Chapter 16

Nasa department store kami ngayon at may nakita akong mga laruan. From bears to Lego, from dolls to bricks... My inner child is desiring these toys.

Kumuha ako ng Lego castle. Kailangan itong i-assemble upang magawa ang desirable style nito. Kumuha na rin ako ng dolls at binayaran na ang lahat ng ito.

"Why toys, Aria? I'm curious" kyuryosidad na tanong ni Joshua na siyang bitbit ang mga binili kong laruan para sa akin.

"My inner child" sagot ko. Tumango ito in understanding and he sighed. "that's sad for a woman like you, for you to not experience childhood"

"Kaya nga eh" anas ko sabay umalis na sa toy section. Nagtungo naman kami sa clothing section at napag-desisyonan na bilhan ang lalaki ng damit na susuotin.

"Grabe naman na po yata Aria, hindi n'yo na po kailangan akong bilhan pa po" I suddenly felt irritated sa sobrang galang niya.

"There's no need to be polite or respectful towards me. Not because we have a big gap between our social status means that we don't have to love each—" sandali Rose! Ano ba itong pinagsasabi mo?!?!

Napa-ha ang lalaki sa akin at natawa na lamang.

"Are you thinking about..."

"Luisito? My fiancé? Of course, not!" untag ko. Nakapili ako ng suit para sa kanya.

Pinasukat ko ito sa kanya and it fits. Binayaran na namin ito at umalis na sa department store.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

"O'siya, bye!" paalam ko sa kanya. I opened the car door at pinaandar na ang kotse. Suddenly, a phone call was seen on my phone.

Luisito Alvarez...

"What?!" naiinis kong panimula. Unang bungad ba naman kasi. "at ayokong marinig ang ungol ng mga babae mo—"

"Why? Are you jealous?" he asked while laughing with other men. Nakikipaginuman naman siya ngayon.

Kaya hindi ko rin maintindihan ang mga magulang ko bakit dito pa sa hayop na ito ako ikakasal.

"I'm not!" asik ko. Naririnig ko pa ang mga boses ng lalaki na puro 'tagay pa bro!' 'isang shot pa!'

My heart shattered when I heard Clarkson Vincent's voice in the background.

His raspy voice habang inaalok pa si Luisito na uminom pa lalo...

It hurts, lalo na kapag ang rason ng kanyang alcoholism is dahil ayon lang ang tanging paraan upang makausap ang namayapa niyang kapatid.

"Sunduin mo naman ako Rose" natatawang utos ng lalaking nasa kabilang linya. Nahahalata na rin ang kalasingan sa boses nito.

What the fuck ba itong si Luisito? Nasa Manila ako tapos he's going to expect na susunduin ko siya mula rito papuntang Sariaya?

"Are you fucking serious?" rebat ko. The smell of the car is refreshing pero napalitan naman ito ng init ng ulo sa lalaki.

Natatawa nalang si Luisito pati na rin ang mga lalaking kasamahan niya. I turned off the call at huminga ng malalim bago tuluyang paandarin ang sasakyan at umalis sa pinaroroonan.

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

Nakarating na ako sa bahay at nakita ang malinis kong opisina. It is a two bedroom condo na kinuha ko at ginawang opisina ang bakanteng kwarto.

Si Anna ay natutulog either sa couch o tatabi sa akin sa kwarto ko. Twin bed naman ang kama kung kaya't ayos lang kung matutulog ito sa tabi ko.

In fact, gusto ko pa nga iyon, I miss those days na katabi ko siya matulog, especially nung mga bata pa kami.

"Oh, hey there, Rose" pagbati niya sa akin sabay beso. "There's minced chicken and gyūdon sa mesa, kumain ka na" she said, from a strict person na dinaig pa ang manager ko to soft, little pookie ang beshy ko ah.

Napatitig ako sa kanya at natawa. "dahil ba ito kay Joshua? Maybe it's time to tell you na wala akong gusto sa kanya" tawa niya at pinisil ang mga pisngi ko.

"Stop it" I hissed. I smiled after nang tumigil na siya. "and thanks for the meal" I said softly, and kissed her in her forehead.

Childhood moments, ito ang paborito kong gawin sa kanya noong bata pa kami.

I saw Anna's blushing face at natawa ako. Akala niya ata ang pinakamamahal niyang sikreto tungkol sa akin ay hindi ko alam.

But I know it already ever since I was ten.
"Ayos ka lang?" I asked, pretending to be oblivious  to her feelings. Tumango siya and asked her kung kumain na ba siya.

Um-oo siya. Halata naman at kakahugas nga lang niya ng pinagkainan niya eh.

Bakit nga ba hindi ko 'yon nakita?

Binaling ko ang tingin ko kay Anna na abala pa rin sa paglilinis.

I'm still torn if I want to reciprocate her feelings or to tell her that I like someone else without hurting her.

Ano nga ba ang dapat gawin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top