Kabanata 13
Kabanata 13
Problema
Kabadong kabado ako nang naaninag ko ang bahay namin. As usual, si lola lang ang nasa duyan at panay ang bulong niya sa kanyang sarili.
Maingat kong binuksan ang gate. Mukhang wala namang nakakahalatang pumasok ako bukod sa mga nag iingayang manok sa bakuran.
Tumingin si Lola sa akin. Lumapit ako sa kanya para mag mano. Hinayaan niya ako at tinitigan parin.
"Magandang umaga po, La." Bati ko.
"Bakit ka nandito? Ayaw kong maligo." Aniya.
Umangat ang labi ko. Minsan nakakatuwa si lola. Isip bata na dahil sa kanyang sakit.
Umupo ako sa puting bakal na upuan malapit sa duyan.
"La, kilala niyo po ba si Don William Dela Merced?"
"Si William? Yung kaibigan ni Francisco. Oo. Bakit?"
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pero bago pa ako makapag formulate ng bagong question ay napatalon si lola.
"SI FRANCISCO!" Galit niyang sinabi.
Kinilabutan ako. Akala ko nakikita niya ang kaluluwa ni lolo. Pero napagtanto ko ring hindi... ito na naman siya...
"BAKIT WALANG NAKAPAGSABI SAKING PATAY NA SIYA? BAKIT DI AKO NAKAPUNTA SA BUROL NIYA?" Panay na naman ang kanyang talak.
"La..." Narinig kong lumabas si Teddy.
Laking gulat niya nang nakita ako na nandoon. Tumayo ako at inirapan na lang ang kanyang nakangising mukha. Pinasadahan niya ako nang tingin bago ako kinamusta.
"Anyare sa misyon mong bumalik ng Maynila, Chesca? Ba't ka umuwi?"
"Bakit? Gusto mo bang mabulok ako dun?" Inirapan ko siya.
"Akala ko mabubulok ka dun. Ang aga yata ng pagbabalik mo? Parang kahapon lang ay umalis ka... kahapon pa pala talaga." Humagalpak siya sa tawa.
"Tedd-" Nalaglag ang panga ni Craig nang nakita akong nakatayo doon at kausap si Teddy. "Saan ka ba galing, Chesca? At ba't bumalik ka pa? Alalang alala si mama at papa sayo at hindi ka pa makontak sa cell mo! MAAAA!"
Bago pa ako makapagsalita ay pinagtatawag na ni Craig ang mga magulang namin. Inirapan ko silang dalawa.
"Andito na po si Chesca!"
"HA? ANONG-! WA'G MO KONG BIRUIN NG GANITO CRAIG!" Narinig ko ang panginginig sa boses ni mama habang nagmamadali silang lumabas ng bahay para makita ako.
Niyakap ako ni mama. Si papa naman ay umismid sa akin. Si Tiya at Tiyo ay parehong nakahalukipkip sa gilid. Humagulhol si mama at dinama ang mukha ko. Parang kinukurot ang puso ko... kahit na ganito, pamilya ko parin talaga sila. Sila parin ang maasahan kong sumalo sakin pag walang wala na ako.
"Saan ka galing? A-Ang ibig kong sabihin, galing ka bang Maynila? Anong nangyari dun?" Mabilis na nagpaulan si mama ng tanong.
"Umuwi na po ako."
"Obviously, tsss." Singit ni Craig sa gilid.
"Eh..." Napalunok ako.
Naalala ko ang nangyari. Naaalala ko ang pagkapatong ni Clark kay Janine. Naalala ko lahat ng sakit na natamo ko sa Maynila. Napaupo na lang ulit ako sa upuan habang tinitingnan si mama.
"Yung boyfriend mo, Chesca?" Tanong ni tiya.
"Nangaliwa, ano?" Singit naman ni Craig.
Matalim kong tiningnan si Craig. Wala akong sinabi pero napagtanto agad iyon ni mama.
"Sino ba yang boyfriend mo, Chesca? Anong ginawa niya sayo?"
Pinilit kong buuin ang boses ko.
Panahon na siguro para magsabi ako ng totoo sa pamilya ko. Tutal naman nagawa ko nang lumayas sa kanila... may malaking kasalanan ako at nararapat lang na bigyan ko ng explanation ang lahat.
"Sorry po talaga." Nanginig ang boses ko.
Kahit anong pagbuo ko nito ay lagi paring bumabalik sa panginginig. Pinakilala ko sa kanila si Clark Joson, ang boyfriend ko mula highschool. At kinwento ko sa kanila kung paano niya ako inalok na siya na mismo ang magbabayad sa tuition fee ko pagka college. Mayaman din kasi ang pamilya nina Clark kaya kayang-kaya akong tustusan. Syempre, tumanggi ako dahil ayokong nagmumukha akong manggagamit ng tao. Isa pa, nag aalala ako sa pamilya ko kaya sumunod ako dito.
"Naku, eh, anong nangyari? Sayang pala at malaking unibersidad pa ang inalok sayo-" Siniko ni tiyo si tiya Lucy.
Binanggit ko rin sa kanila ang nangyaring kataksilan. Iyon nga lang, hindi ko binanggit na si Janine ang ibang babae niya.
"Susmaryosep, diyos mio." Sabi ni tiya at umalis para ihatid si lola sa loob.
Umupo si mama sa duyan habang ako ay nagpipigil ng luha. Mahal na mahal ko si Clark. Buong alaala ko noong highschool ay siya ang laman. Iyong mga obsessive pictures niya sa akin na nilalagay niya sa bawat bulletin board sa school at ang mga salita at pangakong binitiwan niya sa akin, hindi rin madaling kalimutan ang mga yun.
Hinaplos ni mama ang aking mukha at inangat ito para magkatinginan kaming dalawa.
"Sabi sayo, Chesca. Hindi pa panahon para mag love life ka ngayon. Dapat ay nag aaral ka muna."
Tumango ako. Don't worry, mom, I hate boys.
"Pag may pinag aralan ka na, aangat ang value mo. Hindi ka na basta basta lolokohin ng kahit sino. At isa pa... hindi ko pinagsisihang nabuntis ako ng maaga noon sayo, pero mas mabuti parin na magtapos muna ng pag aaral bago magpamilya. Mas maayos sana ang buhay natin ngayon kung nagtapos ako."
Tama si mama. Tumayo siya at tinalikuran ako. Pero bago siya tuluyang umalis para ipaghanda ako ng merienda ay may binitiwan siyang salita...
"Kontrolin mo yang puso mo. Nasa baba yan ng utak kasi alipin yan ng utak. Kung babaliktarin mo silang dalawa, malulunod ka lang. May rason kung bakit nasa ulo ang utak. Ito ay upang siya ang makinig, makakita, makaamoy at makapagsalita. Samantalang ang puso ay nasa dibdib, para lang makiramdam. Wa'g mong hayaang manaig ang pakiramdam mo sa mga tunay mong nakikita, naririnig, naamoy, at sinasabi."
Kinagat ko ang labi ko. May punto si mama. Tama siya dun. Kailangang mas maging maingat. Kung pwede lang ay hindi na mainlove ulit... No, scratch that... Hindi na ako maiinlove ulit.
Nakahalukipkip si Teddy at Craig sa harap ko. Nakatingin si Teddy sa t-shirt ko. Nang nakita niyang tinitingnan ko na rin siya ay humugot siya ng hininga para makapagsalita.
"Kay Hector Dela Merced ang damit na yan, diba?"
"Pano mo nalaman?"
Nagkibit balikat siya at ngumisi, "Nagkita kayo? Tinulungan ka niya?"
Nanliit ang mga mata ko, "Ano ngayon?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni mama, Ateng?" Sabi ni Craig. "Gamitin mo ang utak mo."
"Ginagamit ko naman ang utak ko!" Utas ko.
"Kung ganun ba't namumula ka?Naiinlove ka na ba kay Hector Dela Merced?"
Umusok ang tainga ko sa galit, "Anong sabi mo, Craig? Anong tingin mo sakin? Kahapon lang kami naghiwalay ni Clark at tingin mo yan agad ang aatupagin ko? At hindi ako ganun ka daling ma inlove! Lalo na ngayon kaya tumugil ka at baka masakmal kita!"
Humalakhak si Craig, "Talaga? Then, ate, get the damn land title. Kung hindi ka pala maiinlove, siya ang paibigin mo at kunin mo ang titulo."
"WHY WOULD I DO THAT?"
"Because that's our land!"
"Pero kanila na iyon!"
"ANO?" Galit na utas ni Craig. "Hahayaan mo? Bakit? Naiinlove ka na talaga kay Hector!?"
"Tama na, Craig. Desperado ka lang! Hinuhusgahan na tayo ng mga tao dito dahil sa pagiging tuso ng mga ninuno natin. Bakit pa natin palala-"
"Then we'll prove them right. At oo, desperado ako. Desperado tayo! Wala na tayong negosyo kung mawawala iyon. And to them, that's just a small part of their land, Chesca! ekta ektarya ang lupain nila! Hindi nila mapapansin ang Alps!"
Napatingin ako kay Teddy na ngumunguso sa akin. Alam kong iyon din ang iniisip niya. Pareho silang dalawang mag isip. Alde'ng Alde. Hindi ko alam kung anong kabalbalan ni papa at ni Tiyo noon at bakit lubos makapanghusga ang mga tao sa kanila. Pero ang alam ko, si lolo ay sugarol at tuso. Kaibigan niya si Don William na lolo ni Hector. Paniguradong sa background pa lang ni lolo na pagkasugarol, mailalarawan na kung gaano siya ka tuso.
"Will you two just leave me alone!" Sigaw ko at mag wa-walk out na sana.
"Stop being selfish, Chesca." Seryosong sabi ni Teddy.
"Kayo ang selfish dito!" Sigaw ko.
"It's for the good of our family."
Inisip ko iyon buong magdamag. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maatim ang mga pinagsasabi nila. At dagdagan pa nitong ilang daang text ni Clark sa cellphone ko nang sa wakas ay nakacharge ako.
"Chesca, let's talk. Please, I love you."
"Chesca, I miss you."
"Ches, parang awa mo na."
"Hon..."
Parang pinipiga ang puso ko. Mahal din kita Clark. Pero punyeta ka... Nanlalambot ako tuwing naaalala ang mukha niya pero hindi kalaunan ay laging sumasagi sa utak ko ang nangyaring kabalbalan. Nakakawalang hiya. Hindi ko kaya.
Umiyak na lang ako nang umiyak sa gabing iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan ng husto. Iyong taong akala moy iyong iyo ay nawala ng parang bula. Kahit mahal na mahal mo siya ay hindi mo siya mapatawad. Hindi mo kaya. Hindi na matatama pa lahat ng pagkakamali kasi nangyari na ang lahat.
Tama ngang mahirap kunin ang loob ng isang tao pero isang pagkakamali lang ay mabilis na nabubuwag ang tiwala mo. At madalas, sa pagkakamaling iyon, hindi na talaga maibabalik pa. May lamat na. May gap na. At ang sakit sakit kasi alam mong iyon ang gusto mo, pero sirang sira na... hindi na mapapakinabangan pa. Kung susubukan mong ayusin ito, baka mas lalo lang masira ang bawat piraso. May mga bagay na naayos pa kahit na nasira na, pero may mga bagay ding kahit anong kumpuni ay hinding hindi na maibabalik pa sa dati.
Magulong magulo ang utak ko. Sa problema kay Clark, sa pamilya... sa sobrang dami ng inaaalala ko, halos makalimutan ko nang may problema din nga pala ako sa school.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top