Kabanata 25
Kabanata 25
Prutas
Sa araw na iyon, hinatid ako ni Hector. Ayaw ko naman sana. Kaso mapilit siya at makulit. At hindi lang pangungulit ang ginagawa niya, halos ipangalandakan niya pa sa buong school na tinatanggihan ko ang pagmamagandang loob niya sa pag hatid sa akin.
"Kung ayaw mong IHATID KITA, hindi naman kita pipilitin. PERO KASI HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KA AAYAW." Aniya habang dumadaan ang ibang tao na panay ang sagap ng bagong tsismis galing sa mga pinagsasabi niya.
Umirap na lang ako.
"Okay fine, whatever! Tumahimik ka nga!"
Ngumisi agad siya at kumindat.
Alam na alam niya na yata kung ano ang makakapagpabago sa isip ko. Iyon ay tuwing hindi siya tumatahimik at naririnig iyong ng mga tao sa paligid. Syempre, pinag pipiyestahan na nga kami ng mga issues dito, dadagdagan niya pa? Anong sasabihin ng ibang nangangarap sa kanya? Na nagmamaganda ako at nagpapahard to get? Leche talaga.
Hinawi ko ang buhok ko. Kasabay kaming naglakad ngayon sa corridors. Naka jersey parin siya at nakatingin sa akin habang ako ay diretso ang tingin at nakataas ang kilay.
"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala. "Wala na bang masakit sayo?"
"Wala na. Tsss."
"May gusto ka bang kainin? Anong gusto mong gawin?" Tanong niya.
Natigilan ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng naka ismid. Mukha siyang seryoso sa mga tinatanong niya. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala na ba talaga ako sa sinabi niya o hindi. Gusto ko siyang tanungin... gusto ko siyang tanungin kung alam niya ba ang tungkol sa labanan ng lupain namin. Gusto ko siyang i-corner. Gusto kong malaman kung ano ang saloobin niya rito pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Chesca, parang hindi yata tama. Siguro dapat kailangan mo pang sagarin ang pasensya niya. Muntik na siyang sumuko nang napahiya siya sa harap ng mga nasa squad. Ngayon, mas lalo mo pa dapat siyang subukan.
Humalukipkip ako at umupo sa pinakamalapit na bench.
"Oh? Akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong niya.
"Ayoko, dito na muna ako." Sabay tingin ko sa soccerfield.
Kitang kita ko ang mga kasamahan ko sa cheering. Nag papractice parin sila hanggang ngayon. Kung sa bagay, alas kwatro pa naman at medyo mahaba pa ang oras nila sa pagpapratice. Pinahintulutan lang ako ng trainor na maunang umalis dahil masama ang pakiramdam ko kanina.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya habang nakatayo sa gilid ko.
"Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka na. Basta gusto ko dito." Sabi ko.
"Okay." Aniya at marahang umupo sa tabi ko.
Napatingin ako sa kanya gamit ang matatalim kong tingin. Naabutan ko pang nakangisi siya at unti-unting napawi nang nakitang kunot ang noo ko.
"Wa'g ka ngang tumabi sakin." Sabi ko.
"Bakit? Anong problema sa pag tabi ko? Hindi naman ito ang first time na magkatabi tayo!" Aniya.
"Tsss." Bahagya akong lumayo sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsimangot niya. Hinayaan ko na lang siya at agaran akong nag isip ng maaring ipagawa sa kanya.
"Hector, inuuhaw ako." Sabi ko.
"Oh? Anong gusto mong inumin?" Tanong niya.
"Mountain Dew." Sagot ko.
Tumayo agad siya, "Tara sa canteen!" Aniya at naglahad pa ng kamay.
Tumingala lang ako sa kanya nang nakanganga, "Ayoko."
Kumunot ulit ang noo niya. "Ikaw na lang ang pumunta. Bilhan mo na lang ako." Sabi ko sabay kuha ng pera sa bulsa ko at lagay doon sa nakalahad niyang kamay.
"I'm not poor, Chesca." Utas niya at nilagay pabalik sa kamay ko ang pera ko.
Ilang segundo akong na offend sa ginawa niyang pag irap at pagbalik ng kanyang pera. Inilapag niya sa tabi ko ang bag niyang sumisigaw ng isang mamahaling brand ng panlalaking sapatos.
"Fine!" Sabi ko. "Pati pagkain, pakidalhan ako."
"Anong gusto mo?" Tanong niya.
"Kahit anong nakahain." Sabi ko habang ginagaya ang narinig ko sa kanya noong una naming pagkikita.
Umangat ang kanyang labi at yumuko. Tinukod niya ang kanyang kamay sa bench na inuupuan ko. Bahagya akong napaatras dahil sobrang lapit niya sakin. Napakurap kurap pa ako. Seeing Hector's face this close gives me too much emotion. Hindi ko alam kung naghuhuramentado ba ang puso ko o nag rereklamo dahil malapit na itong ma heart attack. Wagas kung makapag rigodon ang traydor kong puso. Hindi ko na alam kung bakit ngayon... hindi naman ako kinakabahan o ano. At wala naman siyang ginagawang makakapagpaalburoto sa akin. Ang alam ko lang ay tuwing nandyan siya at malapit sa akin, hindi ko na makontrol ang sistema ko.
"Alam ko ang style na ito, Chesca." Aniya sabay tingin niya sa may bandang kaliwang gate.
Nakita ko rin ang pag igting ng bagang niya. He smells so good. His jawline is perfect. Pari ang hati ng labi niya at ang tangos ng ilong niya ay perpekto. Hindi siya tao, I'm pretty sure. Diyos siyang nakikihalubilo sa mga taong lupa na tulad ko. That's probably why my heart is beating this fast and this loud!
"Aalis ka pagka alis ko." Bumaling siya sa akin at kinagat niya ang kanyang labi.
Nanghina ako. I've seen Alegria, its hills, the pine trees, the vast fields, and the pleasant views, but certainly, Hector Dela Merced was the best view in Alegria.
"Wa'g mo akong susubukan, Chesca." Bumaba ang tingin niya at agaran naman itong bumalik sa mga mata ko.
"B-Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong ko.
Yes, that was my plan. But right now... I want to stay in this moment. Tumayo siya ng maayos. Nakahinga rin ako ng maayos. Hindi pala ako humihinga habang ginagawa niya iyon kaya sobrang na relibo ako sa paglayo niya sa akin. Gayunpaman ay hindi parin nagawang huminahon ng puso ko.
"Hello." Aniya sa cellphone niya.
Tumalikod siya sa akin at nakapamaywang ang isang kamay niya habang may kung sinong kausap sa cellphone.
"Mang Elias."
Mang Elias? Yung driver nila?
"Nasa labas na ho ba kayo?" Tanong niya. "Mabuti. Pakibantayan po baka tumakas si Chesca Alde. Bibilhan ko ng softdrinks." Bahagya siyang natigilan sa pakikinig kay Mang Elias. "Wala naman po siyang atraso sa akin. Eh nanliligaw po ako at ayaw niya kaya baka tumakas ito. Paki tingnan po riyan." At agad binaba.
Natapos ko na ang galit na pag bunot bunot ng iilang mga damo sa baba ng bench. Sinamahan ko pa iyon ng bato at kaonting lupa. Nang bumaling siya sa akin nang nakangisi ay agad siyang umilag at tumakbo palayo dahil tinapon ko iyon sa kanya.
"BWISIT KA, HECTOR!" Mura ko habang siya ay kumakaway palayo.
Sobrang init ng pisngi ko habang minumura siya ng pabulong. Binugbog ko na rin ang bag niya sa sobrang galit ko. Halos mapaiyak ako sa inis. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang driver nilang si Mang Elias na sumisindi ng tabako habang pinagmamasdan ako sa kinauupuan ko.
"Lintek talaga! Nakakawalangya si Hector!" Sabi ko.
Kaya naman ay wala akong nagawa. Hinintay ko siya. Dumating siyang may dalang naka cellophane na Mountain Dew. Bumili din siya ng kanyang Gatorade. At may dala pa siyang maraming pagkain tulad ng burger, cheese stick at kung anu-ano pang ibinigay niyang lahat sa akin.
Nanliit ang mga mata ko sa Gatorade na hindi pa nabubuksan. Kung hindi kita maiisahan, pwes, papahirapan na lang kita.
"Palit tayo." Sabi ko sabay turo sa Gatorade niya.
"Huh?" Tumaas ang kilay niya. "Akala ko ba gusto mo ng Mountain Dew."
"Ayoko na. Sawa na ako sa bundok. Gusto ko niyan." Tumawa ako.
Kumunot ang noo niya at para bang hindi niya na gets ang sinabi ko, "Akin na nga!" Hinablot ko iyon sa kamay niya at ipinalit ko ang Mountain Dew doon.
Agad ko itong binuksan at ininuman. Ngumisi ako sa kanya at kumindat.
"Okay, ano pang gusto mo?" Tanong niya sabay kuha sa bag kong nasa bench.
Ngumuso ako. Hindi siya nainis? Siguro minor lang iyon.
"Ano ba itong mga binili mong pagkain. Ni isa, wala akong nagustuhan!" Sabi ko habang naglalakad nang pinapalipad lipad ang braso ko.
Happy... sha la la. Patay ka sakin ngayon, Hector. Mahal mo ako, huh? Walang dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao, huh? Tingnan natin kung hindi ka ba magkakaroon ng dahilan kung bakit mo ako aayawan.
"Ano ba kasi ang gusto mo?" Medyo malumanay niyang tanong habang tinitingnan ang mga pagkain sa kamay niya.
Kung sasabihin kong spaghetti, ham, o kung anu-ano pa, baka mamaya papalutuan niya pa ako sa cook nila kaya nagkibit balikat ako.
"Gusto ko ng mga prutas. Hello! May period kaya ako. Kailangan ko ng healthy foods." Sabay tango ko. "Pero yang dala mo? Ano yan? Cheese stick?" Tumawa ako.
Kumunot ang noo niya.
Papalabas na kami ng gate ngayon. Naghanda na rin si Mang Elias para sa pagsakay naming dalawa. Maging siya ay inirapan ko na. Kasabwat ito ni Hector. Kalaban siya.
"Ah! Actually, Chesca." Aniya nang nasa loob kami ng sasakyan. "May dala akong prutas sa likuran. Ipapadala ko dapat sayo talaga ito ngayon." Ngumisi siya at kumindat sa akin.
Iyong ngisi ko kanina ay napawi na lang na parang bula. Ipapadala? Nilingon ko ang likod ng kanilang Jeep at nakita ko ang mga basket na may lamang mga prutas.
WHAT IN THE WORLD?
"Buti pinaalala mo. Mang Elias, patulong ako mamaya ipapasok natin 'to sa kanilang bahay. Ganun pala pag may period? Pwedeng pakopya ng kalendaryo mo sa pagpeperiod nang sa ganun ay malaman ko kung kailan kita bibigyan ng prutas?"
Natulala ako sa sinabi niya.
"May strawberry diyan, marami. Hindi kasi ako kumakain ng strawberry. Ikaw? Mahilig ka sa strawberry?"
Shit lang! Walang pumapasok sa kokote ko dahil sa sinabi niya. At mas lalong walang pumasok sa kokote ko nang naaninag ko na ang bahay namin. Kitang kita ko pa si mama na nag wawalis ng patay na dahon sa aming bakuran. Tumayo siya ng maayos nang nakitang dumating ang sasakyan nina Hector. Nakita ko ring mabilis na lumabas si tiya habang dala-dala niya ang bilao. Sumigaw pa si Tiya at mabilis ding lumabas si papa at tiyo na parehong may dalang sasabunging manok. Halatang sa pagmamadali ay hindi na naiwan pa ang trabaho.
Kumabog agad ang puso ko sa kaba. Ngunit si Hector at Mang Elias ay mabilis na bumaba at inisa isa ang mga basket sa likuran. Ano pang hinihintay ko? Mabilis din akong bumaba bago pa may atakehin sa mga kapamilya ko. Agad akong kumaway nang sa ganun ay makita nila ako.
"CHESCA!" Halos mapaos si mama nang isigaw niya ang pangalan ko.
Tumakbo pa ito sa gate at pinagbuksan ako.
"M-Mama."
"Anong ginagawa ng Dela Merced na iyan dito?" Pagngangalit niya.
"Ma, calm down. Uhm..."
Shit! Ni hindi ko pa ito napag isipan!
"Ano? Kukunin niya na ba sa atin ang lupa? CRAIGGGGG?" Sigaw agad ni mama.
Mabilis ding lumabas ang kapatid ko at ang pinsan kong si Teddy. Pareho silang laglag ang panga.
Uminuwestra ko kay Craig na tulungan si Hector at Mang Elias sa pagdidiskarga ng mga basket.
"Hindi po. Calm down, mama." Sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nanginginig sa braso ko.
"Magandang hapon po." Nakangising bati ni Hector nang biglaan siyang pumasok sa bahay namin dala ang isang basket ng strawberry.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sigaw ni mama sabay turo kay Hector.
Napawi ang ngiti ni Hector sa sigaw ni mama.
"MAMA!" Sigaw ko sabay baba sa kanyang nakaturong kamay.
Nanliit ang mga mata ni mama.
Pinahid ni Hector ay kamay niya sa kanyang jersey at naglahad ng kamay.
Seryoso niyang tiningnan si mama. Maging ang nakatungangang tiya, tiyo at papa ko ay kanyang pinasadahan ng tingin.
"Ako nga po pala si Hector Dela Merced. Nandito ako para ligawan ang anak ninyo." Dinig na dinig sa boses niya ang awtoridad. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ang hari dito. Nakakapanuyo ng lalamunan ang kanyang boses na umalingawngaw sa buong bakuran namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top