Kabanata 10

HINDI nag paawat si Esteban. Kung no'ng una ay pumayag ang binata. Hindi sa mga oras na iyon. Lumipas ang dalawang araw.

Natapos na rin ilibing si Arabella. Masakit man para sa magkakaibigan ay dumalo sila. Dalawang beses na nila iyon nagawa at hindi na sila papayag na may madadagdag pa sa kanilang mag kakaibigan.

Bitbit ang isang papel ay nag gagaliti na pumasok si Esteban sa opisina ni Don Rafael. Binagsak ng binata ang papel at ang tela na may salapi sa ibabaw ng lamesa.

Umangat ang ulo ni Don Rafael sa anak. Galit na galit si Esteban nakatingin sa tinuturing na ama sa panahon na iyon. "Nasaan ang kapatid ko?"

"Wala kayong kapatid."

"Kung gano'n, ipaliwanag mo sa 'kin ang tungkol sa sulat at salapi na 'yan!" Turo ni Esteban. Hindi man lang tumingin si Don Rafael sa dalawang bagay na binigay ng binata sa lamesa. Bagkus ay kumuha si Don Rafael ng tobacco sa sisidlan at sinindihan ito.

Mas lalong nainis si Esteban. Hindi siya makapaniwala na gano'n tao ito.

"Bakit kayo nag sinungaling?"

Humithit buga si Don Rafael pagkatapos ay tumingin sa anak. Tumaas ang kilay ng Don. "Ako'y nagtataka. Bakit hindi mo nalalaman na hindi maaari magkaroon ng kambal na magkakapatid sa atin Bayan?"

Natigilan si Esteban. Naguguluhan siya sa kaniyang naririnig. Bawal ang kambal? Paanong nangyari—

May kumatok. Bumaling ang atensiyon ni Don Rafael sa pinto. "Pasok," anito. Bumukas ang pinto at pumasok si Esme. Tahimik itong tumingin sa ama at kapatid.

"Pasensiya na, Ama kung may importante kayong pinaguusapn ngunit amin pang pupuntahan ang tahanan nina Ophelia at Arabella."

Ngumiti si Don Rafael sa kaniyang unica hija. "Wala naman kaming importante pinaguusap ng iyong kuya Esteban, anak. O'siya. Kayo'y tumuloy na sa tahanan nina Señorita Ophelia and Señorita Arabella."

"Salamat po, Ama," magalang na saad ni Esme. Tumungo pa ito. Hindi pa sana gusto sumama ni Esteban nang mahinang hilahin ni Esme ang kapatid. Nang makalabas sila ay agad ni Esme kinurot sa tagiliran ang kakambal. Masamang tumingin si Esteban sa dalaga.

"Hindi ka nag iingat," reklamo ni Esme bago iwan ang kapatid sa salas.

1 7 8 0

PINIGILAN ng isang babae ang isang lalaki sa pag-alis nito. Umiiyak ang babae habang mahigpit naka kapit sa kapatid na lalaki. Hindi naman magawang tumingin ng lalaki sa kakambal. Katulad ng babae ay tumutulo rin ang luha nito kahit pa pinipigilan nito ang pag-iyak.

"Kuya, parang awa. Huwag mo akong iwan!" pagsusumamo ng babae sa kapatid. Pilit inalis ni Isagani ang kamay ng kapatid na si Isay. Bumagsak sa lupa si Isay habang iyak nang iyak.

"Isay, para din sa'yo ang aking gagawin. Matatanggap ka sa ating bayan."

Umiling-iling si Isay. "Hindi, kuya. Kahit kailanman ay hindi ako, tayo, matatanggap sa ating bayan nilakihan."

"Kahit pa, Isay! Mas mapapadali pa rin ang iyong buhay kapag nawala ako!" singhal ni Isagani. Mas lalo naman umiyak si Isay. Sinubukan ni Isay hawakan ulit ang kapatid. Ngunit, tinaboy lang ito ni Isagani. Nasaktan naman si Isay sa pagtaboy ng kakambal.

"Kuya, aking kakausapin sina Inay at Itay. Tayo'y magpakalayo-layo. Huwag mo lamang ako iwan mag-isa. Magkabuklod ang ating puso't kaluluwa. Iisa tayo. Hindi mo maaari akong iwan!" hagulgol ni Isay.

Lumuhod si Isagani at hinawakan ang kamay ng kambal. Nagtapat ang kanilang paningin. Parehas may luha sa kanilang mga mata. "Hindi maaari, Isay. Hindi ako makakapayag na pati ikaw ay saktan nila."

"Kuya."

"Makinig ka sa 'kin. Ikaw ay aalagaan ang ating magulang. Kahit pa na hindi sila naging mabuti sa ating magkapatid. Aalagaan mo sila."

"Ngunit, kuya Isagani." Umiling si Isagani at tuluyan nang binitawan ang kapatid sa kamay bago ito tumalikod.

Iniwan ni Isagani ang kapatid na si Isay na walang nagawa kung hindi ang magsumamo na sana'y bumalik ulit ang kaniyang kambal.

1 8 8 0

NAHATI ang grupo ng magkakaibigan sa dalawa. Gusto hanapin nina Esme at Esteban ang kanilang kapatid na si Eliac. Ngunit, suportado man sina Esther ay mas pinili ng mga ito na ipagpatuloy ang pag iimbestiga sa nangyari sa kanila kung bakit sila napadpad sa nakaraan at ano ang dahilan kung bakit namamatay ang kanilang mga kaibigan.

Hindi sa tahanan nina Arabella at Ophelia nagtungo ang kambal katulad ng sinabi ni Esme sa Ama. Kasama nina Esme at Esteban ang kanilang kasintahan na sina Lorenzo at Josefina. Nagtungo sina Esme at Josefina sa kung saan nakita ni Josefina si Eliac. Malapit sa palengke.

Isang kalesa ang dala nila. Lahat ng mamayanan ay abala sa kanilang paligid. Hindi mahahalata na may hinahanap silang dalawa. Habang sina Esteban at Lorenzo naman ay nagtungo sa lalaking inutusan ni Don Rafael. Hindi agad natanong ito ni Esteban dahil biglang tumakbo ang lalaki nang mahuli niya ito.

Ang kasambahay naman na babae ay walang alam maliban sa pinapaabot iyon ni Don Rafael. Kaya, wala rin nakalap si Esteban. Tanging nalaman lang nila na hindi payag ang kanilang bayan sa pagkakaroon ng kambal na hindi niya alam na may gano'n kasabihan.

"Masyado ng liblib dito, Bylac," hinihingal na saad ni Lorenzo sa panahon na iyon. Napadpad ang dalawa sa kakahuyan na naman kung saan natagpuan ang bangkay ni Ophelia/ Gianna at ang kakahuyan din kung saan nakita ng mga mangangaso si Arabella.

Kahit anong mangyari. Patuloy silang nilalapit sa loob ng kakahuyan. "Malakas ang kutob ko na may something sa kakahuyan na ito. Sa lahat nakalap natin na impormasyon. Palaging ang kakahuyan ang pinaka punot dulo," ani Esteban.

"Right, ngunit wala nahanap ang mga mangagaso. Kahit ang mga guardiya sibil. Ilang beses na natin ito hinaluglog ngunit wala tayo nakukuha."

"That's make it more suspicious, don't you think?" Napaisip si Lupin o Lorenzo. Saglit na lumingon si Bylac sa kaibigan. Tumango si Lupin at nagpatuloy sila sa paglalakad papasok sa liblib ng kakahuyan.

Sa kabilang banda naman ay sina Esme at Josefina ay bumaba sa kalesa. Magkahawak sila sa braso ng isa't isa habang tinatahak ang palengke kung saan ni Josefina nakita si Eliac. May eskinita sa gilid kung kaya tinungo nilang dalawa iyon.

Ngayon lang nila iyon narating. Mapapansin na kaunti lang ang mamayanan ang naroroon. Humigpit ang kapit ni Josefina sa braso ni Esme. May nadaanan pa silang matandang lalaki na may bitbit na bote ng alak.

Umusog sila sa gilid at nagpatuloy sa paglalakad. "Sorry, 'di ata dapat tayo pumunta rito," ani Josefina. Umiling si Esme. "No, darating talaga ang araw na kailangan natin puntahan 'tong lugar."

"Medyo natatakot kasi ako. Alam mo naman na rito rin huling natagpuan si Gia." Mahahalata sa itsura ni Josefina ang kaba at pangamba. Naiintindihan naman iyon ni Esme dahil kahit siya ay hindi rin mapigilan maisip iyon.

"Maddy, isipin mo na lang galing tayo sa present. Hindi natin kailangan maging mahinhin kapag may napansin tayong kapahamakan. We can do this," saad ni Esme. Ngunit, ito rin ang paraan ng dalaga para sabihin sa sarili na huwag mangamba.

Nagpatuloy pa sila sa paglalakad.

"Mga binibini, kayo'y hindi taga rito. Kung ako sa inyo ay hindi niyo nanaisin pang tumuloy sa inyong paroroonan." Isang ale ang bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan nag salita. Nakakatakot ang tingin nito sa dalawa. Ginapangan ang kanilang mga puso ng takot.

"Ano ho ang inyong ibig sabihin?" tanong ni Josefina. Marahan naman hinila ni Esme ang kaibigan. "Paumanhin ho, ngunit kami'y lilisan na," singit ni Esme.

Tumingin ang ale kay Esme pagkatapos ay tumingin kay Josefina. "Isa sa inyo ang isusunod niya," saad ng ale bago ito lumisan. Parehas nakatulala sina Esme at Josefina sa narinig. Nilakasan ni Esme ang loob bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi totoo mga sinasabi niya. Tara na, Maddy!"

Bumitaw si Josefina. Lumingon si Esme sa kaibigan. Nagtataka. Mababakas naman kay Josefina ang takot. "A-alam niyang hindi tayo taga rito, L-lilac."

Bumuntong hininga si Esme. "Panigurado na hindi iyon ang ibig niyang sabihin." Luminga si Esme, gano'n din ginawa ni Josefina. "Dito. Sigurado ako na ito ang tinutukoy niya." Turo ni Esme sa eskinita.

"Pero ang sabi niya, isa sati—"

"Kung ayaw mo. Ako na lang tutuloy. Hintayin mo na lang ako sa kalesa. Kailangan ko mahanap kapatid ko." Tumalikod si Esme at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto sana humabol at magsalita pa ni Josefina ngunit mas malaki ang takot niya sa kaniyang puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top