6

"Estrosas!"

Nataranta aako bahagya noong tinawag niya ako mula sa intercom.

"Come here"

"Saan?"

"In my office saan pa ba!" Napangiwi ako noong marinig ang pagtaas ng boses niya.

"Why boss? Do you need something? Or may ipapagawa ka ba?" magiliw ko na tanong ng may ngiti sa mga labi ko. Parang hindi kinabahan kanina. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang palad ko. Kinuha ko ang ipad bago pumasok sa loob ng opisina niya. Nakita ko siyang nakatanaw sa labas, I have a perfect view of this broad shoulder, matangakad siya at malaki ang katawan halatang inaalagaan.

"Why are you sounds so happy?" nakakunot niyang tanong.

"Free day po kasi bukas."

"We're you going tommorow?" he asked seriously.

I flash a testing smile, "Sir, concern ka po?"

"You wish, Miss... Just get me a cup of coffee that you would be nice. " mataray na sabi nito bago binalik ang tingin sa ginagawa nya.

"Note, Sir!" medyo nabawasan na ang sigla na nararamdaman ko. Pero hindi pa din naitatago ang excitement doon.

"Stop smiling you're so creepy," puna nya ng ihatid ko ang kape nya sa loob ng office niya.

Nagiging makilatis na sya sa mga ginagawa ko nakakapanibago naman. Dati ay hindi nya ako pinapansin palagi pang galit. Nag improve na ugali nya hindi na masyadong demonyo.

"Boss, ngumiti ka rin kasi pag minsan palagi kang seryoso."

"Kailan ka mag resign?" imbis na sagutin niya ako yun pa ang itatanong niya.

Hindi ba siya nagsasawa na itanong 'yan ng paulit-ulit.

"Boss I'm not resigning, Hindi ko pa feel eh. Siguro kapag matanda ka na or kapag may asawa na ako!" I mocked.

Umayos siya ng kanyang pagkakaupo.

"Asawa?" kunot noo niyang tanong halos mag isang linya ang mga kilay niya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang iritasyon na dumaan sa mukha nito dahil sa sinabi niya.

Agad naman ako na tumango bilang sagot. "Syempre pag may asawa na ako siya na lang mag trabaho. Maybe may stable na rin ako na work nyan. Pero aalagaan ko na lang ang anak namin. Kaya mag resign na ako sa pagiging secretary mo." Tuwang tuwa kung pag explain.

Naiisip ko na agad na bubuo ako ng sarili kung pamilya medyo nakaka-excite na. Magaalaga ako ng mga anak ko, tapos ang asawa ko ang magtatrabaho syempre tutulong din ako. Masaya na bumuo ng sarili mong pamilya pero wala pa 'yon sa plano ko. Wala rin akong nagugustuhang lalaki at saka gusto ko na tumulong kay mama. Bata pa naman ang twentytwo marami pang taon.

"Then find a man, kahit ngayon na. Go back to your seat!" puno ng iritasyon niyang sabi, bumulong bulong siya ng kung ano hindi ko na lang binigyan ng pansin.

"Bat ka naiinis ng kwento lang naman ako sayo. Nakakainis ka, boss!" hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita ulit siya.

"Because you're so noisy, ayoko sa maingay." puno ng ititasyon nya na sagot sa'kin. "Bawal kang maghanap ng iba ako lang!" Nanlaki ang mata ko. Mabilis ko siyang nilingon pero busy na siya sa laptop niya. I tilted my head, guni guni ko lang siguro iyon.

Napalabi na lang ako bago lumabas sa opisina nya para ipagpatuloy ang pag trabaho ko. Mabuti na lang hindi marami ang trabaho na ibibigay nya sa'kin. Kaya hindi ako masyadong hagard pag uwi ko ng bahay.

@qtisfern_

Pwede ko ba na isama ang cousin ko sa hang-out natin. Suddenly kasi nagpakita siya sa'kin.

@iamzhea_

It's fine

@_itspauline

Nagpaalam ka pa, ano single ba yan? Pwede ba iyan na sungaban.

@qtisfern

Medyo hahaha.

Co-worker 'to ni Alzhea pero di sila close. Diko sure kung magkakilala sila.

My lips formed 'O' when he said katrabaho ko. Ang lawak ba naman ng kompanya. Ang dami ng mga nagtatrabaho dito. Hindi ko din kilala ang iba dahil hindi naman required. Sa subrang laki ng Salvador Enterprise, at isa pa napaka dami nila na workers.

"Mama, aalis na po ako," paalam ko kay mama bago lumabas ng bahay naming para umalis. Pumunta ako sa meeting place namin sa may plaza. Si Pau pa lang ang andoon kaya naghintay na lang kami kay Fern at sa pinsan niya.

"Sorry, we're late!" Napangiti ako at agad na yinakap si Fern ng makita ko siya. Ganoon din ang ginawa ni pau bago tumingin sa kasama nya.

Matangkad siya halos nasa six-footer, blond ang buhok. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Manipis at mapupula ang kanyang labi na talaga naman mas nagpalitaw ng ka gwapuhan niya bilang lalaki. Maputi ang kutis parang papel feeling ko nga mas maputi pa siya kasya sa'kin. Ano kaya ang secret niya kaya subrang puti niya. Pinilig ko ang ulo ko naalala ko na naman ang boss ko.

"Hi!" he shyly said napakamot pa sa ulo niya.

Siniko ni Pau si Fern senenyasan na ipakilala niya naman ang pinsang kasama niya. Para kasing naiilang naunahan pa ng chicka.

"Oh! I'm sorry... This is Cedrick my cousin... And Cedrick my best friend this is Pauline," excited na nakipag kamay sa kanya si Pau na ikinatawa namin lahat. "And Alzhea..."

I step forward and shake his hand and smile at him. "Nice to meet you, Cedrick!"

"Nice meeting both of you, I'm glad that my cousin has both of you as her friend. Kung ano ano kasi ang ginagawa nito." Napabusangot agad si Fern at agad na sinaway ang pinsan sa drama raw nito.

I agree! Sa'ming tatlo napakakulit ni Fern siya iyon saya sa'ming tatlo kapag bored kami. Siya iyon nagpaka-energetic sa'min kapag pagod kami. She's so jolly kaya naman nakakatuwa siya na kasama. Hindi boring dahil lahat may nakakatawa siyang sinasabi.

"Couz naman super sama mo sa'kin!" reklamo ni Fern. "Ikaw nga ang inaasahan ko na kakampi ko ngayon."

"Tangapin mo na lang Fern, sanay na kami nitong si Alzhea sayo kaya walang problema sa'min." Nakangisi na sabi ni Pau sa tabi ko.

"I agree!"

"Hmp!" Nagmartsa siya. "Ang sama nyo sa'kin pasalamat kayo mahal ko kayo."

Inakbayan siya ni Cedrick habang grabe sa nagpipigil na tawa niya sa pang-aasar naming sa pinsan niya. Kami kasi tawa ng tawa. Kaya tuloy parang nalugi ang mukha nitong si Fern.

"Where do you want to eat girls? My treat." Cedrick offers after a long silence.

"Ayos! Kasama ka ba sa menu?" Nakangising sabi ni Pau sa makahulugang paraan. Nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang bibig ni Pau. Ako ang pinakamalapit sa kanya, napatigil ang mag pinsan at humarap sa'min. May ngisi sa mukha nilang dalawa. Ako na mismo ang nahihiya para kay Pau. Bakit niya sinabi 'yon.

Napangisi si Cedrick, tinangal niya ang pagkaka-akbay kay Fern at nilagay ang kamay sa loob ng bulsa niya. "Sorry Pauline, I'm not in the menu, maybe find someone else who is ready to be eat." Amusement was all over his face.

I tilted my head. Did he find my friend interesting.

He's not that angelic, and inocent ... Umasim ang mukha ko dahil sa ideyang iyon.

"Aww sayang masarap ka pa naman atang kainin!" double meaning na sagot ni Pau may ngisi rin sa kanyang labii pero ang mukhang dismayado.

"Ikaw talaga Pau." Natatawang sabi ni Fern kasabay ng pag-Iling bago nag simula na lumakad ulit.

Tumingin ako kay Pau bago sIya binitawan. Napasapo na lang ako sa noo dahil ako talaga ang nahihiya para sa kanya. Tinawanan niya lang ang itsura ko, hindi pa ako sanay.

"I was just joking!" she told me to save her face.

"Well! Nakakahiya naman iyon you know." I answered, hindi pa rin mapinta ang mukha ko.

"Hmm... I'm just testing him, sa mga lalaki parang wala lang iyon. Pero sa iba naman ay meron, alam mo na."

"Type mo talaga ang cousin ni Fern," bulong ko.

"Nope!" she answered plainly.

"We can hear both of you whispering... You know, pangit naman ng pinsan ko. Sa iba nalang gago pa naman 'to." Hindi mapinta naming sabt ni Fern.

"Wow!" Cedrick exclaimed sarcastically.

I shrug my head again sa isang malapit na restaurant lang kami kumain. Dahil ito ang pinaka malapit sa park kung saan kami nagkita-kita. Pumayag naman ang lahat kaya nandito na kami.

"Ang mahal naman ng mga pagkain dito, nagtitipid na nga ako, sinusubok ata ako ng tadhana," reklamo ni Pau.

Tama siya... Nakabusangot ako haabang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkain na nakalagy sa menu, hindi naman ako sanay kumain sa mamahalin na restaurant. Jolibee lang pwede na pipiliin ko lang happy meal busog na ako. Hindi 'yong isang buo lang na manok mag fivehundred pesos na. Tapos 'yong kape ang mahal din 300 pesos tapos isang maliit lang na tasa.

"It's fine! Don't hesitate to choose, ako naman ang magbabayad ng kakainin nyo kaya no need to worry, minsan lang naman kaya samantaahin nyo na," sabad ni Cedrick. Siguro napansin niya ang pagrereklamo sa mga mukha naming, mayaman si Pau at Fern hindi ako laki sa yaman kaya hindi ako makarelate sa pagiging magastos.

"Hmm sige!" I cheerfully said basta libre walang nagrereklamo minsan lang ang mga taong hindi kuripot.

"Isang steak lang sa'kin diet din naman ako. Baka kasi tumaba agad ako." Nakanguso ni Fern na binalik ang menu bago sumulyap sa waiter na naghihintay na makompleto sa order namin. Pagkatapos na makuha ang order namin umalis na rin ang waiter.

"Anong department ka, Ced? Hindi kasi kita makita man lang sa company, palagi rin kasi ako sa office at kung hindi naman kasama ako ni boss," tanong ko para magsimula ng usapan.

"Architecture!" he simply answered.

"Kung ganoon magaling ka mag drawing? Kasi diba archi ka, expected iyon kasi design ang mga hawak nyo," singit naman na tanong ni Pau, nakataas na ngayon ang kilay nito.

Ganoon din naman kasi sa archi kapag talaga narinig mo ang salitang yun unang pumapasok sa isip natin ay magaling mag drawing magaling sa design. Yun kasi ang mga trabaho nila. Pero modern na and it's 20th century lahat ay high tech na.

"Yeah, I think I'm good enough..."

"Bat dika sure?" I asked while fixing my dress.

"Kasi napapangitan siya sa drawing niya alam mo ba. Nag design 'yan dati tapos andami na tinapon kasi pangit daw para sa kanya. Hindi nga mag one fourt drawing ko roon," sabat na kwento ni Fern.

"Ako rin naman minsan, so I was asking for another person opinion. Katulad na lang kay boss mabuti na lang ayos naman sa kanya palagi. Ako ang ibang head architect sa mga branch ng kompanya. Hindi ngyong yun bago, may tinatapos pa kasi kami kaya binigay ko na sa kasama ko."

"Mukhang close kayo ni Mr Salvador." Nanlaki ang mata ko at napailing dahil sa sinabi niya. Sino ang nagsabi na close kami noong lalaki na 'yon.

"Hindi naman, ang sungit nga niya sa'kin. Tapos ewan ko ba, palaging mainit ang ulo sa'kin"

Ngumiti siya sa'kin habang nakikinig sa mga rants ko ganoon din ang dalawa. Tungkol sa boss namin na napakabait. Sa subrang bait ipapasundo ko na kay San Pedro.

"Sus mabait naman boss mo." Iyong dalawa habang nakikinig din sa mga kwento ko, nakita nila sa picture pero sa personal naman hindi.

Cedrick smirked. "Alam mo ba na ikaw lang ang tumagal na secretary niya. Most of them file a resignation paper because of his attitude. Dahil nakakatakot daw siya. Keep it up Alzhea... Stay with him." He flashed a weird smile that sent shiver down to my spine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top