Kabanata 15

NAGULAT siya nang may tumulak sa kaniya sa balon habang pinagmamasdan ang kadiliman nito sa ibaba. Hindi niya nakita kung sino ang tumulak at namalayan na lang niya ang sarili na mabilis bumubulusok pababa.

Nag e-echo rin ang sigaw niya sa loob ng balon habang tinatanaw ang maliwang na butas kung saan siya nang galing. Nanakit ang kaniyang mata sa sobrang liwanag nito.

Kung saan, mariin niyang pinikit ang mata. Bigla niya naalala ang mga pangyayari nangyari sa kanilang magkakaibigan. Parang litrato lumilipat ito habang bumabalik sa kaniya isa-isa ang lahat ng saya, hinanakit at sakit naramdaman.

"Aray!" Tumama sa matigas na sahig ang kaniyang likuran. Gulat niyang naimulat ang kaniyang mata. "Shit! Patay na ba ako?"

Sinuri niya ang bawat parte ng kaniyang katawan. Walang dugo o kahit na anong sugat. Maliban na lang na sobrang sakit ng kaniyang likuran. Inabot niya ito. Nanakit ang balikat niya.

Natigilan siya. Nasasaktan siya. "Hindi pa ako patay!" masayang sigaw niya ngunit agad din iyon napalitan ng pagkagulat.

"W-what?! N-nasaan ako?!" naguguluhan niyang tanong sa sarili nang makita ang isang malaking litrato sa kaniyang harapan. Isa itong babaeng naka bathing suit na pula.

Mabilis siya napalinga-linga sa paligid. Nasa iisa siyang hindi pamilyar na silid.

"Hmm, who the hell is shouting?" mahinang ungol ng babae. Dumako ang paningin niya sa kaniyang gilid. Sa kama. Do'n niya lang napagtanto kung saan siya bumagsak. Napatayo siya nang gumalaw ang asul na kumot.

Niluwa no'n si Esme nakapikit at nakakunot. Gulat na gulat siya. Mabilis siyang nagtungo sa pinto. Hindi niya mawari ang nararamdaman kung masaya o malungkot ba siya. Basta sa mga oras na iyon ay gusto niya malaman kung nakauwi na sila sa kasalukuyan ng mga kaibigan niya.

Pagbukas niya ng pinto. Bumungad sa kaniya ang magulong salas. Umikot ang kaniyang paningin. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nakauwi na sila?

Sa kaniyang harapan ay ang kaibigan niyang mga lalaki na payapang natutulog sa salas.

Maraming pakete ng pagkain ang naka kalat sa sahig at ilang lata rin ng alak. Sa gilid din ng malaking bintana ay may nakatayong drum, gitara at electric guitar.

Hindi familiar sa kaniya ang lugar kung nasaan sila. Tunay ba nakauwi na sila?

"Esther?"

Gulat na lumingon siya kay Esme. Magulo ang buhok nito at katulad niya ay hindi na ito nakasuot ng lumang kasuotan.

"Nakabalik na tayo, Lilac!" Hinawakan niya ito sa dalawang kamay. Naiiyak siya.

"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" Mahahalata sa dalaga ang natutulog pa rin nitong diwa. Inulit niya ang sinabi dito at hindi na niya mapigilan ang ngumiti rito ng malawak.

Nanlalaki ang mata ni Esme. Mahina siyang hinila nito sa gilid at sinilip ang buong kabahayan.

"K-kins, did we really get back?"

Naluluha na tumango-tango siya rito. Lumingon ito sa kaniya. May luha na rin sa mga mata nito.

"Tangina! Aray!"

Agad silang lumingon kay Lorenzo nang bumagsak ito sa sahig. Dinaluhan ni Esme agad ang kasintahan.

"Baby ko!" sigaw ni Esme kay Lorenzo. Yumakap pa ito. Inalis niya ang tingin sa dalawa at dinako sa mga bagong gising niyang kaibigan.

Tinulak ni Esteban si Lorenzo palayo sa kapatid. Si Alberto ay nagkakamot ng ulo at si Sullivan ay diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. Sa gulat niya ay bigla siya umiwas dito.

"Nakauwi na tayo!" sigaw ni Lilac/ Esme.

"Ano?" sabay-sabay na saad ng kaibigan nilang mga lalaki. Nagkauntugan pa sina Alberto at Sullivan. Puro mura tuloy ang kanilang naririnig.

Natigil lang ang murahan at bayangan ng mga kaibigan niya dahil sa malakas na katok sa pinto.

"Alam kong nandiyan ka Alberto! Rinig na rinig ko ang bunganga ng mga kaibigan mo!" sigaw ng ale sa labas ng pinto. Mas kumatok pa ito. Nagulat at natakot sila.

Agad siyang lumapit sa mga ito. Hindi niya namalayan nasa tabi na niya si Sullivan. Nawala lang ang atensiyon niya rito nang sumigaw ulit ang ale galing sa labas.

"Dalawang buwan ka na hindi nag babayad ng upa mo! Palagi ka walang wala at palaging mamaya! Jusko, Alberto sana kung gano'n lamang ay hindi ka na umupa. Wala ka naman pala pang bayad!"

Mahaba pa ang sinabi ng ale pero hindi na sila nakinig dito at sabay-sabay silang bumaling kay Alberto na halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Hindi ka nag babayad ng upa?"

"Teka, bakit Alberto pa rin ang tawag sa 'yo at hindi Cloud? Akala ko ba nakauwi na tayo?"

"Tangina, ang ingay naman!"

Samu't sariling komento ng kaibigan nilang mga lalaki patungkol kay Alberto habang siya ay hindi inalis ang titig dito.

Isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "Hindi pa tayo nakauwi," tanging saad niya sa mga ito.

Parang sa pelikula na sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa kaniya.

KATAHIMIKAN ang namayani sa kanilang magkakaibigan nang tumigil ang ale sa pagkatok sa pinto. Mapapansin nagkakapaan sila kung sino ang unang mag sasalita. Tinitigan niya ang mga ito. Bumuntong hininga siya pagkatapos ay tumayo.

Ramdam niya ang pagsunod ng tingin ng mga ito sa kaniya. Kinuha niya ang diyaryo naka patong sa lamesa. Huminga muna siya ng malalim bago sinilip kung anong taon nasaan sila.

"1980," basa niya.

Madaling kinuha ni Esteban ang diyaryong hawak niya. Binasa nito saglit pagkatapos ay dahan-dahan nitong binalik ang diyaryo sa kaniyang kamay. Bagsak ang balikat ni Esteban na tumingin sa mga kaibigan nila.

Malungkot na ngumiti siya sa mga ito. Buong akala pa naman niya ay nakauwi na sila. Hindi pa rin pala talaga.

"That's bullshit! Wala na si Ernest! Bakit hindi pa rin tayo makauwi?!" inis na sigaw ni Lorenzo. Bumaling ito sa kaniya. "Tama ba 'yong sinasabi ni Emmanuel?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Lupin, stop it. Respetuhin mo naman 'yong nawala," bulong ni Alberto. Hindi niya inalis ang masamang tingin kay Lorenzo/Lupin.

Namatay si Emmanuel dahil sa kanila. Kung hindi ito tumulong sa kanila ay hindi ito mawawala. How dare him say those words?

"Sorry, Kins."

Hindi niya ito pinansin. Bigla siya nainis dito. Nag ko-komento ito na hindi nag iisip man lang.

"Baka may kulang. Baka may kailangan pa tayong gawin," saad ni Sullivan.

"G-guys?" Binalingan nila si Esme. Hindi ito mapalagay. "Paano kung hindi pala si Ernest 'yong nahulog sa bangin? P-paano.." Bumuhos ang luha nito. Napasinghap siya. Shit.

"That.." huminga siya ng malalim. She couldn't find the words. "No, si Ernest ang nahulog sa bangin. Eliac wasn't with us. Nasa kasalukuyan siya. Panigurado akong hinahanap tayo no'n," saad ni Esteban. Inalo pa nito ang kakambal.

Sana nga.

Sana talaga mali sila.

Dahil hindi niya alam ang mangyayari kung talaga sila ang naging dahilan kung bakit nawala si Eliac. At mas masakit pa no'n ay hindi nila ito nakilala.

"Come on, let's go outside. We need to find out what we are in this year."

NAG baka sakali ang kambal na sina Bylac at Lilac na puntahan ang tahanan ng mga Escalante no'ng taon 1880. Naisip kasi ng binata, kung ang pangalan ni Cloud ay Alberto pa rin sa panahon na iyon ay baka gano'n din silang magkakaibigan naiwan.

Nang makalabas sila sa apartment ni Cloud. Napansin nilang hindi naman sila nawala sa lugar ng Solomon. Lumipas lang ang panahon. Maraming nag bago sa lugar at nadagdagan na mga gusali. Ngunit, mapapansin pa rin nasa Solomon sila.

Hindi nila mawari kung paano nangyari. Para silang napadpad sa ibang daigdig. Katulad sa napanood nila sa kasalukuyan at based sa mga scientific. May iba-iba raw na universe ang mundo. At kada mundo na iyon ay may kaparehas na tao. Walang nakakaalam kung totoo ito o hindi, dahil natatakot ang mga nasa itaas sa gobyerno.

Hindi kasi maaari mag sama ang dalawang magkapareha na tao sa iisang mundo. It will make a conflict. Sa tao man o sa mundo na ginagalawan nila.

"Sigurado ka ba dito, kuya?" tanong ni Lilac sa kapatid. Tumango si Bylac. Parehas nilang pinagmasdan ang malaking tahanan sa kanilang harapan.

Ibang-iba na ito sa dati. Kung dati ay malawak ito at malayo ang ibang tahanan. Sa panahon na 'yon, may kapit-bahay na ito. Mataas din ang kulay itim na gate sa kanilang harapan. Sa gilid nito ay may nakapaskil na Escalante Residence.

"If tama 'yong conclusion ko, sigurado ako." Hindi inalis ni Bylac ang tingin sa bahay bago niya pinindot ang doorbell sa gilid.

Naghintay sila ng ilang segundo bago may nag bukas sa kanilang dalawa ni Lilac. Gulat na tumingin sa kanila ang kasambahay.

"Susmaryosep! Esteban, Esme? Saan kayo nang galing? Dalawang araw kayong nawala!" Umiiling pa ito bago silang dalawa hinawakan sa braso ni Lilac at pinapasok sila sa loob.

"Mabuti na lang talaga at wala ang iyong magulang. Kung hindi ay siguradong mapapagalitan kayo no'n!" Humaba pa ang sermon nito sa kanila hanggang makapasok sila sa loob ng tahanan.

Katulad sa taong 1880. May hagdan paakyat pa rin sa unahan bago makapasok sila sa loob. Mukhang gano'n pa rin 'yong bahay. Ang pinagkaiba lang ay mas dumami ang halaman sa tabi ng bahay.

May ponds din sa gilid bago sila makapasok. Old but kind of modern. Ngunit hindi katulad sa kasalukuyan. Para itong tahanan ng kanilang mga lolo at lola.

Napaisip si Bylac kung sa taon ba na iyon ay pinagbabawal pa rin ang pagkakaroon ng kakambal. Agad nasagot ang kasagutan ng binata nang makapasok sila sa salas. Gulat na gulat sina Bylac at Lilac nang makita ang isa pang binata ang nakatayo sa kanilang harapan.

Kamukha ito ni Bylac. May suot din itong salamin sa mata. "Kuya! Ate! Saan kayo nang galing?"

"E.. Ernest?" gulat na tanong ni Lilac. Palitan ni Bylac pinatitigan ang dalawa. Still shocked as well.

MAY malawak na ngisi si Ernest sa kaniyang mga labi habang gulat pa rin nakatingin sina Bylac at Lilac sa binatang nasa kanilang harapan nila. Marami ang tumatakbo sa kanilang isipan. Isa na ro'n kung totoong buhay ba si Eliac? At napatay ba talaga ang totoong Ernest?

Kung gano'n, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila magawa makauwi sa tunay nilang panahon? Ano ang nangyayari na hindi nila malutasan?

"Hindi kayo gutom?" tanong ni Ernest. Hindi magawa ng magkapatid na galawin ang pagkain nakahanda sa kanila. Nag iingat din kasi silang dalawa.

"Wag kayong mag alala. Hindi ko kayo sinumbong kala Mom and Dad. Ligtas kayo sa sermon." Nagawa pa ni Ernest na asarin silang dalawa. Tumango si Bylac pagkatapos ay bumaling kay Lilac. Sinenyasan niya ito kumain.

Kinakabahan man ay sinimulan ni Lilac galawin ang pagkain. Mas lalo naman ngumiti si Ernest na kinalibutan ng dalaga.

"Ano nangyari?" Bylac asked.

"Ha? Hindi ba dapat kayo tanungin ko niyan?"

Bylac cleared his throat. Kinuha niya ang basong may tubig at ininom ito. Umaasa na sana walang lason ang kinakain nilang dalawa ni Lilac. Kung hindi ito totoong si Eliac. But of course, Bylac chose to believe he was their little brother.

"Ah, right! Galing kami kala Alberto. Medyo nalito lang ako since we drunk a few drinks."

Ngumiti si Ernest at tumango-tango. "Ikaw ba? Nandito ka lang?" tanong ni Lilac. Nagawa na nito ibuka ang bibig. Bumaling si Ernest kay Lilac. Pinagmasdan ng dalaga ang binata. Dumako ang paningin niya sa suot nitong necklace. Nakatago sa loob ng suot nitong tee shirt kung ano ang pendant nito.

For some reason, bigla na curious si Lilac.

Tumango si Ernest sa katanungan ni Lilac. "Bigla na lang ako nagising dito. Sa tingin ko, oo." Kumunot pa ang noo ni Ernest parang may inaalala na hindi nito maintindihan.

"Ang totoo." Tumingin si Ernest sa pintuan ng kusina kung nasaan ang kasambahay. Tahimik naman hinihintay ng dalawa ang sasabihin ni Ernest. "Ay, wala pala. M-maunawa na ako sa aking silid."

Agad na tumayo si Ernest at nag mamadali nagtungo palabas nang mag salita si Lilac. Natigilan ang binata.

"Eliac," tawag ni Lilac sa pangalan ng kapatid. Mabilis na lumingon si Ernest na gulat.

"A-ano tinawag mo sa 'kin?" Lumapit si Ernest kay Lilac. Tumingin ito sa mata ng dalaga habang hawak ang kamay nito. Nagulat naman si Lilac. Aawatin sana ni Bylac nang bumagsak sa pagkakaupo si Ernest.

"Nahanap ko rin kayo," umiiyak na saad ng binata. Nanlalaki ang mata ni Lilac.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top