Kabanata 9
TUMATAKBO ang isang babae palabas sa liblib ng kakahuyan. Kahit hinihingal at tagatak na ang pawis at nakakaramdam na ito ng sobrang pagod ay hindi ito nag paawat na tumakbo nang tumakbo. Mas binilisan pa nito ang pagtakbo nang mapansin na palapit na ang humahabol sa dalaga.
Nakalimutan niya kung paano siya napadpad ulit sa lugar na iyon. Ang tanging gusto lang naman ng babae ay malaman ang lahat ng kasagutan kung bakit nila nararanasan ang mga kahindik-hindik na pangyayari.
Sinubukan niyang sumigaw. Umaasa na may tao ulit sa hindi kalayuan ngunit hindi mawari ng babae kung bakit sa pagtakbo niya ay mas lalong humahaba ang kaniyang tinatahak. Para bang walang katapusan ang kaniyang dinadaanan.
Matataas na puno at tunog ng mga kuliglig ang namayani sa buong kagubatahan. Nang makarinig siya ng tunog ng sapa ay mas binilisan niya ang pagtakbo at nagtungo roon.
Malalaking bato ang naabutan ng dalaga sa sapa. Hinawakan niya ang saya at pumunta siya sa tingin niyang malaking bato. Umiiyak nagtago ang babae ro'n. Hinawakan niya ng mariin ang bibig upang hindi makagawa ng ingay na magtuturo sa pinaroroonan niya.
Maingat siyang nag hintay sa likuran ng bato. Sa ingay ng tubig ay hindi niya masyado marinig ang yapak o takbo ng isang tao. Dahil doon ay mas lalo siyang nag ingat.
Alam ng dalaga na ginawa niya ang lahat upang makapagtago at hindi mag ingay ngunit hindi niya mawari kung bakit wala sa kaniya ang swerte dahil nanlalaki ang mata niya nang maramdaman ang tao sa kaniyang likuran.
"Hoy!" Matinis na tumili ang dalaga nang mawalan siya ng balanse sa maliliit na bato sa sapa. Bumagsak siya sa tubig habang hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
NAGIMBAL sila ng marinig ang isang balita. Agad silang nag tungo sa ilog na magkakaibigan. Mabilis ang kaniyang tibok ng puso dahil sa takot at kabang nararamdaman.
"Nasaan si Arabella?" paulit-ulit niyang tanong. Hindi kasi nila ito kasama. Walang nasagot sina Esme at Josefina. Mahahalata rin sa mga ito ang takot.
Nang makarating sila sa ilog ay may ilan ng mamayanan ang naroon at ilang guardiya sibil. Luminga-linga ulit siya. Binilang niya ang mga kaibigan niya. Kailangan niya manigurado na kumpleto sila.
Inis siyang bumaling kay Alberto nang hindi niya matanaw si Arabella. Pinaypay niya ang abaniko habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
Humawak si Josefina sa kaniyang kamay. Nanginginig ito. Nilingon niya ang kaibigan. Nakatingin si Josefina sa ilog. Mabilis siyang bumitaw dito at lumapit sa mga taong nagkakagulo.
"Arabella," mahinang saad ni Sullivan sa kaniyang gilid. Hindi niya namalayan nasa tabi na niya ito. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang mahigpit na bumilog ang kaniyang kamao.
Imposible.
Namamalikmata lamang sila.
Hindi ang kaibigan nila ang lumulutang sa ilog. Hindi si Arabella iyon.
Lumingon siya sa mga kaibigan niya. Halatang gulat din ang mga ito. Sa tabi ni Esteban ay umiiyak si Josefina. Binalingan niya si Esme. Naka awang ang bibig nito.
"Bakit wala pa rin si Arabella? Nasaan na ba siya?" saad niya. Do'n lang lumingon sa kaniya ang mga kaibigan. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siyang umiiyak. "Nasaan si Arabella?" pag uulit niya. Sa mga oras na iyon ay nanghihina na siya.
"Esther, h-hindi na siya makakarating," ani Lorenzo. Nang marinig niya iyon ay tuluyan na siya humagulgol at binalik ang tingin sa bangkay sa kanilang unahan.
Skylar.
PAUWI na si Josefina sa kanila. Sakay ng kalesa nang mapasigaw siya sa kaniyang nakita. Gulat nahinto ng kutsero ang pagpapatakbo sa kabayo. Nanginginig si Josefina na tinitigan ang lalaking nasa hindi kalayuan.
"Señorita, ika'y maayos lamang ba?" nag aalalang tanong ng kutsero. Hindi nagawang sumagot ni Josefina rito dahil hindi niya magawang ialis ang tingin sa lalaki.
"Pu-pwede po ba tayong pumunta muna sa tahanan ng mga Escalante? Kailangan ko lang po makausap si Esme."
Sinunod ng kutsero nina Josefina ang utos nito at niliko ang kalesa para pumunta sa tahanan ng mga Escalante. Nang makarating sila ay gulat na sumalubong si Esme sa dalaga.
Tinawag agad nito ang kapatid na si Esteban. Naguguluhan na tumingin si Esme sa kaibigan. Balak pa sana hawakan ni Esteban ang kamay ni Josefina dahil alam nitong hindi ito mapakali.
"Sigurado ba kayong dalawa lang ang magkapatid sa panahon na ito?"
Sumalubong ang kilay ni Esme. "Oo, dahil kung mayro'n pang iba. Sana nandito siya."
"Bakit mo natanong?" wika ni Esteban. Gusto na ng binata malaman kung bakit gano'n kinikilos ng kaniyang kasintahan.
Huminga ng malalim si Josefina. Hindi niya alam kung bakit siya sobrang kinakabahan. Dapat nga ay maging masaya pa siya dahil sa kaniyang nalaman. Ngunit hindi niya magawang mag-isip ng iba't ibang bagay.
"Ano 'yon?" tanong ulit ni Esteban nang hindi agad sumagot si Josefina.
"Nakita ko si Eliac."
GULAT nakatingin kay Josefina ang kambal. Saglit tumahimik ang dalawa bago napasigaw si Esme sa kaibigan.
"A-ano? Ano ang iyong tinuran?"
Hindi makapaniwala si Esme sa kaniyang narinig. Maski si Esteban na may makisig na tayo ay nawalan ng balanse.
"Si E-eliac! Nakita ko siya! Nandito rin siya sa Solomon."
"Sigurado ka ba d'yan?" tanong ni Esme. Mahahalata sa dalaga ang kabiglaan. No'ng nakaraan pa nila hinahanap ang kaniyang kapatid at sobra na siyang nag aalala para dito.
"Kamukhang-kamukha mo siya Esteban. Ngunit wala siyang suot na salamin."
"S-si Eliac."
"Pasensiya na, hindi ko nagawang puntahan ang inyong bunsong kapatid dahil agad ako nagmadali makarating sa inyong tahanan para iparating ang aking nakita."
Humawak si Esteban sa likuran ni Esme pagkatapos ay tumingin ang binata sa ilang katiwala.
"Nasaan sina Ina at Ama?" tanong ni Esteban sa mga ito. Hindi kasi nila alam kung nasaan ang mag asawang Escalante dahil kakauwi lang nila galing sa bayan. Sasagot pa sana ang mga kasambahay nang marinig nila ang kalesa sa harapan ng kanilang tahanan.
Madaling lumapit si Esme sa mga ito habang nag paiwan si Esteban sa tabi ni Josefina. Hinintay ng magkasintahan na pumasok ang mag asawang Escalante. May katangkaran si Don Rafael at may manipis itong bigote. Si Donya Felicita naman ay may kulot na buhok at mestiza.
"Señorita Josefina, ika'y naparito," bati ni Donya Felicita pagkatapos ay bumaling kay Esteban. Nagbigay galing si Josefina sa mag asawa. Humawak naman si Esme sa bisig ng kaniyang ina. "Ako'y pauwi na rin po, Señora. Baka hinahanap na po ako sa amin. Dinalaw ko lang po saglit si Esme."
Ngumiti ang Donya. "Kung gano'n ay sayang naman. Hindi na pala kita maiimbitahan sumalo samin sa hapagkainan. Sa susunod na lang at ika'y mag iingat sa daan."
"Salamat po sa anyaya, Señora. Mauuna na po ako."
Parehas binalingan ulit ni Josefina ang mag asawa bago lumabas at sumakay sa kalesa nito para makauwi na. Naiwan ang mag anak sa salas. Sumenyas si Esme sa kapatid na maghintay ito sa pagtanong.
Hindi iniwan ni Esme ang tabi ng ina hanggang makapunta sila sa hapagkain. Nasa pinaka centro ng lamesa nakaupo si Don Rafael. Sa kaliwa nito ay ang asawa at sa kanan nito ay si Esteban habang tumabi naman si Esme sa ina.
Kumain silang mag-anak. Nangamusta si Don Rafael sa dalawang anak. Maayos naman sumagot sina Esteban at Esme. Sa kalagitnan ng kanilang pagsasalo ay maingat nag simula mag salita si Esteban.
"Ama, may nababalitaan po na hindi lang kami ni Esme ang iyong anak at may sumunod pa sa iyong unica hija. May katutuhan—"
Parehas nagulat sina Esme at Esteban nang padabog na binaba ni Don Rafael ang babasagin baso sa lamesa. Mahahalata naman kay Donya Felicita ang kaba at takot.
"Kung saan niyo man narinig ang balita na iyan ay walang katotohan ang lahat ng iyon. Huwag niyo isabwat ang inyong sarili sa mga ganyan hakahaka."
Humigpit ang kapit ni Esteban sa kubyertos. Hindi naman makapaniwala si Esme na harap-harapan sa kanila nag sinungaling ang Gobernadorcillo. "Lo entiendes?!" (Do you understand?!)
Nang hindi sumagot ang dalawang magkapatid ay inulit ni Don Rafael ang sinabi. Mariin nakatingin si Esteban sa plato nito habang pinagmamasdan ito ni Esme. Kinagat ng dalaga ang ibabang labi bago sinagot ang ama.
"Sí, papá," ani Esme. (Yes, Dad)
Inangat ni Esteban ang ulo at sinalubong ang tingin ng kapatid. Umiwas ng tingin si Esme dahil alam niyang galit ang kaniyang kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top