19

"Where have you been, Alzhea?" galit niyang tanong sa'kin. Nakakapasok pa lang ako sa opisina niya sermon niya kaagad ang natangap ko.

"I was with my friend," matapang na sagot ko.

Napahilot siya sa kanyang sintido. "Sana sinabi mo sa'kin, anong use ng cellphone mo. "

Napabuga ako ng hangin naiinis sa sinabi niya. "Maraming use ang cellphone ko. Ano ha? Porket na ka iPhone ka sinasabihan mo na anong use ng cellphone ko."

"That's not what I mean." Medyo kumalma na ang boses niya pero galit pa rin.

"Eh ano... Kadarating ko pa lang ng sermon ka na agad sa'kin. Bat hindi mo ako tanungin kung saan ako galing. Hindi 'yong nagagalit ka, late na ako alam ko. Pwede nga umabsent na lang ako pero hindi ko ginawa pumasok pa din ako," puno ng hinanakit ko na sabi.

His being like this again, kailangan din naman ako ng kaibigan ko. Iyon na lang na samahan siya ang magagawa ko para sa kanya.

"I'm sorry!" agad niyang hingi ng tawad.

"I was with my friend dahil kailangan niya ako. Napakapasaway nyo kasing magkakaibigan. Sakit nyo sa ulo." Masama ko siyang tiningnan.

"What? I don't have friends?" naguguluhan niyang sagot.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" padabog akong lumabas sa opisina niya.

Wala siyang kaibigan eh ano para sa kanya si Cadius at si Yusia. Tauhan niya, pero they treat each other like one. Ayaw niya lang siguro na tangapin pero kaibigan niya talaga ang dalawa.

Napatalon ako sa gulat nang pagkabukas ko ng pinto bumungad sa'kin ang mukha ng manager at administrator ng kompanya. Nagulat din naman sila katulad ko. Hindi ko sila pinansin at dumeresto na sa table ko.

Maya-maya pa bumukas ang pinto at si Cyden naman naman ang lumabas. "Baby!" tawag nito sa'kin.

Napasinghap ang empleyado na nandoon pero hindi man lang sila pinansin ni Cyden. Dumeresto siya sa harap ko.

"Hey! Are you mad?" He approach me.

Hindi ko siya binalingan ng tingin sa mga employee ako nakatingin habang nakamasid ang mga ito sa'min. Ibat-ibang reaksyon ang nasa mukha nila. Pero lahat naman ay gulat, itong masungit ba naman nila sa boss ganito ka softie.

"Do you need something?" I asked them and ignore him.

"Mr. Salvador asked us to come here," mukhang nahihiya pang sagot ng isa.

Napatango ako noong maalala na may meeting nga pala siya ngayong umaga.

"Then you can go inside, Ma'am, Sir." Tumango sila lahat pero ang tingin ay nasa aming dalawa pa rin.

Nang wala na sa sila ay binalingan ko si Cyden. "Pumasok ka na sa office mo, they are waiting for you"

Bumagsak ang balikat niya at napasabunot sa kanyang buhok. "Palagi mo na lang akong linalayuan kapag galit ka."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano gusto mong gawin ko magpaparty." sarkastikong sabi ko.

"Hindi ko sinabi na magpaparty ka. Pwede natin na pag-usapan, I'm sorry. I'm just so worried about you, dumaan ako sa bahay nyo pero sabi ni tita wala ka na roon. Pagdating ko naman dito ay wala ka. Baby, I'm scared," mahinahon niyang paliwanag habang nakatayo sa harap ng lamesa ko.

Magsasalita pa sana ako ng dumating ang panibagong empleyado at bumati sa kanya.

"Good morning, Sir!"

Tinanguan niya lamang 'to. "Go inside nandoon na ang iba."

Nang wala na sila ay bumalik ang atensyon nito sa'kin. "Tell me are you still mad? I make it up to you."

"Hindi na... Hindi naman ako matagal magalit. Pumasok ka na ulit, bakit ba pinapunta mo rito lahat ng manager and head administrator of each team."

Tapos dito pa talaga niya sa office niya pinatawag. Eh hindi naman 'yan nagpapasok ng iba sa office niya. At ang dami ng manager at head administrator sa company. Sa laki ng epasyo ng office niya kaya ang isang daan ka tao.

"I have something to discuss with them." and what is it.

"About the missing sales?" tanong ko.

"About that also, and about our company plans."

"Do you need me inside?"

Umiling siya. "I can manage may ginagawa ka rin naman dito. I can deal with them."

Matagal siyang pumasok sa loob dahil naglalambing pa. Miss niya raw ako. Nagkita naman kami kahapon tapos ngayon. At baka raw galit pa ako, ayaw niya raw kasing nagagalit ako.

Nagpatuloy na lang ako sa trabaho ko. Ilang oras din lumabas na ang mga manager and admin. Lahat sila ay tumingin sa'kin ng may panunukso. Pero ang iba naman ay masayang tumingin sa'kin.

Hindi ko na sila pinansin, ilang oras pa ay bumukas ulit sa double door ng office niya kaya napaangat ako ng tingin. Napatayo ako noong lumabas siya. "Let's go!"

Kunot ang noo ko siyang tiningnan. "Ha! bakit?"

"Lunch time na, Alzhea." Tumingin ako sa relo ko, eleven thirty pa lang naman.

"Eh hindi ka naman kumakain sa cafeteria, Doon ko balak kumain." Inayos ko na ang gamit ko at pinatay ang laptop ko para sumama sa kanya.

"Bawal na ba ako roon?"

"Malamang hindi" agad kong sagot

"Pwede naman pala, walang masama kung doon ako kumain ng lunch." Aniya.

"Ay meron kayang masama, tinakot mo ba naman mga empleyado rito. Malamang matatakot 'yon na kumain ka roon."

Ang sungit-sungit ba naman niya. Sumakay kami sa elevator pababa sa second floor nandoon kasi ang cafeteria.

"Wala naman akong ginawang masama sa kanila," inosenteng sagot niya.

Napalabi na lamang ako, saktong bumukas ang elevator. Lahat ng nadadaanan na employee ay napapaiwas ng tingin. "Tingnan mo.. Bakit ba kasi ang sungit-sungit mo. Alam mo bang nakakabawas 'yan ng pogi points."

When I looked at him he gulp in what I said.

"It's hard?" I tested.

"I'm will to try everything for you!"

Napangiti ako, ng pumasok kami sa cafeteria. Ang dating maingay na paligid ay biglang tumahimik.

Pumunta ako sa pila na subrang haba, tahimik naman siyang sumunod sa'kin sa likod. Kinalabit ko ang nasa unahan ko para magtanong. Pero ng lingonin niya ako ay agad na nanlaki ang mata niya ng makita ang nasa likod ko.

"Boss!" bati nito mukhang kinakabahan pa at hindi alam ang gagawin.

Napalingon tuloy ang iba sa pila lahat sila ay nagulat din. Ito ang pinaka unang pagkakataon na sa cafeteria siya kakain.

Gumilid sila para bigyan ng daan para ito na ang mauna sa pila. Akmang aalis siya pero agad kong hinawakan ang damit niya. Nang lingonin niya ako ay pinandilatan ko siya ng mata.

Walang boss boss dito kanina pa sila sa pila tapos siya basta nalang siyang sisingit. Unfair malala, hindi niya dapat sinasanay ang sarili niya sa ganoong pamamaraan.

Tumikhim siya at tumingin sa employee na hinintay na mauna siya. Tumango naman siya at ngumiti sa'kin. "It's okay! I wait until it's my turn."

"Ayos lang po ba?" paninigurado noong sa harap kong lalaking empleyado.

Tumalikod na ako kay Cyden at hinarap siya. "Don't worry about, Mr. Salvador. Ayos lang naman 'yon sa kanya. He did the right thing, and be fair on his employees"

Ngumiti 'to sa'kin nagsasalita pa sana ulit  pero tumikhim si Cyden. Nang binalingan ko 'to agad 'tong tumalikod.

"Ano naman ginawa mo, boss?" bulong ko sa kanya habang nakatalikod.

"Wala naman akong ginawa sa kanya" inosenteng sagot niya parang bata sa likod ko pinaglalaruan ang buhok ko.

"Hindi ako pinanganak ngayon, boss, kilala kita!" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Wait why are you calling me, boss?"

Tiningala ko siya at kinutan ng noo. "Ano ba dapat ang itawag ko sayo, masayado kang demanding," asik ko.

He pouted. "It's supposed to be baby..."

Napairap ako. "I will stick addressing you boss or sir!"

"I told you call me, Cyden. Right?"

"Ayoko nga gusto kong itawag sayo boss. May angal ka ba?!" pagtataray ko.

"Wala po, ma'am!"

I chuckled. "Good boy akala ko meron na naman."

Bumili kami ng pagkain noong kami na ang nasa pila. Nang makahanap kami ng upuan kami lang ata ang nag-uusap dahil masyadong tahimik ang paligid. Wala sa kanilang nagsasalita, hindi kagaya ng dati na marami ditong nag-iingay at nag kwentohan. Bilis din nila kumain at matapos.

"Siguro bukas ay wag ka na na kumain sa cafeteria," biro ko ng pabalik na kami sa top floor.

"I don't really know what happened to them."

Tumawa na lamang ako. "Ang sungit mo kasi!" Masama niya akong tiningnan kaya agad akong tumakbo palayo.

Tawang-tawa ako ng hindi niya ako nahabol, kaya naman ng marating niya ang lamesa ko ay nakabusangot siya. Ang cute naman.

"Pasalamat ka mahal kita!" Aniya.

Namula ako sa sinabi niya, pasalamat talaga ako. I give him flying kiss before he locked the door on his office.

Siya ang nagahatid sa'kin pauwi dahil baka na naman mag tampo. Napaka matampuhin niya pa naman daig pa baby.

"Cyden!"

"Yes, baby?" he sweetly answer.

He looked at me and reach for my hand while his other hand was busy driving. Like driving me crazy.

"Ano ba tayo?"

He looked at me in confused face. "You are my baby, my wife, why?"

Tumagilid ako ng kaunti para maharap siya. "Hindi 'yon. What I mean is ano ang status natin."

"I'm your manliligaw, baby. Why do you agree and be my girl?" he asked excitedly.

Umiling ako at pinaglalaruan ang kanyang kamay. Nakangiti pa rin naman siya noong umiling ako, pero nabawasan ang saya noon. "Ayoko pa, napapagod ka na ba?"

"Ofcourse not! Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Ayos na sa'kin kung anong meron sa'tin. I'm not forcing you hindi kita minamadali na sagutin ako."

"Kahit umabot ng buwan? Taon? Or forever? " tanong ko pa.

"Forever well, I will be your boyfriend then, I propose and I be your fiance and last, I will be your husband. And spend the rest of my life with you." Napangiti ako, ang swerte ko sa lalaki na 'to. Kinilig na naman ako, pati mga paru paro sa sistema ko grabe na naman magwala kagaya ng puso ko.

"Wee? Cyden totoo ba? a may iba ka nang mahal?" biro ko napanood ko 'to sa tiktok kanina.

"What the?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Aminin mo! aminin mo!" dagdag ko pa at ginawang galit ang boses ko. Sa totoo lang gusto ko na humagalpak sa tawa.

"Damn baby, what happened to you, all of sudden?" Nanlalambing niyang tanong habang kunot ang noo.

Umirap ako sa kanya pagkatapos umayos ng upo. "Wala lang gusto ko lang na i-try sayo si Jonas."

Kumunot ang noo niya. "Jonas?"

Nahagalpak na lang ako sa tawa, selos ba siya kay Jonas. Mas lalong kumunot ang kilay niya halos mag dugtong na 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top