Kabanata 1
BUMAGSAK ang katawan niya sa higaan nang matapos siya mag empake ng dadalhin na gamit sa kanilang three days school outing sa Ilocos. Nilagay niya ang likod ng palad sa kaniyang mukha at bumuntong-hininga ng malalim.
Wala sana siyang balak sumama sa outing ng school kung hindi niya lang nakuha ang isang lumang liham sa loob ng kaniyang locker. As usual, nanalo na naman ang kaniyang kuryusidad.
Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha ang natanggap na sulat sa ibabaw ng side table. For the nth times, pinatitigan niya ito. Naninilaw na ang papel nito at may ilang punit na rin. May vintage sealing wax ito na kulay pula kung saan makikita ang isang bunggo.
Ang pinagtataka niya kung bakit ang taon nang sinulat ito ay 1880. Hindi niya mawari kung may nanloloko lang ba sa kaniya o kung ano man. Naka-addressed din ang sulat sa kaniyang apelyido ngunit nakabura ang unang pangalan.
Es— Gajardo.
Hindi tuloy siya sigurado kung para ba sa kaniya ang sulat. Sinubukan niya mag tanong sa ina kung may kamag-anak ba silang nag sisimula sa letrang E at sinundan ng S ngunit ang tanging sagot lang nito ay hindi nito matandaan.
Mas lalo tuloy siya na-curious kung para saan ang sulat. Maingat niya ito ulit binuksan at tumambad sa kaniya ang isang sulat kamay na ginamitan ng itim na tinta. Parang isang calligraphy din ang pagkakasulat nito.
Katulad nang unang beses niya ito mabasa. Sa hindi mawaring dahilan ay kinabahan siya at natakot ngunit sa kabila ng lahat nang iyon, mas malaki ang kaniyang kuryusidad para alamin kung para saan ang liham natanggap.
HINDI siya nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa nakalagay na sulat. Para sa kaniya, it doesn't make any sense.
Ako'y mag hihintay sa 'yo sa ika-lima ng agosto sa likod ng simbahan ng Solomon.
Solomon.
Ayon ang lugar na isa sa pupuntahan nila sa Ilocos at alam niya rin, malapit sa Museyo Solomon ay may isang lumang simbahan ang nakatayo rito.
"Oh? Akala ko ba hindi ka sasama?"
Umangat ang paningin niya sa nagsalita sa kaniyang tagiliran. Maaga sila ba-biyahe patungong Ilocos. Madaling araw pa lang ay nakaupo na siya sa gitnang bahagi ng bus na gagamitin nila.
"Changed my mind. Ikaw, I thought you're not going?" balik niyang tanong kay Skylar. Isa sa tropa nila. May itim itong maiksing buhok. Palagi rin ito na may wing eyeliner at pulang lipstick. Humikab ito. Nilagay ang gamit sa taas ng luggage racks pagkatapos ay sumalampak sa kaniyang tabi.
"Excuse me?" mataray niyang tanong dito. Bigla-bigla na lang kasi ito tumatabi sa kaniya na hindi man lang nag papaalam.
"What? I decided to sit here with you."
Tinaasan niya ito ng kilay. "I don't want you here. Doon ka kay Gia."
"Ayoko," mahinang saad nito pagkatapos ay sinalpak ang dala nitong headset sa tainga.
Bumuntong hininga na lang siya. Wala na siya magagawa pa. Napatingin tuloy siya sa bagong pasok na binata kung saan nahuli niyang nakatingin din ito sa kaniya pagkatapos ay dumako ang tingin nito sa katabi niyang si Skylar.
Cloud made a face bago ito dumiretso nang upo sa unahan nito. Balak niya sana patabihin si Cloud sa kaniya kung hindi lang biglang nag desisyon si Skylar na sa tabi niya ito uupo.
Nang makumpleto sila ay bumiyahe na ang bus nila. Katulad ni Skylar ay sinalpak niya ang earphone sa tainga habang pinagmasdan ang madilim na tanawin sa labas ng bintana. Hindi niya pinansin ang kabang naramdaman habang tinatahak nila ang landas patungong Ilocos.
Lingid sa kaniyang kaalaman, kung hindi niya lang sana pinairal ang kuryusidad. Hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon sa kanilang magkakaibigan.
PAGOD na inayos niya ang lagay ng backpack sa kaniyang likuran nang makababa sila ng bus nang may humawak sa strap ng bag niya. Inangat niya ang tingin kay Cloud. Nakangiti ito sa kaniya pagkatapos ay pilit nito kinuha ang dala niyang bag.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mataray niyang tanong dito. "Ako na mag dadala niyan," sagot nito. Inikutan niya ito ng mata at tinapik ang kamay nito. "Ayoko."
Nagkibit-balikat na lang si Cloud pagkatapos ay bumaling ang tingin nito sa hotel nasa kanilang harapan kung saan sila mananatili ng dalawang gabi.
"Ang ganda ng architecture."
"Sinabi mo pa," komento niya rin pagkatapos ay kinuha niya ang kamay nito at pinagdakop ang kanilang kamay ngunit bigla rin ito nahiwalay nang may sumingit sa kanilang gitna at umakbay.
"Tara na sa loob," Axel toothy said to the both of them. Sa pangalawang pagkakataon ay umikot na naman ang mata niya. As usual, nandito na ang sagabal sa kanilang dalawa ni Cloud. Inalis niya ang braso nitong naka-akbay sa kaniya bago siya sumunod sa mga kaibigan niyang babae.
"Baby Kinsley!" tili ni Lilac nang makita siya nito. Niyakap pa siya nito sa tagiliran at hinalikan sa pisngi. Pinunasan naman niya ito na kinatawa lang ni Lilac. May purple wavy long hair ito at may nunal sa ilong.
Sa kaliwang gilid niya ay umakbay si Skylar sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Kins, iniwan mo ako sa bus. Nag tatampo na ako, ha!"
"Whatever," tanging saad niya bago sila nag patuloy sa loob ng hotel kasama ang iba nila pang kaklase at schoolmates.
INABOT ni Cloud sa kaniya ang isang pirasong hipon. Nasa cafeteria sila ng hotel kumakain ng tanghalian dahil pagkatapos kumain ay mag sisimula na ang tour. Kinuha niya ang hipon at kinain ito. Pinabalatan niya ito dahil naiinis siya at hindi siya makakain nang maayos.
"Akala ko ba hindi kayo sasama?" basag ni Lupin sa katahimikan. May mahaba itong buhok hanggang shoulder length kung saan palagi naka-braid. Boyfriend ni Lilac.
Kanina pa kasing tahimik silang magkakaibigan na para bang may malalim na iniisip ang mga ito. Well, kahit siya rin naman ay hindi mawala sa kaniyang iniisip ang sulat natanggap.
"I received a letter," seryosong saad ni Gianna. Nagulat siya. May pixie black hair ito at may kulay nude lipstick sa plump nitong labi. Isa-isa silang pinatitigan nito. Bigla tumaas ang balahibo niya sa paraan nitong tumingin.
"Ako rin," saad ni Maddy na katabi ni Bylac kung saan makikita ang pagkagulat sa mata nito. "Kaya ako nandito," dagdag pa nito. Mahahalata sa boses nito ang kaba at takot. She has straight brown hair. Maputi ito at palaging namumula ang pisngi kapag nahihiya ito.
"Babe, I thought you decided to go here because your mom made you, do it?" ani Bylac. Isa sa kambal ni Lilac. Hindi katulad ni Lilac, hindi makulay ang buhok nito. Kulay itim lang ito na medyo magulo.
Binitawan niya ang kutsara at tinidor pagkatapos ay niyakap niya ang sarili nang biglang lumamig sa paligid. Pinagmasdan niya ang estruktura ng hotel. Para sila nasa makalumang panahon. Magaganda ito pero may nag bibigay na creepy feeling ang mga design nito sa kaniya.
"Does the letter said to go to Solomon's church?"
Sabay-sabay silang lumingon kay Eliac. Ang bunsong kambal nina Bylac at Lilac. They were triplets. Ang pinagkaiba lang ni Eliac kay Bylac, ay may nunal ito sa baba at may salamin ito sa mata dahil mahilig ito magbasa.
Nang sabihin iyon ni Eliac ay mas lalo siyang kinabahan. Para saan ang mga sulat? Lahat ba sila nabigyan ng sulat? Dahil kung gano'n, ang sulat ba ang dahilan kung bakit sila ngayon sumama sa outing ng school nila?
"Oo," seryosong saad ni Axel. Tumingin siya rito. Nakatingin din ito sa kaniya na kina-iwas niya ng tingin. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan niya. Nasa sampu sila. Posible bang lahat sila nakatanggap din?
"L-lahat ba tayo nakatanggap?" may kabang tanong ni Lilac.
Katahimikan.
Namayani ang katahimikan sa hapagkainan at tanging ingay lang ay ang mga kwentuhan ng schoolmates nila sa kabilang lamesa. Hindi rin sila makatingin sa isa't isa hanggang unti-unti inamin nila ang katotohanan.
What the hell is going on?
MAHIGPIT na hinawakan ni Cloud ang kamay niya nang makarating sila sa Museyo Solomon. Ngayong araw ang nakalagay sa sulat. Agosto 5 at hindi niya alam kung susundin niya ba ang nakasulat. Wala rin kasing sinabi ang mga kaibigan niya kung pupuntahan nila ang simbahan.
"Kins, are you okay?" Inangat niya ng tingin si Cloud. Kahit wala siyang sinabi ay niyakap siya nito nang mahipit. Binigyan pa siya nito ng halik sa kaniyang sintido.
"I'm with you. Walang mangyayaring masama sa'yo."
Tumango-tango siya at niyakap din ito kung saan napadako ang mata niya kay Axel nakatingin sa kanila sa hindi kalayuan. Umiwas siya ng tingin dito at bumitaw kay Cloud.
"Have you seen, Eliac?" nag-aalalang tanong ni Lilac sa kanila nang makalapit ito. Hawak-hawak nito sa kamay si Lupin.
"Hindi. Bakit anong nangyari?"
"Bigla siyang nawala. Ang sabi niya ay mag re-restroom lang siya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik."
"Si Bylac?" Cloud asked. Napansin niya rin na lumapit si Axel sa kanila na sinundan nina Maddy at Skylar.
"Sinamahan ni Gia hanapin si Eliac," sagot ni Skylar sa kanila pero agad din nila nakita sina Bylac at Gianna patakbong nilapitan sila.
"Wala siya sa restroom!" inis na singhal ni Bylac. Mas ginulo pa nito ang magulong buhok. Napatingin siya kay Gianna, umiling ito sa kaniya. Mapapansin nag-aalala ang mga kaibigan niya lalo na ang dalawang kambal nito.
"Sa tingin niyo ba pinuntahan niya 'yong lumang simbahan?" kinakabahan niyang tanong sa mga ito. Inis na binalingan siya ni Bylac. Halatang hindi ito natuwa sa kaniyang sinabi.
Hinawakan naman ni Cloud ang kamay niya at kaunting hinarangan siya. Marahan naman niyang tinabig ito para titigan si Bylac sa mata.
"Bakit natatakot ka bang pumunta sa lumang simbahan, Bylac?" She uttered and smirked. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang tapang para asarin ito.
"I'm not scared, Kinsley. Baka ikaw? Tinago mo si Axel no'ng naging kayo. Ngayon si Cloud naman ang balak mong—" Binitawan niya si Cloud at malakas niyang sinampal si Bylac sa pisngi. Pinanlisikan niya ito ng tingin.
Walang alam si Bylac. Hindi nito alam kung gaano ka-strikto ang pamilya niya pag dating sa kaniya. Lahat ng kibot niya ay dapat alam ng mga ito at isa pa, hindi niya nobyo si Cloud. Kaibigan niya lang ito.
"Guys!" Lilac whispered shout. Parehas naman silang tumigil ni Bylac pero hindi niya inalisan ito ng masamang tingin.
"Kung sana 'yong oras na pinagbunganga niyo d'yan ay ginagamit niyo na lang para hanapin si Eliac," ani Gianna bago sila nito tinalikuran.
"Kaya nga, guys," sang-ayon ni Skylar at sinundan si Gianna. Hinawakan pa nito ang braso nito. Bumaling ulit siya sa kanila pagkatapos ay tinalikuran din ang mga ito.
Kung ayaw nila. Siya na lang ang pupunta sa lumang simbahan. Malapit lang naman iyon sa Museyo Solomon. Ilang lakad na lang naman.
Nando'n sila para sa sulat. Ano pa ang hinihintay nila?
"Saan ka pupunta, Kinsley?" sabay na tanong nina Cloud at Axel.
Hindi niya pinansin ang mga ito ngunit nang sigawan siya ni Lilac ay tumigil siya. "I'm going to abandoned church!" balik niyang sigaw pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtalikod sa mga ito.
Narinig niyang nag mura ang mga ito hanggang namalayan na lang niya na sinundan siya ng mga kaibigan.
PAPALUBOG na ang araw nang makarating sila sa harapan ng lumang simbahan. Malaki ito. Bigla siya kinalibutan nang maramdaman na parang may nag mamasid sa kanila.
Inangat niya ang ulo sa malaking kampana sa itaas. Madilim ito at parang may nakatingin sa kanila. Hahawakan niya sana ang kamay ni Cloud nang matigil siya.
Ibang kamay ang nahawakan niya. Nilingon niya si Axel na gulat sa kaniyang ginawa pero mahahalata rito ang pag-aalala.
"What's wrong?" he asked. She bit her lower lip and looked up. Sinundan iyon ni Axel. Humigpit ang kapit nito sa kaniya.
"Guys, I think we should go. Mukhang wala rito si Eliac," seryosong saad ni Axel. Sumang-ayon siya. Napansin niya na tumingin si Cloud sa kanilang magkahawak na kamay. Agad tuloy siya bumitaw.
"No, ang sabi sa likod ng lumang simbahan. Hindi pa tayo pumupunta roon at isa pa, I already texted kuya. Might as well, we for wait them," ani Lilac.
Pinanood niyang hinalikan ni Lupin ang noo ni Lilac. Halatang nag-aalala ito sa kasintahan.
Bumuntong hininga siya. Nag hintay sila ng ilang minuto hanggang matanaw na nila sina Bylac, Maddy, Skylar at Gianna sa hindi kalayuan. Hindi pa rin kasama ng mga ito si Eliac. Ibig sabihin, may posibilidad talaga na pumunta si Eliac sa likod ng simbahan.
"We look for him everywhere but no sign of him," mahinhin na saad ni Maddy. Nakahawak ang kamay nito kay Bylac.
"Kinsley, lead the way," may pang-uuyam na saad ni Bylac. Inikutan niya ito ng mata. Tangina talaga nito minsan.
"Dude, what the fuck?" sita ni Cloud. Hindi na niya pinansin ang mga ito at inunahan na ang mga ito mag lakad.
BAWAT dinadaanan nila ay puno ng ilang basura, dahon at maliliit na kahoy. Ilang beses pa sila nakarinig ng palagpas ng ibon at kuliglig. Maraming puno rin ang nakatayo sa mga gilid.
Hindi niya maintindihan kung bakit palapit sila nang palapit sa nilalakaran ay mas dumidilim ang kapaligiran. Mas lalo tuloy siya kinabahan at natakot.
"Sa tingin niyo ba tama 'tong ginagawa natin?" basag ni Lupin sa katahimikan ng grupo.
Walang ni-isang sumagot sa kanila bagkus ay nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
"Masama pakiramdam ko rito, guys," ani Maddy. Tahimik nilang tiningnan ang isa't isa. Tama ito. Kahit siya ay kinakabahan na.
"Eliac!"
Sabay-sabay silang lumingon kay Gianna nang sumigaw ito. Sinundan nila kung saan ito tumingin pero walang Eliac silang nakita.
"I really saw him!" giit nito. Halata ang pag tataka sa mukha nito.
Lakas loob na nilapitan ni Gianna ang isang malaking puno ng mangga. Patakbong sinundan naman nila ito hanggang sa matigil sila sa kinatatayuan nang makarinig sila ng isang nabasag na bote.
Sigawan at mura ang namayani sa buong paligid. Ang likuran nila ay unti-unti nagkadikit sa biglaang takot naramdaman.
"Shit!" mura ni Bylac nang may usok lumitaw sa kanilang harapan.
"Don't fucking sniff the ai—" hindi na natapos ni Cloud ang sinasabi nang mahilo siya at bumagsak sa lupa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top