23

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makahakbang sa kinakatayuan ko. Nakatingin pa rin ako sa kanila sa hindi makapaniwalang mukha. Ang hirap paniwalaan. Alam ko na tao rin naman sila at normal lang na magsaya. Normal lang sa kanila na magrelax dahil tao rin naman sila.

Isa pa na ikinataka ko saan nila nakuha ang face mask na nakalagay sa palibot sa kanilang mukha. Wala naman sila na dala kanina, napanguso na lamang ako.

"Ang gwapo ba namin ngayon, Alzhea, para ganiyan ka kung makatingin," pagbiro ni Cadius. Agad naman siya na tiningnan ng masama ni Cyden at sinaway.

"Don't call her, Alzhea," may bahid pa ng inis nito na sabi.

"Your so posissive, my man." Cadius comment. "Pangalan niya 'yon normal lang na tawagin siya noon."

Pakurap ako ng ilang ulit bago tumikhim para maagaw ko ulit ang atensyon nila. "Heto 'yong order mo na pagkain," iporma ko at itinaas yung paper bag sa restaurant para makita nila.

"It's for you, ayaw akong palabasin ng dalawang gagong 'to. Kailangan daw namin gawin ang bagay na 'to," puno ng pagdisgusto ang mukha ni Cyden sabay turo sa mask sa mukha niya.

Lihim na lamang akong napangiti, alam kong takot naman ang dalawa sa kaniya. Hindi naman pala sa takot ang dalawa. Tapat lang sila kay, Cyden, parang magkaibigan na talaga sila. Kaso mafia parang di alam ang salitang friends. Ang cute nilang pagmasdan habang may mga facial mask.

Napatigil ako sa pag-iisip ng malalim ng mahinang kumalam ang sikmura ko senyalis na gutom na ako. "Sabayan nyo na akong kumain, marami naman 'to diet ako kaya hindi ko 'to maubos."

Lumapit ako sa kanila, dalawa 'yong paper bag pi-nause mo na nila ang pinanood nila. Sa tabi ako ni Cyden na upo, lumipat ang dalawa sa harap namin.

Nang mahanda ko na lahat ay napakumpas ako sa excitement.

"Cyden, lipat ka mo na sa harap picturan ko kayo," utos ko.

Masaya ako noong makuhan ko na sila ng picture. Ang cute nilang tatlo sa picture na kinuha ko. Si Cyden nakabusangot sa gitna si Yusia at Cadius naka wacky. Bumalik na rin sila sa dati nilang pwesto pagkatapos.

Kukuha na sana ang dalawa ng pagkain, agad na nanlaki ang mata ko at pinalo ang kamay nila. Hindi pa pwede.

"Hindi pa tayo nagdadasal kakain na agad kayo." sermon ko sa kanila.

"Mag-dasal?" gulat nilang ulit. Sabay-sabay pa silang tatlo.

"Oo, bakit?" matapanag kong sagot.

Para silang ngayon pa lang nakarinig ng salitang dasal.

"Boss, lead the prayer!" utos ko.

Agad na napatikhim ang dalawa pero halata ang pag pigil sa tawa. Tawa ng may halong kaba. Nang binalingan ko siya ay gulat na gulat ang mukha niya.

"Lead the prayer, boss. Para makakain na tayo ng lunch," ulit ko habang nakangiti.

"Oo nga boss, gutom na kami," pang gatong nila Cadius.

Para kaming isang pamilya, at mga pilyong kapatid ko naman ang dalawa. Kami kunwari ni boss ang magulang. Masaya ang mukha namin, isang masayang pamilya.

Naniwala talaga ako sa don't judge the book by its cover. Kasi patunay silang tatlo noon. Ngunit may sarili sila na version. Don't judge the look without knowing there story.

"I don't know how to pray," pag
amin niya.

Matalim ko siyang tiningnan, dahilan para napalunok siya. "What should I say?"

"Hindi ka nakikinig sa'kin sa t'wing nag dadasal ako bago kumain," sermon ko.

"Okay! I know," aniya sa nerbyos na boses. Nag sign of cross kami bago siya nagsimulang magdasal. Our father pa ang dinasal.

Our Father who art in heaven,
hallowed be thy name.
Thy kingdom come.
Thy will be done
on earth, as it is in heaven.
Give us this day
our daily bread,
and forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us,
and lead us not into temptation,
but deliver us from evil

AMEN

"Kinabahan ako," Yusia said when we finish praying.

"Unang beses ko magdasal," bulong naman ni Cadius sa kaniya.

"Para naman kayong mga sira, magdadasal lang naman," asik ko.

"Oo na mahal na prinsesa," I gigle a little.

"We will do everything, just for you, my queen." Hinalikan niya ang labi ko ng madali.

Hindi ako nakagalaw ng ilang sandali, nabigla lang ako sa biglaan niyang pagnakaw ng halik sa'kin. Kung hindi ko lang nadinig ang tikhim ng dalawa. Matulala yata ako sa gulat.

"Mamaya na ang harot, kumain mo na kayo para may energy." Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin ko sa kanila.

Kinuha ko ang pagkain na para sa'kin. Pa minsan minsan ay nilalagyan ni Cyden ang plato ko. Hindi naman ako umagal, mag cheat na lang ako sa diet ko. Dahil sa ka-swetan namin ay panay reklamo ng dalawa.

"Hay busog!"

"Ituloy nyo na ang ginagawa nyo kanina, aalis na ako,"

"Alzhea, ikaw na nga lang ang pumili ng movie. Wala naman na taste si Yusia lalo na si boss." Inabot sa'kin ni Cadius ang remote para makapili ako.

Napaisip tuloy ako sa pwede ko na i-recomend na movie. Wala ako na masiyadong alam sa mga movie. Pero k-drama meron. Matagal akong nag isip hangang sa maalala ko 'yon nakita ko sa Facebook kanina.

More than Blue

Pagkatapos ko na i-play 'yon ay lumabas na ako at hinayaan sila sa best friend time nila. Wala siguro gagawin ang dalawa, si Cyden naman nagtrabaho pa rin. Hinahayaan niya lang silang dalawa na ikinatuwa ko.

Hindi mo man sabihin Cyden alam kong hindi lang sila basta tauhan para sa'yo. Isang higit pa sa isang tauhan.

"How do you feel towards Yusia and Cadius?" tanong ko habang nakaupo sa lamesa malapit sa kaniya.

Umalis na kanina yung dalawa pagkatapos nila mag movie. Sayang nga lang mukha hindi sila naiyak. Mukha naman kasing masaya pa sila noong lumabas.

Tapos na rin pala ang trabaho ko, nandito lang ako dahil hinihitay ko siya. Tinatapos niya kasi ang iba niyang trabaho, ayaw ko naman na umalis na kami tapos siya may trabaho pa. Wala naman akong gagawin kaya hihintayin ko na lang siya.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa'kin. "Anong dapat naramdaman ko?"

Napasapo na lang ako sa noo ko, "Special sila hindi ba, hindi lang isang tauhan higit pa roon."

Sandali siyang hindi umimik dahil sa sinabi ko. Ibinalik ulit niya ang atensyon sa binabasa niya. "What are you talking about?"

"Eh. Alam mo Cyden it's fun to have a friends with you. Sa oras na kailangan mo ng karamay o may kailangan ka. Masaya sa pakiramdam na may kaibigan kang nandyan para sayo."

"I don't know," tipid niyang sagot.

"Ako nga swerte ko noong makilala ko si Pau at Fern. Magkaibigan na kami simula bata pa lang. Tapos kami na rin magkaramay sa oras na malungkot kami. Para ko na sila na kapatid, kasama ko na sila simula paglaki ko. Hanggang ngayon, kasama ko sila sa saya at lungkot," kwento ko habang inaalala ang mga pinagsamahan namin tatlong magkakaibigan.

"Btw, gala tayo bukas!" alok ko.

Ngayon sigurado na ako, sigurado na ako sa nararamdaman ko. Alam ko na ang sagot sa tanong niya. May maisasagot na ako. Sagot na matagal na niyang hinihitay.

Kahit alam kung masasaktan siya pero kailangan ko itong gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top