Chapter 10
A week later...
"Handa na ba ang lahat? Ikaw Maria baka maya nakatunganga ka lang doon" panimula ni tita Sally habang inaayos niya ang mukha ko.
"Jusmiyo kang bata ka ang putla putla mo, may apog ka pang sumama kina Tracy!" asik niya at nilagyan ng kaunting blush ang mga pisngi ko.
"Ma? Tapos na ba si Maria?" malakas na tanong ni ate Tracy isama mo pa ang malakas niyang katok sa pintuan ko.
"Maghintay ka nga Tracy!"
"Ikaw Maria ah, ayos ayusin mo ugali mo doon" pinandilatan niya ako ng mata. I almost had my tears but I have no choice kundi tumango na lamang.
She's so harsh!
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
"Patingin ng mukha mo" hinatak niya ang mukha ko and she studied it.
"Medyo makapal mag make up si mama, buti nalang may make up remover ako" aniya at kinuha niya ang bag niya at may pakete siya ng make up remover.
I thought it's a candy for a second.
She tap the remover on my face at nilagyan niya ito ng kaunting make up upang ayusin ng kaunti mukha ko.
"Oh ayan" she said at niligpit niya ang gamit niya.
Muling tumahimik ang sasakyan.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
Medyo malayo pa ang pupuntahan namin. Nasa Manila na kami, maluwag ang daanan dahil alas seis.
Marami kaming stop over na ika nga ni ate, mga toll areas.
Ngayon ay nasa NLEX na kami. Sabi nila ay sa Pampanga ang meet up naming lahat dahil doon gaganapin ang charity.
Ito ang first time nilang mag handle ng ganitong charity.
Ang huli nilang hindi pagsama sa charity ay 'yung unang pakikipagsapalaran ko sa ibang tao.
Nakikinig lang ng music sa cellphone niya si ate Tracy habang si kuya Sandro ay abala sa pakikipag-usap sa girlfriend niya.
Von Benitez: saang banda na kayo?
Nakita ko ito sa notification center ng phone ko. I played some games to remove my boredom.
Nasa NLEX kami sabi ni kuya.
I played another round pero natalo ako!
Ugh!
Von Benitez: okay. Ingat kayo dyan <3
I exit the game and switch to another one.
I enjoyed designing houses, which is interior design game. The graphics are so cute and I can also connect and compete with other gamers.
This game needs WiFi pero dahil may pocket WiFi na dala si kuya, naka connect kaming dalawa ni ate sa kanya.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
Ilang oras na byahe ang nakalipas at nagulat nalang ako nang gisingin ako ng bodyguard. "lady Letizia gising na po kayo" I woke up to see the sunny weather on the city of...
Saang city nga ito?
I asked the guard and he said na nasa Pampanga na kami.
Oh yeah, the sunny weather on the city of Pamapanga.
Binuksan niya ang payong at inalalayan ako papunta sa basketball court. Doon ay nakita ko ang mga kasamahan namin at ang mga staff na inaayos ang mga column ng mga kukunin.
"Wieeee!" takbo ni Hinata at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.
She squealed, halos hilain siya pabalik ni ate Tracy ngunit pinipigilan siya ni Von.
"Hayaan mo na, it's Hinata's first time to be this happy" pigil ng lalaki sa pinsan.
She sighed at umupo nalang habang kumakain ng chips.
"Ate, I'll help the staffs ah?" paalam ko sa kanya. Tumango ito. She also asked the other youth and only one wants to help me.
Ellen Grace Allura.
"Ako na" aniya.
Kinuha niya ako mula sa pagkakaakbay ni Hinata. "oh baka gusto mo sumama Hina?" taas kilay niyang tanong sa hapon.
"Sige na nga"
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
"Ngayon ko lang nakita ang batang ito" aniya ng isang staff sabay turo niya sa akin. "saang family ka? You have a resemblance to sir Riguel"
"Edi alam mo na kung saan siya, ano iniisip mo? Ampon si Maria—"
"Tahimik na, sorry for Ellen's recklessness" Hinata bowed to the staff as a sign of sorry.
Tumulong na kaming tatlo sa pagsosort ng mga bagay, mayang alas-dos ang simula ng mini auction na punong puno ng boxes sa likod na extra stuff like extra dolls, extra books.
Maraming ia-auction rito for cheap and affordable price.
Hanggang alas-cinco kami rito, damn I'm already bored.
"Ang cute nitong bear na ito, sayang ipapa auction na ni Thraia" malungkot na papuri ni Ellen sa teddy bear na may keychain na nagngangalang "Timmy"
"Who's Timmy?" tanong ko habang pinagmamasdan ang stuff toy.
"Pangalan ng bear" she answered, at inilagay ang bear sa box na nakapatong sa upuan.
"Kaso bawal talaga siya humawak ng bear or any toys" kwento ni Ellen habang tinutulungan ang mga staff.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at inilapag ang isa pang box na naglalaman ng feeding bottles set na ambag ni ate Tracy. Binili naman niya ito sa mall.
Sinayang niya laman ng credit card para dito.
"Black card. Ciara Tracy Ackerman ate and left no crumbs" aniya ng pinsan ko na tatlong taon ang tanda sa akin, si Schalene.
"Hoy ano Von?" asik ng kakambal niya na si Vincent.
"Tanga ka ba?"
"Bro let me explain—"
"Confess when it's time na, jusko unahin muna natin ito" asik ni Vincent at hinila si Von papunta sa amin.
Well, confess his feelings? I doubt that it was me.
If it wasn't me, I'm ready to let myself go from him.
After all, healing and meditation is best especially for an innocent person like me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top