22

"Good morning, ma'am!" magiliw na bati ng guard sa'kin sumunod na araw.

"Kuya nasaan ka kahapon?" tanong ko.

"Nandito po? Hindi po kayo pumasok kahapon ma'am!" nakangiti pa rin na sagot niya.

"Kuya sino po ang bantay kahapon sa parking lot?" usisa ko ulit.

"Ako din po? Rolling po kasi kami kahapon. May problema po ba?" Naningkit ang mata ko at mabilis na umiling. "Wala po. Mauna na ako."

Na una akong pumasok sa loob kay Cyden. Pumunta pa kasi siya sa parking lot para mag park sinundo niya ako kanina, kaya naman noong makita ko si kuya guard ay itinanong ko kaagad 'yon habang wala pa siya. Plano talaga 'yon ng lalaki na 'yon...

Noong makasakay ako sa elevator napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ng sarili ko. I was wearing mustard body con dress and black blazers.

Bago magsara ng tuluyan ang elevator pumasok si Cyden na inaayos ang suit niyang suot.

"Hindi mo ako hinihitay," nagtatampo niyang sabi.

"Plano mo talaga 'yong kahapon ano?" kalmadong tanong ko habang naghihitay na bumukas ang elevator sa top floor.

"I need to do that," masuyong sagot niya. Alam niyang pag-aawayan na naman namin ito kung nagkakamali siya ng sagot.

Nabigla ako noong niyakap niya ako mula sa likod. "Sabihin mo na kasi sa'kin kung bakit."

Huminga siya ng malalim. "It's confidential, wag mo na isipin 'yon."

"Hindi ko naman iniisip 'yon, hindi talaga," sarkastikong sabi ko.

He held my hands. "H'wag mo akong lokohin, Alzhea, alam ko, sa ulo ko na yata ang mga bagay tungkol sayo." Naningkit na ang mga mata ko.

"We? Even my you know?" Nakataas aking kilay ng itinanong ko 'yon.

Natawa ako ng tumikhim siya at kumalas sa pagkakayakad sa'kin. "Hindi mo naman alam, Cyden," I tested again.

"S-stop it, Alzhea."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko "Did Cyden Salvador just shuttered?" I tested again.

"Stop it, you always like testing me," puno ng pagbabanta niyang sabi.

"Wala akong alam no." Napahagikhik ako. Kaagad akong lumabas sa elevator ng bumukas.

Dumeresto ako sa table ko siya naman ay pumunta na sa loob ng office niya. Maya maya pa ay hindi ako nagkamali dahil dumating ang dalawang tao na gusto kong makita.

"Hey, Alzhea!" bati ni Cadius.

"Miss secretary!" bati naman ni Yusia.

"What are you two doing here?" I seriously asked.

Nag plano ako sa gagawin ko sa dalawang sira ulong lalaki na 'to. Ang baliw nilang idea kahapon ay dahilan kung bakit halos atakihin na ako sa puso.

"Naks anong meron?" inosenteng tanong ni Cadius pero halata na natatawa.

"Peste kayong dalawa, kung ano-anong tinuturo kay Cyden." Hinampas ko sila ng hawak kong folder kaagad silang umilag.

"Wow! Tinanong niya kaya kami, hindi namin siya tinuruan, saka idea 'yon ni Cadius no," paliwanag ni Yusia na ikinalaki ng mata ni Cadius.

Kaagad siyang lumayo sa'kin noong masama ko siyang tiningnan.

"Hoy! Gago! Ikaw ang naka isip noon ako lang nag sabi," depensa ni Cadius sa sarili ng akmang hahampasin ko siya.

"Ta*nga! Paano mo 'yan nasasabi miss secretary nagsisinungaling siya, paano niya nabasa nasa isip ko."

Napamaywang akong humarap sa kanilang dalawa, ang kikisig ng katawan pero takot sa pamalo. Naka white t-shirts si Cadius at black pants. Si Yusia naman ay naka itim mula sa damit hangang sa sapatos.

"Lumapit nga kayong dalawa sa'kin," utos ko sabay senyas sa kanila.

Nang makalapit sila ay kaagad inabot ko ang kanilang mga tainga at piningot sila sabay. Pareho silang napadaing ng pinaikot ko ang kanilang tainga.

"Surrender na kami!"

Napabitaw ako sa kanilang tainga ng bumukas ang pinto. Sapo-sapo ng dalawa ang tainga nila at ako naman na umakto na parang walang ngyari.

"What's happening here?" Naka kunot ang noong tanong ni Cyden.

"Wala naman!" nakangiti kung sagot.

"Si A--"

I glared them ng akmang mag sumbong sila. Parehong napatikom ang bibig nila. Ito ang gusto ko sa dalawang 'to. Boss daw kasi nila si Cyden tapos nililigawan niya ako. Kaya naman boss din nila ko.

Mabait silang dalawa sa'kin, kahit alam ko naman na mafia sila katulad ni Cy. Kailangan man ay hindi nila ako pinagbuhatan ng kamay.

"Wala pala boss, nag rambol kami ni Cadius"

Mas sumeryoso ang mukha ni Cyden.

"Dito kayo nag-aaway paano kung nadamay si Alzhea. O kung nasaktan siya." Natahimik ako sa gilid. Bakas ng pag-aalala sa mukha niya ng tiningnan ako.

"Maayos siya Cyden buo pa siya," sabi ni Cadius bago inayos ang damit niya.

Balewala ang sinabi ni Caduis, maingat niya akong hinila palapit sa kanya. Napa-iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin. Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa ko.

"A-ayos lang ako, wala ngayari sa'kin Cyden." panigurado ko.

Nang magtama ang tingin namin ng dalawa at agad silang napailing. Medyo nahiya nga ako, dahil sa kanila pa nagalit si Cyden at sa'kin nag-alala.

Nang bitawan niya ako, huminga siya ng malalim bago nilingon ang dalawa. "What are you doing here?"

"RPH 023 just arive here in the philippines" sagot ni Yusia wala na ngayon ang magpaglaro niya na ugali. Lahat sila ay naging seryoso, ako lamang ang natirang clueless.

"Let's talk inside," Cyden's seriously said.

Tumango ang dalawa at pumasok sa loob ng opisina niya. Kaming dalawa ang naiwan dito sa labas. Pinanlakihan ko siya ng mata ng hinarap niya ako.

"Ano 'yon mukhang seryoso kayo?" naguguluhan pa rinin na tanong ko.

"It's nothing, may binili lang ako dumating na 'yon ngayon. Go back to you're work, let's eat lunch together later." Ginulo niya ang buhok ko.

Napapikit ako ng halikan niya ang noo. "Don't stress your self, mag uusap lang kami."

"Alright, I go inside." I smiled. Bumalik siya sa loob ng opisina niya, bumalik na rin ako sa table ko.

Kinalimutan ko ang mga naisip ko. Ganoon lang talaga silang tatlo seryosong, ganoon sila pag dating sa trabaho.

Napalingon agad ako sa tumawag sa'kin mula sa telephone. Mabilis ko iyong kinuha.

"Ma'am, Alzhea! Si Andrew po ito."

"Yes po?"

"May delivery po ng pagkain sa baba. Order po yata ni Sir," imporma niya.

"Ah! Sige po!"

Kaagad akong bumaba para makuha ang pagkain sa ibaba. "Kindly sign this, Ma'am." Mabilis kong pinirmahan ang papel na binigay bago ni recieve 'yong pagkain.

Babalik na sana ako ulit sa taas ng makasalubong ko si Cedrick. Pinsan ni Fern na nandito din sa company nag trabaho.

"Oyyy Alzhea, kumusta?" bati nito sa'kin.

"Ayos naman, anong ginagawa mo rito?"

Natawa siya. "Napadaan lang ako."

"Ganoon ba, papunta ka sa fifth floor?" Tumango siya bilang sagot. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. "Sana all may pa order ng pagkain."

Natatawa akong umiling. "Hindi sa'kin sa boss ko."

"Oh siya alis na ako, see you when I see you." Kumaway ako sa kanya bago maghiwalay ang landas namin.

Bumalik ako sa taas, bakit ang tagal naman yata nila? Ganoon ba ka seryoso ang pinag uusapan nila. Kumatok ako ng tatlong beses noong marinig ko ang boses ni Cyden saka ako pumasok sa loob.

Napangiwi ako ng makita ko ang ginagawa nila. Nagrelax, really habang nanood ng movie. May mga facial mask sila sa mukha, napaawang ang bibig ko, hindi ko akalain.

Akala ko seryoso ang kanilang pinag-uusapan kaya naman ay nagatagalan sila rito sa loob ng opisina. Pero heto sila relax na relax habang nanood sa malaking tv sa opisina ni Cyden. Tila ba ay walang anumang problema at hindi sila mukhang mga mafia.

Mabilis na lumingon sa'kin si Cyden.

"Do you need something, baby?" Cyden sweetly asked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top