16
"Masarap ba?" tanong ni mama kay Cyden. Unang subo pa lang niya naka abang na agad si mama sa magiging reaksyon o comment niya sa luto ni mama.
"Yes! Mas masarap 'to kasya sa mga pagkain na binibili ko." Napaismid ako sa sinabi niya.
Dahil sa sinabi niya tuwang-tuwa si mama halos punuin na ang pinggan niya ng pagkain. Ako po yung anak, nagsimula na lang akong kumain.
"Ma! Tama na 'yan kaunti lang siya kung kumain. Para na siyang bibitayin d'yan sa nilagay mo sa pinggan niya," sayaw ko ng akma na namang lalagyan ng panibagong kanin at ulam yung pinggan ng tao.
Hindi naman nagrereklamo si Cyden kahit mukhang hindi na niya kaya.
Ngumiti ng tipid siya at napakamot ng ulo niya. Ang angas angas niya tapos nahihiya na tumangi kay mama. Tss.
"Mama ako na lang lagyan mo pagkain," singit ni Zevs at iniabot sa kanya ang pingan niya na wala nang ulam.
"Kuya Cy maganda ba sa Bicol?" tanong naman ni Zia sa tabi niya.
Tahimik na napalunok ako, kakaiba ang experience ko sa unang beses ko na pagpunta roon.
"Yes!"
"Pero alam mo noong tumawag ka kay Ate high blood sya. Halatang halata sya na crush ka---" Nanlaki ang mata ko at napatigil sa pagkain.
"Zia!!" sigaw ko. Napahagikhik lamang siya. Nahihiya ako tumingin kay Cyden, namumula ang pisngi ko dahil sa hiya kumalabog ang puso ko ng magkasalubong ang tingin namin dalawa. Lalo pang nagpadagdag ng kabog sa puso ko ang pigil na ngiti niya .
"H'wag kang mag isip ng kung ano-ano. Papaniwala ka dyan sa bata na 'yan," paalala ko sa kanya.
His look really amused. "Totoo naman!" pag gatong ni mama.
Mas lalo akong namula, pamilya ko ba 'to? Bakit nila ako nilalaglag. Ang paghanga na nararamdaman ko ay normal lang naman sa edad ko. Pero hindi ko naman kailangan na aminin o malaman pa niya.
When I looked at him, naka ngisi siya sa'kin. Tuwang-tuwa sa panglalaglag ng pamilya ko sa'kin.
"Mama nakikisabay ka pa sa kalokohan ni Zia. Nagpapaniwala kayo sa mga instinct nyo," nakabusangot kong sabi.
"Crush mo pala ako," tuwang-tuwa na sabi niya. Para siyang baliw kung makangiti.
"Hindi kita crush... asa ka naman."
"Really?" mapanuyang tanong pa niya.
"Kumain ka na lang nga tapos lumayas ka na sa bahay namin." Masama ko siyang tiningnan pero sinamaan din ako ng tingin ni mama.
Inasar nila ako hanggang sa matapos kaming kumain. Masyadong feel at home si Cyden. Kinakausap pa nila ang pamilya ko na parang matagal na niyang kilala. Tuwang-tuwa tuloy sila sa kanya, ngayong araw ko lang siya nakita sa ganito ka sigla.
Hindi yung boss ko na seryoso at walang emosyon. Gabi na ng umalis siya dito sa bahay namin. Kung hindi pa nag text sa kanya si Cadius na may importante sila na gagawin hindi pa siya aalis.
Demonboss:
I have fun talking with your family, Alzhea. Thank you and good night! 😘
Wala sa sarili akong napangiti ng mabasa ko ang mensahe niya para sa'kin. Nagtipa rin ako ng simpleng reply para sa kanya bago natulog.
Me:
Good night, boss!
Kinabukasan maaga ako sa trabaho inaasahan kung nauna siya pero mas nauna ako sa kanya.
"Good morning, Sir!" Tumayo ako at bumati sa kanya ng dumating siya.
Sinulyapan niya ako binigyan ng ngiti na ikinagulat ko. Ngitian niya ba talaga ako? Totoo ba 'to? Umiling lang siya ng may ngiti sa labi bago naglakad na ulit habang inaayos ang necktie niya. Naiwan akong hindi makapaniwala sa ngyari.
Nang makabawi ako ay mahina kung tinampal ang sarili ko bago kinuha ang folder at iPad bago naglakad papasok sa office niya. Naabutan ko siyang inaayos pa rin ang necktie niya habang nakaupo.
"Ahm... Ako na ang mag-aayos?" I offered hesitantly.
Sinunod niya ang tingin sa'king hanggang nasa harap na ako niya. Tinangal ko ang pagkakatali noon bago inayos. Bakit ba his having a hard time na ayusin ang necktie niya.
Ng matapos ko na 'yon na ayusin at tumingin ako ako sa kanya. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Nakatingala siya sa'kin gamit ang mapupuniyang mga mata.
Agad akong nag-iwas ng tingin at lumayo sa kanya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Tumikhim a lî an ako bago nagsisimulang mag salita. Babasahin ko lang naman ang schedule niya. Ng matapos ko 'yon ay tumingin ulit ako sa kanya.
"What's wrong with you, Boss? kumain ka ba?" hindi ko mapigilang tanong.
Ewan ko pero napapansin ko na may kakaiba sa kanya ngayon. He looked softie and good mood today.
He shrugged his head. "What? Are kidding you me, Alzhea?"
Napalabi lamang ako. "Kasi naman ang wierdo mo, nakakakilabot ka," I said while hugging my self.
"Tss.."
"I go ahead, just call me if you need anything." I pouted and walk towards the door.
Tanghali na pero wala man lang ako na masyadong ginagawa. Minsan lang kapag may pipirmahan siya. Pagkatapos noon wala na... Mag overthink na sana akong ayaw niya akong mapagod. Hanggang sa dumating ang lunch nagpaalam ako dahil mag meet kaming tatlo ni Pau at Fern.
Lunch date namin since matagal din akong nawala. Dahil pumunta nga kami sa Bicol tapos hindi hindi ako nakapagpaalam kasi biglaan.
Nang makarating ako sa restaurant kung saan kami mag meet ay nandoon na silang dalawa. Maaga pa naman kaya hindi ako late. Nang matanaw nila ako ay kinawayan namin ang isa't isa. Dali-dali akong naglakad palapit sa kanila at agad na binigyan ng yakap.
"I miss you mga bruha!" bati ko at mahigpit silang dalawa na niyakap.
"Gosh, I miss you girl!" Pau replied.
"Miss you, beb!" si Fern.
Umupo ako sa harap nila na upuan at pareho sila na binigayan ng ngiti. "Miss ko talaga kayo almost two weeks ako sa Bicol."
"Magtatampo talaga dapat ako dahil hindi ka nagpaalam sa'min. Pero maayos at maganda ka pa rin kaya pinapatawad na kita. Alam mo naman na pangit ka," Pau even rolled her eyes.
Mahina akong natawa. "Ano ba talaga, argee na ako sa sinabi mong maganda. H'wag mo nang bawiin ulit."
Nagtawanan kaming tatlo. "Thanks god, Alzhea. Maayos ka nga, mahangin ka pa rin." I flip my hair.
"Ofcourse naman!" nakangising sagot ko.
"Pero si Papa Cadius talaga bhee pack na pack," pag kwento ni Pau.
Nang nilingon ko si Fern namumula ang mukha niya. "Bat anong meron?" I curiously asked.
"Wala naman!" agad na angal nito.
"Kasi naman girl bagay talaga 'tong dalawa sa isa't isa. Nag date nga 'yang dalawa noong isang araw."
Mas lalong namula ang pisngi ni Fern.
"Sana all!" kantyaw ko rin.
"Pano naman kasi 'yong single!" reklamo ni Pauleen.
"Pano nga ba!" tanong ko rin at bumuntong-hininga.
Si Fern may love life na kasama ang boss niya ng pogi. Kami ni Pau wala, ganda lang talaga ang ambag naming dalawa.
"Let's take a picture!" We ready our pose in front the camera. Pareho kaming nakangiti na tatlo sa picture.
I treat them as my siblings, kahit hindi iisa ang nagluwal sa'min. Matagal na panahon kaming magkasama. Kahit sa mga landas ang pangarap. Buo ang tiwala ko.
Nang matapos ang lunch bumalik ako ulit sa company dahil may meeting si Sir. Sakto pagdating ko palabas na rin siya sa opisina. Sumunod na ako sa kanya pa punta sa meeting room.
Nandon na sila kaya pagdating namin nagsimula na ang meeting. Ang aga din nila takot na ata na ma sermonan.
"Mr. Tan!" tawag ko sa pangalan ng isa sa mga ka meeting niya. "Yes, Miss?" sagot nito.
"I can help you with that, sir" I offered.
Tinulungan ko siya sa PowerPoint presentation niya dahil mukhang may problema siya. Maiinitin pa naman ang ulo ni Cyden.
"Thank you, Miss Estrosas!" he thanked.
Isang madilim na awra ang humarang sa'kin habang kausap ko siya. Tiningnan nito si Mr. Tan ng matalim.
"Are you done?" Madilim na mukhang tanong ni Cyden. Mukhang inis nga siya sinasabi ko na nga ba.
"Ha?" gulat na sagot naman nito.
"Are you done? And by the way find your own secretary. She's my secretary and she's only mine." Pinukol ulit nito ng matatalim na tingin ang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top