Kabanata 5
HINDI pa rin siya nasasanay sa tuwing maagang ginigising siya ni Flor para sumabay kumain ng almusal kasama ang kaniyang ina at ni Dolores. Hindi rin nila nakasama ang ama at kuya Nimuel niya dahil maagang lumuwas ang mga ito pa Maynila.
Kasama niya si Flor naglalakad sa gilid ng hardin ni Señora Carmen nang mapansin nila ang bagong karwahe na huminto sa harapan ng kanilang tahanan. May pagka-kuryusidad siyang hinintay kung sino ito.
"Ano kaya ang pakay ni Ginoong Alberto at siya'y naparito?" wika ni Flor.
Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad niya ito iniwan para puntahan si Cloud o Alberto sa panahon na iyon. May ngiti sa labi si Alberto nang dumako ang paningin nito sa kaniya.
"Binibini," marahan na bigkas ni Cloud sa kaniya. "Bakit ka naparito, ginoo?" tanong niya. Napalingon pa siya saglit sa kaniyang gilid nang marinig ang reklamo ni Flor.
"Nais kitang makausap."
Ngumiti siya. "Tayo'y pumasok muna saglit sa loob upang mapahayag mo ang iyong sadya."
Nauna sila ni Flor pumanhik sa loob habang nakasunod naman si Alberto sa kanila. Hinayaan sila ni Flor magusap sa salas habang ito ay nasa gilid nakamasid. Isa sa nalaman niya ay hindi dapat iwan ang isang babae at lalaki na silang dalawa lamang.
Palagi dapat may nakamasid o nakabantay sa kanilang paguusap o pagtatagpo.
"Ano iyon, ginoo?" Hindi rin sila magkatabi sa iisang upuan. Kaya, kailangan niya tuloy mag salita sa hindi niya nakasanayan. "Ako at ang ating mga kaibigan." Huminto ito at saglit lumingon kay Flor na may masamang tingin.
Hindi niya alam kung bakit gano'n ang inaakto ni Flor sa binata. Ibang-iba kay Emmanuel ang pakikitungo nito.
"Bukas ay bibisita ang ating mga kaibigan sa kainan nina Sullivan. Nais ko sanang makasabay ka pumunta."
Muntik na siya masamid sa sinabi nito. Did he really say that?
Pinagmasdan niya ang mukha nito. May nakakalokong ngiti ito sa kaniya. Umikot ang mata niya. Paniguradong pinagloloko siya nito. Bakit ba talaga siya nito pinuntahan?
She was about to answer him when she heard Flor. "Binibini, narito si ginoong Sullivan."
A what now? Anong mayro'n at bakit nandito ang dalawa sa kanilang tahanan?
Parehas silang tumingin ni Alberto sa malaking pinto na pinagpasukan ni Sullivan. Napansin niya na may masamang tingin si Alberto rito. Mabilis tuloy siya lumapit sa gitna ng dalawa.
"Sullivan," tawag niya. Nakakunot na tumingin saglit si Sullivan kay Alberto bago bumaling sa kaniya. "Ika'y narito rin pala, Alberto," anito.
Parehas naman niya binalingan ang dalawa ng salitan. Nakagat niya ang ibabang labi sa kaba. Mabuti na lang talaga at wala ang magulang niya at mga kapatid. Paniguradong bibigyan ito ng malisya ang pagbisita ng dalawa.
"B-bakit ka naparito, ginoo?"
Lumingon ulit si Sullivan kay Alberto bago bumaling sa kaniya. "Bukas ay nais kitang paanyayahan dumalo sa isang kainan—" Natigil nito ang pag sasalita nang marinig suminghap si Flor.
Umayos naman ng tayo si Sullivan. "Kumain kasama ang ating mga kaibigan sa aming munting karinderya. Para na rin mangamusta."
"Oh, that was—" Pilit na ngumiti siya. Mabuti na lang may pagkamahina ang sinabi niya. "Nasabi nga sa akin ni ginoong Alberto at oo, pupunta ako bukas."
KATULAD nang paanyaya ni Sullivan ay nag paalam siya sa ina para tumungo sa malaking kainan ng pamilyang Beltran. Anak ng negosyante ang tunay na si Sullivan sa panahon na ito.
At kilala sa mamayanan ng Solomon ang kainan ng pamilya ng binata.
Nagpahatid lang siya sa kanilang kutsero at hindi sinama si Flor dahil alam niyang kailangan nilang magkakaibigan makapagusap ng seryoso tungkol sa nangyayari sa kanila.
Tanging si Emmanuel lang ang hinayaan niya na sumama sa kaniya dahil kilala nito kung sino ang tunay na siya. Gusto rin nito mahanap kung nasaan ang tunay na Esther.
Nang makarating siya sa salu-salo ay hindi niya mapigilan ang maluha nang makita ang kaniyang mga kaibigan. Isa-isa niya ang mga tiningnan. Mahahalata ang kaba at pananabik ng mga ito sa isa't isa pero hindi rin maiiwasan makaramdam ng pag-aalala sa dalawa pa nilang kaibigan hindi nakikita.
May taas ang restawran nina Sullivan at do'n sila pumuwesto. Malayo sa mga mata ng ibang tao na makakakita sa kanilang magkakasama.
Umikot ang mata ni Alberto nang makita na kasama niya si Emmanuel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap nito na tutulong ito sa kanila.
Bago umupo ay hinagkan niya si Maddy o Josefina sa panahon na iyon at si Skylar o Arabella naman. Tumabi siya kay Esme habang sa kabilang gawi niya ay si Emmanuel.
Pabilog ang kanilang puwesto. May mga pagkain pero may ilang papel din sa ibabaw ng lamesa. "Mabuti hindi nagtaka ang ina ni Sullivan sa'yo, Axel. Paano mo napapayag sila na tayo lang dito sa itaas?"
"Pinagkakatiwalaan nila si Sullivan," tanging saad nito.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula ang paguusap nila. Nagpakilala kung sino ang isa't isa sa panahon na iyon. Sinabi rin nila kung ano 'yong mga nalaman nila sa pamilya na kanilang pinagtutuluyan.
At lahat sila ay nag aalala para kay Eliac at Gianna. Lalo't na nalaman nila na dalawa lang ang anak nina Donya at Don Escalante, kung saan isang gobyernador ang ama nina Esme at Esteban.
Si Maddy o Josefina Guevarra ay isang choir sa simbahan. Ang pamilya nito ay kawani ng simbahan. Kaya, no'ng araw niya sa Solomon ay nakita niya ito sa harap ng simbahan.
Habang si Skylar naman o Arabella Español ay kapatid ng isang mang gagamot.
"May kilala ba sa inyo kay Ophelia? Ilang beses ako tinatanong sa amin kung alam ko ba kung nasaan ito. Wala akong masagot dahil hindi ko naman kilala kung sino ito," ani Arabella/Skylar.
Kumunot naman ang noo niya. Parang narinig na niya ang pangalan na iyon. Inisip niya kung saan niya ito narinig.
"Sinabihan din ako ni Señora Carmen kung pinagdasal ko ba ang kaibigan kong si Ophelia," nag tataka na saad niya. Lahat naman sila ay lumingon kay Emmanuel.
Sa kanilang lahat. Ito ang mas may kilala kung sino si Ophelia.
"Siya'y inyong kaibigan. Ngunit mas matalik nitong kaibigan si binibining Arabella dahil na rin ang kapatid nito ay naging guro ang ama ni binibining Ophelia. Sila'y pareho na mang gagamot," paliwanag ni Emmanuel.
Nginitian niya si Emmanuel dahil kahit pa-paano ay nalinawan sila.
"Sa tingin niyo ba si Ophelia at si Gianna ay iisa?" basag na tanong ni Josefina. Mahahalata pa rito ang kaba.
Lahat sila ay napaisip sa sinabi nito. Kung totoong si Gianna ay si Ophelia?
Nasaan ito?
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nila alam kung bakit na lang sila bigla nakabalik sa nakaraan. Kung may kailangan ba silang dapat gawin para makabalik sa kasalukuyan?
Katulad sa mga kadalasan nababasa o napapanood nila sa pelikula. Imposible kasi bigla na lang sila nakapag time travel na walang dahilan. It has to have one reason why.
Ayon ang pilit nilang hinahanap pero hanggang ngayon ay walang kasagutan.
Manirahan pa lang sa bagong lugar ay sobrang nakakatakot at nakakaba na para sa ibang tao. Paano pa kaya ang makabalik sila sa nakaraan? Ang nararamdaman ng mga kaibigan niya ay siguradong hindi maipapaliwanag.
Dahil mismo siya ay hindi alam ang gagawin. Mag panggap na ibang tao habang hinahanap ang katotohan ay sobrang nakakaba at nakakatakot. Mayro'n pa silang kaibigan na hindi nila mahanap kung nasaan.
Hindi naman sila pu-pwedeng umalis sa nakaraan na hindi nila kasama sina Gianna at Eliac.
PAREHAS silang nakasakay ni Emmanuel sa karwahe pauwi sa kanila. Gusto sana siya ihatid nina Alberto at Sullivan ngunit hindi na niya pinayagan ang dalawa. Kasama naman niya kasi si Emmanuel.
Tinatahak nila ang pauwi nang tumigil ang sinasakyan nilang kalesa. May mga ilang mamayanan ang pinagkakaguluhan ang bandang kakahuyan.
Hindi niya mawari kung bakit siya kinabahan. Dahil sa kaniyang kuryusidad ay bumaba siya ng kalesa. Sumunod naman si Emmanuel sa kaniya.
"Esther, sandali lamang!" sigaw nito sa kaniya pero nagawa na niyang tumakbo palapit sa mga mamayanan.
"Makikiraan po. Makikiraan po," paulit-ulit niyang saad.
Habang palapit din siya nang palapit ay biglang bumabaho ang paligid. Para itong isang masangsang na amoy. Para bang may nag tapon ng sirang karne.
"Esther!"
Huli na nang tawagin siya ni Emmanuel dahil tuluyan na siya napatingin sa kung ano ang pinagkakaguluhan ng ilang mamayanan sa unahan.
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan. Namalayan na lang niya ang sariling bumagsak sa maduming lupa. Hindi maalis ang tingin niya sa bangkay na babae sa kaniyang harapan.
Umiiyak ang puso niya. Gusto niyang sumigaw.
G-gianna.
Dinaluhan siya ni Emmanuel. Hindi naman mag tigil siya sa pag-iyak at pag sigaw habang hindi niya inaalis ang tingin sa kaibigan. Pinilit niya kumawala kay Emmanuel para puntahan ang kaibigan ngunit pinigilan siya nito.
Binalewala na rin niya ang tingin ng iba sa kaniya. Walang mas importante sa ngayon, kundi ay malapitan ang kaniyang kaibigan.
"No, no, no!" pinagsisigaw niya. Punong-puno na ng lupa ang kaniyang kasuotan. Pati ang kaniyang mga kamay. Ngunit lahat ng kaniyang atensyon ay tanging na kay Gianna na wala nang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top