Chapter 13
I stare at Luisito helding Maria's hand. They seemed to be a happy couple but I didn't mind kung anong gustong gawin ng lalaki.
And besides, invited naman mga politicians dito sa Sariaya. So no wonder ba't nandito siya.
"Rose" Luisito's nonchalant voice echoed behind me. Napakunot ang kilay ko at paano siya nakarating dito na hindi ko man lang namamalayan?!
"What?!" singhal ko. Iinumin ko sana ang alak na binigay ulit sa akin ngunit inagaw niya 'yon at tinungga.
"Indirect kiss" he smirked smugly, naknang tarantado. "baso mo ito, hindi ba?"
"Baso ko? Baka baso nina Maria" irap ko sa kanya. His aura still creeps me out.
"I'm not asking kung baso ito nila Maria o hindi. I'm asking kung ito ang baso na pinag-inuman mo ng alak" he barked back to me and pinaikot-ikot niya ang kopita.
"At kung sabihin kong oo? Papalag ka ba?" banat ko sa kanya. Lumayo nalang ako but I realized na hindi ko pala dala ang glass wine ko.
"Akin na nga 'yan!" singhal ko. He raised his hand upang hindi ko maabot ang kopita. I'm trying my best to reach it pero hindi ko talaga maabot.
He reached my nape and kissed me afterwards! Nakuha ko na rin ang kopita ng alak at tinulak siya, pasalamat hindi siya umabot sa dingding.
I abruptly wipe my lips kahit may lipstick pa ito at umalis upang magtungo sa wine counter.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
Nakauwi ako sa bahay at dali-daling naligo. Grabe rin ang pag-toothbrush ko lalo na ang lip routine ko. I'm trying my best to remove that man's sickness on my lips!
Nagulat ako kasi kanina pa nakatitig sa akin si Anna habang hawak hawak ang mga papeles. Nahulog pa nga ito ngunit nagawa niyang kunin ang mga papel at inilagay sa tamang lagayan.
"It's better if you're going to take a rest. Bukas, we will return to Manila" sabi niya. Tumango ako at inayos ang sarili upang matulog.
"Kahit ilang beses ka pa maligo o mag-toothbrush, amoy alak ka pa rin"
"Oo na, masama bang maligo?" singhal ko sabay pasok sa pinto papunta sa kwarto ko. Wala na akong narinig na sinabi siya afterwards.
I closed my eyes ngunit naaalala ko pa rin ang ginawa sa akin ng lalaking 'yon!
Huwag mo na siyang isipin Rose. Bukas babalik ka na sa Manila, you need some rest.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
"Where's Rose?"
"I need to look for her"
"The last thing I saw, nasa bahay siya nina Maria. Ewan ko saan na nagpunta 'yon"
"She's in her room, madam" narinig kong boses ni Anna. I open my eyes at unang bungad ang tiyahin kong si Anita.
"Oh. Good morning tita Anita" pagbati ko despite of my hangover dahil sa tindi ng alak na nainom ko kagabi. "mag-ayos ka Rose, aalis muna tayo bago ka magtungo sa Maynila"
Inayos niya ang kwarto ko at nag-utos ng yaya upang ayusin ang paliguan ko. She told me to get up at maligo.
May mood na naman ito sa shopping at pinipilit na naman ako nito. "walang saysay kung ganyan ka palagi hija"
I sigh. Sermon na naman ni tita.
"Bilisan mo, bibilhan kita ng gamit mo pabalik doon"
"Mayroon na po akong kakailanganin pabalik po roon"
"Mayroon ka pa ba? Just tell me kung wala nang bilhin na natin sa mall 'yon"
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
Nasa mall na kami at bigla niya akong hinila papunta sa department store. Nagpunta kami sa clothing store at saka nagpresenta ng dalawang dress.
"Diba may concert ka soon? Why not try these two outfits, para magkaroon ka naman ng kulay" she said at sinukat sa akin nang naka-hanger ang blue na dress.
"Oh! Ang ganda sa kulay ng balat mo! Isukat mo na siya sa fitting room" agad akong sumunod sa sinabi ni tita at nagtungo nga ako sa fitting room.
Dark blue ang napiling dress ni tita at tama nga na bagay sa akin ang damit. Mukha akong bida sa isang palabas na ganito ang itsura nang mag-glow up para ipamukha sa kabet na may palag rin ako.
O minsan, actress naman sa isang teatro.
"Bagay nga" bulong ko sa aking sarili. I took a snap at nagpalit naman ako. A pink one.
Although parehas silang bagay, mas preferably ko ang dark blue dahil mas pumuti ako lalo doon.
Umalis ako sa fitting room at binalik ang pink dress. Binayaran na ni tita ang blue dress ko at sumunod naman kami sa bag section. Siya naman bumili ng sarili niyang bag at ako naman ay sapatos.
Bumili rin kami ng kakailanganin, lalo na sa pagbyahe katulad na lamang ng pagkain, at ilang dekorasyon para sa condo ko.
"I hope that Anna is with you doon sa bahay. Oh ito" sabay bigay sa akin ng pabangong Victoria's Secret. "ibigay mo 'yan sa kanya, sabihin mo galing kay tita Anita"
Tumango ako. Umalis na kami sa mall at saka nakita ko si Anna na inaayos ang gamit namin.
"Agad agad? Kala ko ba mamayang hapon—"
"Hindi ba pwedeng nag-aayos lang nang wala na tayong aalalahanin mamaya" I saw the arrangement of the plates and utensils na ginamit namin patungo rito. At nang mga iba naming gamit like the glass tupperwares and mga plastic na baso.
I chuckled. Pinayagan ko na siyang maglinis. Ibigay ko nalang siguro sa kanya ang pabango mamaya.
•❅───✧❅✦❅✧───❅•
"Is everything ready?" tanong ko sa babae at sinara na niya ang tailgate ng sasakyan. Nag thumbs up ito. Pumasok na siya at pinaandar na niya ang sasakyan.
Nagpatugtog siya ng kanta na galing sa akin at na-cringe ako sa narinig ko. "what the heck?!"
"Ayaw mo non? At least someone from your close friends appreciated your song?" she chuckled at nilakasan pa lalo ang radio.
"Mababangga tayo niyan sa lakas!" asik ko. Tumawa pa ito lalo. Juskomiyo.
Nawa'y makasurvive ako sa katarantaduhan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top