Chapter 19

"I love you Joshua, romantically"

Tila ba tumigil ang oras habang nakikipagtitigan sa kanya. Ni hindi ko alam ano ang sasabihin ko after nitong nakakahiyang pangyayari na ginawa ko sa kanya.

Napatungo nalang si Joshua at nahahalata ang ngiti sa kanyang labi.

"Ah— masama ba 'yung ginawa ko? P-pasensya na, I should have never listened to my feelings" dispensa ko at agad na ipinikit ang aking mata upang itulog nalang ito.

"Actually, Aria—"

"Call me Thraia" I said.

"Actually, Thraia... I love you too, for so long"

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

One week later...

Na-discharge na ako sa ospital. Pinauwi ako ni Anna sa Sariaya upang mag-unwind.

As I remember what Joshua said a week ago, his voice was so mellifluous, and pleasing to my brain.

But time flies and still, para bang mabagal ang daloy ng panahon sa tuwing iniisip ko siya.
Sa sobrang tagal, nang makarating na kami rito ay bigla nalang ako tinapik ni Anna.

"Nagtime travel ba ako—" sinampal ako ng kaibigan at bigla akong nagising sa katotohanan. Nasa bahay na pala kami.

"Kanina pa tayo rito, hinihintay kitang bumangon" singhal niya sabay bukas ng tailgate upang kunin ang mga damit.

"Sensya na" I pardoned at lumabas na sa kotse. Sa wakas, makakabalik na rin sa bahay.

Ngunit maituturing ko ba itong bahay kung ang mga nakatira ay hindi maayos ang pakikitungo?

Nang bitbitin na ng ilang mga yaya ang mga gamit, we went inside. Only to see Luisito and Chazlene in front of me.

Niyakap ako ni Chazlene and I was shocked. She was acting all the time, alam ko ito.
I did my part and hugged her as an act. I whispered something to her that makes her stunned.

"Where's my parents?" I asked Luisito. He glee at akmang hahalikan ako sa mga labi ko but I pushed him before he did it.

"Nasa office sila, may inaasikaso" tugon ng lalaki. He pouted which I find it irritating.

Nagpasalamat ako at umakyat patungo sa opisina, sa pintuan pa lamang ay naririnig ko na ang pagtatalo ng mayor at vice mayor.

"Ano ba kasi ang nangyayari, Francisco Alvarez? Halos walang progreso ang paparating na kasal, the two can't even get along!" sabay balibag ni papa ng mesa. I could hear the bang kahit wala nang paghampas doon.

"Sariaya, the problem here is your daughter, she can't get along with my son. How could they end up together if that brat of yours can't give up her career and be with Luisito?" mahinahong tanong ni Francisco, ang bise mayor ng Sariaya.

Francisco Alvarez, hindi madaling mahalata na magagalitin siya o minsan ay may masamang budhi dahil sa kabaitan niya. But what people say, hindi mo pa gaano kilala ang tao kaya huwag nating isipin na mabait talaga 'yon.
For me, isa sa mga dapat katakutan ang ama nina Luisito. Because of his knowledge, kaya niyang patalsikin sa pwesto si papa kailan man niya gustuhin.

"Rose" I almost screamed when I heard Luisito's voice behind me. "what the hell Luisito?! Kapag ako narinig nina—"

"Then what? Ano ba'ng pakealam nila kung marinig nila sigaw mo? At least..." he caressed my waist lovingly and chuckled in a low tone. "they will know that we were making out here. Ayaw mo n'on? Para mapabilis na ang kasal?"
Agad akong inalis ang kanyang kamay. "what the hell? Seryoso ka ba?! You're such a creep—"

"Creep? So you consider me as a creep? I just touched your waist—"

"Kahit na! I did not consent for this! Kadiri ka!" bulyaw ko sabay takbo papaalis ng pintuan ng opisina at agad nagtungo sa kwarto. I peep at the peephole. Hinahabol pa rin ako ng lalaki.

Thanks to Hinata's suggestion at smart lock ngayon ang pintuan ko. Ako lang ang nakakaalam ng password ko at ang nanny ko kaya't malabo na makakapasok rito si Luisito.

Oh no! He's going to my office's door! napatutop ako sa aking bibig nang binuksan nga niya ang pintuan sa opisina!

"You won't get away with this" bulong ko when he attempted to open the door inside the office that leads to my bedroom.

Phew! Mabuti na lamang at maaga kong naagapan ito or I'll be nuts.

Sumilip ako sa peephole ng kabilang pintuan na siyang patungo sa opisina ko...

Nagkatitigan kami sa peephole!

What the hell, Luisito?!

Kita ko kung paano siya ngumiti nang makita niya ako sa kwarto ko. He moved away from the peephole at nakita kong lumabas na siya ng opisina ko.

Ang creepy niya!

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

"That's all. Nakakatakot talaga siya kahit kailan Hinata, if only you were here, I'll be comfortable" aniya ko sa kabilang linya. I sighed while hearing what she's saying.

"Nakakatakot naman talaga si Luisito, lalo na ang pamilya niya. Kayang kaya nilang pabagsakin ang Sariaya family kung kailan man nila gustuhin"

"I know about it. Alam ko na kaya nila minamadali ang kasal ay para gawin nila ang plano" sagot ko sa sinabi niya. Nagbabasa ako habang umiinom ng camomile tea. It's so tiring.

"Kumusta ka naman dyan Rose?" she asked. "I'm not feeling well. Parang isusuka ko nalang ang lahat"

Totoo naman na gusto kong isuka ang lahat. If only Joshua is beside me...

Maybe I could have a rest even for twenty minutes.

"Eh? Magpahinga ka dyan Rose, pagod ka na nga dyan sa career mo papagurin mo pa lalo sarili mo sa politics"

"Malapit na rin ang election eh, kailangan aktibo kaming lahat" tugon ko. "but I'll try my best to take a rest, thank you" paalam ko sa haponesa at ibinaba na ang tawag.

Napatingin ako sa pintuan ng opisina namin. Habang inuubos ko ang natitirang chamomile tea na nasa coaster, inaalala ko ang mga memorya ko doon sa Manila.

Malapit na...

I can kiss everything goodbye...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top