Kabanata 20

1 8 7 9

HINDI lingid sa kaalaman ni Ernest nagawa nang lokohin siya ni Isagani. Ang tanging gusto lamang ni Isagani ay ang makalabas sa itim na garapon kung saan ito kinulong ng sariling kambal na si Isay.

Nag hintay si Isagani ng mahabang panahon bago makahanap ng taong katulad niya na makakatulong sa kaniya na makalabas sa itim na garapon. Isang sisidlan na makakapagpalit sa kaniyang kalagayan.

Kailangan lamang ng limang kaluluwa na tutulong sa kaniya makalabas sa itim na garapon. Sa tulong ni Ernest ay nagawa ni Isagani ang matagal na nitong plano makalaya at mamuhay sa panahon na hindi na pinagbabawal ang pagkakaroon ng kambal.

1 9 8 0

NANG makarating sila sa loob ng gusali agad sila nakarinig ng sigaw nahihirapan. Mabilis silang tumakbo at sinundan kung saan ito maririnig. Nagimbal siya nang masaksihan nilang tatlo ang nangyayari sa loob ng silid.

May dugo ang mukha na lumingon sa kanila ang nagpakilalang si Eliac. May hawak itong mahabang kahoy sa kamay. May malapot na dugo ang nakadikit dito. Tumutulo ito sa sahig na may mga dugo na rin. Ngumisi ito sa kanila.

"Nariyan na rin pala kayo. Bakit ang tagal niyo makarating?"

Gumala ang paningin niya sa buong silid. Makalat at maraming kahoy sa paligid. Napasigaw siya nang makita sina Lilac at Bylac na duguan nakatali sa upuan. Tatakbo sana siya papunta sa mga ito nang hablutin ni Axel ang baywang niya.

"No! Let go of me, Axel!" sigaw niya rito. Dumako pa ang paningin niya sa sahig na may dugo. Duguan nakahandusay si Lupin. Ito ang pinapalo ni Ernest.

"K-kinsley! Hindi siya si Ernest! Yo'ng nakakulong sa itim na garapon. Yo'ng walang puso na si Isagani!" sigaw ni Lupin. Nahihirapan man ay sinubukan nito makapagsalita.

Umiiyak na siya. Galit na galit siya. Pilit siyang pinipigilan ni Axel. Si Cloud naman ay kumuha ng kahoy habang mariin nakahawak dito at nanlilisik nakatingin kay Isagani sa kanilang harapan.

"How dare you killed my friends!" sigaw ni Cloud. Sumigaw siya ng sumugod ito. Hinampas ni Cloud si Isagani. Natamaan ito sa katawan. Umaray si Isagani. Galit na bumaling ito kay Cloud at hinampas din ito.

Mas lalo siya umiyak. Pilit siyang hinihila ni Axel palayo sa mga kaibigan. Pinagsisipa niya si Axel sa inis. "Ano ba! Bitawan mo ako!"

"No! I won't let you get hurt, Kinsley!" Binitawan siya nito. Tinulak niya ito. Inis na inis siya rito. "I don't care! Hindi ko hahayaan na wala akong gawin kung may magagawa naman ako! Hindi ko kaya may mamatay na naman sa mga kaibigan natin! You know how much I fucking hate that feeling. Walang magawa just because everyone said not to do it!"

Natigilan si Axel sa kaniyang sinabi. Mas lalo siya umiyak. Alam nito na sobrang strikto ng magulang niya sa kaniya. Lahat ng sabihin ng mga ito ay sinusunod niya. Pinunasan niya ang luha at iniwasan ito ng tingin.

Lumapit sa kaniya si Axel at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Look at me." Hindi siya tumingin dito. Tuloy-tuloy naman ang pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata. Parang mga tanga lang.

"Kins, look at me, please."

She bit her lower lip then looked at his teary eyes. Nasaktan siya. Ayaw niya nakikita itong nasasaktan. They both were hurting. "I will never stop you for doing what is right but hindi ko rin kaya makitang masaktan ka."

"Axel."

"I know. That's why, we're doing this together. We will help our friends and go home. Promise me, you won't get hurt. Walang mangyayari masama sa 'yo."

Tinitigan niya ito sa mata. "I promise."

"Good." Hinalikan siya nito sa noo pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. "I love you, Kinsley." Natigilan siya. Mas lalo siya naiyak dahil gano'n din ang nararamdaman niya. Hindi niya lang ulit masabi dahil siya mismo 'yong nakipaghiwalay dito dahil ayaw na niya ito saktan at itago lang.

Axel deserved a love na hindi tinatago at pinaglalaban. Hindi niya iyon magagawa.

"Come on." Bumitaw si Axel sa kaniya. Umiwas siya ng tingin dito. Kinuha niya ang nahulog na baseball bat. Parehas silang tumayo at bumalik kung nasaan ang mga kaibigan nila.

Gumugulong sa sahig sina Cloud at Isagani. Parehas sinusuntok ang isa't isa. Puro duguan na rin ang mga ito. Agad niya nilapitan si Lupin namimilipit sa sakit sa sahig. "D-don't mind me. Go to Lilac and Bylac."

Hindi niya sana ito gusto iwan nang puntahan siya ni Axel at ito ang umasikaso kay Lupin. Mabilis siyang lumapit kala Lilac at Bylac. Humagulgol siya nang makita ang kalagayan ng mga ito. Napansin niyang si Bylac 'yong mas maraming dugo.

Nag hanap siya ng matulis na bagay para ipagputol sa lubid nakatali sa dalawa. Agad niya kinuha ang kutsilyo nasa sahig. May dugo pa ito. Nanginginig ang kaniyang kamay na hinihiwa niya ang makapal na lubid.

Ilang beses niya pinatitigan ang kambal. Unti-unti minulat ni Lilac ang mata. Umiyak ito nang makita siya. "I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang saad.

Nang maalis niya ang lubid ay agad niya ito tinanggal sa pagkakatali sa dalawa.

"Kins, si kuya!" Lumingon siya kay Bylac. Napansin niya na puro dugo ang tagiliran nito at may ilang pasa pa ito. Mahina niyang tinapik ang pisngi nito.

"Bylac, wake up. Wake up!" Inis siyang binuhat ito sa kaniyang likuran. Tinulungan naman siya ni Lilac. Nakaalalay ito sa likuran ni Bylac. Hinagilap niya ang mga kaibigan niya. Nanlalaki ang mata niya na hindi niya makita ang mga lalaki maliban kay Bylac sa kaniyang likuran.

"Lilac! Nawawala sila!" sigaw niya.

"A-ano?!" Nilingon niya si Bylac nang umubo ito. "Kuya!" sigaw ni Lilac.

Marahan niyang binaba saglit si Bylac at tinitigan ito sa mata. Sinubukan nito magsalita. Umiling siya rito. "A-ayos lang. You don't need to talk," saad niya.

Nagpumilit naman si Bylac habang nakasandal ito kay Lilac. "K-kwintas.. Kunin niyo 'yong kwintas kay I-isagani." Kumunot ang noo niya pagkatapos ay tinitigan niya si Lilac. Nalilito siya.

"Ah! 'Y-yong kwintas na suot ni Isagani."

"Anong klaseng kwintas?" Kabila't kanan niya tinitigan ang kambal. "H-hindi ko a-alam. I never s-see it," umiiyak na saad ni Lilac.

"Isang maliit na bottle. K-kailangan mong b-basagin 'yon," nahihirapan na saad ni Bylac. Bigla niya naalala ang itim na garapon kung saan binasag din nila pagkatapos ay napunta sila sa taong 1980. Kailangan niya ulit ito basagin? Paano kung mapunta naman sila sa ibang taon?

Napansin ata ni Bylac nag-iisip siya nang hawakan nito ang kamay niya. "This time it will work out. We will go back to our year."

Umiiyak na tumango siya kay Bylac. "'Wag mo nang isipin k-kung bakit hindi nag worked out last time. I promise, this time it will work, Kinsley."

She nodded. Tumingin siya sa kambal. "Ok, Lilac can you help Bylac to get back to van?"

Umiiyak man si Lilac ay sumang-ayon ito sa kaniya. Parehas nilang tinulungan si Bylac makatayo. Nahihirapan man ay lumabas sila ng gusali. Napansin niya na hindi na gano'n kalakas ang ulan.

Tumingin siya saglit kay Bylac. "Can you, do it?" tanong niya rito.

"D-don't worry about me. Go ahead." Tumango siya. Saglit niya tiningnan si Lilac bago iniwan ang dalawa.

INALAYAN ni Lilac ang kakambal. Parehas man nahihirapan at hindi man mag tigil ang pagtulo ng luha ni Lilac ay buong lakas niya tinulungan ang kapatid.

"Kuya, malapit na tayo. Please, stay with me," hagulgol ni Lilac. Hirap naman na hirap si Bylac mag lakad. Ilang beses na rin ito umuubo ng dugo.

"L-lilac," tawag ni Bylac sa kambal. "Naalala mo ba no'ng pinagtanggol mo si Eliac sa mga nang b-bully rito?"

"Kuya, ano ba pinagsasabi mo? 'Wag ka na muna mag salita. Malapit na tayo, eh!"

Umiling si Bylac. "H-hindi ako nakapasok no'n dahil may s-sakit ako. Y-you were there with him. Hindi m-mo hinayaan may manakit sa bunso n-natin."

"Ano ba 'yan! Hindi ito ang tamang o-oras para mag reminisces ka, kuya," iyak nang iyak na saad ni Lilac sa kapatid. Mas binuhat pa niya ito dahil tumitigil mag lakad ang kapatid.

"You w-were brave. Still is. Hindi ko n-nasasabi sa'yo every day but I'm really proud of y-you."

Mas lalong humagulgol si Lilac. Kahit si Bylac ay umiiyak na rin. Natigil na rin sila sa paglalakad. Parehas na tuluyan sina Bylac at Lilac na bumagsak sa lupa. Sinubukan ni Lilac makatayo ulit ngunit pinigilan ito ni Bylac.

"Kuya, please. T-tara na."

"L-listen to me. You will b-be okay. You'll m-move on and you will be h-happy." Umiling-iling si Lilac. Inabot naman ni Bylac ang pisngi ng kambal. May dugo man sa ngipin ay ngumiti ito.

"Don't ever blame y-yourself. I promise. Eliac and I w-will look out for y-you."

"No, kuya! Don't s-say that. 'Wag naman pati ikaw." Mahigpit na niyakap ni Lilac si Bylac. Nahihirapan man ay niyakap pabalik ni Bylac ang kambal.

"Kuya loves you alway—"

"K-kuya?!" Bumitaw si Lilac sa pagkakayap dito. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Nagimbal ang dalaga nang makita ang kapatid. "Kuya?! Kuya! Please! Say s-something!"

Niyugyog ni Lilac ang kapatid. Natatakot na itapat ang daliri sa pulsuhan nito. Titig na titig ang nakabukas na mata ni Bylac sa kaniya.

Tumutulo ang luha niya kasabay ng mahinang ulan sa kalangitan. Nanginig ang katawan niya nang dahan-dahan niyang tinapat ang daliri sa pulsuhan nito.

Mas lumakas ang iyak niya. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Dalawang kambal ni Lilac ay kinuha sa kaniya.

TUMAKBO si Kinsley palayo sa dalawang kaibigan. Sa malawak na lupain. Papasok sa kalooban ay napadpad ang dalaga sa riles ng mga tren. Hindi niya inaasahan na may gano'n sa lugar na iyon. Nakahalera sa bawat gilid ang mga sirang lumang bagon.

Maingat naglakad ang dalagita. Pinapakiramdam ang paligid. Hindi na gano'n kahirap iyon dahil hindi na malakas ang buhos ng ulan. Ngunit, basa pa rin ang lupa. Kung kaya, kailangan niya pa rin talaga mag-ingat.

Napadaan siya sa mga walang laman na bagon. Nagtago si Kinsley sa mga ito habang marahan naglalakad para hanapin ang mga kaibigan. Kaunting lakad pa nang makarinig siya ng putok. Napasigaw siya sa takot at gulat. Agad niya tinakpan ang bibig. Maiyak-iyak ang dalaga.

Sa kabilang banda naman. Sabay na lumingon sina Axel at Isagani nang makarinig ng sigaw. Lumawak ang ngisi ni Isagani. May tumutulong dugo sa bibig nito habang natatawang pinagmamasdan ang namimilipit na si Axel.

Natamaan ito ng bala sa balikat nang iputok ni Isagani ang dalang baril ni Axel. Bumaliktad ang sitwasyon nang makuha ni Isagani ang baril sa binata.

"Potangina mo!" malutong na mura ni Axel. Mas tumawa si Isagani. Pinaikot-ikot pa nito ang baril na hawak bago marahan nag lakad. Natutuwa pa itong sumisipol.

"Ang isang kuneho ay nag tatago ~ Ang isang kuneho ay mahuhuli ng isang soro ~ Kung hindi ito kusang lalabas ~" Natawa si Isagani sa sarili dahil sa inasal. Inulit pa nito ang kinanta. Sinubukan naman ni Axel makatayo kahit sobrang sakit na ng buong katawan nito.

Tinalunan ni Axel si Isagani mula sa likuran nito. Parehas silang bumagsak sa lupa. Ngunit, nagulat si Axel nang paharap na bumagsak si Isagani at tumama sa kaniyang tiyan ang nguso ng baril. Ngumisi si Isagani bago nito kinalabit ang gatilyo.

Axel gasped and grasped unto Isagani's body.

"D-don't try to kill her," kinakapusan na saad ni Axel.

Nagulat si Kinsley sa nasaksihan. Hindi makagalaw ang dalaga sa kaniyang kinatatayuan nang may humawak sa kaniyang balikat. Gulat siyang lumingon dito. Hindi namalayaan ng dalaga ang pagtulo ng luha nito.

Nang mahimasmasan si Kinsley ay agad itong lumingon kay Axel at sinigaw ang pangalan nito. Mabilis siyang tumakbo makalapit lang dito. Pinanood niyang hinagis ni Isagani ang katawan ni Axel para makatayo ito nang maayos sa pagkakahandusay.

Sumigaw siya at nilapitan ito. She spun the baseball bat unto his twisted head. Umiiyak siya nang hinampas ito. Hanggang bumagsak siya sa lupa sa pagod. Humandusay ang lantang katawan ni Isagani. Malaki ang matang nakatingin ito sa kaniya. Pinapaliguan ito ng dugo sa buong mukha at katawan.

Gumapang si Kinsley papunta sa katawan ni Isagani nang sakalin siya nito sa leeg. Mariin niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan ito sa pagkuha sa kaniyang hininga. Hindi rin nagtagal ay may sumaksak sa likuran ni Isagani. Pinaggitnaan nila Cloud at Kinsley ito.

Inabot ni Kinsley ang kwintas ni Isagani at pinigtal ito pagkatapos ay hinagis kay Lupin. Nasalo ito ng binata kung saan buong lakas ni Lupin binasag ang maliit na bote.

Kasabay nang pagkapit ni Isagani sa balikat ni Kinsley ay ang pag-alis ng mga kaluluwa sa nabasag na maliit na bote. Walang kamalay-malay ang mag kakaibigan. Tanging si Isagani lamang ang nakakakita nito.

Kinakapusan ng hininga si Isagani na sinusubukan abutin ang mga kaluluwa. Ngunit sinapak ito ni Kinsley sa pagmumukha.

Bumagsak si Isagani sa lupa na may tarak na kutsilyo sa likuran nito. Pinanood ng magkakaibigan si Isagani na unti-unti nawawala sa simoy ng malamig na hangin.

"A-axel!" sigaw ni Kinsley nang maalala ang binata. Nilingon niya ito at tinakbo. Binagsakan siya ng balikat nang masaksihan ang dinanas ng dating kasintahan. Lumuhod si Kinsley at dinaluhan ito.

"Axel!" tawag niya sa pangalan nito at tapik sa pisngi ng binata. Hindi nagmulat ng mata si Axel. Humagulgol sa iyak si Kinsley. Binuhat niya ito at nilagay sa kaniyang kandungan ang kalahating katawan ng binata. "Wake up!"

Ngunit hindi nag re-response si Axel. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang kamay ng binata. Tinapat niya ang daliri sa pulso nito. Mas lalo humagulgol si Kinsley ng iyak. "No! No! Axel!"

"Kinsley."

Hindi ito pinansin ng dalaga ngunit agad din ito nagulat nang makita ang sariling kamay. Unti-unti ito nawawala. "What is happening?" naguguluhan na tanong ni Kinsley sa sarili. Bumagsak sa lupa ang katawan ni Axel nang tumagos ang katawan nito sa katawan ni Kinsley.

Sumigaw ang dalaga pagkatapos ay lumingon kala Cloud at Lupin. Nawawala na rin ang mga ito. May sinasabi si Cloud ngunit hindi na ito marinig ng dalaga. Umiling-iling si Kinsley at buong lakas na dinampi ang labi niya sa labi ni Axel hanggang tuluyan na ang dalaga nawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top