Kabanata 1
Kabanata 1
Dela Merced
Pinuno ako ng yakap nina mama, at tiya Lucy nang makarating sa ancestral house namin. Iginala ko ang mga mata ko sa bahay na itinayo noong panahon pa ng kastila. Two-storey ang bahay na ito at medyo malaki. Dito tumira ang magkakapatid na Alde. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng Alp spring na mahigit limang ektarya at sa mga alagang sasabunging manok ng yumao kong lolo.
"Mama, si Francesca po." Sabay lahad ni tiya Lucy sa akin kay Lola Siling.
Ngumiti ako pero kumunot ang noo ni Lola Siling.
"Bakit walang nagsabi sa akin na burol na pala ni Daniel!" Nanggagalaiting bungad sa akin ni lola.
"La, matagal na ho yun." Paglalambing ni Teddy.
Tumingin ang pinsan ko sa akin at umiling habang pinapatayo ang nagaalburotong si Lola Siling. The last time I saw her, she's not like that.
"Lumalala na yata ang Alzheimer's ni mama." Buntong hininga ni Tiya.
Hindi ako makapaniwala. SIguro ay matagal-tagal na talaga akong di nakakabalik. Sa pagkakaalala ko ay matalas pa ang memorya ni Lola noon. Pero sa bagay, iyon naman ang madalas na sakit ng matatanda. Ninety-seven years old na si Lola at puno na ng puting buhok ang kanyang ulo.
"O, Craig, iakyat mo yung gamit mo ni Chesca sa taas. Dun sa kwartong katabi ng sayo." Utos ni mama sa kapatid ko nang nakita ang bagaheng dala ko.
Pinisil ko ang kamay ko at pinasadahan ulit ng tingin ang bahay na inaanay na ang haligi, "Mama, di ako magtatagal dito."
Kumunot ang noo ni mama at hinila ako sa sofa ng sala.
Umupo sa magkabilang gilid ko si mama at Tiya Lucy. Si tiyo at papa naman ay mukhang abala sa backyard.
"Gusto ko ng bumalik sa bahay." Pag amin ko.
Concrete ang bahay namin at kahit paano'y maayos naman. Nagtatrabaho sa gobyerno si papa kaya kahit paano ay nakakaahon kami noon. Kasabay pa ng natatanggap naming pera galing dito sa Alegria ay tamang tama lang iyon. Pero ngayong napilitan siyang mag early retirement dahil sa kalagayan ni lola at dinagdagan pa ng pagbagsak ng Alps sa di malamang kadahilanan ay medyo tumagilid na ang buhay namin.
"Ches, kung wala na kaming choice, baka ipagbibili na namin yung bahay." Ani mama.
"HA? Bakit?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Hindi ako makapaniwala. Matagal na kami sa bahay na iyon at kailanman hindi ko naisipang aabot kami sa ganitong desisyon.
"Ano ba kasi talaga ang problema, mama? Bakit ba mukhang malulugmok na tayo sa kahirapan?"
Nagkatinginan sina mama at tiya Lucy sa akin. Unang nagsalita si Tiya na ngayon ay mukhang nahihirapan kung paano sasabihin sa akin ang lahat.
"Si Teddy pinauwi ko nga. Yung Alps, Chesca, wala sa atin ang titulo nun."
"Paanong wala, e, atin yun diba?"
Umiling agad si Tiya. "Sinangla yun ni mama sa mga Dela Merced about 15 years ago."
"HA?" Nalaglag ang panga ko.
"Oo." Nagkibit balikat si Tiya. "Pero hindi naman yun legal na sangla. Magkaibigan kasi ang lolo mo at yung si Don William Dela Merced. Alam mo naman yung lolo mo, sugarol. Kaya napilitang isangla yung Alps. Walang kaso noon dahil magkaibigan naman ang dalawa. Pero ngayong patay na silang dalawa at pinasurvey namin ulit ang buong lupain, hindi na namin makuha ang rights noon dahil wala na ang titulo."
"Nasan?"
"Ano ba, Chesca? Nasa mga Dela Merced."
Hindi ako magaling sa mga apelyidong sikat dito sa Alegria. Hindi naman ako dito ipinanganak at hindi ako pamilyar sa mga taong nakatira dito. Ang alam ko lang ay ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao dito ay farming dahil sa matabang lupa at malalawak na kapatagan at bulubundukin.
"So? Kung hingin natin-"
"Kailangang bayaran ang utang ng lolo mong 500 thousand pesos bago iyon makuha sa mga Dela Merced."
Nakita ko ang panlulumo sa mga mata ng mama at tiya ko. Napalunok ako. Ganun ka laking pera?
"Ngayong nag eexpand ang cattle ranch nila ay nag papasurvey na rin ang mga Dela Merced ng kanilang lupa. Alam mo namang gilid lang ng Alps yung simula ng lupa ng mga Dela Merced, dinig namin na isasali nila ang buong Alps Spring sa pagpapasurvey."
"Grabe naman, Tita. Hindi pa ba sapat na sa kanila ang Tinago? Tsss." Untag ng kabababang si Craig.
Masama agad ang tingin niya sa akin. Ako rin ay binigyan siya ng masamang tingin.
Ngumuso ako kay Tiya at mama, "Anong magagawa ko para sa Alps kung nandito ako?"
Iyon ang palaisipan sa utak ko. Wala akong magagawa. Magiging pabigat lang ako dito sa bukid ng Alegria dahil wala naman akong alam na gawain bukod sa kumain.
Pinukpok ko ang cellphone ko nang nakitang isang bar lang ang signal ko. May mga mensaheng pumapasok pero pahirapan sa pag send ng isa pang mensahe. Sa isang network, medyo okay kasi dalawa ang bar ng signal at nakakapag text ako ng maayos. Kaso ay paubos na ang load ko.
"Tara! Yuhoooo!" Sigaw ni Teddy.
Nagpasya silang dalawa ni Craig na mamasyal na lang dahil halos manggalaiti sa galit si mama sa akin dahil ayaw kong mag enrol sa community college. Oo, gusto kong maging praktikal. Pero ngayong nahiwalay na ako kay Clark at narealize na tama siya, sana ay hinayaan ko na lang siyang tulungan ako sa pag aaral ay nawalan ako ng gana dito.
Naiirita ako. Kasi si Craig na hate na hate ang bukid ay mukhang chameleon na nag bi-blend in na dito. Naka shorts at white sleeveless silang pareho ni Teddy. Si Teddy naman ay may ball cap habang nag dadrive sa lumang pick up nila.
"Ateng, wa'g ka ng malungkot. Masaya naman dito sa Alegria." May bahid na sarcasm ang pagkakasabi ni Craig sa akin nun.
"Oo nga. Ayan." Tinuro ni Teddy ang isang malawak na soccerfield. "Diyan naglalaro ng soccer ang mga taga Alegria."
Pinagmasdan ko ang mga lalaking naglalaro ng soccer doon. Sa di kalayuan ay natanaw ko naman ang isang simbahan.
"Diyan nag sisimba."
"Obviously." Umirap ako.
Madalang ang tao sa mga daanan doon. Siguro ang pinaka maraming taong nagtitipon ay doon lang sa soccerfield. Iyon yata ang sentro ng Alegria. May market pa sa unahan ng simbahan kung saan dinadagsa na kasi malapit na ang pasukan.
"Mamimili muna kami ni Craig. Ikaw? Gusto mo mamili?" Tanong ni Teddy.
"Bakit ako mamimili, e, di naman ako dito mag aaral."
"Aarte ka pa ateng e wala ka ng choice wala na tayong pera para sa Maynila." Banayad na sinabi ni Craig.
Lumabas kami sa sasakyan.
"Dito na lang ako maghihintay." Sabi ko at sumandal sa pintuan ng sasakyan.
Tumango silang dalawa at umalis. Humalukipkip naman ako at pinapanood ang mga taong nagkakagulo para sa mga jologs na gamit. Yes. Nakikita ko sa kinatatayuan ko na pinag aagawan ng mga ka age kong babae ang isang damit na hindi ko maintindihan ang disenyo. Malayo pa lang ako ay kitang kita ko na ang kapangitan ng materyales na ginamit dito.
Natawa akong mag isa habang iniisip na mamamatay muna ako bago ako mananatili sa remote area na ito. Umayos ako sa pag tayo nang bigla kong naramdaman ang pagkakapunit ng floral sleeveless top ko.
"Leche! Kinakalawang na pala tong pick up ni Teddy!" Utas ko sabay layo doon nang nakitang nagkabutas ang damit ko.
Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang laki ng butas sa damit ko.
"Shit! Ito pang mamahalin. Walangya talaga. Badtrip." Bulong ko sabay tingin parin doon sa butas.
"Oppps, sorry!" Humalakhak ang isang naka jerseyng lalaki.
Hindi ko alam kung sinadya niya ba akong bungguin o talagang humaharang ako sa daanan niya. Pero sa mukha niya ngayon ay mukhang sinadya niya ito. Naka evil smile kasi at kumikindat pa.
"Ew. Jejemon." Bulong ko sa sarili ko.
"Ako nga pala si Koko." Sabay lahad niya ng gusgusing kamay sa akin.
Kinagat ko ang labi ko kasi natatawa ako. Hindi sa tuwa kundi sa panunuya sa pangalan niya. Coco? Coco Martin? Koko Crunch!? Halos sumabog ako sa kakatawa kaya mas lalo ko na lang kinagat ang labi ko.
Tumango lang ako at tinanggap ang kamay niya.
"Chesca." Utas ko.
"Koby, tara na!" Sigaw ng isang lalaki na naka jersey din.
"See ya later, alligater."
Umiling na lang ako. Jusko. To hell with you! Ang korni talaga. Kinindatan niya pa ako bago pumihit. Unti-unti na lang nalaglag ang panga ko nang nakita ang likod ng jersey niya.
"Dela Merced." Kibot ko.
Hindi siya naalis sa utak ko hanggang sa dumating si Craig na nagsasabi nito...
"Binilhan kita nitong notebook at baka magbago ang isip mo. Hindi ko alam kung yung mga halaman ba ang gusto mo o yung mga aso-"
"Leche!" Nag init ang mukha ko sa galit. "Sabing ayoko!"
"Oh, e, wala na tayong magagawa! Bumili na ako." Sabay lapag niya sa mga notebook sa loob ng sasakyan.
Panay ang galit ko habang pinapasyal ulit kami ni Teddy sa buong Alegria. Wala akong inatupag kundi ang mag mura at pansinin ang mga kapangitang ng Alegria.
"Ano ba ito? Lubak lubak? Hindi ba ito sinisemento? Hindi ba umaabot ang semento dito?"
Habang tumatagal ay mas lalo kong inayawan ang Alegria. It was not so bad at first, pero ngayong kasabay ng pangungulila ko kay Clark at sa aircon at mabango niyang sasakyan ay ang pagdurusa ko dito sa walang kabuhay buhay na lugar na ito ay wala na akong nagawa kundi ang ilingan ang alok na dito ako mag aaral.
Nasa Alps kami nang medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Basta ba wa'g lang akong kausapin ng lintek kong kapatid ay bumubuti naman ang pakiramdam ko.
"Nagtanggal ng tao si papa nung isang araw. Kaya hindi na masyadong namimaintain ang kalinisan." Sabay pulot ni Teddy sa mga dahon na nahuhulog sa sahig ng spring.
Marami parin naman ang pumupunta at naliligo dito. Pero ang sabi ni Teddy ay baka humingi na ng hating kita ang mga Dela Merced sa oras na matapos ang survey ng lupa nila.
"Bakit ba nila pinapasurvey ang lupa?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga bata na naliligo sa mainit na tubig sa isang lagoon. "At nga pala... may nakita akong Dela Merced kanina sa market."
Ngumuso si Teddy sa akin. "Pinapasurvey nila yung lupa kasi itatransfer na nila ang pangalan ng buong rancho sa natatanging taga pag mana."
Tumango ako, "Sino ang tagapag mana."
"Siguro yung nakita mo kanina. Siya lang naman ang Dela Merced."
Hinawi ko ang buhok ko at tinaas ang kilay.
"Mayabang yun, ah?" Sabi ko.
"Hmmm. Siguro. Hindi ko alam. Hindi ko naman nakakasalamuha iyon." Humalakhak si Teddy.
"Kung babae lang ako..." Boses pa lang ni Craig ay nag iinit na agad ang baga ng galit sa sistema ko. "Papaibigin ko yang Dela Merced na yan. At papaikutin ko. Sasabihin ko sa kanyang ibigay na lang ang lupa satin. Hmmm. Or pwede ring hahanapin ko sa bahay nila yung kasulatan kasama ang titulo ng lupa at iuwi sa atin."
Nag evil smile si Craig at si Teddy sa akin. Umiling ako at inirapan ang dalawa.
"Wa'g niyo akong isali sa kagaguhan ninyo." Mataray kong utas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top