumatawang wika ni Jobel. "Naglalaway ata sa legs natin!"

Napatingin ulit ako sa mga nasa presidential table na mga judges. Umiinom ng tubig ang isang kayumangging lalaki na may katamtamang beard. Habang sumisimsim siya sa baso ay kinindatan niya ako.

Napalingon ako sa magkabilang gilid at likod ko. Sino ang kanyang kinindatan? Nakita kong abala sa pagyuko ang lahat dahil tinatawag na ang pang fourth place. Nang bumaling ulit ako sa kanya ay kumindat ulit siya at dinilaan niya ang kanyang labi. Shit! Yumuko agad ako at pinikit ko na lang ang mga mata ko sa pandidiri.

Tinawag ang panalo sa Best in Props na ang mga taga Vocational. Panalo naman sa Best in Cheerleading Uniform ang Education. Syempre, may phoenix pa silang face paint.

"VOCATIONAL!" Sigaw ng emcee.

Sabay sabay kaming nagtalunan dahil sila ang fourth! Ibig sabihin ay may pag asa pa kami sa top 3! Napabaling ulit ako sa lalaking iyon. Ngayon ay may kausap na siyang mas matanda sa kanya at mas creepy looking. Pareho silang tumitingin sakin at ngumingisi.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at nagconcentrate sa pakikinig.

"The third place goes to... EDUCATION PHOENIX!" Sigaw ng emcee.

Umalingawngaw na ang sigaw ng mga taga Agri Biz at Business Ad! Hindi na ako mapakali! Tumatalon talon na ako at kung sinu-sino na lang ang niyuyugyog ko sa sobrang excitement!

"The first team we are going to call will automatically be the champion of the 3rd Cheerleading Cup of Alegria Community College! Ladies and gentlemen, drum rolls please!"

Natahimik lahat. Naghawak hawak kami ng kamay sa sobrang kama. At may naririnig na akong humagulhol sa likod ko.

"THE WINNER OF THE ALEGRIA COMMUNITY COLLEGE THIRD CHEERLEADING CUP IS..."

Totoong nag drum rolls na ngayon. Narinig ko pa lang ang pinakaunang tunog ng salita galing sa emcee ay nagsitalunan na kami.

"BUSINESS ADMINISTRATION TIGERS!"

Nalunod na sa sigaw ang buong court. Nakita kong bumagsak ang mga balikat ng mga taga Agri Biz. May nakita pa akong umiyak at nagmumura sabay turo sa amin.

"The second placers are the Agri Biz Eagles! Congratulations everyone! Congratulations Tigers for winning the 3rd cheerleading cup!"

Nagtulakan pa kami sa pagkuha ng cup. Pero dahil sobrang saya nila at walang ni isang dumampot niyon ay ako na mismo ang kumuha at nagtaas.

"WOOO!" Nagsigawan kami at nagbatian.

Panay ang picture dito, picture doon. Nakita ko pang umiyak si Sarah at niyakap kami isa-isa.

"Dahil sa cheerleading competition na ito naging close ko kayong lahat." Aniya sabay hikbi.

Nagtawanan kami at nagpapicture isa-isa sa cup. Ilang sandali pa ang lumipas nang umalis kami. Kung hindi siguro kami sinita dahil magsisimula na ang first game ay hindi parin kami nakaalis.

Naku! Patay! Kailangan ko ng magbihis dahil manonood pa ako ng game ni Hector!

"Tara sa room!" Sabi ni Jobel sa grupo.

Tumango ako, "Teka lang, kunin ko lang yung tubig ko sa bleachers. Naiwan." Sabi ko sabay akyat sa taas habang umaalis na papuntang room (kung saan kami nagbihis) ang mga kagrupo ko.

Palabas na ako ng court nang nakasalubong ko ang mga judges. Kinabahan agad ako nang nakita kong titig na titig ang dalawang matatandang kanina pa nakatoon ang pansin sa akin.

"Hi!" Bati nila sakin.

Ayokong maging bastos kaya pilit ko silang nginitian at niyuko ko ang ulo ko.

"Kay gandang bata mo, hija, taga Alegria ka ba?" Tanong noong may bangas.

"Opo." Sabi ko at umambang aalis na.

"Naku! Kinis ng balat mo! Di ka bagay sa bukid." Tumawa siya.

Napalingon ako sa kanya.

"Gusto mo pag aralin kita sa Maynila?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad na akong tumakbo palabas ng court nang di nagpapaalam. Kung bastos sila, babastusin ko rin sila. Nakakainis! Nanlamig ang lalamunan ko dahil sa nangyari.

Late na rin nang kumalabog ang puso ko dahil sa matandang iyon. Pero mas lalo lang kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang batalyon ng Agri Biz cheerleaders na nakaabang sa may fountain sa bukana ng building kung saan ako aakyat para pumunta sa room.

Ipinagkibit balikat ko iyon. Wala naman sigurong mangyayaring masama dito. Hindi ko maipag sa walang bahala ang nakikita kong pagharang nila sa daanan ko habang palapit na ako. Diretso ang lakad ko at patuloy silang binalewala.

"Prosti." Dinig kong panunuya ni Kathy.

Kinagat ko ang dila ko at pinalampas iyon.

"Francesca Alde, prosti of the year!" Tumawa silang lahat.

Hindi na ako makausad sa paglalakad kasi nakatayo na silang lahat sa harap ko ngayon. Umatras ako at isa-isa silang tiningnan sa mukha. Kitang kita ko ang nag smudge na eye liner ni Kathy. Somehow, naaalala ko sa kanya ang isang kaibigan ko sa Maynila. Naaalala ko si Janine sa kanya. Ilang beses ko nang nakita si Janine na nagkaganito ang mukha. Makapal siyang maglagay ng eye liner kaya kapag umiiyak siya ay laging nagkakaganyan.

Tinulak ako ni Abby na siyang nakapag pahigh blood sa akin!

"Ano ba?" Sigaw ko.

"Walang makakapagtanggol sayo dito kasi wala si Hector!" Aniya.

Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? Ano? Bubuhusan mo na naman ba ako ng ihi?"

Nakita kong nakapamulsa si Koko na sumulpot sa likuran niya. Alam kong may mga lalaki din dito pero hindi ko inakalang kasama si Koko!

"Walang hiya ka! Alam ko kung ano ang ginawa mo sa competition! Mababa na ang tingin ko sayo noon pa lang pero mas lalo lang bumaba ngayon!" Mariing sinabi ni Kathy at bigla akong sinampal.

Sa gulat ko ay napahawak ako sa pisngi ko. Walang sumasampak sampal ng ganun sa akin! Sinubukan ko ring sampalin siya pero nakuha ni Koko ang braso ko.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko.

Mariin at masakit ang pagkakahawak niya nito. Ngumisi siya. Nakakapanindig iyon ng balahibo. Hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang ekspresyon ngayon.

"Inakit mo si Mr. Singh at si Mayor!" Akusa ni Kathy.

"Excuse me?" Sigaw ko sabay bawi sa braso ko kay Koko.

"Ipinakita mo lang naman ang mga hita mo sa kanila! Diba? At nang kindatan ka ni Mr. Singh ay nagpacute ka pa? Bakit? Ha? Anong pinangako sayo?" Hysterical na tumawa si Kathy.

Napatingin ako sa kanilang lahat na umiiling sa tabi.

Iilan sa kanila ay classmates ko sa ibang subject. Hindi ako makapaniwalang ganito na lang sila kung mangorner sa akin.

"Baka pinangakuan ka na pag aaralin ka ulit sa Maynila?" Matabang na sinabi ni Koko.

"Anong sabi mo Koko-"

Hinawakan niya ulit ang braso ko. Nagpumiglas ako pero malakas siya.

"Oo? Diba? Bayaran!" Aniya. "HIndi ba, Chesca? Hindi ba pera lang ang habol mo?"

"Kung pera lang naman ang habol mo, ineng, sana ay dun ka kay Mr. Singh. Sumama ka sa kanilang bahay at... ah! Oo nga pala, dahil prosti ka alam mo na kung anong susunod."

Nagpumiglas pa lalo ako sa pagkakahawak ni Koko sa braso ko. Pero dahil hindi makawala ang kanang kamay ko ay agad ko nang hinila ang buhok ni Kathy gamit ang kaliwang kamay ko. Napangiwi siya sa sakit ng pagkakahila ko. Agad naman akong pinigilan ng mga nasa paligid. Nakita ko ang nanginginig na labi ni Kathy habang tinuturo ako gamit ang matutulis niyang kuko.

"Alde ka lang!" Aniya na parang may kahulugan.

"At ikaw? Bakit ba ang bibitter ninyo? Alam ko naman na ang puno't dulo nitong lahat ang ang pagpapapansin ni Hector sa akin!"

Namilog ang bibig ni Kathy. Alam kong gusto niyang putulin ang pagsasalita ko pero hindi ko siya hinayaan. Panay ang piglas ko sa mga kamay na nakahawak sa braso ko habang binubugahan ng maiinit na salita si Kathy.

"Bakit ka galit? Ha? Kung may tiwala ka naman sa sarili mo bakit kailangan mo pa akong ganituhin? Bakit kailangan mo pa akong ibully? Bakit? Ha?"

"Ang kapal ng mukha mo!" Kinulong niya ang pisngi ko gamit ang mga daliri niya.

Sobrang nainis ako. Nag init ang kalamnan ko at gusto ko siyang duraan. Inilapit niya pa ang mukha niya habang napapanguso ako sa pagkakahawak niya sa pisngi ko. Hindi ako makapanlaban kasi mahigpit ang hawak nila sa braso ko.

"Hindi ka lalapitan ni Hector kung hindi mo siya inaakit! Kung hindi mo siya nilalandi! Ikawng Alde ka, mana ka sa pamilya mo! Kina Teddy! Mana ka sa kanila! Mga manloloko kayo! Mga ganid! Mga gahaman sa pera! Ngayong papalubog na ang negosyo ninyo dahil kina Hector ay siya ang pinupunterya mo! Pag magkakagusto si Hector sayo at mabuntis ka ay alam mong may delikadesa ang pamilya niya! Agad kayong ipapakasal! At alam mo ring responsableng tao siya at pananagutan ka niya kahit na hindi ka niya mahal!"

"FUCK YOU!" Sigaw ko sa sobrang galit ko.

Binitiwan niya ang pisngi ko. Dahil hindi ko maigalaw ang braso ko ay sinubukan kong sipain siya. Gigil na gigil ako. Pero umatras lang siya at tumawa dahil sobrang helpless ako dito.

"Sinungaling si Hector." Matabang at dramang sinabi ni Koko. "Sabi niya di niya popormahan ang babaeng gusto-"

"Koby! Tumigil ka dyan at tatadyakan kita!" Sigaw ni Kathy.

Nakita ko rin ang galit na titig ni Abby sa akin.

"Totoo yung sinabi ko!" Wika ni Koko. "Kathy, sinungaling siya. Sabi niya di siya mag gigirlfriend dahil ang importante sa kanya ay ang pag aaral. Pero walangya din siya ano?"

Kinagat ni Kathy ang kanyang labi at yumuko.

"Ano Kathy?" Nanunuya kong sinabi. Gigil parin ako kaya gaganti ako sa kahit anong paraan! "Sinungaling siya? Bakit siya sinungaling para sa inyo? Dahil sinabi niyang mga pangit kayo? Hindi yun sinungaling, girl, totoo yun! Totoong pangit kayo!" Sabi ko at tumawa.

Napapikit ako nang bigla na naman akong binuhusan ni Abby ng isang timba ng tubig. Napahinga ako ng malalim. Muntik na akong malunod! Binitiwan din ako ng mga nakahawak sa akin! Napatingin ako sa soot kong agad nagbakat ang bra dahil basang basa na ako. Kitang kita ko rin ang pagpatak ng tubig sa bawat dulo ng damit ko.

"Walangya ka!" Sigaw ko sabay tulak kay Abby.

Mabilis din akong nahawakan ng mga lalaki sa likuran.

Tumalikod si Koko at nakita ko ang jersey na soot niya. Ito yung jersey na soot niya noong una kaming magkita.

"Dela Merced ba, Chesca?" Aniya.

Natahimik ako.

Tumawa siya, "Dela Merced!? Akala mo ako ang Dela Merced ano? Kaya ba pinaikot mo ako?" Nanliit ang mga mata niya. "Akala mo ako ang tagapagmana kaya pinormahan mo ako! Kaya pala! Kaya pala napansin kong nang tinawag ang pangalan ni Hector sa klase ay medyo natuliro ka! Alam kong may issue na noon pa sa mga Alde at mga Dela Merced! Pero hindi ko inakalang ako mismo ay makakatikim ng panggagamit ninyo!"

Hindi ako nakapagsalita. May nagbara sa lalamunan ko. Dahil alam ko... totoo ang mga sinasabi niya.

"Ginusto mong maakit ako dahil akala mo ako si Hector, diba? Siguro hindi naayos ni Teddy ang plano kaya pumalpak! Imbes na siya ang una mong inakit ay ako! Dahil buong akala mo, ako ang Dela Merced! Come on, Chesca. Marasigan ako. Anak ng ranchero nina Hector." Aniya. "Nung sinabi pa lang ni Aling Nena ang tungkol sayo ay nagduda na agad ako."

Napalunok ako. Naalala ko ang matanda sa rancho nina Hector. Ayaw na ayaw niya sa akin. Halos itaboy niya ako sa bahay nila!

"Pero pinigilan ko iyon dahil lecheng bulag ako sayo! Pero ngayon? Ngayong nakita ko kung gaano ka kalandi kay Hector? Kung gaano ka kalandi sa mga mayayamang judges!"

Nakawala ang kamay ko kaya nasampal ko si Koko. Nag igting ang panga niya pero ipinagpatuloy niya ang sinabi niya.

"Wala akong lakas ng loob na sabihin ito kay Hector. Lahat kami walang lakas ng loob! Pero ngayon? Ngayong natapos ang lahat at kitang kita namin kung paano mo itinatapon ang puri mo sa kanya?"

"WHAT THE FUCK, KOKO!?" Sigaw ko.

Tinaas niya ang boses niya upang mas marinig ko, "May lakas ng loob na ako! Sasabihin ko sa kanya! Ngayon! At papatunayan iyon ni Aling Nena! Ang taong nagpalaki kay Hector Dela Merced!"

"You are going down, Alde." Tumawa si Kathy.

"Akala mo siguro sayo na ang lahat kasi kakampi mo si Hector, ano?" Tumaas ang kilay ni Abby. "Mabait si Hector pero di siya tanga. Malalaman niyang ginagamit mo siya para makuha ang titulo ng lupa niyo! O baka naman maging pati ang buong Rancho Dela Merced ay gusto mong angkinin, ha? Mga tusong Alde! Ayan na naman kayo! Nagsisimula na naman!" Tumawa siya. "Nakakahiya ka. Nakakahiya ang buong pamilya mo! Nakakadiri. Nakakasuka! At su Hector mismo ang magpapatapon sayo sa oras na malaman niya ito!"

Kumabog ang puso ko. Alam kong wala na akong intensyon na ganun kay Hector pero hindi ko maipagkakaila na iyon ang gusto ng pamilya ko. Hindi ko rin maitanggi na iyon nga ang naging dahilan ko kung bakit ko pinaikot si Koko noon. Paano ko ipapaliwanag sa kanyang hindi na ngayon? Matatanggap niya kaya?

Tinapik ni Kathy ang pisngi ko.

"Patay kang Chesca ka! Bawal na bawal ang manggagamit kay Hector. Bawal ka sa kanya. Kalaban ka, Chesca. Alde ka." Humagalpak sila sa tawa.

Narinig kong sumipol ang isa sa mga lalaki.

"Sarap mo pa naman pero prosti ka. Gamit na!"

Biglang nagbigat lalo ang dibdib ko. Natutuliro ako. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papalayu na sila nang nakahinga ako ng malalim at bumuhos na ang matinding luha sa pisngi ko.

Itataboy na ako ni Hector! Magagalit na siya sakin! Ngayon... for real. Ang sakit! Ang sakit pala! Oo na at ganoon ang pamilya ko. Wala akong magawa. Shit! Wala akong magawa! Desperado sina mama at tiya! Hindi ko iyon maipagkakaila! Desperado maging si Teddy at si Craig! Wala na kaming pera pero kaya naming lumubog! Kaya kong maghirap wa'g lang madungisan ang pangalan namin. Pero heto ako at ginagawa ang lahat ng paglilinis ng pangalan na sa isang iglap ay madudungisan na naman. Is this our fate? Paano ko matatapos ang gulong ito? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top