Chapter 9
"I already washed the dishes. Baka naman tumayo ka na dyan. Sakto nagluto na rin ako ng sunny side up" unang bungad ngayong umaga ay ang matalak na boses ni Anna. Agad na akong nagising and I realized the smell of breakfast in table.
"Hope you won't waste anything. Kumain ka hangga't gusto mo. Mamaya ay tutungo tayo sa Sariaya" paalala niya. I almost forget that.
Mamayang hapon pa kami aalis rito sa Manila at at siguro ay gabi or madaling araw pa kami makakarating sa Sariaya city.
Ang Sariaya city ay doon ako nakatira. Ang aking ama ay isang mayor doon at binubuo ito ng anim na mayayamang pamilya, ang dalawa ay outside Quezon pa galing gaya ng mga Allura na nasa Manila at Hanabusa na nasa Japan.
The rest, nandito na sa Pilipinas ngunit may lahing European ang iba like the Ackerman clan.
Kaming Sariaya ang may control sa buong Sariaya city. And ngayong halalan, I want to hear his critic about the music I've made directly.
I'm hoping na sana manalo ulit ang party nina papa at kay vice mayor Alvarez. These two are great people when it comes to governing the city.
Their friendship was strengthen but to strengthen it more, arranged marriage ang solusyon.
I only know Luisito dahil kay Maria Letizia at sa mga kambal na Benitez. But I don't know about him fully.
I'm excited to see my friends after months na hindi pagkikita-kita.
Kumain na ako at nagpainit siya ng kape. "I suspect a person na nasa likod ng pagkamatay ng lolo mo" panimula niya that stops me from eating.
"Who is it?" tanong ko. She proceeds to tell me kung sino at bakit.
My eyes widen of who are they. I didn't expect the reason why.
I chose to stop my eating bago pa mag-kick in ito.
Why in this world did it ever happen?
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
Tanghaling tapat, nag-impake na si Anna ng gamit, nagluto na rin ako ng makakakain sa daan. Matagal nang pinaayos ang kotse ayon sa kanya and inayos na rin ang vital parts nito.
Tatlo o apat na araw lang naman kami doon, at babalik ulit kami rito sa Manila dahil sa trabaho.
Nagpaalam na rin ako at pumayag sila. They told me na ikumusta ko sila kay lolo. I smiled and said na hindi ko makakalimutan ang ikumusta sila sa kanya.
Inayos ko ang room upang hindi magmukhang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo bago tuluyang umalis.
Anna washed the dishes at mga utensils na ginamit at nilagay niya ito sa tamang lagayan.
Bumaba na kami papunta sa underground parking at inilagay na namin sa tamang lagayan ang mga dadalhin.
"You brought plates? Glasses? And spoon and fork?" tanong ko. "malamang, alangan kakain tayo ng naka-kamay. Hindi mo nga alam ano-anong mga bacteria napasok sa kamay mo kakahawak ng manibela at ibang parts" maldita niyang sagot at umirap pa habang inilalagay ang maleta sa tailgate.
"At isa pa, hindi ka sanay kumain nang naka-kamay. Hindi ka namang pinalaking ganon" saad pa niya ulit.
Napag-alaman kong anim na oras ang byahe mula sa Manila hanggang sa Sariaya kaya hangga't bago pa kami abutan ng traffic, umalis na agad kami.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
Nakarating na kami sa Santa Rosa, Laguna. Napag-desisyonan ni Anna na mag-stop muna sa SM at kumain.
She also wants to buy stuff there.
"Ba't hindi ka pa bumili nung nasa Manila pa tayo?" asik ko. "ayoko ng mamahalin. I want cheaper price"
"Wala namang pinagbago sa presyo niyan doon sa Manila—"
"Just shut up" sabi niya at kumuha ng bilihin niya at binayaran ito sa counter.
"Oh tamo, eh parehas lang naman presyo niyan doon sa Manila, may pa-cheaper cheaper ka pang nalalaman" asik ko ulit at hinawakan ang dala-dala niya.
"And also, I brought things para kay tito't tita, I hope they like this" she pertained to the expensive teacups she bought mula sa department store. "sana nga" tugon ko.
Umalis na kami sa mall, at sa parking lot na kami kumain. Sandali lamang kami dahil kailangan makarating na kami agad sa Sariaya.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
"Lintek na traffic 'to" asik niya habang malapit na kami sa Santo Tomas, Batangas. Ilang minuto palang ang traffic ngunit nagr-reklamo na ito.
"Naghihintay na sa atin si sir Sariaya, kailangan alas-ciete nandoon na tayo—"
"Alas-ciete pala eh, kung maka-asik ka dyan, grabe naman, alas-cuatro y media palang" asik ko rin pabalik.
Alam kong hindi niya forte ang Filipino time pero minsan sumobra na siya.
"Ngek" nag-pout nalang ito. Nang lumuwag na ang traffic, ay umandar na ang sasakyan.
Rinig na rinig sa radio ang tugtog na Paparazzi ni Lady Gaga at damang-dama ng katabi ko ang kanta.
Pwede nang magpa-concert ang gaga rito.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
Dahil sa bilis namin, nakarating agad kami sa Sariaya. Pinark na niya ang kotse sa garage namin.
Walang pinagbago sa itsura ng bahay, ganon pa rin. Abala ang mga yaya sa paglilinis that they aren't aware na nandito na kami ni Anna.
"Ay" nag-pout na naman siya. "doon na tayo sa office" utos ko. Sumama na ito sa akin at kumatok ako sa pinto ng opisina.
"Pa?"
"Papa?"
Bumukas ang pinto. Tumambad rito ang kanyang secretary na si Raul. Nagsabi ito na wala pa si papa at nasa bahay pamahalaan pa rin ito.
"Musta na kayo, Anna, Rose? Matagal na rin tayong hindi nagkita" ngiti niya habang umiinom ito ng tsaa na hinanda ng yaya.
"Ayos lang po kami tito Raul" sagot ko at kumain na ng biscuit na nasa bowl. Although hindi kami relatives ni tito Raul, I really prefer calling him tito.
Isa rin siya sa mga kaibigan ni papa. He decided to work under to both of his friends.
"Ikaw Anna? Kanina ka pa tulala dyan" tawa pa nito kay Anna na tulala lang sa akin.
"Ah. I'm alright. I finally found a little clues about that killer"
"I see" he sighed. "but why would they do this? Hindi ako curious tungkol sa nakapatay sa lolo ni Rose dahil natatakot ako na baka tama ang aking kutob. But why?"
"Motives are still unclear, sir. But we will have to wait as soon as possible" aniya.
Tumango si tito Raul. He sipped tea again and grunted.
"Yeah. I trust you. I hope we can give justice to tito's death." sabi niya. Lumapit ito and ruffled our hairs. Parang anak ang turing niya sa amin.
"Mr. Saragosa, mr. Sariaya is already here" paalala ng yaya namin na fluent pa aa English.
"Ah yes, dyan na kayo ah. Bigay n'yo na sa papa mo ang USB ng kanta. Kita ulit tayo mga anak" and got out of the room.
Kasabay ng paglabas niya ay ang pagpasok ni papa. He gave me a cold stare as he sat down.
"Now, where's the USB I requested?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top