Kabanata 11
Pebrero 1 8 6 1
MALAKAS ang ulan sa lugar ng Solomon. Napag-alamanan na may parating na bagyo sa kanilang lugar.
Sa tahanan ng mga Escalante ay mapapansin ang kaguluhan. Hindi mapalagay si Don Rafael, pabalik-balik ito sa paglakad sa labas ng silid nila. Mabilis ang tibok ng puso at pinagpapawisan. Ang dahilan lahat ng iyon ay dahil ang asawa ng Gobernadorcillo ay kasalukuyan nanganganak.
Rinig na rinig sa buong kabahayan ang malakas na pagsigaw nito habang ine-ere ang anak nasa sinapupunan. Magulo ang buhok at pinaliliguan ng pawis si Donya Felicita habang pinalilibutan ito ng ilang kasambahay at komadrona.
"Señora, lalaki ho ang inyong anak." Maingat na kinuha ng komadrona ang sanggol. Binigyan naman ito agad ng malinis na tela para ipangpunas at ibalot dito.
Naiiyak nakatanaw si Señora Felicita sa anak. Nagpapasalamat sa Maykapal na hindi ito napahamak. "G-gusto ko siya masilayan."
Tumango ang komadrona at nakangiting inabot ang sanggol nang umaray ulit si Señora Felicita. Agad binalik ng komadrona ang sanggol sa katiwala. Lahat sila ay nagulat nang makitang may isang ulo ang nakalitaw sa lagusan ng ginang.
Nanginginig ang kamay na kumilos agad ang komadrona para mailabas ang panibagong sanggol galing sa sinapupunan. "Ah! B-bakit may.. Ah!" Sumigaw at umiyak ang Señora habang pinapanganak ang isang pa nitong anak.
Nang ligtas nilang nailabas ang sanggol ay lahat sila ay nagulat. Gulat at takot. Hindi magtigil sa pag-iyak ang Señora nang makita ang isa pang sanggol. "Babae. Señora, ang iyong anak ay isang magandang babae."
Umiling-iling ang Señora. Hindi makapaniwala sa nangyayari nang umaray ulit ito. Mas lalong nagkagulo ang lahat nasa loob ng silid. Kitang-kita na sa mga mukha nito ang takot at pangamba nang sa huling pagkakataon ay nakuha nila ang pangatlong anak ng Señora at Señor Escalante.
NAGULAT si Don Rafael sa kaniyang nabalitaan. Para itong binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang katawan. Isa-isang tinitigan niya ang mga kasambahay at ang komadrona. Mariin na pumikit ang Gobernadorcillo. Nang imulat nito ang mata ay agad ito nag tungo sa lamesa.
Nilabas ni Señor Rafael ang maliit na lalagyan ng pera at isa-isang binigyan ang kaniyang kasambahay. Lumapit siya sa komadrona. Nanginginig ang kamay na binigay niya ang lahat ng laman dito.
"Lisanin ninyo ang Solomon. Kayo'y magpakalayo-layo. Lahat natuklasan ninyo ngayong gabi ay burahin ninyo sa inyong alaala," utos ni Don Rafael. Tinitigan niya pa ito isa-isa. Ang kaniyang kamay ay nanginginig. "Walang makakaalam nag silang ng tatlong sanggol ang aking asawa," dagdag niya pa.
Takot man ay sumang-ayon ang mga kasambahay at ang komadrona. "Asahan mo Señor na hindi ito makakalabas."
Tumango-tango ang Gobernadorcillo pagkatapos ay saglit na tinitigan ang isang katiwala na lalaki. Gamit ang mata ay tinuro ng Don ang labas ng silid. Nagtagpo ang dalawa sa madilim na pasilyo. Mas lalong lumakas ang ulan habang nag bibigay ng liwanag ang malakas na kulog sa buong kabahayan.
"Señor."
"Ang pinakahuling sanggol. Ito'y isang lalaki. Iyong ilayo rito. Simula ngayon dalawa lamang ang sinilang ng aking asawa," maotoridad na saad ni Don Rafael. "Kapag may nag tangka na suwayin ako. Hindi ako mag da-dalawang isip na paslangin ito. Ikaw ba'y naiintindihan ang aking gustong iparating?"
Takot na tumango-tango ang lalaki. "Sí, Señor." (Yes, Sir)
1 8 7 1
TUMAKBO ang batang Ernest papasok sa loob ng kakahuyan upang magtago sa ilang mga kabataan na gusto siyang saktan.
Araw-araw, walang palya nakakatamo si Ernest ng bugbog. Walang tumuturing sa kaniya na isang kaibigan. Lahat ay palagi siyang sinasaktan.
Umuuwi siya tuwing gabi na may pasa sa kaniyang mukha at buong katawan. Gusto man niya mag sumbong ay hindi niya magawa. Walang tutulong sa kaniya kung isa lamang siyang hamak na mahirap.
Lumaki si Ernest sa isang pamilya ang hanap buhay ay ang pagkakatay ng baboy para ibenta sa palengke. Ang perang kinikita ay hindi sapat para sa kanilang may malaking pamilya.
Isang gabi, hindi makatulog si Ernest. Paikot-ikot siya sa matigas na sahig. Tanging banig lang ang sapin nila sa kanilang likuran. Magkakatabi silang magkakapatid natutulog. Nasa pinakadulo siya.
Sinusubukan niya makatulog nang makarinig siya ng mga boses sa labas ng kanilang kubo. Kilalang kilala ni Ernest kung sino ang dalawang nag mamay-ari nito.
Isa sa kaniyang inay at itay. Hindi inaasahan ni Ernest na may malalaman siyang isang lihim na impormasyon na magpapagulo sa kaniyang isipan at pagbabago sa kaniyang buhay.
Nang gabing iyon, sinubukan ni Ernest matulog habang umiiyak ng tahimik. Hindi nawala sa kaniya ang narinig. Paulit-ulit itong tumakbo sa kaniyang isipan.
"Kung hindi ka pumayag sa kagustuhan ng Gobernadorcillo na 'yan! Hindi sana tayo nahihirapan at pilit nag tatago sa mata ng mamayanan, Karding! Sawa na ako mag tago. Ang mga anak natin ay walang laya dahil takot ang mga ito na may makakilala kay Ernest!"
"Lupe, ako'y nangako kay Gobernadorcillo Escalante na hindi nila masisilayan ni anino ng kanilang bunsong anak na si Ernest. Tiisin na lamang natin. Ang mahalaga ay nakakakuha tayo ng danyos sa pamilyang Escalante."
"Pagbutihan mo, Karding. Ayoko mapahamak ang mga anak natin dahil lamang nagkaroon ng kambal na tatlo ang Gobernadorcillo!"
1 8 7 6
WALANG pinagsabihan si Ernest sa kahit kanino nang malaman niya ang tungkol sa kaniyang sarili. Ginugol niya ang paghahanap sa sinasabing Gobernadorcillo Escalante sa kanilang bayan hanggang tumungtong siya sa pagkabinata.
Lihim siyang nakatanaw sa pamilya Escalante. Do'n niya nalaman na may kapatid siya na sobrang kamukha niya na wala man lang ka-alam alam na may bunsong kapatid pa sila.
Nagalit si Ernest sa mga ito. Makikitang may masayang pamilya ang pamilya Escalante habang siya ay nag dudusa sa isang bagay na hindi naman niya kasalanan.
Hindi lang siya sa kaniyang pamilya nagalit. Pati na rin sa mga tao at sa bayan nila na pinagbawal ang pagkakaroon ng anak na kambal. Pinapakalat na malas ito sa kanilang lipunan. Na may lahing mangkukulam ang sino man magkaroon ng anak na kambal lalo pa kung hihigit pa ito sa dalawa.
1 8 7 9
HABANG pauwi si Ernest sa kanila. Madadaanan nito ang matataas na talahiban at isang mahabang ilog. Inabot siya ng gabi sa daan nang makarinig siya ng isang boses.
Lalaki. Hindi niya ito kilala ngunit ito'y tinatawag siya.
Sinundan niya kung saan nang gagaling ang umaalingawngaw na boses. Natumba pa siya sa lupa at nasugatan dahil sa madilim na daan.
"Ernest."
Umangat ang ulo ng binata. Tinawag na naman ulit ang pangalan ni Ernest. Masakit man ang tuhod dahil sa natamong sugat ay nagawa niyang makatayo at sundan ang boses.
Naglakad siya nang naglakad hanggang makarating siya sa isang kubo. Sa tabi nito ay may malaking puno ng manga.
Nakaramdam man ng takot si Ernest ay mas nanaig sa kaniya ang kagustuhan malaman kung sino ang tumatawag sa kaniya.
Pumanhik siya sa ilang baytang. Tumunog ang pinto ng kubo nang buksan niya ito. Nang pumasok siya sa loob ay may naapakan siya na kina-bagsak niya. Nahulog si Ernest sa ilalim ng kubo.
Umubo-ubo siya dahil sa lupang pumasok sa kaniyang ilong at bibig. May kataasan ang bagsak niya. Umani ang kaniyang katawan ng ilang masakit dahil sa kaniyang pagbagsak.
"Ernest, ika'y lumapit."
Inikot ng binata ang paningin sa madilim na paligid. Walang tao. Kinapa niya ang lupa paabante hanggang may makapa siyang isang garapon.
Nagulat siya nang bigla ito lumiwanag. Naghalo ang kulay pula at itim sa paligid nito hanggang marinig niya ulit ang boses na iyon.
Nabitawan niya ang garapon sa makapal na lupa nang mapagtanto kung saan nang gagaling ang boses. Natakot siya. Sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Nanginginig na tumayo siya para umalis nang mag salita ulit ang itim na garapon.
"Ika'y aking tutulungan."
Nakuha iyon ng atensiyon ni Ernest. Tumigil siya sa pag alis at lumuhod para suriin ang garapon. Itim ito at bilugan. Mapapansin ang kulay pulang liwanag sa loob nito na sumasayaw.
"S-sino ka? Anong ang iyong pakay sa akin?!"
"Nais lamang kita tulungan, Ernest."
Umiling ang binata. Hindi siya naniwala. Walang taong gustong tumulong sa kaniya. Palagi siya sinasaktan ng mga ito kahit ang tanging gusto niya lang ay magkaroon ng matatawag na kaibigan at pamilya.
"Ako'y iyong pinagloloko. Hindi ako naniniwala sa 'yo."
Nagulat si Ernest nang tumawa ito. Isang grapon ay tumatawa. Paniguradong nanaginip lamang siya.
"Hindi ito isang panaginip, Ernest. Kay tagal kitang hinanap. Ngayong natagpuan na kita ay hindi ako mag dadalawang isip na lokohin ka."
"Kalokohan lahat ng iyong sinasabi. Walang gustong tumulong sa isang katulad ko na malas para sa lipunan."
"Hindi ikaw ang malas! Sila! Silang walang mga puso!"
Natigilan si Ernest sa kaniyang narinig. Tuluyan siya nakalapit sa itim na garapon. Kinuha niya ito at tinitigan. Mas lalong sumayaw ang naghahalong kulay pula at itim na liwanag sa loob ng garapon.
"Tama, Ernest. Wala kang kasalanan. Sila! Sila ang iyong sisihin! Ang iyong ama na pinamigay ka upang hindi masira ang iniingatan nitong tinayong pangalan."
"K-kilala mo ang aking magulang?" Mariin niyang hinawakan ang garapon. Dito niya binubuhos ang lahat ng galit.
"Lahat nang nanakit sa 'yo. Lahat ng tao nagsasabi na ika'y mali. Kilala ko silang lahat. Kilalang-kilala!"
Kinalibutan si Ernest nang tumawa ang garapon. Umaalingawngaw ang malalim nitong boses sa buong kadiliman.
"Pumapayag ako na tulungan mo. Ano ang iyong kailangan?!" nanlalaki ang matang saad niya rito. Kung may makakakita sa binata ay paniguradong sasabihan siyang nasisiraan na ng bait.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top