Kabanata 19

HUMINTO ang sasakyan sa isang malawak na lupain. Hindi na ito gano'n mapuno at ilan na lang ang nasa paligid. Nadagdagan nga lang ng ilang gusali sa hindi kalayuan. Mas lalong lumakas ang ulan. Mahigpit niyang hinawakan ang baseball bat.

Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Samu't saring pakiramdam ang kaniyang nararamdaman. Isa roon ay gusto na niya makauwi sa kanila. Pagod na pagod na siya sa mga nangyayari sa kanila. Hindi na niya kaya pang masaksihan isa sa kanilang mga kaibigan ang mawala.

"This would be the last time. Let's finish this and go back to our home," sinseridad niyang saad sa mga ito. Isa-isa niyang tinitigan ang mga kaibigan. May luha na tumango ang mga ito sa kaniya.

"Let's fucking finish this!" sigaw ni Lupin. Sunod-sunod naman nagsigawan ang mga kaibigan niya. Binuhos nila lahat ng hinanakit. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata bago binuksan ang pinto ng sasakyan.

Pumasok ang malakas na ulan sa loob at ang malamig na hangin. Rinig na rinig ang bawat malalaking patak na bumabagsak sa bubong ng sasakyan. Una siyang bumaba. Agad nabasa ang buo niyang mukha at katawan dahil sa ulan.

Sinundan siya nina Cloud at Axel. Niyakap ni Lupin si Lilac bago lumabas. Inangat nito ang kamay at kinuha ito ni Lilac. Nagsalo ang bawat patak ng ulan at ng luha niya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kaibigan.

Ni-literal nila ang ups and downs na magkasama.

"Gusto ko sana i-suggest na huwag tayo mag hiwalay but we couldn't do that if we need to find Bylac immediately," ani Axel.

"Right! I'll take Lilac with me," saad ni Lupin. Tumingin ito sa kanilang tatlo. "You three, be with each other."

"A-ano?!" gulat niyang tanong dito. Hindi siya sigurado sa kaniyang narinig dahil masyadong malakas ang ulan. Natawa sina Lupin at Lilac. Hindi naman siya nakitawa. Mga siraulo.

"Two groups. I'm with Lilac. You with these two!" Turo ni Lupin sa dalawang binata. Naintindihan na niya. Tumango siya. Nauna maglakad sina Lilac at Lupin paalis. Saglit pa lumingon si Lilac sa kaniya at nagpaalam.

"I'll see you guys later!" Lilac shouted. Ngumiti siya. See you guys later.

Biyernes. 3:45 AM

SA malawak na lupain ay nag simula silang tatlo maghanap. Ilang mga puno ang nasa paligid. Napatili siya nang muntikan na siya matumba dahil sa madulas na daan. Maputik ang kanilang nilalakaran. Grabe pa ang bagsak ng ulan sa kanilang buong katawan.

Parehas nahawakan nina Cloud at Axel ang kaniyang magkabilaan braso. "Ayos lang ako! 'Wag niyo ako alalahanin," madali niyang saad.

"Sure ka?" Axel asked. "Yes!" Bumitaw siya sa mga ito. Uuna na sana siya maglakad nang may pumigil sa kaniyang kamay. Nauna naglakad si Cloud sa kanilang dalawa. Sumunod siya rito habang nakasunod sa kaniyang likuran si Axel.

Pinaggitnaan siya ng mga ito. Hindi naman na siya umangal. Sinubukan niya rin maging alerto kahit sobrang lakas ng ulan at tanging buhos lang ng ulan ang kaniyang naririnig.

Naglakad pa sila ng ilang minuto nang may matanaw silang gusali sa hindi kalayuan. Mukhang abandonadong gusali ito. Habang pinagmamasdan niya ito ay biglang kumulog at tumama sa gusali. Napatili siya sa gulat at takot. Umiiyak na rin siya. Umaasa nandon ang kaniyang kaibigan.

Tumakbo si Cloud patungo sa gusali. Hinawakan naman ni Axel ang kamay niya at sabay silang dalawa tumakbo pasunod kay Cloud. Mahigpit niya hinawakan ang baseball bat sa kaniyang kamay habang tinatahak nila ang maputik at madulas na daanan.

Biyernes. 1:35 AM

MARIIN pinikit ni Bylac ang mata habang pinapakiramdaman ang buong paligid. Alam ng binata na mahimbing natutulog ang kaniyang mga kaibigan. Kasama na iyon sa kaniyang plano. Ang pag papainom nito sa kanila ng alak.

Hindi naman marami ang nainom nila. Ang kailangan lang ni Bylac ay mapatulog ang mga ito para magawa niya ang pina-plano no'ng unang araw pa lang nang makarating sila sa taong 1980.

Yes. Nagkunwari ang binata sa lahat ng sinasabi sa nag pakilalang Eliac sa kanila. Mahirap man dahil sa tuwing binubuka nito ang bibig ay gusto na ng binata suntukin ito. Mas lalo pa siya nahirapan dahil magkabiyak na bungga ang mga ito. Sa tuwing naiisip ni Bylac na hindi ito ang kapatid ay gusto niyang saktan ang sarili.

Ibig sabihin ay totoong si Eliac ang nahulog sa bangin no'ng gabing iyon. Pinigilan ni Bylac maiyak at mas pinakiramdaman ang paligid. Narinig niya ang ilang hakbang at ilang kaluskos. Naka-amoy pa siya ng malansang amoy.

Gustuhin man niya buksan ang mata ay mas lalo siya nag kunwari natutulog dahil kapag ginawa niya iyon ay baka hindi niya tuluyan magawa ang plano. 'Yon ang sundan si Ernest kung saan man ito paparoon.

Ilang saglit pa. Binuksan niya ang kanan na mata at sinuri ang kapaligiran. Madilim. Tahimik at tanging buhos lang ng ulan ang maririnig sa buong kabahayanan. Hindi niya rin makita kung nasaan si Ernest.

Mabilis niyang minulat ang dalawang mata at bumangon. Mahina siyang napamura. "Tangina."

Agad siya nagtungo sa pintuan. Hinanap niya si Ernest. Ang plano ay susundan niya ito ngunit biglang nawala ito sa kaniyang pakiramdam. Dapat pala ay gumising na siya kanina. Ngunit gusto niya makita kung saan ito tutungo muna.

Malakas ang ulan sa labas. Hindi siya nag abala na kumuha ng payong. Luminga-linga siya sa paligid. Wala si Ernest. Ang tanga niya.

"Bylac, bakit ka nagpapaulan?"

Mabilis na lumingon si Bylac sa boses ng lalaki nagsalita sa kaniyang likuran. Nasa harapan ito ng bahay nila. Naabutan niya si Ernest nakangiting nakatingin sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong kutsilyo. Tumutulo ang dugo at ulan sa matulis na hawak nito.

Sinubukan niya kumalma. "Bakit may hawak kang kutsilyo?" Nilakasan niya pa ang boses para marinig nito kahit sobrang lakas ng buhos ng ulan.

Tumingin si Ernest sa hawak na kutsilyo. "Ito ba? May kinatay akong baboy. Umagahan sana natin mamaya." Lumapit ito sa kaniya. Umatras siya.

"Ayaw mo ba ng baboy? Hindi ka ba mahilig doon?"

Umiling siya. "G-gusto ko! I love pork."

Tumango-tango ito. "Pasok tayo sa loob," anito. Bigla siya kinabahan. Iniwan niya pala ang mga kaibigan sa loob. Paano kung may ginawa na itong masama sa kanila?

"Pumasok na tayo sa loob, Bylac. Magagalit si Lilac sa'yo kapag nagkasakit ka."

Saglit siyang tumingin sa hawak nitong kutsilyo bago unti-unti naglakad patungo kay Ernest. Hindi naman nawala ang ngiti ng binata sa labi. Sinubukan niya hindi ipahalata rito na kinabahan siya. Nauna siyang maglakad papasok sa loob habang nakasunod sa kaniya si Ernest.

Nakahinga siya ng maluwag nang madatnan nasa gano'n pa rin ang ayos ng kaniyang mga kaibigan sa sofa.

"Mukhang nakahinga ka ng matiwasay, Bylac. Huwag ka mag-alala. Hindi ko naman sila papatayin."

"What?!"

Huli na nang lumingon siya rito dahil naramdaman niya ang tumusok sa kaniyang tagiliran. Gulat na gulat siya sa nangyari. Nawala sa kaniyang isipan ang hawak nitong kutsilyo sa sobrang pag-aalala niya sa mga kaibigan. Mas diniin ni Ernest ang kutsilyo sa tagiliran niya. Titig na titig ang mata nito sa kaniya habang hindi nawawala ang ngisi sa labi.

Naisahan na naman sila nito. Pota.

"Patawad. Wala sana akong balak pumatay ulit ngayong gabi ngunit masyadong hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Buong akala ko pa naman ay kambal kita? Bakit ayaw mo ako paniwalaan?"

"Potangina mo! Hindi ikaw si Eliac! Hindi kita magiging kambal." Inabot niya ang leeg ni Ernest at sinubukan ito sakalin. "Kinuha mo si Maddy sa 'kin! Anong kasalanan namin magkakaibigan sa—"

Bumulwak ang dugo sa kaniyang bibig nang likutin ni Ernest ang kutsilyo sa kaniyang tagiliran. Mahina itong natawa. "Totoong hindi ako si Eliac. Hindi rin ako si Ernest." Nanlalaki ang mata niya. Mas lalong ngumisi ito.

"I-ikaw si Isagani? Paano nangyari iyon?"

Tumango ito. "Si, senor, si." (Yes, Sir, yes.)

Mas lalo natawa si Isagani habang pinagmamasdan ang kaniyang itsura. Tuwang-tuwa ito sa nasasaksihan. Tangina. Tama lahat ng sinabi ni Emmanuel sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top